Share

CHAPTER 2

"May I see your card madame?"

"Here." I handed out my card to the bouncer of the bar.

He verified it first before nodding at me and returning my card.

"Enjoy Madame." I smiled and pushed aside my hair before walking inside.

I'm wearing a fitted red dress that perfectly hugs onto my perfectly shaped body.

Neon lights, smells of liquors and noises from stereos and people welcomed me inside.

I'm carefully observing every movement of the people including their clothes and accessories.

I took a glance sideways and I saw a real diamond necklace hanging on the faience neck of a lady wearing a short tulip skirt and bandage top.

"Hope!"

Inalis ko ang tingin doon para lingunin ang tumawag sa akin.

"Abbi. I'm surprised you're here." I kissed her cheek.

"I think I should be the one telling that to you. Are you up to something again?"

Ngumiwi siya sa akin habang ngumisi naman ako sa kanya.

"I just want to have some fun, nasaan ang table mo?"

"Hmp! I'm not alone tonight. Kasama ko sila Kuya with his friends."

I raised a brow.

"Hmm sounds fun. So nasaan nga?"

"Let's go."

The crowded floor parted when we started to walk elegantly. Ofcourse, who would dare to block the way of Abbigail Alejandro and Hope Alejandro. Yes, my falsified name.

"Hi Hope!"

"Looking gorgeous Hope!"

"Drinks?"

Suminghap si Abbi sa tabi ko matapos marinig ang mga iyon.

"Gabi gabi na lang silang bumabalik dito para makita ka. Poor them," she mocked.

Hanggang sa maka akyat kami sa VIP section ay hindi na maalis ang mga matang nakatingin sa amin.

"Siguro bagay to sa akin." Inangat ko ang diamond necklace na nakita ko kanina.

"What the fuck? That fast?" She said with her wide eyes.

"Noise is a great destruction. Ilagay mo nga sa leeg ko."

She rolled her eyes before getting the necklace on my hand and putting it on my neck.

"I don't know what to do with you."

"Wala ka namang dapat gawin sa akin Abbi. Pwera na lang sa pagpapakilala sa akin sa cute na katabi ng Kuya mo." I giggled.

She turned her face to the couch where his brother and his friends were seated.

"Hey Kuya, Hope is here."

Nilingon kami ni Jonas at agad siyang tumayo para lapitan ako.

"Hope, hindi ka nag sabing pupunta ka." He kissed my cheek.

"I love surprises."

"How I wish I'm not your cousin tonight." He grinned.

He circled his arm on my waist before facing his friends again.

"Everyone, this is Hope Alejandro, my cousin."

Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ko ng humarap ako sa kanila.

Apat na lalaki, dalawa ang naka suot ng Balenciaga shoes, ang isa ay Gucci habang ang isa naman ay simpleng Vans shoes.

Lahat sila ay naka casual attire lang, magagandang lalaki at nagsisigawan ang mga designer watch na nasa kaliwa ng palapulsuhan nila.

Mga anak mayaman.

"Good Evening gentlemen." I greeted using my soft voice.

"I thought she's your girlfriend the way you held her waist. I didn't know you had a cousin Jonas, I thought Tito Josè is an only child."

Hindi ko malaman kung sarcastic ba ang pag kakasabi ng lalaking naka suot ng simpleng white shirt, khaki pants at vans.

Mabubuking na ba ako?

All their eyes darted at my waist, kung saan namamahinga ang kamay ni Jonas.

"She's the daughter of my father's cousin." Si Abbi ang sumagot.

Kumindat siya sa akin bago nilagok ang isang shot ng tequila.

Niligtas na naman niya ako.

"Enrico."

"Brent.

"Alex."

Sunod sunod nilang pagpapakilala sa sa’kin. Pero huminto ang paningin ko sa lalaking nasa gitna.

He's sitting like a predator waiting for his prey. That almond piercing eyes, thick brows, pointed nose and perfect sculpted jaw. All of that are screaming authority and wealth.

When our eyes locked together, I  blink my eyes slowly and flip my hair to give a clear access to my collarbone. Nag bilang ako ng ilang segundo bago ko nakita ang paglunok niya. I flashed a smirked.

Marupok ito.

"Gideon." He handed out his hand.

"Hope." I put my hand on his palm and the moment he bowed down his head to kiss my hand, I removed it.

He clenched his jaw and smiled sarcastically.

Ohh galit agad ah.

"Panis! Ngayon ka lang nahuli Gideon."

Pinaulan nila ng tukso si Gideon habang kritikal lang ang ngisi nitong ibinibigay sa akin.

I tilted my head.

Ilang kamay at labi na kaya ang nahalikan nito? Ilang kama at babae na kaya ang iniwan niya kapag nagsasawa siya?

Hmm.. I wonder what's the feeling of being wrapped in those well built arms and sleeping in an air conditioned room with him.

I couldn't help but to smirk because of my thoughts.

Dito na papasok ang panghuhusga sa estado ng buhay. Kaming mga dukha, hanggang tanong lang ang kaya naming gawin dahil ang mayaman na tulad nila ay hindi bababa sa trono at iiwan ang kayamanan para ibigay at iparamdam ang mga sagot sa tanong namin.

Kunot ang noo niya, nalilito siguro kung bakit ako ngumisi.

"No woman would dare to slither on my hand, you're the first one who dared." Nanunuya niyang sabi.

Inangat ko ang kamay ko at ngumuso.

"No man has ever succeeded in kissing my hand either." I fired back, making him amuse this time.

"Take your seat, Hope." Utos ni Abbi.

I ended my eye to eye contact with him and sat beside Abbi.

"He's a close friend of Kuya Jonas, they're into finance business," she whispered.

I nodded.

Mayaman nga.

