Share

KABANATA 9

Kabanata 9

Danger

Overthinking

Overthinking will lead you into two consequences. It is either good or bad.

Sometimes, people overthink something that just need a shallow understanding. So many things will run inside your mind, and in return? You will just hurt yourself. 

So is it bad?

It depends on the situation. For example, If we will put it in a realistic situation. We can put the reason why some of the couples break up. It is because of misunderstanding. Some scenario is when a boy did not reply quickly to the girl messages. The girl will think that the boy is cheating on her. Why? Because she is over-analyzing the situation. Her mind created a problem that wasn't even there. So in the end, she will end up breaking up with him. You didn't give him a chance to explain himself to you.This is not only for girls but also for boys.

Sometimes, it is just you who hurt yourself. It is you who caused yourself pain and problems. Overthinking is also sometimes equal to having no trust in your partner. Why would you overthink? It is because you don't trust him, or maybe he broke your trust. 

"The overthinking brain cannot translate these thoughts into actions or positive outcomes, so therefore creates feelings of stress and anxiety. The phrase "overthinking" is often used quite flippantly these days."

"So why do you think people overthink?" Anang guro namin.

"Ms. Verielde?"

Tumayo ako ng marinig ang pagtawag sa pangalan ko. "Sometimes people overthink because they can't accept the truth or their failure. Minsan naman ay gusto nilang ibahin ang sitwasyon ng buhay nila pero hindi nila magawa. That's the reason why people overthink."

Tumango ang guro namin bago ngumiti. "Thank you." Anang nito kaya ngumiti ako bago umupo.

"So Ms. Verielde is right. Sometimes people overthink because they can't accept the truth......."

"Hindi na talaga minsan maiiwasan ang mag overthink." Rinig kong bulong ni amabella sa tabi ko.

Nilingon ko sya at nginitian. "Yeah. Nature na talaga ng tao na mag overthink."

Kaya nga minsan iniiwasan ko ang mag overthink dahil alam kung makakasama lamang ito sa akin. Minsan kasi imbis na makatulong ito ay mas lalo pang lumalala ang sitwasyon. Sometimes, I'll leave it that way. Kung ano man iyong napansin ko ay hindi ko na muna pinagtutuunan ng pansin until I proved it right or wrong. I will always leave it that way but that doesn't mean I will just let it pass. 

Overthinking is sometimes caused by anxiety. I am actually a victim of bullying when I was in elementary. And this caused me to overthink. Well, you can't blame me because I was in pain.  Iyong mga araw na ayaw mong pumasok sa skwelahan dahil baka tutuksuhin ka lang. Iyong paglumalabas ka at may nakikita kang nagtatawanan akala mo ikaw ang pinagtatawanan. At iyong tinitignan ka lang ng mga tao ay akala mo iba na ang tumatakbo sa kanilang utak. Na nilalait ka na. I experience those. Nagkatrauma ako but I was able to conquer it.

"But overthinking is not always bad. Minsan pwede itong gawing intrumento para matutunan natin ang mga pagkakamali natin sa nakaraan at para maiwasan ito sa kinabukasan." Dugtong ng guro namin.

Tumango-tango ako. 

"Nakakaantok naman." Rinig kong bulong ni amabella bago ito humikab. Pumikit pikit pa ito bago pumahalumbaba. Napailing nalang ako sa kanya at binalik ang tingin sa guro namin.

I gulped while looking at our teacher. Pakiramdam ko ay tinayuan ako ng balahibo habang nakatingin sa mga mata nito. Nakatingin ito ng masama kay amabella. Nakagat ko naman ang ibabang labi ko dahil alam ko na ang mangyayari. In one...two...three...

"Ms. Clementine! Kung inaantok ka sa klase ko! Then you're free to leave!" Sigaw ng professor namin kaya lahat kami napapitlag bago tahimik na yumuko.

Napangiwi ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Yung bibig kasi minsan ni Amabella hindi nya mapigilan. Alam naman nya na matalas ang pandinig nila na kahit anong bulong mo ay may makakarinig pa rin. Well of course except sa mga witches at lobo na nandito.

