Share

KABANATA 3

Kabanata 3

    Meet him

"Omg! Really?!" I exclaimed when tiyang announced a good news. Ibinalita nito na pinayagan na akong mag trabaho dito sa sabado at linggo, while I will be studying on weekdays. 

Masaya ko itong niyakap kaya rinig ko ang mahina nitong pagtawa. 

"Oo hija. Kaya magbihis ka na dyan at maglilinis tayo." Ani nito kaya mabilis akong kumalas ng yakap at patakbong pumasok ng banyo. Narinig ko pa ang pagtawa ni tiyang sa labas na dahilan ng pag ngiti ko. 

Agad kong sinuot ang uniporme nilang pinaghalo ang kulay itim at pula. Pagkatapos ay napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin at agad napangiti. My eyes sparkled because of so much happiness. My green eyes twinkled as I slowly covered my other eye with my palm. Mas lalong lumapad ang ngiti ko ng maalala kung gaano kaparehas ang kulay ng mga mata namin ng aking ina. 

Hindi lang pala ang mga mata ang namana ko sa kanya kundi maging ang halos lahat ng parte ng aking mukha. From my small and heart shape face, to my soft arch eyebrows, to prominent nose and lastly, to my thin and pinkish lips. Sometimes, titigan ako ni tiyang pagkatapos ay sasabihin kung gaano ko kahawig ang aking ina.

That thought brought so much joy to my heart.

"Thana halika na." Rinig kong tawag sa akin ni tiyang.

Lumabas naman ako sa banyo at naabutan ko syang nakaupo sa kama. Tinitigan ako nito sa mga mata bago ito ngumiti at lumapit sa akin. Sinuklian ko naman ang ngiti nito bago sya niyakap sa bewang.

"Naglalambing ka tiyang?" Mabiro kong tanong kaya mahina itong natawa. Tiyang is not the sweet type. Mas madalas syang seryoso. Siguro ganyan lang talaga dahil panganay sya sa kanilang magkakapatid. Hmmm...I don't know how to describe it.  Serious but caring? Yeah.

Sometimes there is a person who does not know how to express themselves. Sometimes, they express themselves through actions. They prefer actions because sometimes they think it is to cringe. Just like Tiyang, and I understand her. I know that not everyone is like you, or maybe not everyone is someone you think they should be.  

She smiled then held my hand. "Alam kong maintindihin kang bata at Alam kong malakas ka kaya kung ano mang pagsubok ang dumating sayo. There are so many things that still need to be keep. Mga bagay na hindi pa pwedeng malaman. And if you discover something, I just want you to be strong. Mahal na Mahal kita. Lagi mo yang tatandaan. Ano man ang ginawa kong desisyon noon ay para iyon sa ikabubuti mo." Mahaba nitong litanya. Napangiti naman ako kahit na may mga tanong na namumuo sa utak ko. I have a big trust on her. She is the only person that I trust the most. She was the one who took care of me when my parents died. She chose me than having her own family.

I smiled at her.

"Mahal na mahal din po kita tiyang." Ani ko kaya sumilay ang ngiti sa labi nito. 

My aunt raised me when my parents died. She took all the responsibility. Mas pinili nya na alagaan ako kaysa ang bumuo ng sarili nitong pamilya. Kaya mahal na mahal ko sya higit pa sa inaakala nya. 

****

Cassius Braeden

Hermeone1867

Basa ko sa nakaukit na pangalan na nasa painting na kasalukuyan kong linilinisan. Kanina pa ako naglilinis dito sa ikalawang palapag ng mansyon at nakita ko itong larawan ng isang lalaki na nakasabit sa dingding. Marami pa ang mga larawang nandito pero ito ang nakakuha ng pansin ko.

My forehead knotted because his face is so familiar. He look like a man from yesterday. Is he the owner of this mansion? Or a son? lolo ba nya ang nasa painting na ito? But how? Ipininta ba ito noong binata pa ang lolo nya?

