Share

CHAPTER 3

Kagaya ng sinabi ni Abbi, sa condo niya ako umuwi at natulog.

Umaga na at katatapos ko pa lang mag luto ng agahan nilang mag kapatid dahil pati si Jonas ay dito rin natulog.

"Good morning Hope," Inaantok na bati ni Jonas na kalalabas lang galing sa kwarto.

"Magandang umaga rin."

"Ang bango niyan ah, mukhang masarap din."

"Mas masarap pa rin ako," pabirong sabi ko.

Na totoo naman charr lang.

"Oh? Patikim nga? Anong flavor?"

"Sokolet."

Sabay kaming natawa at binato niya pa sa akin ang kutsara.

"Puro ka kalokohan Hope, ang hilig hilig mong man trigger ng lalaki tapos hindi ka naman mag papahuli." He sipped on his glass of coffee.

Umiling ako sa kanya bago sumandal sa counter.

"Alam mo Jonas, hindi ako nan ti-trigger dahil ganyan talaga ako mag salita at makipag usap. Alam mo kung ano yung problema?"

"Ano?"

"Yung mga utak niyong marurumi."

"Teka, bakit naman pati ako nadamay? Para namang inalipusta kita ah."

"Oh bakit hindi ba?"

"Tsk. Tinanggap ko na nga na pinsan kita kahit na labag sa loob ko." Pag susungit niya pa.

"Aba bakit parang nanunumbat ka?"

"Sinong nanunumbat?" Lumabas na rin si Abbi at dumeretso sa amin.

"Good morning." I greeted.

"Good morning Hope, Kuya. Anong ginagawa niyo? Wait, don't tell me pinopormahan mo na naman siya Kuya?"

"Hindi ah! Naka move on na’ko sa kanya. Psh akala mo nama-”

"Oh sige bakit? Sabihin mong hindi ka nagandahan sa akin?" Hamon ko.

"Maganda nga brutal at wala namang puso."

"Puro Atay at balunbalunan kasi ang meron ako."

"Stop it you two. Kumain na lang tayo, food looks delicious."

Tuyo at itlog na may sawsawang toyo at kamatis lang naman ang ulam nila sa sinangag pero kung maka delicious silang dalawa daig pa ang mga kinakain nilang steak at soup.

Mabait ang magkapatid at masasabi kong pinalaki silang simple at hindi maarte. Pareho silang kumakain ng kinakain ng mahihirap, alam mo yung tuyo, itlog na nilaga, talbos ng kamote at iba pang inaayawan ng mayayaman.

Si Abbi ay kasing edad ko lang habang si Jonas naman ay matanda sa amin ng isang taon. Nursing student si Abbi habang nasa kompanya naman nagtatrabaho si Jonas.

"By the way Hope about sa sinabi ko sayo kagabi."

"Oh?"

"I was thinking why don't you work for me."

Tiningnan ko siya at kinunutan ng noo.

"Ano namang trabaho?"

"Since ayaw mo naman sa office and hindi talaga pwede doon because they might recognize you as our cousin, I'm offering you to be my personal assistant."

"P.A? Bakit mo naman kailangan ng P.A eh ayaw mo nga no'n dati."

"My studies are getting heavier and I need someone to fix my schedule for my school work." Taas baba ang kilay niya habang sinasabi iyon sa akin.

"Hindi ako uuwi sa amin?"

"Pwede naman kapag day off and emergencies and ano ka ba, you're my friend naman so hindi ako magiging strict."

"Magkano ang sweldo?"

"20k a month."

Naubo ko ang iniinom kong juice at hinarap siya.

20k? Triple yun kumpara sa sweldo ko sa ospital at sa iba ko pang mga raket.

"All your needs are free including your shelter. Dito ka sa akin titira so hindi ako magiging alone yehey!" Pumalakpak siya at ngumiti.

"Come on Hope, tanggapin mo na it's for your own good naman and para hindi ka na mag bilad sa init. Hindi bagay sa'yo."

Ngumiwi ako. Kailangan bang bumagay muna sa'kin bago gawin yun? Tssk.

Saglit akong nag isip tungkol sa offer niya. Hindi na rin naman masama ang sweldo at tama nga naman siya na hindi na ako mabibilad sa araw, at pwede na rin akong maka ipon para pambili ng maliit na lote at pag tayuan ng bahay kapag nag tagal ako sa kanya.

Huminga ako ng malalim bago tumango, magandang offer na para iwan ang illegal kong trabaho.

"Sige tatanggapin ko. Kailan ba ako magsisimula?"