Gusto ko nalang talaga na mapafacepalm dahil sa bibig niya. Mukhang kahit ano talaga ang gawin mo ay mapapahamak talaga siya. Mukhang wala lang naman iyon sa kanya pero minsan nakakaworry na din dahil palagi nalang siyang pinapalabas. 

Nilingon ko ito. I saw how amabella smiled so sweetly to Miss Adisson, our psychology teacher. But unlike the other, our psychology subject includes blood dieting. It helps them control their hunger to drink human blood.

Napangiwi na ako dahil mukhang alam ko na ang gagawin nito. Hindi na talaga ito natuto juiceko. 

"You know why I'm always sleepy everytime I heard your voice miss? It is because you have a very nice voice. Yung tipong parang hinehele ako. I can even compared your voice to Moira dela torre. Kilala mo yun miss? My gosh! Sobrang ganda ng boses nun." Turan ni amabella na may pa clap pa ng kamay kaya wala sa sariling napangiwi ako dahil sa sinabi nya. Cringe.

Napapikit ako at kulang nalang takpan ang tenga ko ng---

"Ms. Clementine! Get out!"

Uh-oh.

Rinig ko ang pagpipigil ng tawa ng mga kaklase ko habang naglalakad na ito palabas ng classroom. Ako naman ay napangiwi at naawa sa kanya. Palagi nalang itong pinapalabas dahil sa bibig nya. Walang preno kasi ang bibig nya minsan kaya hindi maiwasan na mapahamak sya. At iyan ang sinasabi ko sa kanya pero mukhang hindi siya makikinig. 

"Okay. Let's continue." Anito at tumalikod na sa amin. Natahimik nalang kami at nakinig ng simulan na ulit nito ang discussion. 

*****

"I think sometimes you need to be extra careful with your mouth bell." Sermon ko dito kaya napanguso ito.

"Hindi ko naman kasi sinasadya na masabi yun ng malakas." Anang nya. Napailing naman ako bago ngumiti. Gusto ko nalang talaga na matawa dahil sa sinabi niya. I think she forgot what they are and their strenght. At kung nakalimutan niya man ay nandito ako para eh remind siya. 

Nilingon ko siya at pabirong inirapan. 

"Alam mo naman na mga bampira kayo." Turan ko dito kaya mas lalo itong ngumuso. Mukhang nag sink in na ngayon sa kanya ang nagawa. I just laugh at her then tap her shoulder.

"I'll try to be more extra careful with my mouth next time." Sabi nito kaya ngumiti ako bago tumango.

Sabay kaming naglalakad sa hallway papuntang laboratory dahil doon ang sunod na subject namin. Itong subject naman ay ang paggawa ng potions na specialization ng mga witches. Ganito kasi ang gusto ng skwelahan na ito. Kung ano ang specialization ng tatlong nilalang na nandito ay dapat inaaral. Surely, they will excell in their specific specialization but sometimes mayroon pa din naman na kahit hindi ka witch ay nag eexcell ka pa din. Mayroon lang talagang mga tao na multi-talented. 

"By the way, did your kuya knows about it?" I asked her and she shook her head before biting her lips.

"Baka sesermunan pa ako nun pag nalaman nya na pinapalabas ako dahil sa bunganga ko. Tsaka makarating to sa Lola ko at pipingutin nya ako pag nalaman nya to'." Anito kaya naman napailing nalang ako. 

Ang mga kalokohan talaga ni Bella. Hayyy.

"Ewan ko sayo bel-- Hala sorry!"

"My gosh! Sorry?! You just spill a tea on my shirt and you will just say sorry?! How dare you?!"

Napangiwi ako at kinakabahan na kinuha ang panyo ko at inumang ito sa kanya. Ngunit laking gulat ko ng tabigin nito ang kamay ko kaya natapon ang panyo. What the heck?