Of course Thana. Alangan naman na siya yan e 1867 pa nga diba?

Wow. They are really look alike! I mean, he is exactly the carbon copy of his grandfather. Walang itulak kabigin kung e dedeskripsyon. Para bang kinuha ito ngayon lang.

If there is no date written on the painting then I will think that he is the man from yesterday. Kung possible lang na mabuhay ang tao ng pagkahaba habang panahon ay siya talaga ito. If it is. Or maybe he is not human?

Not human? Don't think like that thana. It is like you're saying that your aunt is working on a what? V-vampire?

Vampire is immortal.

Ayaw kong pag isipan ng masama ang may ari ng bahay na ito dahil tinulungan pa nga ako nito. At mas lalong hindi ko dapat pag isipan ng masama si tiyang dahil buong buhay niya ay inilaan niya sa pag aalaga sa akin.

Bumuntong hininga ako at tinignan ulit ang larawan ng lalaki. Hindi ko ulit maiwasang mamangha sa taglay nyang kakisigan. 

Dahan-dahan kong inagat ang kamay ko at hinaplos ang larawan nito. Mula sa makakapal nitong kilay hanggang sa mahaba at makapal nitong mga pilik mata. Pinakatitigan ko ang mga mata nito. Even just in the painting, his aura screams power and danger. At yung mga mata nito ay parang unti-unti kang nilulunod. Nakakamangha.

Binaba ko naman ang kamay ko sa mga matatangos nitong ilong hanggang sa mapadpad ang kamay ko sa labi nito. Wala sa sariling napalunok ako habang tinitigan at hinahaplos iyon. His lips is inviting me to taste it. It is like an apple tempting me to have a taste. 

Ano kaya ang pakiramdam ng mga labi nito paglumapat sa labi ko?

Mahina akong napatawa dahil sa naisip ko. Hindi ko aakalain na pagnanasaan ko ang mga labi nito. Nababaliw na siguro ako. Ilang taon na din sigurong patay ang lalaking ito pero kahit ganun ay may gana pa akong pag nasaan ang mga labi niya.

Natatawa akong umiling at ibinaling nalang sa ibang mga larawan ang atensyon ko. Isang hakbang lang ang ginawa ko at agad akong natigilan ng may maramdaman akong kakaiba. Para bang may nakatingin sa akin.

Nilibot ko ang paniningin ko sa pasilyo pero wala naman akong makitang kakaiba. I am all alone standing in the middle of a hallway. But what is that feeling? The feeling of someone watching you. 

Ilang ulit ko pang nilibot ang paningin ko pero wala akong nakita. Bumuntong hininga na lamang ako. Siguro nababaliw na nga talaga ako.

I shrugged before I decided to--

"Are you done checking the painting?" 

No I am not done lusting--

Nanlalaki ang mga mata ko na tinignan ang lalaking nasa harap ko. Omg! Did I just said that I'm lusting over? Holy crap!

I don't know what to do. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya at pabalik sa painting. Kumunot ang noo ko ng wala talaga akong makitang pinagkaiba nila maliban sa background. Am I dreaming?

OMG! He is exactly the replica of the one in the painting. 

My jaw dropped before I raised my hand to touch his face. I do not know what I am doing. Ang nasa akin lang ngayon ay ang kompirmahing siya nga ang lalaking nasa painting. Crazy as it is but I just can't help it. 

I gulp.

"I conclude that you are not done yet." Rinig kong usal nito kaya napaayos ako ng tayo at tumikhim bago yumuko. Mabilis ko na naitago ang kamay ko sa may likuran habang kagat labi lang na tinungo ang ulo. 

D-diba siya ang may ari ng bahay na ito? Ibig sabihin?

"Magandang umaga po." Magalang bati ko. Ipinagpasalamat ko na hindi ako nautal dahil sa sobrang kaba.

Hindi ko narinig ang tugon nito kaya nag angat ako ng tingin sa kanya. Only to see him looking at me intently. Napalunok ako habang hindi ko maalis ang titig sa mga mata nito.

