The Billionaire's Baby Maker

The Billionaire's Baby Maker

By:  top13Arida  Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating
21Chapters
186views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Kathnisse Garcia is a club dancer and a waitress since she was 18 years old, nagtrabaho na ito para mabayaran ang pagkakautang ng tatay niyang sugarol. Sa edad niyang 24 ay nakilala niya si Alejandro Vautier, isang bilyonaryo. Binili siya nito sa club at binigyan ng isang kontrata na maging baby maker ng lalaki. Paano kung unti-unti itong nahuhulog sa lalaking hindi makalimutan ang namayapang asawa?

View More
The Billionaire's Baby Maker Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
default avatar
choirieel13
Nagsisimula pa lang akong basahin.
2024-05-11 17:58:43
1
21 Chapters
Chapter 1: Alejandro
Kathnisse's POVMula sa dressing room ay rinig ko ang malakas na tugtog ng musika, sabado na naman at pihadong marami na namang kustomer ngayong gabi rito sa club.Mahigpit kong hinawakan ang hindi kalakihang salamin at pinagmasdan ang mukha ko, hanggang kailan kaya ako magiging dancer at waitress sa club na ito? I was 18 years old when I started working here, kailangan kung kumayod para mabayaran ang lahat ng naiwang utang ng Tatay kong sugarol. Maagang namatay ang Nanay ko dahil sa sakit na cancer, ang Tatay ko naman ay hindi ko na mahagilap kong nasaan. Bali-balita dito sa amin ay pinatay na ito ng isang druglord dahil hindi raw nairemit ang pinagbentahan niyang drugs."Kath, you're next." Ani Michelle, siya ang Manager ng club."Susunod na po." Sagot ko at tumayo na mula sa pagkakaupo.Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin, I'm wearing a 2 piece black lingerie and a black high heels. Pagkatapos kong masuot ang itim kong roba at itim na mask ay lumabas na ako at dumeretso
Read more
Chapter 2: Love bite
Kathnisse's POVTatlong araw na ang nakakalipas ng huli kong nakita si Alejandro, hindi nawala sa isip ko ang huling pagtatagpo namin at aaminin ko, sa unang araw na hindi ko siya nakikita rito ay hinahanap ko siya, ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Hindi iyon tama kaya nagpakabusy na lang ako sa trabaho ko. Palaging maraming customers dito kaya pagod na pagod ako. Mamaya ay sasayaw na naman ako, tapos na akong magrehearse kaya sigurado naman akong maayos ang kalalabasan ng sayaw ko mamaya.Pagkatapos kong make up at makapagbihis ay lumabas na ako sa dressing room habang nakasuot ng itim na silk na roba at ang maskara ko, lumapit sa akin si Michelle at sinabi nitong humanda na ako, may mga kasama rin akong sasayaw ngayong gabi pero ako ang mauunang lalabas sa stage. Ang iba ay may ibang stage na sasayawan, ang iba naman ay nasa dance pole stage, ako lang ang pwedeng bumaba sa stage at lumapit sa ibang customers. Nang magdim na ang palagid ay umakyat na ako sa stage, narinig ko ang p
Read more
Chapter 3: My Savior
Kathnisse's POVMatapos kong magbihis ay inayos ko na ang mga gamit ko rito sa dressing room namin at naglinis na rin ako ng mga kalat, pagkatapos kong mag linis ay binitbit ko na ang bag ko at lalabas na sana nang pumasok si Michelle."Kath pwede ka ba ngayong gabi maging waitress? Bigla kasing hinimatay si Bella." Aniya.Gusto ko na sanang umuwi at magpahinga kaya lang mukhang hindi pa pwede, umiiwas na rin ako sa panunukso nila at pati na kay Alejandro. "Sige, Mich. Okay lang ba si Bella?""I hope so, nasa clinic siya ngayon and the nurse advised na magpahinga na muna siya." Ani Michelle na bakas ang pag-aalala kay Bella. "Magiging maayos din siya, Mich."Agad namang napangiti si Michelle, "naroon pa ang papabol mo." Tukso niya sa akin na ikinasimangot ko, "nilagyan mo ng concealer?" Aniya habang nakangisi sa akin.Agad kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko."Ang swerte mo ngayong gabi! 'Di ba sabi ko naman sa 'yo? Walang imposible?" AniyaTandang-tanda ko pa ang sinabi nito s