"Hoy babae! Nag sorry na nga diba?! Eh kung sa totoo lang ikaw naman talaga ang may kasalanan!" Agad kong hinawakan si bella sa kamay dahil sa pag patol nito sa babae. Ayaw ko ng gulo. At pag hindi ko napigilan si Bella ay baka mas lalo lang lalala ito. Mukha pa namang napikon si bell sa babae dahil sa ginawa nito.

Nilingon ko ang babae.

"S-sorry talaga. H-hindi ko sinasadya."

"And you think I will accept your sorry?" Taas kilay nitong tanong at matapang akong tinignan. Napaatras ako at mas lalong kumabog ang dibdib ko ng hindi nito pinutol ang tingin namin. I know that I should be careful pero hindi ko naman talaga sinasadya. Ngunit mukhang hindi talaga makukuha sa sorry ang babaeng ito. I am doomed! Mahirap pa naman dahil tao lamang ako.

Umabante ulit ang babae at aatras na sana ako ng agad pumagitna si amabella sa amin. Matapang silang nagtitigang dalawa. 

"And do you think we care if you will accept her sorry or not? In the first place, it is your fault that you spill your tea on your shirt. I know you are not blind so that's enough reason to saw us." Buwelta naman ni bella kaya agad ko syang inawat pero ayaw nya talagang umurong. Si bella kasi ang tipong hindi aatras sa laban. At sa totoo lang ay natatakot na ako. Ayaw ko na may mag ayaw dito dahil lamang sa akin. Ayaw ko din na mapahamak si Bella dahil din sa akin kaya hangga't maari sana ay matigil na sila. 

But what should I do? Pakiramdam ko ay hindi ko sila kayang awatin. 

"At ikaw pa talaga ang may ganang magalit? Eh yung kaibigan mo yang tatanga tanga at hindi nakatingin sa dinadaanan nya."

"Alam mo naman palang hindi nakatingin edi sana iniwasan mo! Oh? Tanga ka din pala eh!"

Hindi ko na alam ang gagawin ko at napapikit lamang habang pilit na inaawat si bella. Iba na talaga ito at mukhang trouble na naman ang kahahantungan naming dalawa. 

Kinagat ko ang ibabang labi at pilit na hinihila si Bell ngunit mukhang napako ang paa nito sa kinatatayuan. Ganoon na ba ako kahina at hindi ko na siya magawang hilahin? O sadyang malakas lang talaga siya?

"How dare you!"

"How dare you too!"

"Tama na bell." Pigil ko dito at pilit pa rin siyang hinihila pero useless ang ang ginagawa ko dahil hindi pa rin ito natinag sa kinatatayuan.

I need to do something. 

Hinarap ko naman ang babaeng nabangga ko bago yumuko.

"Sorry talaga hindi ko sina--"

"Ooohh!" Rinig na rinig ko ang bulungan nila ng ibuhos sa akin ng babae ang natirang tea nito. What the fudge? How dare she?!

Napapikit naman ako at ramdam ko ang pagkapahiya. Unti-unti ay umusbong ang inis sa akin. I breathe in and breathe out to calm my self. I won't stoop to her level of immaturity. Sino ba siya para paglaanan ko ng lakas?

"You bitch!"

Akmang sasampalin na ito ni amabella ng biglang humangin ng malakas at tumilapon ang babae sa pader. Lahat kami nagulat at hindi agad nakagalaw. Maging ang babae ay halatang nagulat sa nangyari. Bakas ang sakit sa mukha nito dahil sa pagkakatama sa pader.

Akmang tatayo na ito ng bigla ay humangin na naman ngunit hindi na kasing lakas kagaya ng kanina. Kitang kita ko ang panlalaki ng mata ng babae habang nakatingin sa akin pagkatapos ay tumayo ito at natatakot na tumakbo palayo sa amin. Nag taka ako sa nangyari pero mas nagtaka ako sa inakto nya. Habang nakatingin kasi ito sa akin ay kitang kita ko ang takot sa mga mata nito. Ngunit hindi ko alam kung bakit ito natatakot sa akin.

Napalunok ako. Kanina lamang ay sobrang tapang nito at hindi talaga aatras. Ngunit bakit naging ganoon nalang ang reaksyon niya habang nakatitig sa akin? Did I do something?

