Nagpakasal si Cordelia Jenner sa isang sanggano kapalit ng kapatid niya at namuhay siya ng mahirap habangbihay… O 'di nga ba? Sa isang iglap, ang asawa niya ay naging isang lihim na bilyonaryo na may taglay na kapangyarihan at impluwensya… Imposible 'yun! Tumakbo si Cordelia pabalik sa kanilang munting bahay at papunta sa mga bisig ng kanyang asawa. "Sinasabi nila na ikaw daw si Mr. Hamerton. Totoo ba 'yun?" Hinaplos ng lalaki ang kanyang buhok. "Kamukha ko lang yung lalaking 'yun." Sumimangot si Cordelia. "Nakakainis yung lalaking 'yun. Pinipilit niya na ako ang asawa niya. Bugbugin mo siya!" Kinabukasan, ang Mr. Hamerton na 'yun ay ngumiti at nagpakita sa publiko—bugbog at sugatan. "Mr. Hamerton, anong nangyari?" Ngumisi ang lalaki. "Nagkatotoo ang hiling ng asawa ko. Kailangan kong pangatawanan 'to."
View MoreNahirapan si Remus na pigilan ang tawa niya at sumakit ang tiyan niya. Pinanatili niya ang seryosong ekspresyon niya habang kinakausap si Zuko. “Anong ibig mong sabihin, my lord? Hindi pa kayo kasal ni Ms. Lina. Paano kayo matutulog sa isang kwarto? Strikto ang patakaran sa palasyo at napakahalaga ng pagpapanatili ng distansya sa pagitan ng lalaki at babae. Siguro naman hindi mo nakalimutan yan, sir?”Nagsalubong ang kilay ni Zuko at naging seryoso ang tono niya. “Kung ganun… saan pala ako dapat tutuloy?”“Sa Splendor Pavilion.”“Ano!?” Bakas ang gulat ni Zuko at muntik siyang napatalon sa reaksyon niya. Kapag sinuri mo ang mapa, mukhang parisukat ang palasyo. Nasa itaas na kaliwang sulok sa ng Pearl Spring at nasa ibabang kanang sulok ang Splendor Pavilion. Para bang sinadya ito, malinaw na ginawa para paghiwalayin sila. Huminga nang malalim si Zuko habang nakatitig kay Remus. “Kahit gaano pa kastrikto ang patakaran, kailangan mo ba kaming paghiwalayin nang ganito kalayo?”Tah
“Sandali!” Tinulak ng maliit na kamay ni Lina ang matibay na dibdib ni Zuko. Kumurap ang mga mata niya nang mahina siyang nagsalita. “Hindi ba kilala ang Kamahalan sa pagiging mabuti sa mga bisita niya? Hindi ko maintindihan kung bakit niya tayo binigyan ng ganito kaliit na kwarto. At saka, napakalaki ng palasyo—”“Sabi ng Kamahalan na ito na lang ang kwarto!” seryosong sagot ni Zuko. “Lina, hindi magandang guluhin ang Kamahalan nang dahil sa ganito kaliit na bagay…”Bahagya siyang umubo at ngumiti. “Pagtiyagaan na natin to ngayong gabi, okay?”“Pero…” Bago pa nagsalita ulit si Lina, sinara ang labi niya ng masigasig na halik ni Zuko. Ang tagal na simula nang nahalikan niya siya nang ganito…Niyakap siya nang mahigpit ni Zuko. Kuntento siya na para bang nasa kanya ang buong mundo. Dahan-dahang naglakad ang kamay niya sa maliit na likod niya, huminto sa malambot na batok niya nang para bang hinahaplos ang leeg ng isang kuting. Dahan-dahang nagkaroon ng sariling pag-iisip ang kabil
