Share

KABANATA 8

Kabanata 8

New teacher

"I'm Cassius braeden

Alvarous."

It keeps on repeating inside my mind. How he introduced himself in front and how I keep spacing out because of his presence. I can't even utter a single word because of shock. Why is he doing here? I-i mean....nevermind.

I sighed before biting my lips. This is so unexpected and honestly, I don't know how to react. He will going to be our teacher and I have this feeling not to embarrassed my self. Nakakahiya pero hindi naman siguro siya magsusumbong kay tiyang pag may nagawa akong mali? It is not that I am going to do something bad though. But sometimes we can't really avoid making mistakes. 

Wala naman sa personalidad nito ang magsumbong pero nakakahiya pa rin pag napahiya ako sa harap niya. Hindi pa nga nangyayari yun ay kinakabahan na ako. 

Mas lalong dumiin ang pagkakagat ko sa ibabang labi bago napabuga ng hangin. 

"I don't know what's running inside your mind but honestly? It creeps me out thanie." Rinig kong turan ni Amabella kaya agad akong napabaling sa kanya. 

Napangiwi ako dahil sa tinuran niya at napahalumbaba sa table. 

"Bell?" I called her while looking at someone who is walking in the hallway. We are here at the bleachers and I can see some teachers and students that coming back and forth.

"Yes thanie?"

Nilingon ko sya bago binalik ang tingin sa lalaking nakita kong naglalakad sa hallway. He confidently walks like a super model, ignoring the students who greeted him. His hand were inside his pocket while looking straightly in his way. Halata namang lahat ng estudyante ay naiintimida sa kanya at higit sa lahat ay hinahangaan sya. He is like a greek god descending from mount olympus.

With his hair that is kinda disheleved but it still looks good on him. He is wearing the teacher's uniform and I can't help but to admire his looks. Bakit kahit na teacher's uniform na ang suot niya ay bagay pa rin sa kanya at para lamang niya itong iniendorso. 

I blinked repeatedly before glancing at her. 

"What do you think about our new teacher in history?" I asked her and now I can see her eyes sparkling because of adoration.

Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis bago ito humarap sa akin. "What about our hottie prof? Omygosh!" Napangiwi ako dahil sa tili nito. Hinawakan ako nito sa kamay bago ako hinarap. Kitang kita ko ang pantasya sa mga mata nito, "We are so lucky to have him as our teacher! Omygee! I can't believe it thanie! Finally may lalaki na rin tayong prof. Plus! Hindi lang lalaki kundi super hottie na prof Omygosh! Hindi na talaga ako aantukin sa history! Lalo na at ganun ka sarap ang nasa harap ko! Ito na talaga ang sign na makinig ako sa history natin. " Nakangiwi lamang ako habang nakatingin sa kanya na wagas kung makangiti. Tila nahulog naman ito sa malalim na pantasya nito kaya napabuntong-hininga na lamang ako at binalik ang tingin sa hallway. Ngunit hindi ko na makita ang kaninang tinitignan ko. He walked so fast. Kanina lamang ay nasa malayo pa siya at tanaw ko pero ngayon ay hindi ko na siya makita. 

Napanguso ako at sinubukang hanapin sya ng paningin ko ngunit hindi ko na sya makita. Well, sa haba ng biyas nito ay hindi nga impossible na mawala na siya sa paningin ko. 

Napabuntong hininga nalang ako at binalik ang tingin kay Amabella na hindi pa tapos sa pagpantasya sa guro namin. Kumibit balikat na lamang ako at nahulog na din sa malalim na pag iisip.

I know that it is not their obligation to tell me about their work. But I'm just wondering how he can have that kind of house if he is just a teacher? don't get me wrong here. Hindi sa minamaliit ko ang propesyon ng mga guro. Infact, I really respect them. Ngunit hindi lang kasi maalis sa akin ang magtaka. Alam ko kasing maliit lamang ang sahod ng mga guro kaya paano sya nag maroon ng bahay?No. A mansion to be exact.

Am I being judgemental? Masyado ko ba syang nahusgahan agad? Well, maybe I'm wrong. Siguro ay minana nya ito sa kanyang mga kanunu-nunuan. Basi na rin sa klase ng mansyon nila ay masasabi kong galing pa ito sa kanyang mga ninuno. Siguro ganun nga.

And also, we can't tell if iba ang sahod ng mga guro dito kaysa sa mundo ng mga tao. Afterall, nakikita ko na fair at mukhang may kaya ang lahat ng nandito. Iyong mga bahay na nandito ay gawa sa semento at kung hindi sasakyan ang gamit ay bicycle naman. Mayroon namang mga namamasada pero konti lamang. 

