Share

KABANATA 6

Kabanata 6

Possessive

"Ah so yung tiyang mo nalang ang kasama mo sa buhay?"

Tumango ako sa kanya bago sinubo ang fries. Kasalukuyan kami ngayong nasa canteen at kumakain. Pagkatapos kanina ng pag uusap namin ay bumalik naman agad ako sa classroom. At pagkatapos ng klase ay agad nya nalang akong hinila papuntang canteen.

Nilibot ko ang paningin sa buong canteen at muli ay namangha ako. Pagkatapos malaman kung anong klaseng nilalang ang mga kasama ko ay nakakapagtaka kung bakit hindi ako tinubuan ng takot. Sa una ay nagulat ako pero pagkaraan ay ni hindi ko makapa ang takot sa puso ko. What does that mean? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Why do I feel secured around them?

This is really a first time. Diba dapat ay makaramdam ako ng kaba dahil ang mga nasa paligid ko ay hindi basta bastang mga nilalang. They can kill me in just a snap of a finger. My safety is not secured when I am surrounded by those creatures. Everyone describes them as ruthless creatures, but I can't find myself being afraid of them?

I sighed. Kung ito ang nararamdaman ko ay wala akong magagawa. Maybe harmless naman silang lahat basta wag nyo lang silang uunahan. Diba nga hindi naman lahat ay masama? Siguro ay kagaya lang din sila sa mga tao na mayroong masama at mabuti. If you won't trigger them then you have nothing to worry. 

"Ikaw?" Tanong ko sa kanya. Kumibit balikat naman ito bago ngumiti sa akin.

"Kagaya mo ay wala na din akong mga magulang. Ang kasama ko nalang sa buhay ay ang Lola at kuya ko." Sabi nito bago ngumiti at bumuntong hininga, "Bata pala lamang ako ay namatay na ang mga magulang ko. Pinatay sila ng mga hunters. Hunters are a group of people who captured and killed werewolves and vampires. They are afraid that we might annihilate humans. One day, a group of hunters attacked our city. Ang papa at mama ko ay katulong ng Alpha sa pagprotekta sa mga mamamayan. Sa kasamaang palad ay natamaan ng silver bullet ang papa ko sa may puso. He tried to save my mom but mom save me." She laugh bitterly before eating her fries. 

"She protected me from getting killed by those hunters. Wala silang awa na kahit mga bata ay nagawa nilang patayin dahil lamang sa pag iisip na magagawa naming patayin lahat ng mga tao. Iyon ang rason kung bakit nagtayo ang mga pinuno ng bawat clan ng isang skwelahan para mag unite at mag train ng mga batang kalahi namin. Dahil nga target din nila ang mga werewolves ay nakipag ugnayan na ang lahat at maging ang witches ay tumulong na rin. After so many lives that were sacrificed, everyone was now united to create peace and protection against the hunters."

Dugtong nito kaya kahit nakaramdam ng kasiyahan sa pagkakaisa ng tatlong mga lahi ay hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng kalungkutan dahil sa sinapit ng mga magulang nya. That was so tragic and painful. You just saw how your parents got killed.

Hinawakan ko ang kamay nya at nginitian sya. Natawa naman ito bago umiiling sa akin.

"Wag mo 'kong kaawan thana." Anito bago ako nginitian. Bumuntong hininga naman ako bago umiling.

"Hindi kita kinakaawan, nalulungkot lang ako para sayo at sa sinapit nila." Ani ko kaya ngumiti ito sa akin. 

"Bakit may pagkakaiba ang dalawang iyon?" Maloko nitong tanong kaya napangiti ako at tumango. 

"Oo naman." Pareho kaming mahinang natawa at pinagpatuloy na ang pagkain. 

"Bell!"

Sabay kaming napalingon ni Amabella sa boses na tumawag sa pangalan nito. Nakita namin ang isang lalaki na nakangiti habang papunta sa direksyon namin.Tumayo si Amabella at sinalubong ang lalaki ng yakap. Nanatili naman akong nakaupo at nakamasid sa kanila. The guy resembled so much with her. I have a hunch that they are siblings.

Nang kumalas sila sa yakap ay agad na bumaling si amabella sa akin bago nito hinila ang lalaki papunta sa mesa namin. Ngumiti si amabella bago tinuro ang lalaki. "Thana. Kuya ko nga pala." 

Ngumiti naman ako bago bumaling sa lalaki. Binigyan din ako nito ng ngiti bago nito nilahad ang kamay sa akin. "Logan bryson Clementine." Pakilala nito kaya agad kong inabot ang kamay nitong nakalahad.

