Share

CHAPTER 6

"What happened to you lately?" Abbi asked me as soon as we arrived in the condo.

"Saan? Bakit?"

"Hello? Tumawa ka kaya kanina na para kang mamatay."

"Over, mamatay agad? Di pwedeng kapusin muna ng hangin tapos mag 50/50 ?"

She rolled her eyes.

"Tell me, nag kita kayo before you went in the resto no?"

Nag kibit balikat ako sa kanya bago umupo sa sofa. Naka suot na kami ng pantulog, satin dress ang sa kanya habang pajama at white shirt lang ang sa akin.

"Sino ba?

"Gideon duhh!"

Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang libro niyang binili ko kanina.

"Oo sa bookstore." Sagot ko at inabot naman ang sticky note.

"Book..store?" She asked with a puzzled air.

"Hmm."

"Ano namang gagawin niya sa bookstore?" 

Ngumiwi ako ng maalala ang nakita ko kanina sa bookstore.

Yung caution talaga kasi yung pabalik balik sa isip ko eh! Sino ba naman kasing mag aakala na sa likod ng isang 'wet caution' ay may isang milagrong nagaganap.

Ho ho ho Gideon lang lakasam!

"Hope!" Sigaw ni Abbi sa akin.

Nilingon ko siya at kinunutan ng noo.

"Bakit?"

"I'm asking you kung ano'ng ginagawa niya roon?"

"Nag mimilagr- este hindi ko alam siguro bumili ng ballpen."

"I doubt that." 

"Eh sa hindi ko alam saka ano namang pakialam ko sa kanya diba?"

"I thought you like him? Sinabi mong cute siya."

"Sinabi ko ngang cute siya pero hindi ko siya gusto," Nakangiwi ko pang sagot.

Babaero kaya 'yon saka ano yan gusto agad eh bago pa nga lang siya sa paningin ko.

Wag mong sabihing love at first sight achuchu psh! Walang ganiyan sa totoong buhay baka judge at first sight pwede pa.

"Why so harsh Graciela Hope?" Natatawa niyang tanong bago ako pinitik sa noo.

"Totoo naman saka hindi ko magugustuhan yun."

"Ows? Hindi kahit kelan? Kahit na five seconds lang?"

"Hindi ah!"

"Baka scam 'yan, magaling ka pa naman manloko." Her laughs echoed on the room.

"Personal na yata yun Abbi ah."

"Kidding! Pero seriously speaking, Why don't you hang out with him since ang alam niya naman ay pinsan ka namin hindi magiging issue sa'yo yung status mo kung 'yan ang pinag aalala mo."

"Hang out? Para saan e' hindi ko siya gusto at saka bakit ba paulit ulit tayo sa lalaking 'yon baka ikaw ang may gusto sa kanya?" 

Hang out? Hindi naman kaya kami friends.

Umiling siya at nandidiring tingin ang pinukol sa akin.

"Heck no way! Gideon is like an elder brother to me and he's not my type."

Pano kasi ang mga gusto niya ay 'yong pang mala prince charming ang dating pati na ang mga galawan akala mo naman talaga may totoong gano'n.

Pinag loloko lang naman tayo ng mga palabas at kwento para may tingnan tayo at pang hawakang pag asa sa gitna ng nag hihikaos na buhay, pero ang totoo kailangan mong mag sikap para maka ahon sa hirap at hindi ang mag hintay ng prinsipe na nakasakay sa karuwahe at mag aalok na lang bigla sa'yo ng kasal at iaangat ka sa karangyaan.

Sa madaling salita, kailangan mong mag sikap at huwag kang basta tumunganga dahil walang umaasenso sa paghihintay lang ng milagro.

Kagaya ng kung paano mo kailangang buklatin ang susunod na pahina ng libro para maka usad ka sa kwento.

"Basta hindi ko siya gusto. Kung may pag kakataon man na gustuhin ko siya, na alam ko namang malabo pipigilan ko ang sarili ko."

"Bakit naman?"

"Dahil sakit lang ang patutunguhan ng mga nag mamahal sa hindi mag katugmang mundo."

Tumayo na ako at sinuot ang tsinelas.

"Matutulog na ako, good night Abbi." 

"Yeah. Good night Hope, dream of Gideon," she teased.

Wet dreams 'yan pag nag kataon. 

Naalala ko na naman yung wet wet na pisti na yan! Parang gusto ko tuloy i pa vacuum ang utak ko nadumihan bigla!

"Matulog kana nga Abbi!" Inis kong sabi sa kanya bago pumasok sa kwarto ko.

Pero ilang oras na akong nakahiga sa kama ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok at napakalambot din ng kama kaya hindi ako makatulog kaagad.