Nabigla si Lina. “Ano?”“Kinuha ng brand manager ng LC Skincare ang store surveillance footage,” paliwanag ni Carter. “Pinakita sa footage na nagsabwatan ang dalawang empleyado at naglagay ng pekeng face cream sa counter na may marka sa balot nito. Hindi nabenta ang cream hanggang sa ang kaklase mong si Chapman ay pumasok sa duty-free shop at hinanap ito. Doon nila ito binenta sa kanya. “At ang substance sa face cream ay isa talagang tipo ng drug. Dinagdag ito pagkatapos itong ihandang maigi na nagsanhi ng isang chemical reaction. Kaunti lang nito ay sapat na para magsugat ang balat mo at hindi gumaling.”Nagsalubong ang mga kilay ni Zuko. “Tito Carter, nalaman mo ba kung sino ang dalawang taong ito?”“Syempre,” ngumiti si Carter. “Nahuli ang dalawang taong iyon sa police operation para hulihin si Justin.”Parehong natulala sina Zuko at Lina. “Mga… tao sila ni Justin?”“Tama ka.”“Kung ganun, ibig mong sabihin…” bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Lina. “Hindi lang may koneks
Nang natapos magbihis si Lina, lumabas siya ng kwarto nang hawak ang kamay ni Zuko. Gayunpaman, bago umalis, hindi niya napigilang lumingon. Nakatayo roon si Linda nang hindi kumikilos sa kinakatayuan niya. Inobserbahan ni Lina ang mapayat na anyo niya. Nakayuko siya nang parang isang matandang babae na para bang tutumba siya sa isang ihip ng hangin. Naglaho ang pananabik sa mga mata niya at napalitan ng kawalan. Isang hindi maipaliwanag na kalungkutan ang pumuno sa puso ni Lina. Sina Linda at Nicholas ay dalawang hindi pamilyar na pangalan sa kanya, pero sila ang dalawang pinakamalapit na tao sa kanya sa mundong ito. Huminga si Lina nang malalim, yumuko, at nanatiling tahimik. Naintindihan ni Zuko ang mga emosyon niya at marahan siyang niyakap, sabay malambing na hinalikan ang noo niya. “Magiging ayos lang ang lahat,” bulong niya. “Hindi ito ganun kahirap kagaya ng iniisip mo… Mahal na mahal ka nila at dalawampung taon ka na nilang hinahanap.”“Alam ko.” Hinawakan ni Lin
“Oh, wala lang!” Nagpanggap na walang pinag-aalala si Melissa. “Iniisip ko lang na baka sayang ang oras mo para tawagan mo ko ngayong aligaga ka sa pag-aaral mo ngayon!”“Ma…”“Mahalaga para sa'yong pagtuunan ng pansin ang pag-aaral mo ngayong meron kang magandang resources, alam mo yun?” payo ni Melissa. “Inaayos ng tatay mo ang school procedures dito at malapit ka nang lumipat sa Centrolis!”“Kahit na abala ako, hindi ako mapipigilan nitong tawagan ka!” May kakaibang pakiramdam si Lina sa puso niya. “Ma, may tinatago ka ba sa'kin?”Nabigla si Melissa pero itinanggi niya pa rin ito. Kahit gaano pa magtanong si Lina, nagpumilit ang nanay niyang ayos lang ang lahat at nagpanggap na normal. Gayunpaman, ang ilang parte ng katawan ni Melissa ay nagsimulang kumirot nang bahagya. Nabasa ng pawis ang tungki ng ilong niyang at medyo namutla ang mukha niya. Napansin ito ni Jesse at mabilis siyang sumingit, “Lina, pagtuunan mo ng pansin ang sarili mo! Hehe… Naglalaro kami ng poker ng n
“Ma, pa, Dave, pasensya na talaga at pinag-alala ko kayo!” Umapaw ang emosyon ni Lina kaya naging madaldal siya. Para hindi sila matakot, nagpasya siyang ilihim ang parte tungkol sa pagdala sa kanya sa barko. “Ang totoo, nitong mga nakaraang ilang araw… ano, kasama ko si Zuko! Kakarating lang namin sa Southeast Aciatic ngayong araw.”“Ate, nagpunta ka ba ulit sa palasyong yun?” Sabi ni Dave nang naiinggit. “Nakita ko ang mga larawan mula sa study tour mo noon. Napakaganda diyan!”“Dadalhin kita roon para bumisita kapag nakapasok ka sa university!” Kinuha ni Zuko ang phone at mahinang tumawa. Nagdiwang si Dave sa kabilang linya. Nang marinig ang boses ni Zuko, nakahinga nang mas maluwag sina Jesse at Melissa ngayong alam nilang kasama niya si Lina. Sabi ni Melissa na naluluha at natatawa, “Lina, kumusta ka? Masama ang kutob ko nitong mga nagdaang araw at kinabahan ako nang walang dahilan…”“Ma, dapat alagaan mo ang kalusugan mo.” Marahang sabi ni Lina. “Wag mong masyadong pag
