Share

KABANATA 2

Kabanata 2

New place

"Tiyang ba't bigla biglaan naman ata?" Tanong ko sa tiyahin habang abala ito sa pagliligpit ng mga damit namin.

"Kasi hindi na tayo pwedeng magtagal dito thana." Sagot nito at abala pa din sa pagsilid ng mga damit namin sa hindi kalakihang bag.

My forehead knotted. "Pero bakit po? Saan naman po tayo pupunta? Tsaka matagal na tayong naninirahan dito tiyang." Sabi ko at rinig ko ang tila hirap nitong pag buntong hininga.

"Basta sumunod ka nalang sa akin thana. Ako ang papagalitan pag magtagal pa tayo dito." what? Who?

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. "Po? Sino naman po ang magagalit sayo? Yung may ari po ba ng lupa na ito?"

"Hindi thana. Hindi. Basta sumunod at manahimik ka nalang, okay? Para din naman ito sayo eh. Ayaw nun na mapahamak ka." Sabi nito na nagpakunot ng noo ko. Gusto ko pa sanang magtanong kaso baka magalit na sa akin si tiyang kaya mas pinili ko nalang ang manahimik. Pero hindi ibig sabihin nun ay mananahimik na ang isip ko.

There are so many questions in my head. Sino ang magagalit? Who cares for me? Bakit parang sya ang sinusunod ni tiyang? Is he that powerful?

I sighed as a sign of forfeit. "S-sige po..."

"Tulungan mo nalang ako dito at para makaalis na tayo." Utos nito kaya agad akong sumunod.

Donna didn't know about this. Masyadong biglaan ang desisyon ni tiyang kaya hindi na ako nakapagpaalam.

I don't why she is in a hurry but, is it because of what happened to me last day? Pero hindi na din naman makakabalik ang lalaking yun dahil patay na sya. Nakakapagtaka din dahil ni report galing sa pulis ay wala kaming balita. Sigurado akong makikita agad ang nakahandusay na katawan ng lalaking yun sa daan. 

Patay.

The mysterious man killed that rapist.  He killed him like it's nothing. Ni hindi sya natakot na pupwede syang makulong dahil sa ginawa nya.

Pinakiramdaman ko ang sarili pero wala akong makapang kahit anong takot para sa lalaking yun. Maybe because he saved me? Yeah. That's possible.

"I'm sorry if I was late. It is my fault. I'm sorry mi cielo..."

Nanindig ang balahibo ko at ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hinding hindi ko makalimutan ang mga katagang binitawan nya bago ako nawalan ng malay. It is like a music to my ears. Kay sarap marinig muli ang ganung mga salita galing sa kanya. I smiled while his words keep on repeating inside my head. I look like an idiot.

"Ano ang nginigiti-ngiti mo dyan thana? Tama na yan at halika na. Baka maiwan pa tayo ng bangka." Saway sa akin ni tiyang bago nya ako iginiya na palabas. Agad namang nawala ang ngiti sa labi ko.

Isang sulyap pa ang iginawad ko sa bahay na ilang taon ding naging saksi sa bawat lungkot at saya na naramdaman ko. Sa isang iglap lamang ay aalis kami dito na parang wala lang. Kahit nga ang pag paalam sa bukod tanging naging kaibigan ko ay hindi ko nagawa dahil sa naging biglaan ang desisyon ni tiyang.  

Kahit ang sarili ko nga ay hindi din inaasahan ang desisyon nya. Basta nagulat na lamang ako kanina ng sabihan nya ako na mag empake na ng gamit at aalis kami. Gulat na gulat ako kanina habang tinitignan sya na kakagaling lang sa kanyang tinatrabahuan.

"Tiyang?" Tawag ko dito habang nakasakay kami sa jeep papuntang Arumbic kung nasaan ang daungan. Sasakay kami doon papunta sa tinatrabahuan ng tiyahin ko. Ani nya'y doon na daw kami maglalagi sa tintrabahuan nya. Nakapagpaalam na sya sa kanyang amo at pumayag naman daw ito.

"Bakit?"

Napayuko ako at napabuntong hininga. "May ideya ka ba kung ano na ang nangyari sa lalaking nagtangkang halayin ako? May nagreport ba sa pulis?" Bulong ko para hindi kami marinig ng ibang pasahero.

Napatingin ito sa labas ng bintana bago ito umiling at bumaling sa akin. "Hindi. Walang  nakakita sa katawan ng lalaki."

Napakunot ang noo ko at nagtaka dahil sa sinabi nito. Wala? Anong ibig sabihin ng walang nakakita sa katawan nito? Ang alam ko ay nakahandusay ito sa daanan. At pag umaga na ay maraming pumupunta sa bayan kaya sigurado akong makikita nila ang katawan.