Hindi ako sanay namamahay pa yata ako ah palibhasa lagi akong lasing kapag natutulog dito kaya bagsak agad, pero ngayong nasa maayos akong wisyo hindi ako makatulog.

Nalulula na rin ako sa patingin tingin ko sa orasan at sa labas dahil hinihintay ko ang umaga hayy napaka tagal!

Kaya imbis na humiga ay tumayo ako at pumunta sa sofa. Dim na ang ilaw sa living room at halatang tulog na rin si Abbi dahil patay na ang ilaw ng kwarto niya.

Ngumiti ako ng may maisip na idea saka pumasok sa kwarto at lumabas ulit na may dalang unan at kumot.

Inilagay ko ang unan sa mahabang sofa at komportableng nahiga.

"Makakatulog ako rito." I giggled and hug the blanket on my body.

Hindi na ako nag hintay pa ng tilaok ng manok sa alarm clock na nasa dingding dahil sa wakas ay naka tulog na ako ng matiwasay.

Nagising na lang ako ng tapikin ako ni Abbi.

"Hope, Oh my gosh! Bakit diyan ka natulog? Ayaw mo ba sa kwarto mo? You could've told me pwede ka namang tumabi sa akin." Nag aalala niyang sabi habang inaayos ang night robe.

Umayos ako ng upo at humikab. Pag tingin ko sa wall clock ay alas singko na ng umaga.

"Hindi rin ako makakatulog sa kwarto mo. Masyadong malambot ang kama at saka namamahay yata ako."

"What the heck is namamahay it's too early for your alien terminologies." 

Bumuntong hininga ako at tinupi ang kumot.

"Namamahay 'yon yung hindi ka sanay matulog sa ibang bahay at gusto mong matulog sa bahay niyo."

"Ahh na ho-homesick ka?"

"Parang gano'n."

"All right I'll see what I can do to your bed but for now let's cook our breakfast."

Kagaya ng ginawa kong schedule para sa araw na ito, pumasok sa skwela si Abbi habang naka tanga naman ako sa condo.

Pag dating ng hapon ay pumunta na kami sa kasal na dadaluhan ni Abbi. 

Wearing a cream fitted Filipiñana dress ended just above my knees paired with white stiletto, I look expensively gorgeous.

On the other way Abbigail, is wearing a brown Filipiñana with a V-cut on her back paired with brown pumps. She looks elegant.

Bagay lang sa ganda ng simbahan at mga palamuti rito. Ang mga bisita ay halatang mamahalin ang mga suot, may mga elegante at pormal na kilos.

Naka attend na rin naman ako ng kasal pero hindi bilang VIP guest at hindi sa ganito kamahal at kagandang klase ng kasal.

Minsan nga dumadaan kami ni Bingo sa reception para makikain lang eh partida hindi pa namin kilala yung kinasal ah.

Lumapit si Abbi sa groom at naki pag beso pati na rin sa lalaking nasa likuran nito.

"Congratulations Davis! Finally matatali kana rin."

"Come on Abbi!" Ngumiti si Davis at kita ko ang nangingilid na luha sa mga mata niya.

Nangiti ako ng maramdaman ang sayang nararamdaman niya ngayon. 'Yong tipong alam mong nangingilid ang luha niya dahil sa saya at mararamdaman mo yun ng kusa.

Madalas kong makitang umiiyak ang mga ikinakasal pero sa mga palabas lang 'yon o dikaya'y sa libro. At ngayong nasa harapan ko na mismo ang groom isa na namang tanong ang nabuo sa isip ko.

Iiyak din kaya ako sa tuwa kapag ako naman ang ikinasal? 

O kung ikakasal din ba ako?

May parte sa akin ang nalungkot matapos maisip ang huling tanong. Karamihan sa mga mag asawa ngayon ay nag sasama at bumubuo ng pamilya kahit na hindi pa sila na ikakasal at ang unang dahilan ay ang kakapusan sa pera.

Magastos ang pag papakasal sa damit pa lang at pagkain siguradong butas ang bulsa mo kaya hindi mo na rin masisisi ang iba kung bakit hindi sila nag papakasal basta ba totoo ang pag mamamahalan nila sa isa't isa ay ayos na 'yon.

Kaysa naman sa mga taong ikinasal at nangakong mag sasama habang buhay, sa hirap man o ginhawa pero pag dating sa kahirapan bigla ka na lang bibitawan at tatalikuran ang sinumpaang pangako sa harap ng altar.

Pero para sa akin, ang ikasal sa lalaking gusto mong makasama habang buhay ay ang isa sa pinaka magandang mangyayari sa buhay mo.

"By the way, this is Hope my cousin."

Bumalik ako sa wisyo ng marinig ang pangalan ko.