Malamig ang klase ng titig na binibigay nito sa akin kaya abot abot ang kaba ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba. He screams danger. Pero bakit ganun? Kahit na malamig ang mga mata nito ay hindi ko pa rin maiwasang mamangha? Mamangha sa mga mata nitong kakulay ng abo. Bakit kahit na pwede na niya akong saktan ay hindi ko pa rin magawang matakot ng husto sa kanya?

He is like a personified power and danger, but why do I feel like this? Hindi ba dapat ay matakot na ako sa kanya dahil anumang oras ay pwede niya akong mabalibag? I am just a small woman compared to him. Pakiramdam ko ay pwede niya akong mapatay gamit lamang ang isang kamay. 

It is clear that I am nervous not because I am afraid of him but because of the power of his eyes. It has the power of drowning me. It has the power to suck my soul. That is the reason why I felt all of this. 

Napalunok ako at pasimpleng humawak sa dingding na nasa likod ko. Pakiramdam ko kasi ay matutumba ako ano mang oras. Baka hindi ko makayanan ang panlalambot ng mga tuhod ko dahil sa epekto ng titig nito. Mga titig nito na nagsusumigaw ng kapangyarihan at kapahamakan. Ngunit ganunpaman ay hindi ko maiwasang paulit ulit na mamangha dito.

"Go back to your room." Malalim at maawtoridad nitong utos na nagpagulat sa akin.

"P-po?" Utal kong tanong dahil hindi ko inaasahan na magsasalita ito. You really look like an idiot in front of him thana!

"I said go back to your room. And tell your auntie to go to my office." Yun lang at tumalikod na ito. Napalunok ako habang tinitignan ang likod nitong papalayo.

Sabi nya bumalik ako sa kwarto at papuntahin ko daw si tiyang sa opisina nito. Biglang linukob ulit ako ng kaba.

Hindi nya naman siguro sisisantehin si tiyang diba? Tsaka wala naman akong ginawang mali.If staring at the painting is a sin, then maybe I did something wrong.

*****

Kanina pa ako nakatingin sa pintuan habang kagat-kagat ang ibabang labi. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Sa pagkakaalam ko ay wala akong ginawang mali. Kaya hindi nya naman ako sisisantehin diba?

Napabuntong hininga ako dahil sa naging malikot kong kaisipan. Hindi naman siguro mangyayari yun. Iiwasan ko nalang ang mag isip ng negatibo para hindi ako kabahan.

I don't really know what gotten into me. Pag nanasaan ba naman ang labi ng taong namayapa na. Nasa tamang kaisipan ka pa ba thana? Hindi porket hindi ka pa nakakatikim ng halik ay pag nanasaan mo nalang ang kahit na ano.

Ilang minuto pa ang hinintay ko ng dumating si tiyang. Agad akong napatayo sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya.

"Thana--"

"Tiyang!" Ngumiti lamang ito sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Halika sa kusina. Tulungan nating magluto ng hapunan si tiyang Arlanda." Ani nito na ang tinutukoy ay ang matandang kasambahay dito.

Magtatanong pa sana ako sa kanya kaya lang ay hinila na ako nito palabas. Tumahimik na lamang ako at sumunod sa kanya.

Siguro ay hindi naman sya pinaalis at pinagalitan diba? Kasi parang wala naman akong nakikitang kakaiba sa mukha ni tiyang. Ang bakas na pinagalitan ito. She still acts normal so I assume that nothing bad happened.

Bumuntong hininga na lamang ako at binati ang matandang mayordoma. "Magandang hapon po." Bati ko at ngumiti naman ito sa akin.

"Magandang hapon din hija." Bati naman nya bago ito bumalik sa niluluto.

Pinanood ko lamang ito at napagtanto na kahit sa edad nitong anim na po't pito ay sobrang lakas pa nito. Para lang itong Trenta kung kumilos. 