"Thana aclys Verielde." 

He is looking at me intently. Tanging malapad naman na ngiti ang isinukli ko dito. I said earlier that Amabella is beautiful so is her brother. He has this brown hair that complements his white skin, chinky eyes, pointed nose, and plump lips. Just like Amabella's eyes, he also has amber eyes.

"Kuya siya ang bago kong kaibigan." Singit ni Amabella kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya. Ngumiti ito at hinawakan ang braso ng kuya nya. "Samahan mo nalang kami dito sa mesa kuya. Wala pa ba sina kuya Von?" Baling naman nito sa kuya nito. 

Nakatingin lang sa akin ang kuya nito bago ito ngumiti. "Okay lang ba?" Tanong nito sa akin kaya tumango ako.

"Sina kuya von?" Tanong ni amabella ng makaupo na sila. 

"Parating na sila. Hindi na ako nakapasok sa mga subjects kanina dahil kagagaling ko lang sa misyon." Sagot naman ng kuya nito kaya napatango ito samantalang ako ay nakamasid lang.

Mission? Why? How?

I have read in some vampire stories before that there are some council or sergeants who maintain the peace between mortals and vampires. Kung may pakalat-kalat man na mga bampira ay binabantayan o pinaparusahan ang mga ito ng sergeants. Sila ang parang rumuronda sa mundo ng mga tao.

But that was the thing that hunters can't understand. Sa katunayan ay ang mga bampira pa nga ang sumusuway sa kapwa bampira so how can they think that they want to annihilate all the humans? Kung iyon man ang layunin nila ay sana noon pa nila nagawa. 

Sa buong buhay ko nga sa mundo ng mga mortal ay wala akong narinig na isang balita tungkol sa pagpamatay ng isang bampira sa tao. Maybe hunters were just overacting. Or maybe, ayaw lang nilang tanggapin na mas may makapagyarihan pa maliban sa kanila. Na may iba pang mga nilalang sa mundo at hindi lamang tao. 

"Yeah by the way, How's your mission?"

"So far ayos naman." 

Bumusangot naman ang mukha ni bella na para bang hindi pa nasatisfied sa sinabi ng kuya niya. 

"Bakit ayo---" Bella didn't finished her sentence when another shout echoed in the cafeteria.

"Bella babes! Logan!" 

Halos lahat ng estudyante sa cafeteria ay nabaling ang tingin sa lalaking sumigaw. Papalapit ito sa pwesto namin habang may ngiting nakaplaster sa mukha nito. May kasama pa itong isang babae at lalaki. Seryoso lamang ang dalawa habang yung isa naman ay sobra kung makangiti.

The guy looks so happy huh? Kitang kita na ang gummy nito sa kanyang pagngiti. At mukhang nakakahawa ang ngiti niya dahil parang gusto ko nalang din ang ngumiti. 

"Kuya Von!" Sigaw ni amabella kaya napangiwi ako. Ba't ang hilig nilang sumigaw ngayon?

"Ba't si Von lang yung tinawag mo? Paano naman ako?" Reklamo ng lalaking wagas kung makangiti. The man with a gummy smile. Kung pwede lang siyang tawaging si colgate guy ay baka iyon nalang ang itawag ko sa kanya. 

"Hindi ka naman importante para tawagin kita." Sagot naman ni amabella kaya napasimangot ang lalaki. Napangiti na lamang ako habang nagmamasid sa kanila. Maya-maya pa ay napalingon sa akin ang lalaki at mukhang nagulat ito at nagtaka.

"Oh? May bago kang kaibigan bell?" Tanong nito kaya naman nabaling sa akin ang tingin ni Amabella bago ito ngumiti.

"Oo nga pala."  Lumapit sya sa akin at hinawakan ang balikat ko, "Si Thana nga pala. Kaklase at kaibigan ko." Pakilala sa akin ni Amabella kaya agad akong tumayo at ngumiti sa kanila. 

"Oh? What a beautiful name. Beautiful like the owner. By the way, Carter Erienou at your service sweety." The man with a gummy smile introduced. Nagulat nalang ako ng kunin nito ang kamay ko bago nito hinalikan ang likod ng palad. Imbis na mainis ay natawa nalang ako sa ginawa nya. Sobrang pormalidad naman ang kanyang ginagawa. Or baka nasa panahon pa siya kung saan iyon ang way ng greetings ng mga tao. 

And well, I can tell that he is a playboy. His looks and actions says it all. But I find his dimples cute. 

