Share

CHAPTER 4

Gabi na ng maka uwi kami ni Seb sa bahay at na abutan namin si Nanay na nag tutupi ng damit.

"Nay," nag mano ako sa kanya.

"Bakit ngayon lang kayo? Nauna pang umuwi yung isda at gulay na pinabili ko ah, at saka ano 'yang mga bitbit mo?"

Binaba ko ang mga plastic na may lamang school supplies ni Seb at inayos siya sa balikat ko.

Nakatulog na dahil sa sobrang pagod. Inisa isa ba naman kasing sinakyan yung carousel ede napagod talaga siya.

"Binili ko lang po ng gamit sa eskwela si Seb."

Tinignan niya ang laman ng mga plastic bago nag salita.

"Anak, sobra sobra na ang binibigay mo sa amin ng kapatid mo. Pwede naman kahit dalawang pirasong notebook lang at sa susunod na bumili. Paano ka? Yung mga gusto mong bilhin hindi mo na nabibili dahil sa amin ng kapatid mo."

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa kwarto para ilapag sa kama si Seb.

Pumasok din siya at inilagay sa lumang cabinet ang mga damit namin.

"Nay, kung may gusto man akong bilhin nasa akin na'yon kung bibilhin ko o hindi. Huwag na ho kayong mag isip ng kung ano ano dahil ayos lang po ako." 

Pag kombinsi ko pa sa kanya. Nilapitan niya si Seb at hinawakan ang pisngi.

"Napaka swerte niyang ikaw ang naging kapatid niya. Napaka swerte namin sa'yo anak." Maluha luhang sabi niya sa akin.

"Ako ang maswerte sa inyo Nay, hayaan niyo kapag naka ipon ako aalis tayo rito sa tondo at bibili ako ng lupa at doon natin ipapatayo ang bahay natin na ako mismo ang nag desenyo." 

"Maabutan ko pa ba iyon anak?"

"Nay naman! Syempre po oo. Malaki naman yung sweldo ko sa bago kong trabaho eh kaya siguradong makakaipon ako ng mas mabilis."

"Makakaipon eh pag dating sa kapatid mo nauubos ang pera mo."

Nilingon ko si Seb at ngumiti ng maalala ang mga ngiti niya kanina habang yakap yakap ang mga bagong biling notebook.

"Hindi ako naka pagtapos ng pag aaral Nay, at ayaw kong matulad sa akin si Seb kaya gagawin ko ang lahat para suportahan siya sa mga pangarap niya."

"Anak.."

"Nay, hindi ko kayo sinisisi kung bakit hindi ako naka pagtapos ng pag aaral dahil alam ko namang hindi ninyo ginustong mamatay si Tatay at mag ka sakit kayo dahilan para mawalan tayo ng pang gastos para sa pag papa aral sa akin."

Pinag masdan niya na lang ako bago tumango. Hindi na ipinilit pa ang gustong sabihin.

"Kumain ka na ba? Si Seb kumain na ba?"

"Opo nag yaya kumain ng fried chicken eh, may take out kami para sa'yo."

"Ang batang 'to talaga, sigurado pag gising niyan tatakbo agad sa mga bago niyang gamit."

"Walang duda Nay."

"Nga pala, nasabi mo na ba sa kanya na magtatrabaho ka sa malayo at hindi ka uuwi rito palagi?"

"Hmm. Sinabi ko na kanina habang kumakain kami."

"O ano pumayag ba?"

"Umiyak muna bago pumayag. Pinangakuan ko pa na ibibili ko siya ng malaking SpongeBob pag balik ko."

Umiling siya sa akin at marahang kinurot ang ilong ng kapatid ko na gumalaw naman sa pag kakahiga.

"Akin na nga pala yung wallet mo, ilalagay ko yung mga numero ng mga tiyahin mo para matawagan mo sila kapag may kailangan ka."

Inabot ko sa kanya ang wallet ko at may pinunit naman siyang papel galing sa notebook saka inilagay sa loob.

