Share

Kabanata 1157

“Oh, wala lang!” Nagpanggap na walang pinag-aalala si Melissa. “Iniisip ko lang na baka sayang ang oras mo para tawagan mo ko ngayong aligaga ka sa pag-aaral mo ngayon!”

“Ma…”

“Mahalaga para sa'yong pagtuunan ng pansin ang pag-aaral mo ngayong meron kang magandang resources, alam mo yun?” payo ni Melissa. “Inaayos ng tatay mo ang school procedures dito at malapit ka nang lumipat sa Centrolis!”

“Kahit na abala ako, hindi ako mapipigilan nitong tawagan ka!” May kakaibang pakiramdam si Lina sa puso niya. “Ma, may tinatago ka ba sa'kin?”

Nabigla si Melissa pero itinanggi niya pa rin ito.

Kahit gaano pa magtanong si Lina, nagpumilit ang nanay niyang ayos lang ang lahat at nagpanggap na normal.

Gayunpaman, ang ilang parte ng katawan ni Melissa ay nagsimulang kumirot nang bahagya. Nabasa ng pawis ang tungki ng ilong niyang at medyo namutla ang mukha niya.

Napansin ito ni Jesse at mabilis siyang sumingit, “Lina, pagtuunan mo ng pansin ang sarili mo! Hehe… Naglalaro kami ng poker ng n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status