Read more
Chapter 4: Siya si Black Lady
Kathnisse's POVTumambad sa akin ang napakataas na building nang makababa kami ng kotse ni Alejandro. Nasaan kaya kami?"Let's go." Aniya at nauna nang maglakad papasok sa building.Sumunod ako sa kanya at panaka-naka akong napapalingon sa paligid, may ibang nakakunot noong nakatingin sa akin at may iba namang matipid na nakangiti sa akin. Kaya kahit na hindi ko sila kakilala ay ngumiti nalang ako ng pilit."Alejandro? Nasaan ba tayo ngayon?" Tanong ko sa kanya habang sinasabayan ang malalaking hakbang nito, "at teka lang, pwede bang liitan mo lang ang hakbang mo?" "Ang liit mo kasi." Bulong nito.Napanguso ako, "hindi ako maliit, mas matangkad ka lang sa akin." Napairap ako at pinilit nalang na sabayan ang paglakad niya.Hindi na ito nagsalita kaya tahimik na lamang kaming naglalakad hanggang sa nakapasok na kami sa elevator, nasa lima lang kami ang lulan nito. Sa pinakagilid ako pumwesto, tumabi naman si Alejandro sa akin.Mabuti naman at hindi na masyadong kumikirot ang t'yan ko
Read more
Chapter 5
Umaga palang ay napakabusy na namin sa club dahil sa anibersaryo ng The Shire ngayon, inaasahan na naming marami ang customer ngayong gabi at hindi nga kami nagkamali.Isang linggo ang naging paghahanda namin ng mga kasama ko dahil sa magpeperform kaming lahat, at ang suhestiyon ni Michelle na sasayawin namin ay belly dancing. Sexy kasi itong tingnan at elegante. Anim kaming dancers na hina handle ni Michelle.Hindi naman sa pagmamayabang ay madali lang naman iyon sa aming sayawin dahil ewan ko ba, sadyang likas na talentado lang talaga kaming anim. Hindi kasi kumukuha si Michelle ng hindi magaling sumayaw.Marahil sa iba ay malaswa ang pagsasayaw namin dahil sa isang Club kami sumasayaw at nagsusuot ng kapirasong tela na tumatakip lamang sa mga pribadong parte ng katawan namin at puro mga lalaki pa ang mga customers namin, ngunit para sa amin ay ito ang bumbuhay sa amin at hindi naman kami nagpapagamit. Nagsasayaw kami para ma entertain ang mga customers namin at hindi na namin masi
Read more
Chapter 6: He paid all my debts!
Kathnisse's POVAla una ng hapon ng dumating ako sa bangko para bayaran ang lupang nakasangla dito, mabuti na lamang marami kaming customers noong mga nakaraang gabi kaya malaki-laki rin ang nauwi kong tip, isama pa ang malaking perang ibinayad ni Alejandro nang isang gabi para makasama ako. Agad na nag-init ang pisnge ko kaya napailing ako, hindi ko na dapat iyon iniisip.Kalimutan mo na ang nangyari, Kathnisse! O mas mabuting kalimutan mo na rin si Alejandro! Subalit paano ko iyon magagawa kung siya ang lalaking unang nakakuha ng first kiss ko? Paano ko siya makakalimutan kung tuwing nakikita ko siya ay bumibilis ang tibok ng puso ko? Nakakainis!Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, ngayon ko lamang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Bago ito sa akin at hindi ko rin alam kung mabuting senyales ba ito o masama?"Ms. Kathnisse Garcia, why are you here?" Nakakunot noong tanong ng Manager ng bangkong ito.Sa bangkong ito nakasangla ang lupa namin at ngayong araw ang schedule ng b
Read more
Chapter 7: His Baby Maker