"Alam mo ba kung magkano ang bayad sa mga naninilbihan dito bell?"

Nilingon ko ito at nakita kong nawala na siya sa kanyang malalim na pantasya. Gusto ko pa nga siyang ngiwian dahil nandoon pa rin ang sobrang lapad na ngiti niya. Siguro nga ganoon na lang ang pagkahumaling niya sa bago naming propesor. 

"Ano nga ulit yun thanie?"

Napangiwi ako ng ngiti-ngiti niya akong tignan. 

"Ang sabi ko, kung alam mo ba kung magkano ang bayad sa mga naninilbihan dito."

Napaisip naman ito bago kunot noo akong binalingan ng tingin. 

"Ah..yun ba?"

I nodded.

"Sa pagkakaalam ko kasi ay ang pinakamababa ay 10k tapos ang pinakamataas ay 20k."

Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Totoo?! 10k talaga ang pinakamababa? Kaya ganun na lang talaga kaganda ng buhay ng mga tao dito. Siguro ay mas mahal din ang pamasahe pag ganoon? Pero ano ang kikitain nila pag may mga sasakyan na ang mga tao dito?

"Pero kung ganoon nga ang sahod nila ay makakabili na sila ng sarili nilang sasakyan right? Papaano na ang mga namamasada dito?" 

Napaisip naman ito.

"Ahm. Actually may narereceive pa din naman silang allowance sa council kaya hindi pa rin sila maghihirap." 

I was again shocked by what she said. Seriously? Ganito ang pamamalakad nila dito?

"You know what thanie. Maraming pera ang mga Bampira dito. This clan is powerful. You see, vampires lives thousands of years or even more than that. Iyong mga nalikom na kayaman sa paglipas ng taon ay naroon pa rin. Atsaka madami din kaming kayang gawin kaya nag eexport din kami ng  products sa mundo niyo."

Napatango tango naman ako dahil sa sinabi niya. Grabe. Nakakamangha ang paraan ng pamamahala nila. Kung ganito nga kaya ang gawin ng mga politicians sa mundo ng mga tao? If and only if hindi sila gahaman sa kayaman at mas uunahin talaga ang pangangailangan ng mga nasasakupan kaysa ang pansariling interest. There are some politicians naman na magaling sa pamumuno but they are only a few of them. Mas lamang pa nga siguro ang mga taong sariling interest ang inuuna. 

Napabuntong hininga ako. Kung ganito ang pamamahala nila ay sana walang mga taong nagugutom. Walang rape at pagnanakaw na nangyayari. Afterall, everything starts with corruption. 

"At alam mo ba thanie?" 

Nilingon ko siya at nakita ko siyang ngumiti at hawakan ang kamay ko. 

"Hindi mangyayari ito kung hindi magaling mamahala ang alpha. We really adore his leadership."

Kumunot naman ang noo ko at biglang nacurious kung sino ang alpha nila. Kahit hindi ko pa siya nakikita at nakikilala ay namamangha na ako sa kanya. And honestly, he gain my respect. 

"May I know who he is, Bell?"

"Well I do---"

"Bell! Thana!"

Sabay kaming napalingon ni Bella sa taong tumawag sa amin. Nakita namin ang papalapit na si Carter sa pwesto namin. As usual, nakaplaster na naman ang ngiti sa labi nito. His famous gummy smile. So cute.

Here comes our Mr. Colgate. 

Kumaway ito sa amin kaya naman napatawa ako habang umiling iling naman si amabella. Tiyak kong babatukan na naman nito ang kaawa awang lalaki mamaya pag makarating na ito sa pwesto namin. Yan naman sila lagi eh. Parang aso't pusa. Kahit maliit na bagay ay pag aawayan nilang dalawa at minsan nakakasakit na sa tenga pero masaya pa rin ako. Minsan nakakatawa lang talaga silang panoorin. 

At tama nga ang spekulasyon ko. Dahil ng makarating si Carter sa pwesto namin ay sumalubong sa kanya ang batok ni amabella. Parang wala lang naman kay Carter iyon ngunit umakto itong parang nasasaktan at parang batang nagsumbong sa akin.

Ngumuso ito at nag puppy eyes sa akin. 

