Share

KABANATA 1

Kabanata 1

Threat

Tulala ako habang naglalakad sa kahabaan ng pasilyo. Rinig ko ang mga kapwa ko estudyante na masayang nag uusap kasama ng mga kaibigan nila. Pero ang ingay nila ay hindi kayang pabalikin ako sa huwisyo. Punong puno ng katanungan ang utak ko at hindi pa rin malaman kung papaano yun sasagutin.

Who is that man?

Papaano sya nakapasok sa bahay?

Bakit ang bilis nyang nawala?

Namaligno lang ba ako?

Lahat ng katanungan na yan ay kanina pa paikot ikot sa ulo ko. I can't find any possible answers to my why's and how's. Ramdam ko ang pag kirot ng ulo ko dahil siguro sa wala akong tulog hanggang umaga. Tulala lang ako simula ng umalis sya sa bahay at iwanan ako ng isang halik sa noo. Hanggang sa dumating ng bahay si tiyang ay tulala pa din ako. Mabuti na lamang at hindi na ito nagtanong pa.

That kiss.

Bakit ganito ang epekto ng halik nya sa akin? Simpleng paglapat ng labi nya sa noo ko ay ganito na agad ang epekto?

Don't tell me he has the power to control human emotions? That my heart is beating so fast because he has the power to control my emotions? I don't know if he is a human or what.

Yeah, right. Hindi titibok ng malakas ang puso ko pag naaalala ang halik na yun kung hindi nya nilalaruan ang damdamin ko. Kaya nya kayang komontrol ng mga emosyon? Kaya ba ako parang tuod noong malapit sya sa akin?

I don't know what to do. Hindi ko maiwasang isipin sya at ang ginawa nito. He is invading my mind.

"Thana! Thana!"

I jumped in shock and throw a questioning look to my friend who is panting so hard. Halatang kakagaling nya lang sa pagtakbo.

"A-ano ba....a-ang iniisip m-mo?" Hinihingal nitong tanong at napakapit na sa balikat ko. Ngumuso naman ako at iniisip kung sasabihin ko ba sa kanya ang nangyari.

What if she won't believe me? Kasi parang hindi naman kasi kapani-paniwala ang nangyari. That, that man moved so fast. Parang hindi normal na tao. Pero kung hindi?....ano sya?

M-mal-ligno?--

"Hoy ano ba thana! Ang lalim ng iniisip mo! Ano ba kasi yun?" Tapik naman sa akin ng katabi ko. I forgot that she is with me. Nag aalangan ko itong tinignan kaya tumaas ang kilay nito.

"Ano na? Ano ba naman yan thana girl!"

Kinagat ko ang ibabang labi ko at napabuntong hininga. "Eh kasi naman kahapon eh..." Nag aalangan akong tumingin sa kanya at tinignan nya naman ako na parang naiirita. So impatient.

"Ano ang kahapon thana girl?"

"Eh kasi m-may l-lalaking pumasok sa bahay namin kagabi." Kwento ko kaya nanlaki ang mga mata nito.

"Ano?! Lalaki?!" Histeryang sigaw nito kaya agad ko syang pinigilan at tinignan ang mga estudyante sa pasilyo na nakatingin na ngayon sa amin.

Lumapit ito sa akin at bumulong. "Ninakawan kayo?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nito at agad na hinawakan ang kamay nya at bumulong. "Hindi. Wala syang kinuhang kung ano sa bahay namin."

"Huh? Pero ano naman ang gagawin nya sa bahay nyo?" Taka nitong tanong kaya kumibit balikat ako. Hindi ko din naman kasi alam kung ano ang kailangan nito sa amin eh.

But he said that we will meet again. And why I am feeling this? The feeling of excitement? Pagkagalak na magkita kaming muli? Dapat diba hindi? Because he is just a stranger.

Nagpapatunay lang talaga ito na may kakayahan syang kontrolin ang damdamin ng mga tao.

"Omygosh!" Tili ng katabi ko na nagpatalon sa akin sa gulat. Hindi ko alam kung ilang beses nya pa akong gugulatin tsk. So hard to have a friend who eats megaphone as their breakfast.

"A-ano ba donna. Wag ka ngang sumigaw." Saway ko sa kanya kaya agad itong bumuntong hininga.