Hindi kaya?--"Hindi kaya tinago ng lalaking nagligtas sa akin ang bangkay?"

"Ano kamo hija?"

Huh?

Napabaling ako sa tiyahin dahil sa biglaan nyang pagsalita. Nakakunot ang noo ko itong binalingan.

"Po?" Taka kong tanong.

"Sinabi mo kasi na tinago ng lalaking nagligtas sayo ang bangkay." Ani nito kaya mas lalong lumalim ang gatla sa noo ko.

Nasabi ko ba yun ng malakas?

"A-ah Wala po tiyang." Sabi ko at sinamahan pa ng naiilang na tawa. Kita ko ang pagtataka sa mukha nito pero agad din namang bumuntong hininga at nag iwas ng tingin.

Ilang minuto pa ang tinagal ng biyahe bago kami nakarating sa daungan. Bitbit ang bag ay sumampa na kami sa bangka. Napatingin ako sa mga kasama namin sa bangka at kita ko ang tahimik nilang pagmamasid lamang sa dagat.

I noticed that they all have pale skin. They are like living in a cold place. Ang pilipinas ay malayo pa sa ganun. Well, maybe it is in their genes? But how sure I am to know that they are blood related?

Napatingin ako sa tiyahin at kita ko din ang pagkakapareha nila ng balat ng mga kasama namin sa bangka. My aunt has a pale skin while my dad is moreno. My grandmother and grandfather are also morena and moreno while I'm mestiza.

"May problema ba thana?"

Napapitlag ako at nagtatakang tinignan si tiyang. Nakatingin ito sa akin habang may nagtatanong na mata. Maybe I didn't noticed that I'm looking at her intently.

"A-ahm...ahm w-wala naman po tiyang." Sagot ko.

"Tulala ka kasi habang nakatingin sa akin." Sabi nito kaya naman napaawang ang labi ko bago ako umiling at ngumiti.

"Nagtataka lang ako tiyang kung ba't sobrang puti nyo. Saan po kaya kayo nagmana?" I asked out of the blue.

Napakunot ang noo ko ng biglang naging malikot ang mga mata nito bago ito bumuntong hininga. Tila ba nagulat ito sa naging tanong ko kaya hindi agad ito nakasagot. Para bang kay hirap sagutin ang tanong ko. Pero sa totoo lamang ay tinanong ko yun para naman may pagkaabalahan dahil sa mahabang byahe. 

I already expected that this ride would be boring, so I tried to divert my attention. I tried to open a topic with her.

"Ahm...dahil gumagamit ako ng sabon na pampaputi!" Sagot nito at napapitlag pa ako dahil sa biglaang paglakas ng boses nito. She acts so weirdly. Is it just me? But I feel like she is so weird today.

Nanlaki ang mata ko at hindi na inalintana ang paligid. "Talaga po?" Mangha kong tanong at sinagot naman nya ako ng nag aalangang tango.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Tiyang?" Binigyan nya naman ako ng nagtatanong na titig kaya nagsalita ulit ako. "Pwede po ba akong makahingi ng sabon na yun? I want to have a skin like yours." 

Ulit ay nag likot na naman ang titig nya at para bang may nakita akong emosyon na dumaan sa mga mata nito. Tama ba ang nakita kong emosyon? Kaba? Impossible. Bakit naman sya kakabahan? Wala namang masama sa tinanong ko.

"N-naku! Hindi ko na kasi mahagilap ang taong kinukuhanan ko ng sabon na yun." Si tiyang bago ito nag iwas ng tingin. Napanguso naman ako at hindi na sya kinulit. Mukhang nahulog naman na ito sa malalim na pag iisip. 

Napatingin ako sa mga kasama namin sa bangka at nagtaka ng makita ang nakakunot noo nilang titig sa amin ni tiyang. Pabalik balik ang titig nila mula kay tiyang papunta sa akin na tila ba nagtataka sa isang bagay. 

Kunot noo ko naman silang binalingan kaya agad silang nag iwas ng tingin. Pero makaraan lang ay napatingin sila kay tiyang at nagkatitigan sila na tila ba nagkakaintindihan gamit ang kanilang mga mata. Mas lalong kumunot ang noo ko pero pinili ko na lamang na bumuntong hininga at nag iwas ng tingin.

Actually, they are all weird! The way they look at us is so weird. And that stare! Tinignan nila si tiyang na para bang nakagawa ito ng krimen. I sighed, brushing off every thought away.

Hindi na din naman nagtagal ay nakarating na kami sa isla. Napatingin ako sa madilim na langit. Tila ba hindi nasisinagan ng araw ang parte ng lugar na ito dahil sa mga patay na puno at halaman sa paligid. What the heck? How? It is an island for pete's sake!

Nagtataka man ay sumunod na lamang ako kay tiyang ng hindi nagtatanong. Maybe I could ask later.