"Kita mo na kung ano ka sadista yang si amabella, Thana. Huhuhu palagi nya nalang akong sinasaktan. "

Napangiti nalang ako dahil sa pag arte nito. Lalo na ng magsumiksik pa ito sa akin. Kita ko ang panlilisik ng mata ni Amabella at nag aamba na babatukan ulit si Carter ng tumakbo ito papuntang likuran ko para magtago.

Napatawa ako dahil sa kakulitan nilang dalawa. Para talaga silang mga aso't pusa. Hindi makokompleto ang araw nilang dalawa ng hindi nag aaway. Kung hindi ko lang alam ang history ni amabella sa isang lalaki ay baka iisipin kung may gusto sila sa isa't isa. Ngunit hindi, dahil alam ko at nakikita ko sa mga mata nito noon habang nagkukwento ito na hindi pa sya nakakamove on sa ex nya.

At first, I could not see through her eyes the sadness, but when she opened up to me, I could now see the pain and sadness that she was bringing. Even when she smile, I know that it is not that genuine. Iyong labi niya ay nakangiti ngunit ang mga mata niya ay malungkot. 

I can't imagine how hard it is for her to live every day with a hallowed heart. We can say that you are happy because of your family and friends. But you can't change the fact that something is missing in you. And only that person can fulfill.

I hope that someday she can find someone who would love her unconditionally. I hope someday she finally moves on. Or maybe magkaroon man lang sila ng closure ng lalaki at ng sa ganon ay tuluyan niya na itong mapakawalan.  

"Ehem."

Napatigil ang dalawa sa pagkukulitan ng makita ang taong nasa harap namin. He is crossing his arms in front of his chest and his veins are now visible to our eyes. He looks so manly and sexy with that pose. I can't help but stare at him. 

"Good afternoon po sir." Sabay naming bati sa kanya. Tumango naman ito bago bumaling ang tingin nito sa akin. His cold and steely eyes are directly piercing my soul. Pakiramdam ko ay hinahalukay niya ang kaloob-looban ko. Napalunok naman ako bago napayuko. Hindi ko makayanan ang titig nito sa akin. That is his powerful eyes afterall. If you want to look at him in the eyes, then be ready to bewitched. 

"Ano po ang magagawa namin sayo sir?" Tanong ni Amabella na may bahid ng paglalandi. Gusto nalang mag ikot ng mga mata ko dahil sa inakto nya. Mukhang hindi talaga ito nahihiya sa propesor namin at gusto ko nalang na tampalin ang noo ko dahil doon. Minsan nga talaga ay kailangan mong busalan ang bibig ng isang yan para hindi siya mapahaamak.

"Nothing. I just want to talk with Ms. Verielde." Anito kaya napabaling ang tingin sa akin ni amabella at halata ang pagtataka sa mga mata nito pero kumibit balikat na lamang ako sa kanya.

He wants to talk to me? Why? May nagawa ba akong mali? Pero sa pagkakaalam ko ay wala naman akong nagawa kanina. Sadyang nakinig lang talaga ako sa kanya at hindi na nagawa pang makapagsalita. Pero ang totoo nga niyan ay walang pumasok na impormasyon sa utak ko dahil sa sobrang pagkabigla kanina. 

I lifted my head to look at him. 

"Ahm..Saan po tayo mag uusap?"

"Follow me." At tumalikod na ito. Ngumiti naman ako kina Amabella at Carter bago sumunod dito.

Siguro mamaya ko nalang kausapin sina Amabella dahil baka nagtataka sila kung bakit ako gustong kausapin ng professor namin. Hindi ko pa kasi nasasabi kay Amabella na dito ako nagtatrabaho at nakatira. Atsaka alam ko naman na pagkatapos nito ay uusisain niya ako at hindi siya titigil hangga't hindi ko nasasabi sa kanya ang totoo. 

At mas mabuti na ang pangunahan ko na sila para hindi na sila mag isip ng kung ano. Like, uh something.

Tahimik lamang akong sumunod sa kanya. At habang naglalakad ay malaya kong napagmamasdan ang likod nito. He has a nice physique, I'd give him that.

Napakagat labi ako ng mapagmasdan ang mga muscles nito sa braso. Those corded arms are hard not to notice. Mukhang banat na banat ito sa pagwowork out. 

Nandito na naman sa akin ang pagiging curious kung paano mahagkan ng mga braso nito. Why am I dying to be in his arms?

Stop it thana! You might embarrass your self again!

"A-ah..."