"Pasensya na pero..." Napatingin ito sa kawalan na parang nag iisip.

"Hindi kaya minolestya ka nya? Ha thana? May ginawa ba sya sayo? Ano? Isusumbong na ba natin sa pulis?" Sunod sunod nitong sabi kaya natataranta ko itong pinigilan.

"Ano ba donna. Wala. Wala syang ginawa sa akin." Sabi ko kaya napabuntong hininga ito.

"Akala ko may ginawa na syang masama sayo eh. Pero kung hindi ka nya minolestya at hindi naman sya nagnakaw sa inyo..." Tumigil ito at tumingin sa taas na parang nag iisip. Mukhang nagtataka na din ito at malalim na nag isip.

"Ano ang kailangan nya sa inyo? Ba't sya pumasok sa bahay nyo?" Taka nitong tanong kaya napabuntong hininga ako dahil hindi ko din alam kung ano ang kailangan nya sa amin.

"H-hindi ko din alam..."

Napabuntong hininga naman si Donna at hinawakan ako sa balikat. "Sige. We will talk later. Pumasok ka na muna sa klase mo." Sabi nito kaya napatingin ako sa kaliwa ko at napagtantong nasa harap na pala kami ng classroom ko. I didn't realize that we are already here because of so many thoughts in my head.

We're not classmates because we have different course. Pinili nito ang maging accounting habang ako naman ay education. We are best of friends since highschool at kahit magkaiba kami ng kinuhang kurso ngayong kolehiyo ay nanatili pa din ang pagkakaibigan namin. Pareho kaming introvert kaya naman kami lang ang magkaibigan.

Nagpaalam na kami sa isa't-isa at agad naman akong pumasok sa classroom. Lahat sila napabaling ng tingin sa akin kaya agad akong yumuko at pumunta sa pinakahulihang upuan at doon naupo. It is not that I'm shy about my face, but I don't want them to notice my beauty. Well, Mahirap na at baka maraming magkandarapa at mainsecure sa beauty ko. 

Well just kidding.

Tahimik lamang ako nung magsimula na ang diskusyon ng guro namin. Kahit isang impormasyon na sinasabi nito ay hindi pumapasok sa isip ko. I'm too preoccupied to even listen to her discussion. Ang tanging laman ng isip ko ay ang mga katanungang kagabi pa bumabagabag sa akin.

"Naniniwala ba kayo sa bampira?"

One question from our teacher that pulls me back to reality. Hindi ko alam kung bakit napunta sa ganito ang usapan nila. Siguro dahil sa haba ng usapan nila ay basta nalang napunta sa mga bampira ang diskusyon. It always happen right? Yung minsan ang mga guro natin ay nawawala na sa topic dahil sa sobrang haba na ng kanyang nakwento.

But if you asked me. Naniniwala ba ako sa bampira?

My answer would be, yes. Naniniwala ako sa kanila pero hindi naman sila palaging pumapasok sa isipan ko. Alam kong possible ang mga ganyang likha. Dahil hindi lang din naman tayo ang nilikha ng maykapal dito sa lupa. And just like humans, some of them are bad and some are good. Ang importante ay wag natin silang gawan ng masama para hindi na din tayo magkaproblema.

"Ma'am may nabasa akong article tungkol sa kanila." Taas kamay ng isa kong kaklase. Lahat ng atensyon namin ay nasa kanya. Bumuntong hininga ito bago nag salita. Maybe she understand that we want to hear it.

"Ayun sa nabasa kong article ay hindi daw sila pwedeng masinagan ng araw dahil masakit daw sa balat nila yun. Tsaka mabibilis daw silang kumilos at parang normal na tao lang din sila na nakikihalubilo sa atin." Kwento nito. That's just the basic description for  vampires. Their traits that everyone already knows. But two words caught my attention.

Mabibilis kumilos.

Bakit hindi ko kaagad to naisip? And why would I think about it? Because who would think that a vampire would trespass just to what? I didn't even know his reason why. All I know is, he kissed my forehead. He didn't bite me but rather kissed my forehead.

Kung bampira sya at hindi nya naman ako kinagat ay ano ang kailangan nito sa akin? Kilala nya ba ako? How? Is he my neighbor? Classmates?