*****

I'm in awe while looking at the house in front of me. Bahay pa ba? Para itong palasyo sa laki. Hermeone Mansion.

I didn't expect that my aunt's boss is super rich! Like hell! Look at the mansion! But this mansion gives me a different vibe. Like in a harry potter movie?

"Hala ang yaman pala ng amo mo tiyang." Usal ko habang papalapit kami sa dalawang tagabantay na nasa magkabilang gilid ng malaking Gate. They look like a statue. Kung hindi lang sila kinausap ni tiyang ay malamang hindi ko sila mapapansin.

"Atsaka ang galing kasi sobrang makaluma po ng disenyo ng palasyo nila. Parang itinayo na ilang libong taon. " Dagdag ko pa ng hindi ko narinig ang imik ni tiyang. 

"Ang galing..." Mahinang bulong ko at sumunod nalang kay tiyang ng pumasok na ito sa dalawang malaking pintuang gawa ng metal. 

Hindi ko alam na mas lalo akong namangha pagkapasok namin. The house looks so old, but I don't why I'm still in awe.Maybe because this is my first time seeing a mansion like this. Kadalasan ay sa mga movies ko lang ito nakikita.

"Isarado mo yang bibig mo thana." Turan ni tiyang na nasa unahan ko kaya't natatawa ko na lang na sinarado ang kanina ko pa palang nakabukas na bibig. 

Hindi ko aakalain na may mga buhay pa palang mga halaman sa dinadaanan namain papasok sa loob ng mansyon. Hindi ko ito inaasahan dahil lahat ng nadaanan namin kanina ay patay ang mga halaman at puno kaya nagulat ako ng may makitang makulay na mga bulaklak sa hardin.  Parang tinipon lang ang mga buhay na halaman sa isang hardin. 

Sumunod lang ako kay tiyang ng dumaan ito sa likod at hindi sa pinakamismong harapan na pintuan. Of course! We are not a guess to enter there. 

"Dito ang magiging silid natin." Aniya ng pumasok kami sa hindi kalakihang silid ngunit may sarili na itong banyo. So I guess kami lang ni tiyang ang matutulog dito. Wala pa nga akong may nakitang kasambahay dito na syang ipinagtaka ko. This is hella big! And wala man lang mga kasambahay?

I put my bag to the side of my bed. "Tiyang." Tawag ko.

Lumingon naman ito sa akin bago pinagpatuloy ang pagbibihis nito ng uniporme nila.  "Bakit?"

"Nandito po ba ang amo nyo?' Tanong ko kaya kumunot ang noo nito.

Ngumiti naman ako dito at sinabi ang naisip. "Gusto ko po kasi na magpasalamat sa kanya kasi pinayagan nya akong tumira dito." I'm so grateful that he or she let me stay here. But I think it will be good if I will return the favor. 

Napatikhim naman ito. "Ayos lang yun. Wag ka ng mag abala pa dahil ako na mismo ang nag pasalamat sa kanya." Sabi nito pero napanguso ako. Iba naman kasi pag ako na mismong personal na magpasalamat. 

"Nahihiya po kasi ako tiyang. Gusto ko sana ako ang personal na magpasalamat sa kanya. Pero kung ayaw nyo po ay hindi ko na po kayo pipilitin." Tumikhim ako bago ngumiti ulit sa kanya. Maybe I should just follow my aunt. Siguro ay ayaw din ng amo nito na maistorbo kaya ayaw ako nitong palapitin dito. 

I sighed. Another idea flashed on my mind. "Kung gusto nyo po ay magtrabaho ako dito kahit na hindi na po ako bayaran. Pasasalamat ko na lamang po sa kanya."

Agaran naman ang pag iling nito kaya napanguso ako.I just want to return the favor. Pero mukhang ayaw ni tiyang sa naging suhesyon ko. Ani nya'y mag aaral pa daw ako sa skwelahan dito at sya na daw ang bahala sa mga babayaran. Ang akin lang naman ay kung pwede akong mag aral sa lunes hanggang biyernes habang sa sabado at linggo ay magtatrabaho ako dito. Tsaka wala naman akong gagawin every weekends so might as well help them with household chores. 

She sighed as a sign of forfeit. "O sya sige. Kakausapin ko ang amo ko at sasabihin ko ang gusto mo. Kaya wag ka ng ngumuso dyan at mukha kang batang nagmamaktol." Aniya kaya napatawa ako at malambing syang niyakap. Tiyang is not really good in expressing herself but I know that she cares for me. And minsan lang sya magpalambing kaya susulitin ko na. 

"Salamat po tiyang."

"Basta ikaw. O sya, alis na muna ako at hahanapin ko ang amo ko. Sasabihin na din sa kanya ang gusto mo." 

Kumalas naman ako sa pagkakayakap sa kanya at ngumiting umupo sa kama. 