Agad akong napaiwas ng tingin dahil sa biglaang pag lingon nito at nahuli akong nakatitig sa kanya. Ramdam ko ang pagkapahiya kaya naman nakayuko lamang akong sumunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa isa pang garden. Yan na nga ba ang sinasabi ko thana! You keep on embarrassing yourself! Tsk.

Napalibot ang paningin ko sa paligid at napansin na  kakaiba ang garden na ito kaysa ang sa pwesto namin kanina. Walang mga bampira o ibang nilalang ang nandito maliban sa aming dalawa.

Ngumuso ako habang nililibot ang paningin sa paligid. At nang huminto ito ay huminto na rin ako at nag angat ng tingin sa kanya. Sumalubong sa akin ang nakakapang tunaw nitong mga titig. Napalunok ako at pinilit ang sarili na wag mag iwas ng tingin.

"Wait for me later." Panimula nito at nagtaka naman ako sa sinabi nito. 

Ano ang sabi niya? Hindi ko kasi nasundan dahil sa pagkapahiya ko kanina. And he said it so fast.

"Mahirap ang makasakay dito at iisang bahay lang naman ang uuwian natin kaya sabay nalang tayo." Dugtong nito dahil na rin siguro sa nakita nito ang pagtataka sa mukha ko. Nakagat ko ang labi at pinigilan ang mamangha dahil sa pagsalita nito gamit ang wikang tagalog. His accent is cute and ugh his voice sound so sexy. I mean ang manly at sexy ng boses nito pag gumagamit ito ng wikang ingles. Ngunit nadagdagan ng mga hmmm 20 percent pag gumagamit sya ng wikang tagalog, hihi.

Ugh! I'm such a flirt.

"A-ah sige po." Pag payag ko. Kahapon ay sinundo ako ni tiyang at kanina naman ay sinabihan ko itong wag na akong sunduin mamaya dahil gusto kong masanay na ako lang mag isang umuwi. Sometimes you need to stand on your own feet because not all the time there is someone who will help you. Sometimes you need to be independent. Hindi sa lahat ng oras ay kailangan mong humingi ng tulong. Minsan kailangan mo ding maging matatag at matutong lumaban ng mag isa. It is okay to be a damsel in distress sometimes, but you need to learn how to stand on your own feet and fight. With that, what you have learn will not just help you but also them. 

"Who's that guy?" Biglaang turan nito kaya nagulat ako at hindi agad nakasagot. He is crossing his arms in front of his chest and he really looks intimidating. Pakiramdam ko ay iniinterogate niya ako. Iyong tindig niya din ay para bang nasa hot seat ako at kailangan ko talaga siyang sagutin. 

I gulp. 

"A-hm si C-carter po ba?" I can't help but to stutter. Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto nya sa akin. Nagtataka ako nung una ngunit makaraan ng ilang araw ay unti-unti na akong nasasanay. I guess this is the attraction? Or maybe this was just his natural effect.

"Yeah, that guy earlier. Who is he? Your boyfriend?" He asked. Why do he sound mad? Guni-guni ko lang ba iyon?

I pursed my lips and even though I'm confused, I still answer him.

"Hindi po. Kaibigan ko lang po si carter." Ani ko. I do not know if my eyes are just mistaken but, did I just saw relief in his eyes?

I just shrugged it off because why would he feel that way? I don't think that it is something big for him. Maybe he just asked because he got curious?

"Okay." He muttered.

"Let's go back." Dugtong nito bago ito naunang tumalikod.

******

Ngumiti ako kay Amabella bago kumaway. Ganun din ang ginawa nya habang naglalakad na sya palayo sa akin. Oras na ng uwian at gaya nga ng sabi nya kanina ay naghintay ako sa kanya dito sa parking lot ng skwelahan. Dalawang minuto palang naman ang nakalipas simula ng maghintay ako dito. Nasabi ko na din kay bella na nagtatrabaho ako sa professor namin.

Noong una ay hindi ito natigil sa pag yugyog sa akin na tila ba kinikilig. Ngunit ng pinaliwanag ko na ang lahat ay...well ganoon pa rin ang reaksyon niya. Ang sabi niya kasi ay ngayon niya lang daw narealize na bagay daw kami ng amo ko. 

Gusto ko nalang talaga mapangiwi habang inaalala ang sinabi nito kanina. Paano kami maging bagay? Amo ko siya habang katulong lamang ako. Propesor siya habang estudyante naman ako. Hindi ko talaga alam kung may sira na sa utak si Bella ng sabihin niya iyon. 

Naghanap ako ng pwedeng mauupuan sa gilid at doon naghintay sa kanya. Nakatingin lamang ako sa mga estudyante. At hanggang sa paunti na ng paunti ang mga estudyanteng lumalabas sa skwelahan.