Nag palipas ako ng gabi sa pag susulat ng mga ipapaskil kong paalala sa kwarto ni Seb at sa may dingding ng lababo. 

Kabilang na ang pag papaalala na huwag tatawid sa kalsada at lalabas sa compound. Habang si Nanay naman ay ang pag inom ng gamot sa tamang oras, naka alarm na rin ang cellphone niya sa oras ng pag inom niya ng gamot.

Alas tres pa lang ng umaga gising na ako at nakagayak na.

"Sige na anak at ng hindi ka abutan ng traffic, huwag mo ng gisingin ang kapatid mo dahil iiyak 'yan."

"Magiging maayos po ba kayo rito Nay?"

"Ano ka ba naman hija, oo naman. Kaya na namin dito, ikaw ang mag ingat at tawagan mo ako palagi."

"Sige po, paki sabi na lang po kay Seb na may sulat ako sa loob ng bag niya baka kasi mag tampo kapag nalamang hindi ako nag paalam."

"Oo ako na'ng bahala. Osiya sige na at nasa baba na si Bingo."

"Ingat po kayo Nay, tawagan niyo ako ah."

"Sige tumawag ka pag nakarating kana ha."

Humalik ako sa kanya pati na rin kay Seb bago lumabas. Ngayon pa lang yata ako hindi uuwi sa bahay pag katapos ng isang mahabang araw.

Nakakalungkot.

"Magandang Umaga Grace." Inabot ni Bingo sa akin ang bottled coffee.

"Magandang umaga rin bakit ba ang aga mong magising?"

"Anong magising? Wala pa akong tulog uy!"

"Tss. Oh eh anong gimik yan? Bakit hindi ka natulog at maaga kang nag liwaliw?"

"Pupunta akong palengke, ako na papalit sa mga raket na iniwan mo diba? At saka salamat pala ah, libre kita sa susunod."

Ngumisi ako sa kanya.

"Kuripot ka uy, saka ayusin mo yung trabaho mo para hindi ka mapa alis agad. Kapag may nanlamang banatan mo agad wag kang babakla bakla."

"Maka bakla ka naman Grace eh, porke't kaya mo ring mag buhat ng banyera ng isda."

Tumawa ako sa kanya bago huminto dahil nasa sakayan na kami ng jeep.

"Baliw! Alis na ako, bantayan mo yung pamilya ko ah kapag may gumalaw sa kanila sumbong mo sa mga alagad ko."

"Oo akong bahala, anong araw ba day off mo?" 

"Linggo ata, hindi ko pa alam eh basta tatawag ako."

"Mag ingat ka." Bilin niya at pinara na ang papalapit na jeep.

"Hanep kayo maka bilin ng ingat ah, akala mo papunta akong saudi." 

"Hanep rin kasi yung leather jacket mo eh para kang galing saudi na naka ipon ng limpak limpak na salapi. Baka pag balik mo hindi mo na ako kilala ah!"

"Ulol! Alis na nga ako, pumunta ka na sa palengke para maka rami ka." Umakyat na ako sa jeep at sinilip siya sa bintana.

"Sige! Ingat!" Kumaway ako pabalik sa kanya bago umandar ang jeep palayo.

Alas singko na ako nakarating sa condo at gising na rin si Abbi.

"Good morning Graciela Hope!" Bigay na bigay niyang sigaw na may kasama pang pag yakap.

"Bakit naman may yakap pa Abbi?"

"It's a welcome hug because you'll finally living with me and aalis kana sa pag nanakaw." 

"Tss."

"You're welcome." Inangkla niya ang kamay sa braso ko.

"Kumain ka na? Nag order ako ng food and okay na rin pala yung kwarto mo pati mga gamit naka arrange na rin."

"Alam mo kung lahat siguro ng amo katulad mo? Lahat siguro papangaraping maging P.A"

Dinala niya ako sa magiging kwarto ko at ipinakita ang mga gamit na binili niya. Hanep din 'tong babae na'to napaka prepared.