"That is just the list of vampire traits in folklore and in fiction. Some of them might be true but some are not. Hindi natin alam kung ano ang totoong kahinaan nila at ang iba pang kakayahan." Sabi naman ng guro namin kaya umingay ulit ang klase. Napatingin lang ako sa guro namin at binabagabag pa din sa mga nalaman. Yes she's right. Not all the traits of vampire that stated in that article is true. Mas mabuti ng maging mapagmatyag nalang sa paligid.

"Ikaw po ba ma'am naniniwala ka din po ba sa kanila?" Tanong ng isa kong kaklase. Napabalik ako sa huwisyo at isa na din sa nag aabang sa sagot ng guro namin. Our teacher is a 25 year old woman. A human doll to be exact. But I find her mysterious. I don't know if I'm the only who notice it. She gave me different vibe.

Gumuhit ang isang ngiti sa labi ng guro namin kaya lahat ng mga kaklase namin ay napatanga. A beauty indeed.    "Oo, Naniniwala ako sa mga bampira at iba pang likha na nandito sa mundo. I believed that not only humans are in the universe. Humans do not own the universe." Sagot ng guro namin kaya napatango ako. Pareho kami ng pananaw ukol dito.

"Ang creepy naman nun. Nakakasalamuha natin sila dito pero hindi natin alam? Parang pagala gala ka lang dyan tas bigla na palang may kakagat sayong bampira." Usal naman ng isa kong kaklase na sinang ayunan ng lahat. They have different opinion about it. And I'm once again drown with my own thought until class dismissal.

"Oh? Yun pa rin ba ang iniisip mo?" Tanong nya sa akin habang naglalakad kami papuntang sakayan ng jeep.

"Hmmm hindi naman. Medyo." Sagot ko na naging dahilan kaya napataas ang kilay nito. Napangiti nalang ako dahil sa kanya.

"Anong hindi at medyo? Nakakalito yang sagot mo thana girl." Si donna habang nakapamaeywang sa akin. Napangiti na lamang ako habang nakatingin sa kanya. She is obsessed with black. And when I said obsessed? Because it's our washed day. She wore her signature all black outfit. Plus she put black eyeliner and a black lipstick.  

"Oh anong klaseng ngiti yan?" Tanong nito ng makita ang pag titig ko sa kanya. Napailing naman ako kaya mas lalong umarko ang kilay nya.

"Naku naku ikaw thana girl ha. Wag kang mag tago sakin ng sekreto." Sabi pa nito kaya napabuntong hininga ako at yumuko. Ilang segundo akong nakayuko bago ko sya binalingan at tinanong. It keeps on bugging me.

"Donna, Naniniwala ka ba sa...bampira?" Tanong ko kaya nagulat ito. Hindi ko alam pero yun ang lumabas sa bibig ko. Para naman itong natuod sa kinatatayuan dahil sa tanong ko. Para bang hindi na din ito humihinga kaya agad ko syang kinalabit. Napatalon pa ito sa gulat.

"A-ah! Of course not! Nakuu ikaw thana ha! Kung ano ano na yang mga tumatakbo sa isip mo!" Sabi nito kaya napabuntong hininga ako. Dahil sa sagot nito ay wala akong rason para sabihin sa kanya ang iniisip ko.

"Tara na nga!" Sabi ko at hinila na sya paakyat sa jeep. 

*****

Kagat labi akong bumaba ng jeep na sinasakyan ko. Naunang bumaba si donna dahil medyo may kalapitan ang bahay nila sa skwelahan.

I tightened my grip on the strap of my bag. Pasimple akong lumingon at agad akong nilukob ng kaba. Napalunok ako ng makitang nakasunod ito sa akin. I even saw him smile at me that makes me more nervous. Kanina ko pa syang napapansin sa jeep na panay ang bigay ng malagkit na tingin sa akin. Hindi ko lang masabi ito kay donna dahil ayaw ko naman na mag alala pa sya sa akin at baka nagiging OA lang ako. But now I regret my decision. Ngayon ay nakasunod na ito sa akin habang nakaplaster ang ngisi sa labi nito.

