Share

Chapter 2: Love bite

Kathnisse's POV

Tatlong araw na ang nakakalipas ng huli kong nakita si Alejandro, hindi nawala sa isip ko ang huling pagtatagpo namin at aaminin ko, sa unang araw na hindi ko siya nakikita rito ay hinahanap ko siya, ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Hindi iyon tama kaya nagpakabusy na lang ako sa trabaho ko. Palaging maraming customers dito kaya pagod na pagod ako. Mamaya ay sasayaw na naman ako, tapos na akong magrehearse kaya sigurado naman akong maayos ang kalalabasan ng sayaw ko mamaya.

Pagkatapos kong make up at makapagbihis ay lumabas na ako sa dressing room habang nakasuot ng itim na silk na roba at ang maskara ko, lumapit sa akin si Michelle at sinabi nitong humanda na ako, may mga kasama rin akong sasayaw ngayong gabi pero ako ang mauunang lalabas sa stage. Ang iba ay may ibang stage na sasayawan, ang iba naman ay nasa dance pole stage, ako lang ang pwedeng bumaba sa stage at lumapit sa ibang customers. Nang magdim na ang palagid ay umakyat na ako sa stage, narinig ko ang pagtawag sa akin na Black Lady dahil hindi naman nila ako kilala at hindi rin naman ako binigyan ng alias.

Pumailanlang na ang mahinang ritmo ng musika, nakatalikod ako sa mga customers, sumasabay ang paggiling ko sa musika habang nakatalikod ako. Unti-unti kong kinalas ang pagkakatali ng roba ko at mahinhin ko iyong hinubad.

Rinig na rinig ko ang mura at appreciation ng ibang customers​, ang iba naman ay bastos ang pananalita. Binalewala ko lamang iyon at nagpatuloy sa pagsasayaw, humarap na ako sa kanila at mas ginalingan ang pagsayaw.

Unti-unti akong bumaba sa main stage at nagpatuloy sa pagsayaw, may isang grupo ng mga dayuhan ang naghihiyawan habang nagsasayaw ako sa harapan ng table nila. Parang baguhan ang mga ito, hindi sila pamilyar sa kain.

"Yes, baby! Move that sexy ass!

"Oh, shit! I want you in my bed!"

"I wanna fuck you all night long, hard and fast!

Sanay na ako sa mga ganyang naririnig ko tuwing sumasayaw ako, sa ganitong klaseng trabaho ay aakalain ng iba na isa akong p****k, nagsasayaw ako rito na halos hubad na sa harapan ng mga kalalakihan. Naka lingerie man ako pero sinisigurado kong hindi nila nakikita ang dapat ay nakatago.

Kaya hindi ko rin sila masisisi kung ganito ang pananalita nila sa akin, bago pa nila ako mahawakan ay mabilis akong lumayo at doon lumapit sa kabilang table.

Agad napahiyaw ang apat na kalalakihan sa mesang ito, ilang minuto pa ang nakalipas ay may napansin akong nag-iisang customer sa kabilang table. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa medyo madilim sa pwesto niya. Ramdam ko ang titig nito sa akin.

Lumapit ako sa table niya at sa harap niya sumayaw, malamyos ang musika kaya kahit papaano ay narelax na ako. Lumakas ang hiyawan ng lumabas na ang ibang dancers sa iba't-ibang stage.

Mas ginalingan ko ang pagsayaw at mahinhing humawak sa braso ng lalaking nag-iisa sa table niya, ganoon na lamang ang pagkagulat ko ng makilala ko ang lalaki ng tumapat panandalian sa mukha niya ang ilaw. Si Alejandro ito! Lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Naiilang na ako sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin kaya tumalikod na ako para bumalik na sana sa stage ng hinila niya ako sa bewang kaya napaupo ako sa kandungan niya, napasinghap ako.

"Tangina, pare!" Malutong na mura ng lalaki sa kabilang table.

