Share

The Alpha's Secret
The Alpha's Secret
Author: Stringlily

SIMULA

SIMULA:

Written by: Stringlily

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

I just want to remind you guys that I am not perfect but I'm matured enough to accept constructive critism. If you encounter some typographical error and grammatical error kindly message me in a nice way, thank you!

If you're a perfectionist then this place is not for you. Because this story has so many flaws.

Please bear with my grammar. Tagalog and english are not my first language. But I'm  trying my best to express it properly.

Votes and comments are deeply appreciated!

Enjoy reading!

**********

Simula

Malakas na ihip ng hangin at huni ng ibon ang tanging naririnig ko sa paligid. Sobrang dilim at tanging liwanag mula sa buwan ang nag sisilbing ilaw ko para marating ang aming bahay. Tinangay ng panggabing hangin ang buhok ko at agad ko naman itong inayos sa aking balikat. 

This is just normal for me so I'm already used to it. Especially, that I'm already in college and my school is far from our house. Hanggang crossing lang pwede ang mga jeep kaya kailangan ko pang lumakad ng ilang minuto para marating ang bahay. Our neighbors is also far from our house. It means that we lived far from the civilizations. 

Bigla ay umihip ang malakas na hangin. But it feels so weird. Bakit naging mainit ang hanging panggabi? Nagpalinga linga ako sa paligid pero hindi naging sapat ang liwanag mula sa buwan para maaninag ko ang nasa may kalayuan sa akin. I feel like someone is watching me from a far. Hindi lang ito ngayon nangyari sa akin. Palagi ay pag umuuwi ako galing skwelahan ay ganito palagi ang pakiramdam ko. Ramdam kong may nakamasid pagkatapos ay bigla nalang iihip ang malakas na hangin. Ngunit sa huli ay mawawala lamang ito na parang bula.

I always think that maybe it just my imagination or maybe because I'm just tired of school.

Tama. Baka guni-guni ko lang yun.

I decided to shrug it off, but it happens again. The wind blew my hair, and I got chills on my neck. Napatayo din ang balahibo ko sa kamay dala ng hangin. 

Napalingon ako sa likuran ko ng maramdaman kong parang may dumaan doon. Pero wala akong nakita. Tumikhim na lamang ako at pinagpatuloy na ang paglalakad. Nagsisimula ng gumapang ang kaba sa sistema ko ngunit pilit kong tinatagan ang sarili. 

I tightened my grip from my bag and ready my self to run fast. Kung sakali man na may magtangka sa akin dito ay wala akong magiging laban so I need to run fast. That's all I can do.  Hindi ko pwedeng hayaang mapahamak ang sarili ko.

"Thana....Mi cielo..."

The wind whispered na naging dahilan kaya napatigil ako sa paglalakad at nilinga linga ang paligid. Ramdam ko ang sobrang pagkabog ng puso ko sa kaba. Who is he? Ba't nya ako tinatawag? And how the heck did he know my name? Mi cielo? Ano ang ibig nyang sabihin sa sinabi nya? Hindi ko mawari kung anong klaseng lenggwahe ang ginagamit nya.

"Mi cielo..."

I heard him whispered again. I am very certain that he is a man.  Pinikit ko ang mga mata at tinatagan ang sarili.

"S-sino ka?"I tried not to stutter, but I did. I heard him laugh, so I unconsciously placed my hand in my chest.His laugh sounds so manly, and why does it make my heart beat so fast?

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at inulit ko ang tanong ko kanina.

"Who are you? At anong kailangan mo sa akin?"

"You know me." Sagot nito na nagpakunot ng noo ko. Anong?--

"You. I need you in my life."

Anong ibig nyang sabihin sa sinabi nya? Bakit nya ako kailangan? Hindi ko sya kilala. Naguguluhan ako sa sinasabi nya. At hindi ko maiwasang isipin na baka pinagtitripan nya lang ako. 

"Hindi kita kilala." I muttered but it was enough for him to hear me. 

"No. You do."

Napalunok ako at pinilit ang sarili na humakbang at ipagpatuloy na ang paglalakad. Hindi ko alam kung baka pinagtitripan nya lang ako. Kaya mas mabuti pa na makarating ako sa bahay at baka nag aalala na si tiyang.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad at hindi ko na ulit narinig ang boses nito. Napabuntong hininga ako at pilit na tinataboy ang mga katanungan na sumasagi sa isipan ko. Pinagtitripan lang ako ng lalaking yun kaya wala akong dapat na ipag aalala.

Right. Wala lang syang magawa sa buhay kaya naisipan nya akong pagtripan. Hindi ko na dapat pang pagtuunan ng pansin ang mga ganung klaseng mga tao.

