Share

The Billionaire's Baby Maker
The Billionaire's Baby Maker
Author: top13Arida

Chapter 1: Alejandro

Kathnisse's POV

Mula sa dressing room ay rinig ko ang malakas na tugtog ng musika, sabado na naman at pihadong marami na namang kustomer ngayong gabi rito sa club.

Mahigpit kong hinawakan ang hindi kalakihang salamin at pinagmasdan ang mukha ko, hanggang kailan kaya ako magiging dancer at waitress sa club na ito? I was 18 years old when I started working here, kailangan kung kumayod para mabayaran ang lahat ng naiwang utang ng Tatay kong sugarol. Maagang namatay ang Nanay ko dahil sa sakit na cancer, ang Tatay ko naman ay hindi ko na mahagilap kong nasaan. Bali-balita dito sa amin ay pinatay na ito ng isang druglord dahil hindi raw nairemit ang pinagbentahan niyang drugs.

"Kath, you're next." Ani Michelle, siya ang Manager ng club.

"Susunod na po." Sagot ko at tumayo na mula sa pagkakaupo.

Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin, I'm wearing a 2 piece black lingerie and a black high heels. Pagkatapos kong masuot ang itim kong roba at itim na mask ay lumabas na ako at dumeretso sa likod ng stage.

Hinubad ko ang roba at marahan akong umakyat sa entablado. Maya-maya pa ay pumailanlang na ang musika, napakaslow nito. Sumabay ang galaw ng katawan ko sa musika. Tutok na tutok ang kalalakihan sa pagsasayaw ko na para bang hinuhubaran na ako, may iba namang naglalagay ng pera sa gilid ng stage.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Konting tiis nalang, makakaalis rin ako rito.

Matapos kong sumayaw ay nagpalakpakan ang mga customers, pagkababa ko sa stage ay sinalubong kaagad ako ni Persephone at ibinigay sa akin ang itim na roba. Isa rin ito sa waitress at dancer ng club na ito.

Ngumiti ako sa kanya, "salamat, Pear."

"Walang ano man." Sagot nito at umalis na.

Pagkarating ko sa dressing room namin ay kaagad akong nagbihis, pwede na akong umuwi. Napalingon ako dahil may kumatok at nakita ko si Michelle na pumasok sa kwarto.

"Hi, Kath Ang galing mo kanina." Aniya na nakangiti.

"Salamat, Mich. Uuwi na rin ako."

"Uhm. Okay, pero, may sasabihin sana ako." Tila nag-aalangan na wika nito.

Mukhang alam ko na yata ang ibig sabihin nito kaya napailing ako. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Alam mo naman ang sagot ko d'yan, Mich." Ani ko.

"I know, Kath. Tinanggihan ko naman." Sagot nito ay ngumiti sa akin.

Ngumiti rin ako sa kanya, "salamat, Mich."

Sa ilang taon kong pagsasayaw dito ay marami na ang umalok para maikama ako, handa silang magbayad kahit magkano, pero hindi ako pumapayag. Kahit ganito lang ako, gusto ko pa ring ibigay ang virginity ko sa taong mapapangasawa ko.

Mag-aalas dos na ng madaling araw nang makalabas ako ng club, naglalakad na ako malapit sa parking lot ng makaramdam ako nang pagkaihi kaya nagmadali akong bumalik sa club.

"Akala ko ba umuwi ka na, Kath?" Tanong ni Persephone.

"Naiihi ako." Mabilis na sagot ako.

"D'yan ka na," turo niya sa CR ng mga customers, "may inaayos daw sa CR sa likod."

Tumango lang ako sa kanya at agad nang pumasok sa CR, mabuti nalang at wala masyadong tao kaya hindi rin ako natagalan sa pagpila. Pagkatapos kong umihi ay lumabas na ako, ngunit nagulat ako nang may makabangga ako.

"Sorry po! Sorry!" Madaling paghingi ko ng pasensya.

Tiningnan ko kung sino 'yong nakabunggo ko, isa itong lalaking matangkad. Bahagya akong napatulala. Napakagwapo nito kahit na napakaseryoso ng mukha niya, at ang ganda ng kulay brown niyang mga mata. Hindi ito nagsasalita at nakatitig lang sa akin.

"S-sorry po, Sir." Nauutal kong sabi ng mahimasmasan ako.

Hindi ko alam kung bakit siya ganito kong makatitig sa akin, galit ba siya?

"What's your name?" Tanong nito na ikinagulat ko.