I walked faster but he also did the same. Ilang beses akong napalunok at mas lalo pang binilisan ang lakad ko.

"Miss. Miss!"

Ang huminto o tumigil man ay hindi ko ginawa. Mas lalo ko nalang binilisan ang lakad ko ngunit napakislot ako ng mahawakan ako nito sa braso. The heck!

"Ano ka ba naman miss beautiful. Gusto ko lang naman ang lumigaya ngayong gabi at nasisiguro ko na liligaya ka din dito." Sabi nito. Mariin akong napapikit at ipinalangin na sana ay may tutulong sa akin kahit impossible. Nasa mga tahanan na ang lahat ng mga tao dito ng ganitong oras.

"P-pasensya na p-po...h-hinah-hanap na po k-kasi a-ako ng tiyang ko." I tried not to stutter, but I did. And that makes him smirk even more. Gusto kong alisin ang ngisi nito sa labi dahil sa inis. Yes, I'm nervous but I didn't showed it. I don't want him to see me weak.

"Naku mamaya na miss. Ang aga pa naman para umalis ka. Paligayahin muna natin ang isa't-isa." At ngumisi pa ito na parang demonyo. Nangangati na talaga akong alisin ang ngisi nya sa labi. But I know that I'm nothing against him. Ibang iba ang lakas ng lalaki sa babae.

I don't know what to do. If I shout, no one would hear me. Baka pag ginawa ko yun ay mas lalo pa akong mapahamak. Baka saksakin agad ako dahil sigurado akong may nakatago syang patalim.

Gusto ko nalang ang umiyak dahil sa kaba. Hawak palang nya sa braso ko ay kinikilabutan na ako.

"P-pero h-hinah-hanap na p-po ako ng t-tiyang k-ko." Nanginginig kong usal. I tried not to show him that I'm scared but heck! It is very evident on my face. At sino ang hindi kabahan pag nasa ganitong sitwasyon?

Napapikit ako ng lumapit ito sa akin at singhutin ang gilid ng ulo ko. Kumuyom ang mga kamao ko sa pandidiri. He smells liquor and I hate it. Sobrang baho na ng hininga nya.  Gustuhin ko mang umatras ay hindi ko magawa dahil sa hawak nya.

"P-parang a-awa n-nyo na p-po...pau-uwiin n-nyo na a-ako..."

"Ikaw ang maawa sa akin miss! Tinitigasan ako dahil sayo!" Sigaw nito kaya mas lalo akong napapikit. Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko na agad nyang pinahid. Napapiksi ako dahil dun. Pilit kong tinatagan ang loob ko pero hindi ko magawa. I'm really scared.

"Oh!oh! Shhh! Mas lalo akong tinitigasan pag nakikita ko ang luha mo. Wag kang mag alala 'I'll be gentle' ." At narinig ko ang nakakainis nitong tawa. Lumapit ito at inamoy amoy ang leeg ko. I bit my lower lip to prevent my self from sobbing.

"Hmmmm..."

Pinilit kong pinigilan ang paghikbi ngunit unti-unti na itong tumatakas ng magsimula itong halikan ang leeg ko. Diring diri ako pero wala akong magawa. Hindi ko sya kakayanin pag lumaban ako ng pisikalan at lalong lalong hindi ako makahingi ng tulong.

"Ang bango bango mo talaga. Ang swerte ko." Usal nito kaya mariin akong napapikit at kinuyom ang kamao. Ang kamay nito ay kung saan saan na gumala sa katawan ko. Pigil pigil ko ang sarili ko na sapakin sya. I'm so weak.

Mariin akong napapikit at kinuyom ang kamao. Siguro wala namang masamang lumaban diba? Kahit mamatay ako ay okay lang dahil lumaban naman ako. Mas okay na yun kesa ang hayaan ko ang lalaking to at sa huli ay hindi ko din alam kung hahayaan pa ako nitong mabuhay pagkatapos nyang gawin ang gusto nya.

"Tsaka ang kinis kinis mo pa. Jackpot talaga to." At bumaba ang kamay nito sa butones ng blusa ko at isa isa iyong kinalas. I sniffed and kicked his treasure. Hindi nya siguro inaasahan yun kaya namimilipit ito sa sakit. Kinuha ko ang pagkakataon na yun na tumakbo ng mabilis.