Tinignan ko ang ulam na nilapag nito sa lamesa at napangiti ng masamyo ang mabango nitong amoy. Napagdesiyonan kong tumayo at kumuha ng pinggan at kutsara at ilalagay na sana sa mesa ng may maalala.

"Tiyang arlanda." Tawag ko kaya lumingon ito sa akin. "Ahm..ilan po ba sila ang kakain dito?" Tanong ko kaya ngumiti ito bago ako sinagot.

"Isa lang hija." Sagot nito kaya kumunot ang noo ko. Sa sobrang laki ng bahay nito ay mag isa lang sya? Asan na ang asawa nya? 

"Hindi sya mag isa hija. May lakad lang talaga ang mga kapatid nya. Tsaka wala pa syang asawa." Rinig kong usal ni tiyang arlanda kaya naman nagtataka ko syang tinignan. T-teka? Nasabi ko ba yun ng malakas?

Kita kong ngumiti lamang ito bago minuwestra ang mesa. 

"Ilagay mo na yan hija at bababa na sya." Sabi nito kaya agad akong kumilos. 

Bababa na sya? Kailangan ba naming manatili dito? O baka gusto nyang maiwang mag isa? At babalikan nalang namin ang pinagkainan nya mamaya para linisin? I'm really confuse and at the same time nervous. Nervous to meet him again.

"Tiya---"

"Ayan na sya."

At hindi nga nagtagal ay narinig ko na ang mga yapak na papalapit. Napaayos ako ng tayo at tumikhim bago yumuko. Ayaw kong tignan sya sa mga mata dahil alam kong malulunod lamang ako sa mga titig nito. His stare sent shiver to my spines. Para bang pag tinitignan mo ito ng deretso sa mata ay kusa ka nalang na malulunod dito.

Ramdam ko ang presensya nito na pumasok sa kusina. Imbis na umangat  ng tingin ay mas pinili kong tignan nalang ang pares ng tsinelas nito. Sinundan ko ng tingin iyon hanggang sa makaupo ito. Rinig ko ang pagtikhim nito bago ko narinig ang paghuni ng kutsara't tinidor.

Kahit na nakayuko ay naiimagine ko ang kakisigan nito. He looks like a model. No! He is definitely more attractive than those models. And I'm not lying.

He is drop dead gorgeous but at the same time dangerous. I don't know but he has this strong aura. Para bang sinasabi na kailangan mong pag ingat pag lumapit ka sa kanya.

Kinagat ko ang labi habang ramdam ko ang pangangalay ng batok ko sa kakayuko. Pero kahit ganun ay hindi pa rin ako natinag. Nanatili pa rin ang tingin ko sa sahig. I don't want to be drown again to his grey eyes.

Napalunok ako habang ramdam ko ang panaka-naka nitong pagsulyap sa pwesto namin ni tiyang. Hindi ko nalang yun pinansin at nag isip ng iba para madivert ang atensyon ko.

Ngunit sa kamaang palad ay hindi ko na nakayanan pa ang pananakit ng batok ko kaya agad akong nag angat ng ulo at inikot-ikot ito para mawala ang pangangalay.

Parang nawala ang paalala ko sa sarili kanina ng dumapo ang tingin ko sa mga kamay nito. Parang may sariling utak ang mata ko sumunod ang mga ito hanggang sa sinubo nya ang pagkain.

Pinagmamasdan ko lamang ang mga labi nito habang nginunguya nito ang pagkain. Bigla akong napalunok at nag iwas ng tingin. Naalala ko kanina kung paano ko pag nasaan ang mga labi ng lalaking nasa larawan. And I don't know why I suddenly felt my throat becomes dry. Maybe because they have the same lips? And that only means---

I didn't realize that I'm looking on his lips intently. And the most embarrassing part is when he is looking at me the whole time! Crap!

I saw him smirk and there's an evident amusement in his eyes. Dahan-dahan ako nitong tinignan deretso sa mata. At this moment, I just want to be swallowed.

Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko bago ako nag iwas ng tingin. Omygosh. What have I done?

*****

Written by: Stringlily

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status