"Thana halika na."

Doon ako napabalik sa huwisto ng hawakan ako ni bella sa kamay. Nagpatianod lang ako sa kanya ng dalhin nya ako sa Cr at doon binigyan ng extrang damit na dala nya. Hindi ko alam kung bakit mayroon sya nito. Pero ipinagpapasalamat ko nalang na may dala syang extrang damit.

*******

"In making an invisus potion we need to have these, Aviola flower, Dragon's saliva, One monkey's ear, Water of laivini lake."

Our prof. teach us how to make invisus potion. A potion that can make you invisible for an hour. This was already done before but it is not that fully developed. Iyong ginawa nila noon ay kaya ka lamang maging invisible ng thirty minutes at hindi din fully matatakpan ang amoy mo kaya ang mga hunters na may malakas na sense of smell ay kaya kang maramdaman. 

"Now. I will group you into six groups with seven members and you will make this potion." Anang prof. namin at nagsulat na ito sa papel kaya binalingan ko si amabella na kanina pa natutulog sa tabi ko. Mabuti na lamang at hindi ito napansin ng guro namin dahil pag nangyari yun ay baka napalabas na naman ito. Kanina ko pa nga siya sinasaway pero mukhang wala lang talaga sa kanya at nanatili pa ring tulog. Ilang ulit ko siyang tinawag pero walang epekto. Kaya sa huli ay hinayaan ko nalang siya at nakinig na lang sa Prof. 

Yumuko ako at mahina siyang niyugyog. 

"Bell.." Tawag ko at rinig ko ang mahina nitong pag ungol pero hindi ito nag angat ng tingin.

Napangiwi ako.

"Bell.." Niyugyog ko sya pero nanatili lamang itong nakasubsob. Napabuntong hininga ako at nag isip ng paraan. Napangisi naman ako ng may biglang nag pop sa utak ko. 

"Bell uwian na kaya gising na." I want to tease her and see her reaction after. Hindi naman ako nabigo dahil agad itong nag angat ng tingin pero napangiwi ako ng bigla nalang itong tumayo at kinuha ang bag nito. Sinukbit nito ang bag sa balikat bago ako balingan at nginitian. Iyong ngiti niya pa ay ngiti ng tagumpay. 

"Halika na thanie. Gusto ko pang matulog ng mahimbing sa bleachers." Nakangiting turan nito ngunit hindi agad ako nakasagot at kagat labi lang syang tinignan. Hindi ko kasi inaasahan na ganito ang magiging reaksyon nya. Akala ko babalingan pa muna ako nito bago tatayo

Pero mukhang excited nga itong makatulog sa bleachers kaya naman agaran itong tumayo. 

Ngumiwi ako at hihilahin na sana siya pabalik sa upuan ngunit naunahan na ako ng propesor namin. 

"Miss clementine."

Uh-oh, my prank gone wrong. Mukhang kasalanan ko pa kung bakit sya papagalitan. Ako na naman ngayon ang naglagay sa kanya sa kapahamakan. Omygosh. 

Nakita ko ang gulat sa mukha nito ng balingan ang prof namin bago nilibot ang paningin sa buong lab. Napangiwi ito bago ako balingan. Tinignan ko naman ito ng humihingi ng tawad. I didn't really expect that, that will be her reaction. Huhu kung alam ko lang sana ngunit hindi na maibabalik pa iyon. 

"What are you doing?" Tanong ng professor namin.

"A-ah E-eh... mag c-cr sana ako prof." Palusot nito at sinamahan pa nya ito ng mahinang tawa. Uh-oh. That's a lame excuse.

Tumaas ang kilay ng prof. namin. "Really Ms. clementine? Mag c-cr ka lang at bitbit mo na ang bag mo?"

Nanlaki naman ang mata ni bella bago binatawan ang bag at nakangiting hinarap ang professor namin. "Wala lang po yan."

Nanatiling nakataas ang kilay ng prof namin bago ito bumuntong hininga. "Okay, you may go out."