Si Toph na kilala sa masayahing personalidad niya ay naantig ngayong araw habang pinagmasdan niya ang pagmamahal at pagtitiyaga ng isang magulang. ...Nang walang kaalam-alam sa mga ingay sa labas, nanatiling aligaga ang mga tao sa kwarto. Pagkatapos magsuot ng dalawang kasuotan, tinitigan ni Lina si Zuko nang may mabigat na tanong sa puso niya. Bago siya nakapagtanong, iniabot niya sa kanya ang phone niya. Napahinto si Lina. Hindi siya sigurado kung anong ibig niyang sabihin. Hinaplos ni Zuko ang buhok niya nang may malambing na ngiti. “Alam kong gusto mong tawagan ang mga magulang ko.”“Ikaw…”“Gamitin mo ang phone ko.” Tumawa si Zuko. “Hindi ko gustong mag-alala sila kaya hindi ko sinabi sa kanila ang tungkol sa pagkawala mo. Nang hindi ko na kayang panatilihin ang lihim, pinapapunta ko sila sa Centrolis para sabihin sa kanila ang totoo. Pero sa hindi inaasahan, nagpadala ka ng signal sa mismong sandaling iyon.”Tahimik na tumitig si Lina sa kanya at naghalo-halo ang mga
Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa pagkaaresto ng bang ni Justin sa Southeast Aciatic. Puno ang telebisyon at ang internet ng footage ng paghatid sa kanila ng mga pulis. Si Justin, na nakasuot ng itik na hood at kadena sa mga braso't binti niya, ay dahan-dahang naglakad dahil sa isang tama ng bala. Ngayon, kinumpiska ng pulis ang mga droga at nagsagawa ng magkasabay na raid sa mga hideout ni Justin sa ilang katabing bansa ng Southeast Aciatic. Nakatakda na ngayon si Justin na humarap sa isang, international trial, maraming kaso, at ang posibilidad ng bitay. Nasabik ang press media mula sa ibat-ibang bansa at naglabanan sila para iulat ang malaking balitang ito. Sa proseso ng pag-uulat kay Justin, nagkataon nilang nabanggit ang isa pang criminal gang na nahuli ng mga pulis. Mula sa screen, nakita ni Lina si Krystal na mukhang pagod ngunit kalmado. Sa kanila ng mga posas at ang presensya ng mga pulis, na kay Krystal pa rin ang malakas na presensya ng isang boss na namuno sa u
Ngumiti si Zuko, “Tiyak na mangyayari yun.”“Sige, tama na ang kadramahan niyong dalawa,” tumawa si Toph at tumuro sa isang direksyon kung saan lumipat ang atensyon nila. “Tignan niyo, sinong naroon?”Sinundan ni Lina ang daliri ni Toph at lumapag ang tingin niya sa dalawang medyo may-edad na taong naglakad papunta sa kanila. Nawiwindang at maingat ang mga hakbang nila. Medyo napatid pa sila sa baku-bakong lapag na piyer, pero nanatiling matibay ang determinasyon nilang makita ang anak nila. Sumikip ang dibdib ni Lina at sandali siyang hindi nakakilos. Inobserbahan niya ang kabang nakaukit sa mga mukha nila at ang maingat na pananabik sa mga mata nila. Sa kabila ng sosyal na kasuotan nila na malaki ang pinagkaiba sa mga tao sa paligid, para bang gumigiwang at magulo ang mga kilos nila. Nakasara ang kamao ni Lina sa tabi niya at para bang tatalon sa lalamunan niya ang puso niya. Habang sinusuportahan ang isa't-isa, binilisan nina Nicholas at Linda ang lakas nila hanggang sa naka
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.