Nawala ang ngiti sa labi ko ng biglang humangin ng malakas sa buong cafeteria. Sa sobrang lakas ng hangin ay natangay ang mga pagkain na nasa mesa. Yung ibang mga mesa at upuan naman ay nagsiliparan. What the heck?

Narinig ko ang pag tili ng mga estudyante sa nangyari habang ako ay natulala lang. Nagulat ako sa nangyari kaya hindi agad ako nakagalaw. What was that? May buhawi ba na dumaan? E diba dapat ay natangay na kami kung ganun nga?

"What happened?"

"Omgee! What was that? Did someone use their ability?"

"That is so scary."

"Mi cielo..."

"Why are you scared? You have the ability to protect your self."

"Mi cielo..."

Kinagat ko ang ibabang labi at ramdam ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nilibot ko din ang paningin sa paligid pero lahat sila ay kanya kanyang reklamo dahil sa nangyari. Where did that voice came from?

"So? It is still scary to think that anytime they might attact us."

"Mi cielo..."

"You are so---"

Narinig ko pa ang pagtawag sa akin nila Amabella pero hindi ko na sila pinansin at patuloy lang sa pagtakbo. Alam kong nagtataka sila sa inasta ko pero wala na akong pakialam. Ang ginawa ko nalang ay ang sundan ang boses na tumatawag sa akin. Dahil kilala ko. Kilala ko ang boses na yun.

Hindi ako pwedeng magkamali. 

Deretso lang ako sa pagtakbo hanggang sa makapasok ako sa kagubatan. Hindi ko alam kung paanong nagkaroon ng ganito sa eskwelahan na to'. But that was the least of my concern. Deretso lamang ako sa pagtakbo. Tanging huni ng pag apak ko sa mga dahon ang tanging tunog na naririnig ko. Alam kong nakalayo na ako sa may bukana ng kagubatan at hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako tinubuan ng takot. Or kung bakit hindi man lang ako nakaramdam ng pagod sa sobrang haba ng tinakbo ko. 

Nang tumigil ang boses sa pagtawag sa akin ay napatigil na din ako sa pagtakbo at hinihingal na nilibot ang paningin sa paligid. Puno lahat ng nakikita ko at wala ng iba. A dead trees to be exact. Now, where exactly am I?

"Sino ka?" Lakas loob kong tanong ng makabawi na ako sa kakahingal.

Nang hindi ko marinig ang sagot nito ay nagtanong ulit ako. "Sino ka? Bakit mo ko tinatawag? Alam kong ikaw yun. Yung lalaking nagligtas sa akin noon."

Still no response.

"Magpakita ka sa akin! Pakiusap. Magpakita ka." 

Nilibot ko ang paningin sa paligid at ni anino ng isang tao ay wala akong nakita. Napabuntong hininga ako at nakagat ang pang ibabang labi. Mukhang wala syang balak na magpakita sa akin---

"Why did you let him touch you like that, huh?"

My breathing hitched. Parang tumigil din ang paligid namin at tanging paghinga nya lang ang naririnig ko. Ramdam na ramdam ko ang kamay nitong nakahawak sa magkabilang balikat ko ngunit hindi ko makita ang mukha nito dahil nasa likuran ko sya. His touch. Nahahatid ng kakaibang pakiramdam ang hawak nito. Parang kuryente na dumaloy sa aking katawan.

I gulp. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko pero sigurado akong hindi iyon dahil sa sobrang pagod o sa kaba kundi dahil sa kakaibang epekto na hatid niya. 

"They don't have the right to touch you like that because you're mine." Nauulanigan ko ang galit sa tono ng boses nito. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang galit niya. Dahil ba may humawak sa aking ibang lalaki? 

Bigla bigla ay bumilis ang tibok ng puso ko na tipong kinakapusan na ako ng hininga. Hinawakan ko ang bandang puso ko at pinilit ang sarili na lingunin ang may ari ng kamay na nakahawak sa balikat ko. Ngunit ganon na lamang ang gulat ko ng pinalupot nito ang kamay sa bewang ko na syang dahilan ng pagkapako ko sa kinatatayuan. Hindi ako nakagalaw at nanigas lamang sa pwesto.

Ramdam ko na naman ang kakaibang emosyon na bumalot sa akin noon. Mukhang ginagamit nya na naman sa akin ang kakayahan nya sa pagkontrol ng emosyon. Kaya ganito na lamang ang nararamdaman ko sa aking katawan. Na imbis na matakot sa ginawa ay bakit mas gusto ko pang manatili kami sa ganitong pwesto? Bakit ayaw ko na kumalas siya sa akin? Na bigyan ng espasyo ang katawan namin? Why does it feels like my body is craving for his touch?