"Yes! Oh you can start tomorrow since start na rin ng class ko."

"Sige."

"So that means I can borrow your P.A Abbi?"

"You wish Kuya! May secretary ka na kaya and as if naman pwede mo siyang ligawan she's our 'cousin' right?" She mocked.

"Bakit ba kasi ako pumayag na maging pinsan kita," Jonas sighed.

"Kasi nga Kuya, may gusto ka sa kanya at gusto mo siyang mapalapit sa'yo but then nabasted ka and yeah end of story."

"Ewan sa inyo. Kumain na kayo pupunta na ako sa kompanya baka pagalitan ako ni Dad." Tumayo siya at pumasok ulit sa kwarto, malamang para mag bihis.

"Basta ah, tomorrow magsisimula ka na and oh! Before I forgot, no need to bring so much of your things because I already did shopping for you and bukas nasa kwarto mo na siya."

"Bakit ba ang bait mo sa akin?" Nasabi ko nalang sa kanya.

"Why are you asking that? Iniligtas mo kami ng kapatid ko and I will always be thankful for that."

"Bayad ka na sa utang na loob Abbi, kayong dalawa."

"This isn't about indulgence Hope, you're my friend. At ang mag kaibigan nag tutulungan, and to be honest I can't stand seeing you doing those jobs when I can do something to lessen your burden. Don't get me wrong ah, I'm not saying that you're a bad person nor degrading your life's status. Gusto lang naming maka tulong."

Nag iwas ako ng tingin ng maramdaman kong parang may humaplos sa puso ko.

Sa kabilang banda, hindi pa rin naman pala ako talo. At mukhang kailangan kong ipag pasalamat na naagaw yung pagkain na dala ko noong araw na iyon dahil kung hindi, siguro hindi ko nakilala ang mabait na babaeng nasa harapan ko ngayon.

"Salamat sa tulong Abbi, ang laking tulong talaga nito para sa akin at sa pamilya ko," I said wholeheartedly.

She held my hand and smiled genuinely.

"I'm happy to know that Hope."

Minsan talaga kahit nakaka gago na yung mga taong pinapakilala ng mundo sa'yo, mag papasalamat ka pa rin kasi hindi lahat ng masama napunta sa'yo.

Kagaya ng merong mabuting tao ang napunta sa akin at tumutulong ngayon.

Tanghali na ng umuwi ako sa bahay para mag paalam kay Nanay tungkol sa bago kong trabaho.

"Saan ka naman titira? Hindi ka ba palaging uuwi?"

"Stay in po ako Nay, bale kasama ko yung boss ko sa iisang bahay."

"Mabait ba siya anak? Babae ba kamo?"

Hindi niya kasi kilala sila Abbi, at hindi ko na rin sinabi dahil kapag nalaman niyang nakipag away ako paniguradong sermon ang aabutin ko mamaya atakihin ulit siya sa puso.

"Opo mabait po siya at babae. Nag aaral kasi siya at kailangan daw ng mag aayos ng mga gagamitin niya sa pag aaral."

"Mga anak mayaman nga naman hindi maka pag-ayos ng sariling gamit."

Bumuntong hininga na lang ako.

Kung alam niyo lang Nay, kung paanong sinasadyang guluhin ng mag kapatid ang gamit nila para ipa ayos sa'kin at ng magkaroon sila ng rason para bigyan ako ng pera dahil alam nilang hindi ko naman tatangapin kapag walang kapalit na serbisyo.

Minsan nga nagugulat na lang ako na may laman ng pera ang bulsa ng pantalon ko.

"O siya sige, basta lagi mo akong tatawagan at ng hindi naman ako mag alala sa’yo. At huwag kang mag papalipas ng gutom."

Ngumiti ako sa kanya.

"Opo Nay, hayaan niyo ibibilin ko kayo kay Aling Jinky para may tumingin tingin sa inyo kapag wala ako."

"Anak naman, hindi na kailangan para namang nasa subdivision tayo eh magkakadikit lang naman ang bahay dito at isang sigaw ko lang maririnig na nila ako."

"Ah basta, ibibilin pa rin kita."

Napipilitan siyang sumang ayon sa akin.

"Hanapin mo na ang kapatid mo at isama mo na sa palengke."

"Ay oo nga pala anong bibil-”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil iniabot na niya sa akin ang listahan ng mga bibilhin ko sa palengke.

"Yung asukal na pula lang ang kunin mo para mas mura, at isang bugkos lang ng talbos dahil ang mahal na naman ng mga gulay ngayon puro lanta naman ang mga dahon at malapit ng matuyo. Dumaan na rin kayo sa may panaderya at ibili mo si Seb ng slice bread para pambaon niya bukas sa skwela."