"Anong oras ba ang klase mo?" Tanong ko habang kumakain kami.

"Hmm.. nasa Ipad mo na yung schedule ng class ko and subjects. I'll send an email to you kapag may kailangan akong ilagay mo sa schedule ko so you need that Ipad."

Sinagot na niya agad yung tanong ko kung bakit kailangan pa ng Ipad eh kaya ko naman sa notebook lang.

Inabot ko ang Ipad at ngumiwi ng makitang picture naming dalawa ang nasa lockscreen.

May nakahanda na ring files na nag lalaman ng class schedules niya at ibang files naman para sa mga lakad niya.

"About sa sweldo mo, may credit card ka na rin and nasa loob na'yon ng bag mo sa closet, and may laman na rin yun. And then tungkol naman sa day off mo, it's on every Sunday however you can go home naman tuwing Wednesday if wala akong hectic schedule."

Tumatango lang ako sa mga sinasabi niya. Hindi talaga halatang hindi siya prepared.

May pa credit card pa nga, Baka Abbi namin yan.

"Okay,"

"Great! Tawagan mo na lang ako if may kailangan ka and vice versa. Don't worry, alam ni Daddy ang lahat ng 'to and he's so glad about it."

"Sige sige, maligo kana dahil 7 am ang start ng orientation ninyo at 6:20 na."

"Oh my gosh!"

Kumaripas siya ng takbo papunta sa kwarto niya habang niligpit ko naman ang pinag kainan namin.

Pag katapos kong mag ligpit ay tinawagan ko si Nanay.

"Nay nakarating na po ako."

["Mabuti naman, kumain ka na ba?"]

"Opo katatapos ko lang, kayo ba?"

["Nanay, si Ate ba 'yan? Kausapin ko dali dali!"]

I chuckled when I heard my sister's voice.

["Anak kakausapin ka raw ng kapatid mo."]

"Sige po."

Rinig ko ang mga tanong ni Seb sa kabilang linya bago siya naki pag usap sa akin.

["Ate, nabasa ko na yung sulat mo. Bakit hindi mo ako ginising? Hindi tuloy ako naka kiss sa'yo."] May pag tatampong sabi niya.

"Eh kasi kapag ginising kita iiyak ka tapos susumpungin ka na naman paano na'yan? Magiging panget ka sa unang araw ng eskwela. Naka bihis ka na ba?"

["Opo naka bihis na, naka tirintas din ang buhok ko tapos suot ko na yung bago kong bag at sapatos ang ganda ganda ko na."] She giggled.

"Oo naman ikaw kaya ang pinaka maganda sa tondo.Mag aral ng mabuti ah, pag balik ko bibilangin ko yung stars sa papel mo."

["Sige sige! Basta 'yung SpongeBob ko ah."]

Umiling ako at ngumiti. 

Bata nga naman.

"Oo na sige na ma le late kana, bantayan mo si Nanay ah."

["Sandali lang Ate i kikiss kita."]

Nangunot ang noo ko pero nangiti na lang ng marinig na ang mga tunog ng halik niya.

"Seb seb talaga." 

["Tatlong kiss yun Ate, mamaya naman yung iba."] Humagikhik siya.

Matapos akong maki pag usap sa kanila ay sakto namang lumabas na si Abbi na nakasuot ng puting puting uniform.

"Bagay sa'yo," Nakangiti kong papuri.

Umikot siya at nag pose.

"Odiba? Future nurse 'tong kaharap mo kaya dapat lang na purihin mo talaga ako."

"Baliw, male late ka na gusto mo bang ipag drive kita?"

"Aish! Hindi kita driver duhh. Aalis na ako kapag na bored ka pwede ka namang mamasyal and you can do anything you want. Pero ayusin mo muna yung invitations na ni send sa akin nasa Ipad mo na."

"Okay. Ingat ka,"

"Yeah, Bye!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status