I know that is insane! Sino ang may gustong manatili sa ganitong pwesto kasama ang taong hindi mo kilala? I have only met him thrice so why I felt this emotions? 

This is crazy!

"I don't want them to touch what's mine." He sounds so possessive. Tila ayaw nitong ipahawak ang kung ano mang pag mamay ari nito sa iba. That if you dare to steal what's his, he will not hesitate to kill you. That is how his voice sounded and what he want to convey to me.

Hindi ko maproseso ang mga sinasabi nito dahil rinig na rinig ko ang sariling tibok ng puso. Sana tigilan nya na ang paggamit ng kakayahan nya sa akin dahil baka mabaliw ako. Hindi naman ako laruan para paglaruan nya ang damdamin ko ng ganito. Wala ba syang ibang paglalaruan kaya ako ang napili nya? Did he think I am a toy that he can play?

Sa isiping yun ay biglang uminit ang ulo ko at nakaramdam ako ng pait sa sikmura. Parang asido ito na sinaboy sa lalamunan ko patungo sa tiyan ko. And I just want to spit it.

"You're mine mi ci--"

Inis ko syang hinarap at saka sya dinuro. "Pwede ba! Wag mong paglaruan ang damdamin ko?! Dahil nakakabaliw ito at lalong lalo ng ayaw ko nito! Maghanap ka ng ibang paglalaruan dahil hindi ako laruan!"

Mukhang nagulat sya sa ginawa ko at maging ako ay nagulat din sa ginawa. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas para magawa ko yun.  Tanging inis ang bumalot sa akin dahil sa kaisipang pinaglalaruan nya ang damdamin ko. I'm not a f*cking toy! 

 I don't want this feeling. I live my whole life peacefully but this feeling just ruined it. Iyong isipin na nararamdaman ko ito sa isang estranghero. Iyong tatanungin mo ang sarili kong bakit at kung ano itong kakaibang nararamdaman mo. 

Bakit bigla-bigla na lamang siyang sumulpot sa buhay ko at gawin ito? Yes, I am thankful because he save me from that rapist. I should thank him that. But playing with me isn't fine and I will not let him do that. 

Hindi ito nakagalaw ng ilang segundo at tanging paghinga lang namin ang naririnig. And also my heartbeat. 

Ngunit ng mag angat ito ng tingin sa akin ay agad akong napaatras. Ang kulay berde nitong mga mata na parang hinihigop ang iyong buong pagkatao ay tutok na tutok sa akin. He is wearing a mask that covers half of his face and he is also wearing a cloak. A michievous grin touch his lips and my heart beat faster because of that. Why did he suddenly act like this? Kinabahan ako ng humakbang ito ng isang beses papunta sa akin dahilan ng pag atras ko na syang ikinalaki ng ngisi nito. I know that he can sense that I am now afraid. 

Yes, for the first time I am afraid of what he can do. Sa mga salita ko ba naman at sa paraan ng pagkakasabi ko ay sino ang hindi magagalit?

Umabante ito at umatras naman ako, hanggang sa paulit paulit namin iyong ginawa. Sobra sobra ang kabog ng dibdib ko dahil sa ginagawa nito lalo na ng tumama ang likuran ko sa isang puno. I'm doomed. Did I just get him mad? 

Of course you did.

Napalunok ako ng nilapit nito ang katawan sa akin at nag iwan lamang ng maliit na espasyo. Hindi ko maalis ang tingin ko sa mga mata nito  na tutok na tutok sa akin. Para bang hinihigop nito ang buong lakas ko kaya wala akong nagawa kundi ang magpaalipin sa kanya. I can't do anything but to surrender my self to him. 

Mas lalong lumaki ang ngisi nito na tila may naalalang nakakatawa sa sinabi ko kanina. 

"Bakit? Ano ba ang nararamdaman mo para sabihin mo na pinaglalaruan ko ang damdamin mo?" Tanong nito na nagpagulat sa akin. Para bang naumid ang dila ko dahil hindi ko sya agad masagot. 

Ano nga ba? Dahil ramdam na ramdam ko ang pagbilis at pagtigil ng tibok ng puso ko dahil sa simpleng ginagawa nya? Na maraming paru-paru ang nagliliparan sa tyan ko pag malapit sya? Na gusto ko ay kasama ko sya? At yun ang kataka taka dahil ni hindi ko nga sya kilala ng lubusan. Kaya bakit ako naghahangad na manatili sya sa tabi ko? Isa lang ang sagot. 

