Share

CHAPTER 59

Napakaraming bagay sa mundo ang mag papalito sa'yo. Sa una akala mo ayos na pero hindi pa pala. Yung akala mong kontento ka na pero gusto mo pa pala, at yung akala mo hindi mo kailangan pero hinahanap hanap mo pala.

Ngumiti ako habang tinatanaw ang bahay na matagal kong pinangarap. Ang isang malaki at magandang bahay na unang naging inspirasyon ko sa pag sisikap at pag ta-trabaho.

Ang kulay dilaw at asul nitong pintura ay ang mga kulay na gusto ni Nanay at ni Seb. Samantalang ang mataas na bakod na may desenyong pa ikot ay siya namang gusto ni Tatay.

Hindi ko maiwasang kilabutan habang pinagmamasdan ang isa sa mga katas ng pag susumikap ko. Huli ko man itong naibigay sa pamilya ko at alam kong hindi na nila mararanasan pang maramdaman ang manirahan dito alam kong masaya pa rin nila akong tinatanaw ngayon at nakangiting sinasaluhan ako sa pag lasap sa katuparan ng mga pangarap ko.

"Hindi ka ba papasok? Kanina pa nag sisimulang kumain sa loob."
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status