Napakainit ng palad niyang humahaplos sa t'yan ko at napakatigas ng dibdib niya kung saan nakasandal ang likuran ko, mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko.

"Dance, Baby." Bulong niya sa tenga ko na halos magpatayo ng lahat ng balahibo sa katawan ko.

Natigilan ako pero unti-unti ay gumalaw rin ang katawan ko. Mas nagulat pa ako ng maramdaman ko ang paghalik niya sa batok ko at mas lalong hinapit ang katawan ko sa katawan niya, ang isang kamay niya naman ay malayang nakapisil sa hita ko.

Napapikit ako.

Patigilin mo siya, Kathnisse! Hindi tama ito! Dapat hindi ka nagpapahawak sa mga lalaki mong customer lalong-lalo na ang pagpapahalik! Ano ba Kathnisse! Gumising ka!

Ngunit taliwas ang ginawa ko, hindi ko alam kung bakit ko hinayaan na hawakan, halikan at pisilin ako ng lalaking ito!

Malakas akong napasinghap ng maramdaman ko ang bahagya niyang pagsipsip sa kanang leeg ko. Gusto ko sanang sabihin na bawal ang ginagawa niya sa akin pero hindi rin ako pwedeng magsalita, baka mabosesan niya ako at makilala.

"You're​ a great seductress, you know that?" Agad akong napamulat ng mga mata ko at agad na tumayo.

Hindi naman siya umangal, napatingin ako sa kanya, siya naman ay tumitig sa akin habang nakataas ang gilid ng labi nito. Binasa niya ang pang-ibabang labi niya gamit ang dila niya, napalunok naman ako. Bigla yata akong nakaramdam ng kakaibang init sa katawan ko, napailing ako sa aking isipan.

Naglakad na ako papunta sa stage at tinapos na ang pagsasayaw ko. Matapos ang music ay mabilis akong lumabas sa backstage, napasandal ako roon at napahawak sa dibdib ko, ang lakas-lakas ng kabog nito. Ngayon ko lang yata naramdaman ang ganitong pakiramdam.

"That was freaking hot, Kath! Oh my gosh! That was your first!"

Napamulat ako nang aking mga mata ng marinig ko ang tila nanunuksong tinig ni Ate Ski, kasama niya si Persephone at Michelle. Mabuti na lamang at kami lang ang taong narito.

Sabay na tumili si Michelle at Ate Ski, habang si Persephone ay tahimik lamang.

Lumapit sila sa akin, "mabango ba siya? Matigas ang abs? Malaki ang mga kamay? Ano na?" Namula ang buo kong mukha sa sunod-sunod na pagtatanong ni Michelle.

"Ayaw niya magshare." Nanunuksong wika ni Persephone.

"Uhm, hindi naman. S-sige na, b-bihis na ako." Nauutal na pagpapaalam ko sa kanila.

Hindi naman mawala-wala sa mga labi nila ang nanunuksong ngiti kaya nag-iwas na lamang ako ng tingin.

"Oh, my goodness! May love bite ka!" Tili ni Ate Ski kaya napatigil ako at nakakunot noong tumingin sa kanya.

"Shit! Mayroon nga! Sa kanang leeg mo!" Lumapit pa sa akin si Persephone, "omo! Anong feeling na may gwapo at machong yumakap sa iyo at humaplos ng t'yan mo?" Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Persephone, parang lalaki kase ito kung gumalaw, pero tingnan mo ngayon, para siyang kilig na kilig.

"Wala!" Mabilis na lamang na sagot ko at mabilis na naglakad papunta sa dressing room naming anim at wala sa loob kong humarap sa salamin at napahawak sa leeg ko kung saan kanina pumirmi ang mga labi niya.

May maliit na namumula doon at tiyak kong 'yon ang tinutukoy nilang love bite, mariin akong napapikit ngunit agad namang iminulat ang mga mata ko nang pumasok sa isip ko ang mukha ni Alejandro.

Hindi! Wala lang 'yon!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status