Sinabi sa akin ni Abbi ang halos lahat ng detalye tungkol sa kanya habang nasa harapan lang namin siya, nakikinig sa mga kasama niya pero nasa akin ang mga mata.

Siguro nga naasar ko siya ng todo.

"Sa condo ka na umuwi, may proposal ako sayo."

"Ano naman?"

"Mamaya na pag uwi natin sa condo."

"So Hope, bakit ngayon lang kita nakita? Are you from states?" Tanong ni Enrico.

"Yes. I'm here for summer vacation."

"Hmm.. do you have a boyfriend?"

"What a speed Enrico!"

Enrico chuckled.

"Why? I'm curious Jonas, Ang ganitong ganda bibihirang lampasan ng mga lalaki."

I raised a brow.

Bibihirang lampasan ng mga babaero baka 'yon ang ibig mong sabihin tsk.

"No, I don’t have an interest in having one," defining every word that I said.

"You're kidding me right? I mean.." He surveyed me from head to toe before licking his lower lip.

"You're totally hot," He added.

I glanced sideways when Gideon turned his face to Enrico, I smirked when he pursed his lips.

"Stop it Enrico, kahapon lang kayo nag break ni Alisa and now you're hitting on my cousin come on!"

"Chill Abbi, I'm not yet doing my moves." He fixed the hem of his shirt.

"She’s not into boyfriends, Enrico, back off."

Nilingon ko si Gideon ng sabihin niya iyon. Tinungga niya ang isang shot ng whiskey at pinunasan ang bibig niya sa nanuyang paraan at habang nakatingin sa akin.

I was about to say something but Abbi stood.

"Let's dance dali!" Hinila ako ni Abbi papunta sa dance floor at nag pati anod na lang ako.

Abbigail Alejandro and Jonas Alejandro. Mga anak ng  Doctor dito sa Pilipinas. Kung nag tataka kayo kung ano'ng ginawa ng isang dukhang katulad ko para maging kaibigan sila o pinsan kuno, iyon ay dahil niligtas ko silang dalawa sa isang kidnap for ransom crime.

Napadaan lang sana ako sa isang eskinita dala dala ang pagkain kong iuuwi sa bahay ng biglang harangin ako ng isa sa mga nagbabantay sa kanilang dalawa.

Inagaw ba naman yung pagkain ng Nanay at kapatid ko, eh ang mahal mahal no'n kaya ang ginawa ko sinuntok ko siya at binawi ang supot.

Pero paalis pa lang sana ako eh may extra na namang sumulpot. Gusto ko lang naman kunin yung pagkain pero ang mga damuhong ito ay gusto pa akong barilin.

Sa galit ko, tinawag ko yung mga tropa kong tigasin at pinapunta sa warehouse para gumanti hindi pwedeng mang gulo sa tondo lalo na kapag sampid ka lang, Aba! Durog ang buto mo pag labas mo. Nang tapos na sa bugbugan, doon na namin nakita 'tong magkapatid na nakagapos at may busal ang bibig.

Pinakawalan namin sila at pinauwi.

Bilang utang na loob, binigyan nila kami ng reward money na ginamit ko para makalipat kami sa disenteng apartment. Akala ko roon na matatapos e' kaya lang hindi na nila ako tinatantanan kahit pa alam na nila kung ano ang trabaho ko.

Nag offer sila ng tulong pero tinanggihan ko. Hindi naman ako charity case na kailangang kaawaan at isa pa, ayaw kong isipin nila na nanamantala ako dahil sa pabor na ginawa ko.

Ang ending? Pinapakilala nila ako bilang malayong pinsan nila for me to have an easy access to everything.

Bumalik ako sa kasalukuyan when I heard Abbi shouting when we’re on the dance floor.

"He's interested in you!"

"Sino?"

"Gideon."

Umiling ako sa kanya.

"Hindi kapag nalaman niya kung sino ako."

"Hmp! You're not a bad woman naman. And you're gorgeous."

"Magnanakaw ako Abbi, at walang mayaman ang nag ka gusto sa isang magnanakaw." Mahinang bulong ko, hindi ako sigurado kung naririnig ba niya.

Yes, I'm a thief, a jewelry thief to be specific.

Mali ang magnakaw at alam ko 'yon. Lahat ng klase ng trabaho pinapasok ko maliban sa pagpatay at sa pagiging bayaran.

Alas tres pa lang ng umaga gising na ako para pumunta sa palengke. Suma sideline ako bilang taga buhat ng banyera ng isda, pag mataas na ang sikat ng araw, pupunta naman ako sa divisoria sa may sakayan ng jeep para mag tawag ng mga pasahero, at sa hapon pupunta naman ako sa ospital para maging isang janitress, at pag dating ng gabi doon ko na isusuot ang mapag kunwaring maskara at magiging ibang tao para makakuha ng mas malaking kita.

Galing sa mga mamahaling alahas na nakasabit sa iba't iba klase ng mamahaling leeg, mga relong nahuhulog sa daanan at mga pitakang naiiwan sa upuan.

Sa gan'yang trabaho tumatakbo ang bente kwatro oras ko, uuwing masakit ang katawan pero may dala namang pantawid gutom para sa pamilya ko.

Nakikipag patintero sa magulong lansangan, dumidikit ang mabahong amoy sa damit ko, nanlalagkit ang mahabang buhok at napupuno ng grasa ang katawan.

Ganyan ang buhay para sa isang mahirap na tulad ko. Para sa akin, sinasadya ng mundo na bagalan ang ikot nito para iparamdam at iparanas sa'yo ang agwat ng estado ng bawat buhay.

Pero kung mabagal ang ikot ng mundo, bibilisan ko ang takbo ko para maka alis kami sa mabaho at masikip na lugar ng tondo.

Iyon ang pangako ko sa sarili ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status