Dahil pinaglalaruan nya ang damdamin ko.

"Hmmm? Tell me." 

"D-dahil nakakapagtaka na gusto ko palaging nasa tabi kita! At yun ang nakakapagtaka dahil hindi naman kita lubusang k-kilala!" Sigaw ko at napapikit dahil hindi ko makayanan ang titig nito. Rinig ko ang mahina nitong pagtawa at yan na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko at ang mga paru-paru sa loob ng tiyan ko. Pakiramdam ko ay may susi siya para palabasin ang lahat ng mga iyon. Iyong sa simpleng tawa niya palang ay pakiramdam ko ay kakapusin na ako ng hininga.

"Really? Yan ang nararamdaman mo? What else?"

Mas diniinan ko ang pagpikit at kinagat na ang ibabang labi. Nag dedebate ang puso't isip ko kung sasabihin ko ba sa kanya ang iba pang nararamdaman ko pag malapit sya. Bakit parang nag aalangan ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi? You need answers right? So might as well tell him.

"What else hmmm?"

"B-bumibilis ang tibok ng p-puso ko at ramdam ko a-ang---"

"Thana?! Asan ka?!"

Agad akong napamulat ng mata at nagulat ng mawala na sya sa harap ko. Naiwan naman akong tulala at hinihingal sa hindi malamang kadahilanan. Ito ba talaga ang epekto ng misteryosong lalaking yun sa akin? Pero hindi pa nya nasagot kung sya ang kumukontrol ng damdamin ko. 

Napahawak ako sa bandang puso ko at napapikit. Nandito na naman ang pakiramdam na gusto ko syang nasa tabi ko. Katangahan ang ganitong pakiramdam thana! Papaano mo mararamdaman ito sa isang misteryosong lalaki?

I bit my lowerlip and wipe the tears that was streaming down my face. Hindi ko alam na tumulo na pala ang luha ko dahil sa samo't saring naramdaman. 

"Thana?!"

"Thana!"

Ramdam ko na may humawak sa magkabilang balikat ko kaya agad akong napamulat at napangiti ng makita si amabella sa harapan ko. Kita ko ang pag aalala sa mukha nito kaya napabuntong hininga ako. Kasunod nito ang mga kaibigan nito na kapwa ding nag aalala. Para namang nakaramdam ako ng konsensya sa biglaang pagtakbo ng walang paalam. Napag aalala ko pa tuloy sila.

"Ayos ka lang ba?"

"Anong nangyari?"

"Oo nga? Ba't ka tumakbo?"

Tipid na ngumiti lamang ako sa kanila bago napabuntong hininga at napayuko. "Pasensya na kung napag alala ko kayo sa biglaan kong pagtakbo. Pasensya na talaga." I didnt mean to scare them. 

"Ayos lang yun."

"Pero bakit ka nga ba tumakbo paalis? May problema ka ba?" Nag aalalang tanong ni Logan na kuya ni amabella.

Hindi ko alam kung ano ang irarason ko sa kanila kaya naman nahirapan ako sa pag sagot sa tanong nila. What should I say? Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila ang tunay na dahilan. Pakiramdam ko ay mas mabuti pang sa akin na lamang ito. It is not that I don't trust them, but because I think this problem is not for them to think anymore. These are all are mine, and no one should solve this problem but only me.

"Oo nga. May problema ka ba thana?"

"Ahm wala. May nakita lang kasi ako kaninang pigura sa malayo kaya agad kong sinundan. Yun pala pusa lang." Pagsisinungaling ko. Agad ko silang tinignan isa-isa sa mga mata para hindi sila maghinala na nagsisinungaling ako. 

Napaginhawa naman sila dahil sa sagot ko at agad ngumiti. Maging ako ay nabunutan ng tinik sa isiping hindi na sila magtatanong ng mga katanungang hindi ko naman masasagot. 

"Next time you need to be careful with your actions. You're too innocent and easy to fool." Seryosong saad ng lalaking kaibigan nila kanina bago ito tumalikod na. If I'm not mistaken, he is Von.

Natigilan ako dahil sa sinabi nya at hindi agad nakagalaw. Tipid naman na ngumiti ang iba sa akin bago sila sumunod dito. 

Naiwan naman akong tulala at pinoproseso ang sinabi nito.

"Next time you need to be careful with your actions. You're too innocent and easy to fool." 

*****

WRITTEN BY: STRINGLILY

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status