"P*tangina mong babae ka!" Sigaw nito pero mas binilisan ko nalang ang pagtakbo kahit na nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha. 

Kaya mo yan thana! Wag mong hayaang ang lalaki lang yun ang makabasag ng bataan mo! 

I didn't expect that after how many years of staying here, my life would be in danger.

"Aray!" Daing ko ng matalisod ako sa isang bato at madapa. Nabitawan ko ang dalang mga libro pero hindi na ako nag abala pang pulutin ang mga yun dahil nakita ko na sya na paika ika akong hinahabol. 

I can feel the sting on my knee but I didn't stop running. Pero bumagal ang takbo ko dahil sa sugat na natamo ko. Is this my end?

No thana! Don't think like that!

I am panting so hard. I tried not to look back because I'm scared. I'm scared to see-- Aw!

Napahawak ako sa ulo ko ng tumama ang isang matigas na bagay doon. Pinili kong huwag ng pansinin iyon kahit na naramdaman ko ang sakit sa ulo ko. Tumakbo lang ako ng tumakbo ngunit sumasakit na ang ulo ko.

"Matigas ka ding p*tangina ka!" Sigaw nito. Wala na akong lakas at unti-unti ng nanghihina.

"Akala mo papalagpasin kita? Eh alam ko na masarap ka? Ang kinis kinis at ang bango bango mo!" 

"Jackpot ka--pvtangina!" Sinubukan kong tumakbo pero agad nitong nahawakan ang braso ko. Punong puno na ng luha ang pisngi ko at nagmamakaawa akong tumingin sa kanya.

"Saan ka pupunta ha?! Hindi ka aalis hanggat hindi kita natitikman!" Sigaw nito at napadaing ako ng isang suntok ang natanggap ko sa kanya. Nandilim naman ang paningin ko dahil sa ginawa nya. Is this my end?

"Tingnan mo. Kung behave ka lang sana ay hindi kita sasaktan." Sabi nito at nagsimulang ilapit ang ulo sa leeg ko. Napaatras ako pero agad ding napatigil ng humigpit ang hawak nito sa kamay ko. I can feel the blood dripping from my head.

"Hmmm..."

"T-tama n-na p-po..." Pag mamakaawa ko at hinang hina na talaga. Pero para itong walang narinig.

"P-pakiusap...Tama na...Maawa po kayo!" 

"Tangina tumahimik ka!" Sigaw nito at nakatanggap ulit ako ng isang suntok. Namilipit naman ako sa sakit ngunit agad nitong hinila ang buhok ko. Napasigaw ako sa sakit at nanlalabo na din ang paningin ko.

"T-tulong...T-tulong!" Kahit alam ko naman na walang makakarinig sa akin ay nagbabakasali pa din ako. I still tried. At least I fight until my last breath.

Nainis ko pa yata lalo sya dahil nanlilisik na nya ako ngayong tinitignan. Inangat nito ang kamay at akmang sasampalin ako. Napapikit ako at handa ng indain ang sakit ng sampal nito. The wind blew and I feel that feeling again. Yung pakiramdam ng pagtayo ng balahibo ko dahil sa hangin.

I waited his slap to land on my face but it didn't happen.

"Hurting her means death." Rinig kong usal ng isang lalaking may malamig na boses.

I know that voice! Hinding hindi ako pwedeng magkamali. That mysterious man!

"Sino ka ba---" 

"You don't need to know." Malamig na usal nito at agad binitawan ang katawan ng lalaki kanina---na wala ng buhay. 

Nakatulala lang ako at hindi makagalaw. Parang akong naestatwa dahil sa nangyari. Kung hindi ko lang naramdaman ang matigas nitong katawan na bumalot sa akin ay hindi ako babalik sa huwisyo. Pero dahil sa sakit ng ulo ay nanlabo ang paningin ko. 

"S-sino k-ka?" Nanghihina kong tanong.

"I'm sorry if I was late. It is my fault. I'm sorry mi cielo..." Sagot nito at bago ako nawalan ng malay ay naramdaman ko pa ang marahang pagdampi ng labi nya sa noo ko.

******

Written by: Stringlily

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status