“Oh, wala lang!” Nagpanggap na walang pinag-aalala si Melissa. “Iniisip ko lang na baka sayang ang oras mo para tawagan mo ko ngayong aligaga ka sa pag-aaral mo ngayon!”“Ma…”“Mahalaga para sa'yong pagtuunan ng pansin ang pag-aaral mo ngayong meron kang magandang resources, alam mo yun?” payo ni Melissa. “Inaayos ng tatay mo ang school procedures dito at malapit ka nang lumipat sa Centrolis!”“Kahit na abala ako, hindi ako mapipigilan nitong tawagan ka!” May kakaibang pakiramdam si Lina sa puso niya. “Ma, may tinatago ka ba sa'kin?”Nabigla si Melissa pero itinanggi niya pa rin ito. Kahit gaano pa magtanong si Lina, nagpumilit ang nanay niyang ayos lang ang lahat at nagpanggap na normal. Gayunpaman, ang ilang parte ng katawan ni Melissa ay nagsimulang kumirot nang bahagya. Nabasa ng pawis ang tungki ng ilong niyang at medyo namutla ang mukha niya. Napansin ito ni Jesse at mabilis siyang sumingit, “Lina, pagtuunan mo ng pansin ang sarili mo! Hehe… Naglalaro kami ng poker ng n
Nang natapos magbihis si Lina, lumabas siya ng kwarto nang hawak ang kamay ni Zuko. Gayunpaman, bago umalis, hindi niya napigilang lumingon. Nakatayo roon si Linda nang hindi kumikilos sa kinakatayuan niya. Inobserbahan ni Lina ang mapayat na anyo niya. Nakayuko siya nang parang isang matandang babae na para bang tutumba siya sa isang ihip ng hangin. Naglaho ang pananabik sa mga mata niya at napalitan ng kawalan. Isang hindi maipaliwanag na kalungkutan ang pumuno sa puso ni Lina. Sina Linda at Nicholas ay dalawang hindi pamilyar na pangalan sa kanya, pero sila ang dalawang pinakamalapit na tao sa kanya sa mundong ito. Huminga si Lina nang malalim, yumuko, at nanatiling tahimik. Naintindihan ni Zuko ang mga emosyon niya at marahan siyang niyakap, sabay malambing na hinalikan ang noo niya. “Magiging ayos lang ang lahat,” bulong niya. “Hindi ito ganun kahirap kagaya ng iniisip mo… Mahal na mahal ka nila at dalawampung taon ka na nilang hinahanap.”“Alam ko.” Hinawakan ni Lin
Nabigla si Lina. “Ano?”“Kinuha ng brand manager ng LC Skincare ang store surveillance footage,” paliwanag ni Carter. “Pinakita sa footage na nagsabwatan ang dalawang empleyado at naglagay ng pekeng face cream sa counter na may marka sa balot nito. Hindi nabenta ang cream hanggang sa ang kaklase mong si Chapman ay pumasok sa duty-free shop at hinanap ito. Doon nila ito binenta sa kanya. “At ang substance sa face cream ay isa talagang tipo ng drug. Dinagdag ito pagkatapos itong ihandang maigi na nagsanhi ng isang chemical reaction. Kaunti lang nito ay sapat na para magsugat ang balat mo at hindi gumaling.”Nagsalubong ang mga kilay ni Zuko. “Tito Carter, nalaman mo ba kung sino ang dalawang taong ito?”“Syempre,” ngumiti si Carter. “Nahuli ang dalawang taong iyon sa police operation para hulihin si Justin.”Parehong natulala sina Zuko at Lina. “Mga… tao sila ni Justin?”“Tama ka.”“Kung ganun, ibig mong sabihin…” bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Lina. “Hindi lang may koneks
“Sandali!” Tinulak ng maliit na kamay ni Lina ang matibay na dibdib ni Zuko. Kumurap ang mga mata niya nang mahina siyang nagsalita. “Hindi ba kilala ang Kamahalan sa pagiging mabuti sa mga bisita niya? Hindi ko maintindihan kung bakit niya tayo binigyan ng ganito kaliit na kwarto. At saka, napakalaki ng palasyo—”“Sabi ng Kamahalan na ito na lang ang kwarto!” seryosong sagot ni Zuko. “Lina, hindi magandang guluhin ang Kamahalan nang dahil sa ganito kaliit na bagay…”Bahagya siyang umubo at ngumiti. “Pagtiyagaan na natin to ngayong gabi, okay?”“Pero…” Bago pa nagsalita ulit si Lina, sinara ang labi niya ng masigasig na halik ni Zuko. Ang tagal na simula nang nahalikan niya siya nang ganito…Niyakap siya nang mahigpit ni Zuko. Kuntento siya na para bang nasa kanya ang buong mundo. Dahan-dahang naglakad ang kamay niya sa maliit na likod niya, huminto sa malambot na batok niya nang para bang hinahaplos ang leeg ng isang kuting. Dahan-dahang nagkaroon ng sariling pag-iisip ang kabil