"Hmm.. sige po aalis na ako, isasama ko si Seb ah."

"Mag iingat kayo."

"Opo."

Sinukbit ko na ang eco bag at lumabas. Pag ka baba ko ng apartment ay nakita ko na agad ang kapatid ko na naka yuko at gumagawa ng linya para sa lalaruin nilang piko.

Aish. Ang dumi dumi na naman niya.

"Seb!" Unang sigaw kong hindi niya narinig

"Seb, Seb!" Patuloy lang siya sa pag guhit ng mahabang linya at animo'y nag ko concentrate pa sa ginagawa.

"Sebiala Hope!"

Nang marinig niya ang buong pangalan ay inis niya akong nilingon, ang kilay ay salubong na naman pero nasa gano'ng posisyon pa rin siya.

"Ate naman eh! Ayan tuloy namali na yung linya, wala na hindi na maganda matataya agad ako niyan!" Pamaktol niyang sabi.

Nag kamot ako ng kilay at inilabas ang damit niyang kinuha ko sa itaas bago siya nilapitan.

Matataya siya dahil lumiko ang linyang ginagawa niya? Minsan talaga 'tong kapatid ko ang daming mga nalalaman eh.

Umayos siya ng tayo ng makita niya akong palapit.

"Pupunta tayo sa palengke."

"Ayaw nag lalaro ako eh." Humalukipkip siya.

"Sabi ni Nanay isama kita kasi mag tatahi siya hindi ka niya mababantayan."

"Ay hindi naman ako kailangan bantayan, dito lang naman ako sa tapat saka hindi na ako umaakyat ng kahoy ah!"

"Hindi yan totoo Ate Grace, kanina po umakyat siya sa may puno ng santol," sumbong sa akin ni Ava, isa sa mga kalaro niya.

"Ava! Ikaw napaka sumbungera mo talaga, nag pakuha ka rin naman ng santol kanina ah! Mag tae ka sana ng matigas!" Inis na sigaw ng kapatid ko.

Umatras si Ava at nag peace sign sa kanya.

Hay nako naman! Talaga bang six years old lang siya?

"Sumama ka na sa akin dahil bibili tayo ng gamit mo sa eskwela para bukas." Pag kombinsi ko habang pinupunasan ang mukha niyang puno ng alikabok.

"Sa palengke?"

"Saan mo ba gusto?"

"Gusto ko sa SM para may aircon! Tapos pwede pa akong sumakay sa kabayo." She giggled.

Hinubad ko na ang damit niya at pinasuot ang malinis na dala ko bago tinali ang buhok niya.

"Ede sa SM tayo pupunta. 'Yun lang pala eh." I winked at her.

Mabilis pa sa andar ng tren niyang binitawan ang batong ginamit niyang pang guhit bago kumapit sa kamay ko.

"Mamaya na ako sasali ah pupunta kami ni Ate sa SM eh." Nanunuya niyang sinabi ng makita si Bela, ang anak ni Aling Bebang na mortal niyang ka away.

Umiling ako. Nag yabang na naman ang bata.

"Sige dalhan mo kami ng pasalubong ah!"

"Oo kapag meron."

Tumingala siya sa akin at ngumiti.

"Tapos ka na?"

"Oo ate tara na."

Mga bata nga naman, nakakatuwa ang pagiging inosente at minsan nakakainggit din.

Yung masaya mo lang silang titingnan na parang walang nababakas na hirap maliban sa pag talon sa chinese garter na lagpas sa kanila. Yung kapag tinanong mo kung saan ang masakit, Ituturo lang nila yung nasugatang parte ng katawan nila.

Malambot pa nga ang tuhod at hindi pa sinasaktan ng reyalidad. Pero iba ang mga bata rito sa amin, limang taon gulang pa lang ayun at nakiki pag bardagulan na sa mga manggogoyo, tumatakbo at nag papahabol sa mga pulis, marunong ng manigarilyo at magbanat ng buto.

Mga nakakatakot na gawaing hindi dapat ginagawa at nakikita ng isang bata. Pero anong magagawa nila? Kung biktima lang din sila ng kalupitan ng sitwasyon. Anong magagawa ng mga magulang nila na mabuting asal at pag mamahal lang ang kayang ituro at ibigay dahil sa pagiging kapos sa buhay at hindi sila kayang ipasok sa paaralan?

May iba rin kasing hindi na ikinakampay ang braso para makausad, nag papatangay na lang sa agos ng kahirapan at kasamaan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status