Awkward naman na ngumiti si amabella bago ito lumabas. Rinig na rinig ko ang pagbungisngis ng mga kaklase ko. Kinagat ko naman ang labi ko at kinonsensya ng dahil sa ginawa ko. Pero kahit na ganoon ay nakaramdam pa din ako ng kaginhawaan dahil hindi na ito pinalabas at pinagalitan pa.

"Now. These is the list of your groups." And she started calling the names of my classmates. Hindi naman nagtagal ay tinawag nito ang pangalan ko. I don't have a friend in my group mates but I hope mababait sila. Hindi pa naman ako mahilig makihalubilo sa kanila. 

Nanatili akong nakaupo hanggang sa sinabi nitong pwede na kaming pumunta sa kanya-kanya naming grupo. Hindi din nagtagal ay dumating si amabella kaya agad kong sinabi kung sino ang kagrupo nito.

"Okay! Now listen!"

Agad kaming napabaling sa professor ng kunin nito ang atensyon namin. She is showing us the procedure on how to make the potions. We remained silent and just focus on her.

"Now. For the second step, we need to cut the monkey's ear."

"Ikaw na ang maghiwa sa tainga ng unggoy than." Ani ng kagrupo ko at agad naman akong pumayag. Kanina pa kasi na sila ang gumagawa at nanonood lamang ako sa kanila. Ayaw ko naman na maging pabigat kaya pumayag na ako. 

They made us use the scalpel instead of a knife. I checked it for a while before I decided to cut the monkey's ear. The next thing that happened is what I never expected. It happened so quickly that I also got shocked. Namalayan ko nalang na nasugatan na ako ng scalpel sa kamay at halos lahat ng mga kaklase ko ay nanlilisik na ang matang nakatingin sa akin.

Why so careless thana?

Abot-abot ang kaba ko at hindi makagalaw sa kinatatayuan. Nakapalibot sa akin ang mga kaklase ko na parang gutom na gutom at gusto akong dambahin. Napalunok ako ng laway at isa-isa ng tumulo ang luha ko sa mga mata. Nanginginig na ako sa takot at nagpapanic na ang kaloob looban ko. Pakiramdam ko ay tinakasan na ng kulay ang mukha ko at konti nalang ay mahihimatay na ako sa sobrang kaba. 

But I need to be strong. Kahit na alam ko naman na wala na akong kawalan sa kanila. I still want to look strong kahit alam ko naman na hindi ko sila kaya. 

"I didn't expect that you're a human." Rinig kong ani ng isa kong kaklase kaya nakagat ko ang ibabang labi.

Dahan-dahan kong nilingon ang pwesto ni amabella para sana humingi ng tulong. Ganun nalang ang panlulumo ko ng makita itong pilit na pinipigilan ang sarili na malulong sa amoy ng dugo ko. 

Isa-isang tumulo ang luha ko. Wala na talaga akong kawala. Pilit ko man kasing ihakbang ang paa ko ay hindi ko magawa. Dahil na rin siguro sa sobrang kaba ko kaya walang lakas ang mga paa ko na humakbang. Kahit pa na nagmamatapang ako ay wala pa rin akong kawala sa kanila. Isang bampira pa nga lang ay hindi ko na kaya. Ano pa kaya kung lahat na sila? 

"And your blood..." He sniff and smirk, "It smells so good."

Mas lalo akong napahikbi dahil sa sinabi nito. Takot na takot ako at alam kong ito na ang magiging katapusan ko. Kung sana naging mas maingat ako sa ginagawa ko ay hindi ito mangyayari. Pero huli na ang lahat. Bakit ba kasi dumulas ang kamay ko? 

Pinikit ko ang mata ko ng magsimula silang pag agawan ako. I feel like I am going to be a meat after this. 

Ramdam ko ang mga kalmot sa katawan ko pero hindi ko na yun ininda. Ang tanging nasa isip ko ay ito na ang katapusan ko.

But not until when a wind blew and a warm hand dragged me out of the place. I closed eyes and just silently cried on his shoulder.

"I promise myself that no harm should befall on my belove. I will kill if needed."

*********

Written by: Stringlily

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status