"O alis na muna ako. Kung may kailangan ka ay nandun lang ako sa kusina. Lumiko ka lang pakanan ay matatagpuan mo na iyon."  Ani pa niya kaya tumango ako. 

Agad naman itong umalis kaya napatingin ako sa kawalan. Silence ate me. Then so many questions flooded my mind.  

I may be quiet the whole time, but that doesn't mean that I'm not observing my surroundings. I find this place weird. There is no sun on the island! And another thing is, all of the plants and trees are dead. Well, maliban nalang sa mansyon na kahit papaano ay may buhay na mga halaman. 

I noticed that all of them has pale skin. Is it because there is no heat here? Kanina ko pa kasi napapansin na ang init na nandito ay hindi nakakapaso. 

I am the type of person who really believes in other creatures. When I was in high school, I have a paranormal experience. Kaya nasanay na ako minsan pag nararanasan ko iyon. Ghost can't harm you if you have a strong faith to God. Vampires? Wala pa naman akong naenkwentrong bampira. Except sa pinaghihinalaan kong tao. 

Wala sa sariling napabaling ang tingin ko sa binatana ng maramdaman ko ang malakas na hangin na nagtangay sa kurtinang nakasabit doon.Kunot noo akong tumayo at pinulot ang nahulog na kurtina bago ito binalik ulit sa sabitan. Sobrang lakas ba ng hangin para matagay nito ang kurtinang nakasabit?

Sumilip ako sa nakabukas na bintana at nakita ang mga bulaklak na dinaanan namin kanina. Ngumiti ako  bago ko napagdesisyunan na lumabas muna sa hardin. Iyon lang kasi ang lugar na may mga makukulay na bulaklak. Para hindi ako mabored dito ay lalabas nalang ako. Siguro wala namang problema kung lalabas ako diba? It is not that I will do something bad. 

Paglabas ko sa silid ay nadatnan ko ang sobrang tahimik na pasilyo. Kumunot ang noo ko. Mukhang wala talaga akong nakitang mga kasamabahay na pagala gala dito. Or maybe this place is just so big kaya hindi ko sila nakikita? Well kung ano man iyon ay malalaman ko pag nagtagal na ako dito. 

A smile stretch on my lips as soon as  I saw my babies. I really love nature kaya ilang oras palang na hindi ko nasisilayan ang mga magagandang bulaklak ay pakiramdam ko magkakasakit na ako.Mabuti nalang talaga ay kahit papaano meron ditong buhay na mga bulaklak. 

A michievous grin touch my lips when an idea flashed on my mind. Kanina ko pa napapansin na sobrang daming mga ideya ang pumapasok sa isip ko. Well maybe I'm that type of person na madaming iniisip kaysa ang palasalita. 

I sighed. Siguro wala namang masama ang mag suhesyon right? Tutulong lang naman ako sa pag aalaga ng mga bulaklak na ito. They are like my babies. Tsaka simpleng pagdidilig lang naman ang gagawin ko para lang may paglibangan. 

Tumuon ulit ang atensyon ko sa mga bulaklak bago ko hawakan ang isa. Isang buntong hininga na naman ang ginawa ko habang iniisip kung papayag ba si tiyang sa magiging suhesyon ko. Well maybe baka halaman ito ng asawa ng amo nya kaya ito ang gumagawa nun? Lalaki ba ang amo ni tiyang? O babae? I'm not really sure. Hindi naman pala kwento si tiyang about sa boss nya eh. 

"You are really beautiful like me. I'm your mommy." Kausap ko sa bulaklak at napangisi nalang. You look like an idiot, thana. Do you really think they will answer you? 

My forehead knotted when I feel something. A presence of someone. 

Napatingin ako sa likod ko tsaka ako tumingala bago dumapo ang mga mata ko sa isang bulto ng lalaki na nakatayo sa isang balkonahe. My breathing hitched when our eyes met. I unconsciously placed my hand on my chest. His eyes is drowning me. His charcoal grey eyes is piercing through my soul. 

Kinagat ko ang ibabang labi bago ko pinilit ang sarili ko na putulin ang titig namin. My eyes move down to his prominent nose, to his perfect jawline, Until my eyes lead me to his plump lips.

I unconsciously gulped while looking on his lips. His lips is inviting someone to taste it. I shrugged my thought off and moved my eyes to his thick and long eyelashes. It emphasize his charcoal grey eyes. At habang nakatitig ako sa mga mata nito ay muli na naman akong nahulog dito. I couldn't look away nor get rid of it.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nagtitigan pero alam ko na matagal iyon. Hindi pa nga sana mapuputol yun kung hindi nito iyon pinutol at pumasok sa isang silid.   Kanya ba ang silid na iyon? Is he my boss?

*****

Written by: Stringlily

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status