"Cousin?" Nalilitong tanong ni Davis.

"Yes, he's the daughter of my father's cousin."

"Ahh.. I'm glad you're here nice to meet you." Davis handed out his hand.

"Congratulations." I accepted his hand and shook it a little.

"Thankyou, thankyou."

"Don't be nervous Davis! My gosh you're sweating bigtime."

"Abbi, you can't just say that to me. Kinakabahan akong baka matauhan ang mapapangasawa ko at hindi ako siputin."

Sabay sabay kaming natawa pati na ang mga naka rinig sa kanya.

"She'll never do that trust me, Not now that she's pregnant." 

Ayun matulis din pala ang isang ito tsk tsk.

Umiling iling na lang ako.

"Kaano ano mo ba yung ikakasal?" Pabulong kong tanong kay Abbi ng maupo kami.

"Davis is a family friend and  his father is my godfather." 

Ahh kaya pala. 

"Bakit ba ang tagal mag simula?" 

"Kaya nga, Uh hey miss! Sino pa ba ang hinihintay?" Tanong niya sa wedding organizer ata.

"Hindi pa po dumarating 'yong bestman."

"Ahh okay, Thanks." 

Nag palipas kami ni Abbi ng oras sa pakikipag usap sa mga kakilala niya at sa bawat pag papakilala niya sa akin ay hindi maalis ang pag tataka kung saang parte ng mundo niya ako nakuha bilang pinsan.

Mabuti na lang at private ang family nila Abbi kaya hindi lahat ng bagay alam ng mga sosyal na tsismosang 'to.

"Where is he? Damn him!" Rinig kong sabi ng groom at naiinis na kinuha ang cellphone.

Ano'ng oras na kasi at wala pa rin ang best man! Aabutin pa yata kami ng pag labas ng buwan dito.

"Sorry I'm late!" 

Lahat kami ay lumingon sa sumigaw at may mga bumuntong hininga pa.

Siya ang bestman?!

Bigla ay nakarinig ako ng mga bulong na nag rereklamo sa tagal niya.

Simple lang naman kasing nag lalakad papasok si Gideon habang inaayos ang butones ng barong tagalog niya.

Mukha siyang politikong corrupt pfft.

"He's handsome right, Hope? Such a husband material." 

"Wag ka nga Abbi baka mamaya may makarinig sa'yo."

"So what? You're afraid that Gideon will know na na ga-gwapuhan ka sa kanya? Oh come on Hope! Kahit ako na ga-gwapuhan sa kanya."

Ngumiwi ako at tiningnan si Abbi.

Hindi talaga siya titigil kaka asar sa akin eh.

"Kapag ako talaga na fall diyan dahil sa paulit ulit na pang aasar mo sinasabi ko sa'yo Abbi,"

Humahighik siya at maarte pang hinawi ang buhok.

"Sabi mo hindi ka mag kakagusto sa kanya and hindi ka scammer bakit pinag babantaan mo ako ngayon huh?" Hamon niya pa.

"Dahil ang mga pisting pang aasar na'yan ang nagiging simula ng lahat. Aasarin ng aasarin kahit na hindi naman gusto tapos bukas makalawa mabibigla ka na lang na nagawa mo na ang ipinag babawal na teknik."

Nabitin ang pag tawa niya at kunot noong tumingin sa akin.

"Ipinag babawal na teknik? What the F is that?"

"Ipinag babawal na teknik! Ang maging marupok." Pahisteryang sabi ko pero sa pabulong na paraan.

Mag sasalita pa sana siya ng may marinig kaming tumikhim. Sabay pa kaming lumingon sa gilid namin at nakita si Gideon.

Pakiramdam ko nalunok ko na pati tonsils ko dahil sa kaba.

Nakatingin siya sa amin sa seryuso at nababagot na ekspresyon.

"Giddy! Thank God dumating ka na! Alam mo bang balak na naming mag sagawa ng search and rescue operation para lang mahanap ka?" Si Abbi ang unang nag salita.

Parang hindi niya binugaw sa akin yan five minutes ago.

"I overslept." Simpleng sagot ni Gideon ang paningin ay nasa akin.

"Late na late daig pa ang bride ah." Hindi ko na napigilan pang sumabat.

Pinanlakihan ako ng mata ni Abbi pero inismiran ko lang siya.

"Walang nag sabi sa akin na pupunta ka ede sana sarado pa ang simbahan nandito na ako." He smirked.

Naka awang ang bibig namin ni Abbi ng umalis siya. 

"Oh my go...sh! kinilig ako Hope, ikaw ba kinilig din?" She giggled.

Kumurap ako at umiling.

"Hindi. Konting practice pa."

Baka nga mas magaling pa akong bumanat kaysa sa kanya eh psh!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status