"K-Kathnisse po," pagpapakilala ko, "pasensya na po, hindi kita napansin."

"Alejandro! Let's go." Ani ng isang lalaki.

Namumukhaan ko ang lalaking tumawag sa kanya, isa ito sa mga regular na customer dito.

Alejandro...'yon pala ang pangalan niya.

Bago pa umalis ang lalaking nakabangga ko ay tumitig muna ito sa akin at umalis na, hindi pa man ito nakakalayo ay nagulat ako nang lumingon ito sa akin. Kumabog nang malakas ang dibdib ko. Napakagat ako sa labi at nag-iwas ng tingin. Nang tuluyan na silang nakaalis ay mabilis akong lumabas sa club.

Maingat kong hawak-hawak ang tray na may laman ng mga mamahaling iinumin, lunes ngayon kaya isa akong waitress. Bumati ako sa mga bigating customers na kakapasok pa lamang sa Club, ganoon din sa mga iba pang customers na kanina pa naririto. Dumeretso na ako sa table ng customer na um-order ng mamahaling whiskey, at ng makita ko iyon ay agad akong bumati at inilapag ang ni-order nila.

"Thank you, Sir! Enjoy your drinks!"

Tatalikod na sana ako ng marahang hinapit ng customer ang bewang ko at ang isang kamay niya ay marahan na inipit ang isang libong papel sa pagkakatuck-in ng skirt ko. Noong unang pasok ko dito ay pakiramdam ko ay nababastos ako, umiiyak pa ako noon pero ngayon, nasanay na ako.

Nahihiya akong nagpasalamat sa customer ko, hindi ito sumagot ngunit kumindat naman siya sa akin. Naglilibot-libot pa ako sa Club at marami-rami na rin ang nakukuha kong tip, sa bilang ko ay baka aabot na ito sa sampung libong piso.

Nagpunta muna ako sa CR para umihi at para mag retouch na rin ng make up.

"Kath!" Tawag sa akin ni Persephone ng makita niya ako.

Ngumiti ako sa kanya, "hi, Pear! Marami na tip?" Tanong ko.

Napasimangot ito sa akin at agad na humarap sa malaking salamin. Kinuha niya ang lipstick at maglagay sa labi nito at humarap sa akin.

"Medyo lang! Nakakainis kase na late ako." Naiiritang wika nito at napanguso.

"Okay lang 'yan! Hanggang alas tres pa tayo, makakarami ka rin," tinapik ko ang balikat niya, "schedule mo pala bukas."

Napatango naman ito sa akin, "tara na." Aya nito at sabay na kaming bumalik sa loob.

"Kath, paki serve nga nito sa table na may apat na gwapong lalaki." Ani Michelle.

Ipinakita niya sa akin ang table number at tinuro ang table kung saan ko ito ise-serve, inilagay ko sa isang tray ang tatlong baso, ice cube na nakalagay sa babasaging lalagyan at isang bote ng mamahaling alak.

"Good evening, Sir!" Magiliw na bati ko kaya napatingin sila sa akin.

Bahagya akong nagulat ng makilala ko ang nakatitig sa akin, si Alejandro. Mataman lang itong nakatitig sa akin. Nag-iwas nalang ako tingin.

"Good evening, too, Miss." Ani ng lalaking nasa kanan ko naman.

Tahimik kong inilapag ang laman ng tray sa table nila.

"Thanks, Miss." Ani ng isa pang kasama nila.

Napatingin ako kay Alejandro, titig na titig pa rin ito sa akin. Nailang ako sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin kaya ngumiti nalang ako sa kanya, napatingin ako sa adams apple nitong gumalaw.

Hala! Ano bang ginagawa ko? Bakit naman ako nakatingin doon?

Dali-dali akong nagpaalam at naglakad na pabalik kay Michelle na may malapad na ngiti sa kanyang labi.

"Gwapo nila, ano?" Tila kinikilig na turan nito.

Napabuntong-hininga ako. Napatingin ako sa gawi ng apat na lalaki at ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng nakatingin pa rin sa akin si Alejandro, nag-iwas kaagad ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay nanlalambot ang mga tuhod ko.

"Kanina pa titig na titig sa'yo 'yang isang gwapo, ha?" tukoy nito kay Alejandro, "paano kung siya ang makakakuha ng pagkabirhen mo? Shit! Jackpot!"

Agad akong namula sa tinuran ni Michelle na para bang na nanaginip ng gising, "Michelle naman!" Nahihiyang ingos ko.