Napahalumbaba ako sa mga tuhod ko at napabuntong hininga. Nilibot ko ang paningin sa paligid para aliwin ang sarili ko. Ang sabi nya kanina ay mabilis lang daw syang pupunta ng faculty room. Pero ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin ito.

Napabuntong hininga ulit ako sa isiping wala naman akong karapatan na mainis sa kanya. Ito na nga ang nagkusang loob na sumama ako sa kanya para hindi na din ako mahirapan o si tiyang. At hindi makatarungan kung mainis ako sa kanya. Baka may importante pa itong inaasikaso sa faculty room. Kailangan ko lang intindihin. I don't need to throw tantrums just because of that.

Tumayo ako at nagpalakad lakad sa malapad na parking lot. Kokonti nalang din ang sasakyan sa parking lot na sigurado akong mga guro dito ang may ari. I played with my feet and just heaved a sigh when I got bored after a few minutes.

Pinili ko nalang na pasadahan ng daliri ang mga sasakyan at napapangiti ng makita kung gaano kagara ang mga ito.

"Ahm."

Napalingon ako at nakita ko itong nakatayo sa may likuran ko. Ni hindi ko narinig ang yabag nito habang papalapit ito kaya naman bahagya akong nagulat. He looks like he rushed everything to come here quickly. Magulo ang buhok nito pero bumagay naman iyon sa kanya at mas lalo syang nag mukhang hot. And when he brushed his hair using his hand, I can't help but to gaped at him. I still need to clear my throat.

Ngumiti ako sa kanya at ramdam kong bahagya itong natigilan ngunit agad din namang nakabawi.

Tumalikod na ito sa akin at naglakad na sa sasakyan nito kaya agad akong sumunod sa kanya. Napangiti ako ng kahit papaano ay pinagbuksan ako nito ng pintuan ng sasakyan bago ito umikot papunta ng driver's seat.

Tahimik lamang akong umupo sa tabi nya. Nagtaka ako ng mariin itong nakatitig sa akin. He pursed his lips before he looks back in front.

"Seatbelt." Tanging sabi nito kaya wala sa sariling napanguso ako at agad ng sinuot ang seatbelt. I can see from my peripheral vision that he is staring at my lips before he started the engine. I unconsciously smiled.

"Why are you smiling?" Tanong nito kaya agad ko syang nilingon.

"Po?"

"I said, why are you smiling?" Ulit nito bago binalik ang tingin sa harap. I pursed my lips before I shrugged.

"Wala naman po. Ahm may naalala lang po." Ani ko.

"Who?" He asked before he cleared his throat.

"Ahm..." Hindi ko alam kung anong irarason ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na kusang napangiti lamang ako dahil sa ginawa nito. I don't even know why I suddenly smiled like an idiot.

"Nevermind." He shrugged then focused on the road. He didn't give me a single glance until we arrived at home.

Pagpasok namin sa kabahayan ay sumalubong sa amin sina tiyang at tiyang Arlanda. Nagtataka ang mga ito habang nakatingin sa amin pero tanging ngiti ang iginante ko sa kanila.

"Maraming salamat po sir." Ani ko dito at kita ko ang pagtango nito bago ito pumanhik pa itaas.

Ngumuso naman ako at binalingan si tiyang na nakataas ang kilay habang si tiyang Arlanda naman ay may ngiting nakaplaster sa labi nito.

"Sumabay ka sa kanya?" Tanong ni tiyang kaya tumango ako.

"Opo. Parehas lang naman po kami ng bahay na uuwian kaya sumama nalang po ako sa kanya."

"Bakit sinundo ka nya?" Takang tanong naman ni tiyang arlanda kaya umiling ako.

"Hindi po. Doon po kasi sya nagtatrabaho sa Vantra University bilang professor. Diba tiyang?" Ani ko at nagkatitigan naman silang dalawa. Para silang nag uusap gamit ang mga mata nila bago bumuntong hininga si tiyang at balingan ako. Si tiyang arlanda naman ay ngumiti ng makahulugan.

"O sya sige na. Magbihis ka na dun." Turan ni tiyang kaya ngumiti ako bago nagpaalam sa kanila.

Hindi ko alam pero ibang pakiramdam ang hatid ng ngiti ni tiyang arlanda. Or maybe I'm just overthinking again?

Yeah. Maybe I'm just overthinking.

******

Written by: Stringlily

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status