Share

CHAPTER 4.1

Nakatunganga lang ako ng maka alis na siya. Bukod kasi sa pag aayos ng schedule niya na madali lang naman gawin, ano pa ba ang gagawin ko?

Nag kamot na lang ako ng kilay bago kinuha ang Ipad at tingnan ang mga email sa kanya.

Invitation para sa kasal, sa binyag, anniversary at birthdays. 

Iba rin talaga kapag mayaman, may pa invitation at motif pa eh sa amin nga kahit hindi invited nakikikain tapos galit pa kapag hindi nilabas ang salad.

Kunwaring nasarapan sa luto pero pag uwi naman sa bahay nila sasabihing hindi masarap.

Mga patay gutom na plastik psh!

Ng mag tanghali na ay bugnot na bugnot na ako rito sa loob ng condo, nag linis nako't lahat hindi pa rin nawawala ang bagot ko. 

Nakatapos na rin ako ng isang series sa Netflix pero hindi pa rin talaga tumalab.

"Hindi ko na kaya to." Tumayo ako at kinuha ang cap bago lumabas sa condo.

Lumabas ako ng building at pumunta sa isang ice cream parlor para bumili ng ice cream syempre, alangan namang bomba ang bilhin ko rito.

"Ano po ang sa'yo ma'am?"

"Isang large size ng Mango ice cream, for take out please."

"Yun lang po ba ma'am?"

"Oo yun lang."

"Paki hintay na lang po, thankyou." 

"Hmm."

Nag hanap ako ng mauupuan at naka kita ng isang bakante sa may bandang gilid. Puno rin kasi ng mga studyante ang lugar dahil siguro lunch break na at saktong mainit.

Inusog ko ang upuan at saka naupo.

I was about to remove my cap when I saw a familliar face. Naka upo siya sa may lamesang nasa harapan ko at may katabi siyang babae.

Gideon.

Nag lalakbay ang mga daliri niya pataas sa braso ng babae na nakahilig naman sa kanya.

Ano ba yan PDA.

"Miss here-

"Ay kabayong bundat!" Biglang sigaw ko ng matapon ang ice cream sa gilid ko.

"Hala, sorry po sorry po Kuya hindi ko po kayo nakita sorry po talaga. Miss sorry po." Maiiyak ng sabi ng studyante'ng sa hula ko ay nasa high school pa lang.

Inalis ko ang cap ko at tumayo na para daluhan ang crew.

"Wag na po ma'am marumi po sak-

Huli na para pigilan niya ako dahil na ipon ko na ang mga bubog ng nabasag na baso.

"Kumuha ka na lang ng dust pan at map. Don't worry about the damage, hindi makakaltas sa sweldo mo." I assured him.

Kumurap siya ng dalawang beses bago nag madaling kumuha ng pang linis. Habang tumayo naman ako at tiningnan ang bata.

"Sa susunod titingin ka sa dinaraan mo okay? Baka mamaya maka bangga ka ng may hawak na kutsilyo ede nabutas pa ang atay mo."

Awang ang bibig niyang tiningnan ako pati na rin ang buong katawan ko.

I'm wearing a simple pink plain shirt and maong shorts at naka tsinelas lang din ako.

"Naintindihan mo ba ako?" Tanong ko ulit.

"A-ah opo! S-sorry po ulit Ate, titingin na po ako sa daraanan ko."

"Hmm mabuti, sige na umalis ka na."

Nang umalis na ang bata ay nalinis na rin ng waiter ang dumi sa sahig.

"Papalitan ko na lang po yung order mo ma'am sorry po talaga sa abala."

"Ayos lang, bibili ako ng bago I'm sure ikakalatas yun sa sweldo mo."

"Ayos lang po parte p-

"Tatanggapin mo o pababayaran ko sayo pati damit ko?" Pananakot ko sa kanya.

Tag isang daan tatlo lang naman 'tong damit na suot ko eh psh!

Mabilis niyang kinuha ang pera sa kamay ko at kamot ulong bumalik sa counter.

Naranasan ko na rin maging crew sa mga kainan, at minsan o madalas kapag may nababasag na gamit kahit pa aksidente ibabawas iyon sa kakarampot na sweldo mo.

Bumalik ako sa upuan at aksidenteng nabaling ang tingin sa taong nasa unahan ko.

Gideon is now looking at me intently, he's now sitting properly and the girl beside him lately is nowhere to be found now.

He rested his chin on his palm without leaving my eyes. 

I raised a brow and tilted my head inquisitively.

Hindi ko inasahang makikita ko siya sa isang ice cream parlor, wala naman sa mukha niya na mahilig siya sa ice cream.

Naputol lang ang tinginan namin ng dumating na ang waiter at dala na ang ice cream ko.

"Thankyou po Ma'am."

"Thankyou rin."

Tumayo na ako at iniwan ang malagkit na tingin ni Gideon. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status