Kanina pa ako pagulong-gulong sa kama ko ngunit hindi ako makatulog, pabalik-balik pa rin kasi sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Alejandro. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala, binili niya ako sa The Shire at hindi ko alam kung bakit! Ayaw ko mang sumama sa kanya ay wala naman yata akong magagawa dahil binayaran niya ang lahat ng mga utang ko at binili niya ako sa The Shire.Tinawagan ako kanina ni Michelle at sinabi niya mismo sa akin na hindi na ako magtatrabaho mula ngayon sa club dahil may bumili na sa akin sa halagang hindi mahihindian ng may-ari ng club. Ang sabi raw sa kanya ay VVIP ang nakabili sa akin at kaibigan daw ng may-ari ng The Shire.Kung kilala lang siguro ni Michelle kung sino ang nakabili sa akin ay baka magtitili iyon sa kilig at saya.Napabuga ako ng malalim na hangin, simula bukas ay sa kanya na ako magtatrabaho at hindi ko alam kung anong klaseng trabaho ang ibibigay niya sa akin.Mariin kung ipinikit ang mga mata ko, napakunot ang noo ko nang
Read more
Chapter 8: He knows
Pagkatapos naming mag-usap ni Alejandro ay sinamahan ako ni Audrey sa magiging kwarto ko. Maganda ang kwarto, parang kwarto ng isang prinsesa. Umupo ako sa malaki at malambot na kama, napabuntong-hininga ako at napatitig sa hawak-hawak kong folder. Napahigpit ang pagkakahawak ko doon. "Nagustuhan mo ba ng kwarto mo?" Napatango na lamang ako kay Audrey, ni hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin. Naayos nga lahat ng problema ko sa pinansyal ngunit magiging baby maker naman ako ni Alejandro. Napabuga na naman ako ng hangin. "You know what? Ang swerte mo." Ani Audrey. Napataas naman ang mukha kong kanina pa nakayuko at nakatitig lamang sa folder. Paanong naging maswerte ako? Nagbibiro ba siya? Nagtataka ko siyang tiningnan. Ngumiti siya sa akin. "Basta, you're lucky. Siguro ay para sa'yo ay hindi, pero, para sa akin ay swerte ka." Aniya. Kumindat ito sa akin at naglakad patungo sa isang pintuan na pa slide ang pagbukas, binuksan niya ito at sumenyas na sumunod ako sa kanya. Ano k
Read more
Chapter 9
*Kathnisse's POVPagkagising ko kinaumagahan ay laking gulat ko na nasa loob na ng kwarto ko si Audrey, prente itong nakaupo at nagbabasa ng isang magazine."Good morning, Kathnisse. Go get yourself ready, may pupuntahan tayo after mo magbreakfast." Aniya na ikinakunot ng noo ko."Magandang umaga rin, Audrey. Saan tayo pupunta?"Sumulyap lang ito sa akin at napalabi, "ang ganda mo.""Audrey naman!" Hindi makapaniwalang bulalas ko."Basta! Bilis na! I don't want to wait again.""Para kang si Aled." Nakangusong turan ko.Nilingon ako nito, "Aled, huh?" Tumaas ang gilid ng labi niya.Hindi ko na siya pinansin pa at bumangon na ako para makapag-ayos na. Nakakahiya namang maghihintay na naman ito sa akin, baka sungitan at maging istrikto na naman ito sa akin na para bang si Alejandro.Pagkababa ko ay nakita ko si Audrey na may kausap sa telepono niya, itinuro niya ang daan papuntang dining."Eat." Sabi niya sa akin, agad ko naman siyang sinunod."Good morning po, Ma'am." Bati ni Ate Letty
Read more
Chapter 10
*Kathnisse''s POVAng akala ko lang ay ngayong araw siya uuwi, 'yon lang. Hindi ko naman alam kung anong oras, sa gabi ba o sa hapon? Pero, kagabi ay narito na siya at napagkamalan ko pang magnanakaw. Mag-isa at tahimik akong nakaupo at hinihintay na bumaba si Aled para sabay na kaming kumain, pero mag-aalas otso na ng umaga ay hindi pa rin ito nakababa.Hindi naman sa excited ako or ano, ang sabi kasi ni Ate Letty sa akin nang nakaraan ay 7:00 A.M. daw ay nag-uumagahan na si Aled kahit pa wala itong pasok sa opisina kaya ng magising ako kanina ng alas singko ay dali-dali akong bumaba para kumilos para magluto ng agahan namin, wala kasi ang mga kawaksi buong linggo dahil sa pinag-off daw sila ni Aled.Tumunog na ang rice cooker, ibig sabihin ay luto na ang sinaing ko. Kumuha ako ng lalagyan ng kanin at doon nilagay ang kanin na luto na, matapos ko iyong lagyan ng kanin ay nilagay ko naman iyon sa mesa.Nakahanda na ang agahan namin, si Aled nalang ang kulang.Maya-maya pa ay may narin
Read more
DMCA.com Protection Status