Tumawa lang ito sa akin at tinapik ng bahagya ang pisnge ko, "what if he'll pay big just to have you for a night?"

Nanlaki ang mga mata ko at napailing, "imposible naman yata 'yon." Naiiling na sagot ko at sinulyapan si Alejandro.

Hindi na ito nakatingin sa akin at seryoso lang itong umiinom, sa itsura nito'y duda akong papatol siya sa isang katulad ko, hindi pang modelo ang pangangatawan ko, hindi pang artista o pang Miss Universe ang kagandahan ko at higit sa lahat, mukha itong mayaman.

Simple lang ako at wala akong angking kagandahang taglay katulad ng mga nabanggit ko, kaya papaanong magbabayad siya para maikama ako kung mayroon namang mga magaganda at seksing babae ang handang ibigay ang sarili nila ng libre sa kanya. Sa gwapo at macho niyang 'yan? Pihadong maraming babae ang humahabol sa kanya, ngunit hindi ako mapapabilang sa kanila.

"Walang imposible." Kumindat ito sa akin at agad nang umalis.

Walang imposible? Siguro, pero, kung para talaga sa'yo ang isang bagay o tao ay mapapasa'yo talaga 'yon kahit bali-baliktarin man ang mundo.

Kung may posibilidad bang bilhin niya ako para sa isang gabi ay papayag ba ako?

Sa hindi ko malamang dahilan ay napatingin ako ulit sa gawi ni Alejandro, napakunot ang noo ko ng nakatingin na naman ito sa akin.

Nakita ko kung paano niya basain ang pang-ibabang labi niya gamit ang dila nito, tumaas ang gilid ng labi niya at sumimsim sa baso niya habang nakatingin sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin at napailing na lamang.

Eksaktong 3:30 ng madaling araw ay nakalabas na ako ng club, pagod na pagod ako ngayong shift. Maglalakad pa ako papuntang sakayan ng tricycle. Ang sakit na ng paa ko. Siguro nasa 20 minutes ding lakaran 'yon.

"Uuwi ka na?"

"Ay kabayo!" gulat na gulat na bulalas ko, "bakit ka ba nanggugulat!?" pagalit na tanong ko pero bigla akong napatigil ng makita ko kung sino ang nagsalita. Si Alejandro! Nakasandal ito sa itim na kotse. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi ko alam kung dahil lang ba ito sa pagkagulat.

"Uuwi ka na?" Pag-ulit nito.

"ah, oo. Sorry nasigawan kita, Sir." Hiyang-hiya na sabi ko.

"I'll take you home." Seryosong wika nito.

"H-hindi na po. Kaya ko na." Sagot ko sa kanya.

Napakaseryoso ng mukha nito, wala akong makitang konteng emosyon sa mukha niya.

"It's late and it's dangerous." Seryosong sabi nito.

"S-salamat po sa pagiging concern niyo pero sanay na po ako," ngumiti ako sa kanya, "may kakilala po akong bumabyahe ng tricycle, malapit lang din ang paradahan dito."

"Then I'll walk with you."

Nagulat ako, "ha? 'Wag na po---"

"Let's go." Putol nito sa akin.

Magmamatigas pa sana ako pero tumayo na ito ng tuwid at lumapit sa akin.

"S-sige." Tarantang sabi ko at naglakad na.

Nasa gilid ko lang siya habang naglalakad kami, tahimik lang kaming pareho. Walang katao-tao sa palgid. Oh my, God! Ang awkward! Ito ang unang pagkakataong may maghahatid sa akin sa sakayan. Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko. I bit my lower lip. Hindi ba dapat ay matakot ako kase hindi naman kami magkakilala talaga? Pero....bakit hindi man lang ako kinakabahan? Ang lakas-lakas lang ng kabog ng dibdib ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

"D-dito na po ako," ani ko nang nasa tapat na kami ng paradahan, nakita ko na rin ang kakilala kong driver, "salamat po sa paghatid." Sabi ko sa kanya at bahagyang ngumiti.

"Saan ka sasakay dyan?"

"Uhm, d'yan sa kulay red." Sagot ko.

He nodded, "I'll see you again then."

Uminit ang mukha ko, "h-ha? S-sige, Sir." Tumalikod na ako kaagad at sinapo ang mukha ko.

"Kathnisse...."

Natigilan ako at nilingon siya. Nakatayo lang siya at nakatitig sa akin, hindi ito nagsasalita. Umalis nalang ako at sumakay na sa tricycle.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status