I can already see our house so I sighed in relief. But something caught my attention.  Hindi kaya guni-guni ko lang yun? Guni- guni ko lang nga ba yun? Is it a man? His built says that it is a man, but how can a man run like flash? Then an idea flashed in my head.

Hindi kaya magnanakaw yun?

Sa isipin na yun ay agad akong tumakbo papunta sa bahay. Malakas ang kabog ng puso ko habang mabilis kong binuksan ang pintuan ng bahay. 

Sumalubong sa akin ang kadiliman kaya agad kong kinapa ang switch ng ilaw sa dingding. I blink when the light directly hit my eyes. 

Nilibot ko ang paningin sa paligid. There is no one. Namamalik-mata lang ba talaga ako? Impossible naman kasi na makatakbo ang magnanakaw ng ganun ka bilis.

"Tiyang?" Tawag ko ng hindi ko ito makita sa sala.

"Tiyang asan ka po?" Ulit ko pero wala pa ding may sumagot. My eyes searches everywhere to find her but it failed. Nagsisimula na akong kabahan dahil hindi ko talaga sya makita. Tinignan ko na sya sa kwarto nya ngunit hindi ko sya nakita dun. Kahit sa banyo at kusina ay hindi ko sya nakita. Oh gosh! Hindi naman sana nangyari ang nasa isipan ko. 

I stood up when I heard something. "Tiyang--tiyang?!" Mabilis akong bumalik sa may sala ng doon ko marinig ang kalabog. 

Napatigil ako sa gitna ng sala habang kunot noong nakatingin sa nakabukas na pintuan. Tandang tanda ko kanina na sinarado ko yan eh. Pero bakit nakabukas?

Napalunok ako at nagsimula ng kabahan. Natatakot na ako. Hindi lang para kay tiyang kundi para na din sa akin. Tiyak kong walang makakatulong sa akin dito kahit pa mag sisigaw ako.

Napatingin ako sa monoblock na nasa kusina. I need to get that. I need to use it as my weapon. Para naman kahit papaano ay may panlaban ako laban sa taong mapangahas na pumasok sa bahay namin.

Humakbang ako papasok ng kusina pero agad ding napatigil ng may maramdamang kakaiba. Wala sa sarili akong napayakap sa sarili ko ng maramdaman ang lamig ng hangin. Very different from I felt earlier.  Parang tumayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan.

Ihahakbang ko na sana ulit ang paa ko ng may maramdaman akong kamay na humawak sa balikat ko dahilan ng pagkatigil ko. Napalunok ako at abot abot na ang kabang nararamdaman.

"Mi cielo..."

Tumayo ang balahibo ko sa batok at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko na tipong hihimatayin na ako sa lakas ng tibok nito.

Natatakot kong tinignan ang kamay nitong nakahawak sa balikat ko. Pero bakit sa kabila ng kabang nararamdaman ko ay may parte pa rin sa akin na gustong gusto ang hawak nito? Am I that crazy? Crazy for feeling like this? 

I closed my eyes. I could smell his intoxicating smell. Para bang mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko ng maramdaman kong nilapit nito ang labi sa tenga ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit nitong hininga na tumatama sa aking leeg. 

"S-sino k-ka?" Nanginginig kong tanong. Natatakot akong lumingon kaya pinanatili ko ang tingin sa harap.

"You'll know me soon." Sagot nito sa tanong ko at napapikit ako sa hindi malamang kadahilanan.

Maybe because of his deep and baritone voice? Yung tipong manginginig ka pag narinig mo yun?

"B-bakit k-ka N-nandito? A-anong kailangan mo s-samin? A-anong ginawa m-mo sa t-tiyang ko?" Sunod sunod kong tanong pero tanging mahinang tawa nito ang narinig kong sukli. Napasinghap ako at wala sa sariling napakagat ng labi.

"Too many questions, and too bad because I can't answer that now." Bulong nito.

"B-bakit?"

"Because I know that we will meet again soon" Parang sinadya nitong ibitin ang sasabihin at mas lalo pang inilapit ang kanyang labi sa tenga ko. "....and I can't wait for that day."

Nakapikit lamang ako at parang hindi pa maproseso ang mga sinabi nya. Ramdam ko ang pagtigil nito sa pagsasalita. At ang sunod nitong ginawa ang hindi ko inaasahan. Hindi ko namalayan na nasa harap ko na sya at ang sunod na nangyari ay ang paghalik nito sa noo ko. Hindi ko pa naproseso ang ginawa nito ng bigla itong naglaho na lamang. I was left dumbfounded because of what he did. Paulit- ulit naman sa pag echo ang huling sinabi nito bago maglaho.

"Sleep well mi cielo..."

Who is he? Ano ang kailangan nya sa akin?

**************

Written by: Stringlily

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status