Nahirapan si Remus na pigilan ang tawa niya at sumakit ang tiyan niya. Pinanatili niya ang seryosong ekspresyon niya habang kinakausap si Zuko. “Anong ibig mong sabihin, my lord? Hindi pa kayo kasal ni Ms. Lina. Paano kayo matutulog sa isang kwarto? Strikto ang patakaran sa palasyo at napakahalaga ng pagpapanatili ng distansya sa pagitan ng lalaki at babae. Siguro naman hindi mo nakalimutan yan, sir?”Nagsalubong ang kilay ni Zuko at naging seryoso ang tono niya. “Kung ganun… saan pala ako dapat tutuloy?”“Sa Splendor Pavilion.”“Ano!?” Bakas ang gulat ni Zuko at muntik siyang napatalon sa reaksyon niya. Kapag sinuri mo ang mapa, mukhang parisukat ang palasyo. Nasa itaas na kaliwang sulok sa ng Pearl Spring at nasa ibabang kanang sulok ang Splendor Pavilion. Para bang sinadya ito, malinaw na ginawa para paghiwalayin sila. Huminga nang malalim si Zuko habang nakatitig kay Remus. “Kahit gaano pa kastrikto ang patakaran, kailangan mo ba kaming paghiwalayin nang ganito kalayo?”Tah
Tumango si Lina nang may magalang na ngiti. Maraming bagay para sa kanya ang mahirap makasanayan nang una siyang dumating sa bahay na ito. Kahit na ganun, tiniyak nina Nicholas at Linda na nakaayon sa gusto niya sng lahat sa Thompson residence. Pinadala pa nila ang staff na madalas na nagsisilbi sa kanila para paglingkuran siya. Naluha si Lina. Pakiramdam niya ay nailigtas niya ang mundo sa nakaraang buhay niya: nakilala niya ang mga umampon sa kanya na trinato siyang parang tunay na anak, at ang tunay niyang mga magulang na hindi tumigil sa paghahanap sa kanya. At naroon si Zuko, ang perpekto niyang boyfriend at magiging asawa. Napuno ng init si Lina nang ngumiti siya. Kuminang ang maliwanag na hinaharap sa mga inosente niyang mata. “Mayroon ka bang kailangan, miss?” tanong ni Tita Evelyn. Bumalik si Lina sa katotohanan at umiling. “Hindi sa ngayon.”“Sige pala, iiwanan ka na muna namin.” Ngumiti si Tita Evelyn. “Ipaalam mo lang sa'min kung may kailangan ka.”“Sige.”Tuma
Hindi intensyon ni Linda na matapon ang bote—isa itong bugso ng mga emosyon na hindi niya makontrol. Hindi sa hindi niya gustong inumin ang gamot, pero naaalala niya ang sakit niya tuwing nakikita niya ang bote. Hindi niya matiis ang pagkahilo at hapdi ng sikmura niya pagkatapos inumin ang gamot. Mas gusto niyang hindi na lang ito inumin. Nang nakapikit at nakasimangot, walang kulay ang maputlang balat ni Linda. Sa gitna nito, nakarinig siya ng ingay sa pintuan. Tinaas niya ang ulo niya at tamad na lumingon nang hindi man lang nagtanong kung sino iyon. Gayunpaman, bumukas ang pinto at sinamahan ng isang matamis na boses ang pagpasok ng isang nakakatawang oso na naglakad nang pagiwang-giwang. Napuno ng pag-awit at sinag ng araw ang balkonahe at nagdala ng saya sa eksena ang kaaya-aya at nakakatawang sayaw ng oso. Nang natapos ang sayaw, tinaas ng oso ang mga braso nito at gumawa ng hugis puso. Hindi napigilan ni Linda na matawa. Pagkatapos ay natanggal ang ulo ng oso at nakita roo
Ngumiti si Lina at nagtanong, “Kaya mo bang bilangin ang mga poste sa model na'to?”Nabigla si Linda, pero nagpasya siyang seryosohin ito at nagsimulang magbilang. Gayunpaman, sa liit ng mga poste sa model ay nahirapan siyang bilangin ito nang maayos. "55, 56, 57..."Sa wakas, pagkatapos ng ilang sandali, nagpakita ng kalmadong ngiti si Linda at kampanteng nagsabi, “May 82 poste rito, tama?”“Tama! Pero isang parte lang yan ng palasyo. Ang tunay na palasyo ay may mas madaming poste,” sabi ni Lina at tinikom niya ang mga labi niya. Pagkatapos ay nagtanong siya, “Ngayon, kaya mo bang bilangin kung gaano karami ang bintana rito?”Mukhang namroblema si Lina dahil matagal na siyang kinakabahan pagdating sa mga numero. Sinubukan niyang makiusap sa anak niya, “Pwede bang… wag na tayong magbilang? Sasakit ang ulo ko kapag nagpatuloy tayo!”Ngumiti si Lina at sumagot, “Hindi pwede. Pero ang galing mo kanina, kaya ibibigay ko sa'yo ang pinangako kong reward!”Nabigla si Linda nang nakita