"If you ever hurt her or try doing something inappropiate to her, keep in mind that I won't let you see her again. At kung susubukan mo pang lumapit sa kaniya matapos mo siyang pabayaan o tarantaduhin, I'm telling you... I can be merciless. Am I getting myself clear?"
"Hindi ba masyadong maaga para sabihin 'yan?" saad ni Mrs. Buenavidez sa asawa at masuyong iniangkla ang kaniyang braso sa braso ng asawa. "Liligawan pa lang naman ni James ang anak natin. Alam nila 'yan... Right, James?"
Matindi ang kalabog ng dibdib ni James hanggang sa pagsapit ng hapon bago niya lisanin ang lugar. Naintindihan naman ni James ang ama ng dalaga. Normal lamang ang ganoong pag-aalala lalo na't nag-iisang babae lamang ang kanilang anak. Ngunit ipinapangako niya sa kaniyang sarili na kung kailangang paghirapan niya ang lahat para kay Meriah, gagawin niya upang mapanatag ang ama nito. Gagawin niya upang mapatunayan ang pagmamahal niya sa anak nito.
The day has come. She is now on the bus with James going back to province. It's time to face it. It's time to face them. That's the reality. Her reality.James held her hand tightly. She looked at him."Unang beses," ani James bago niya itinaas ang magkahawak nilang mga kamay at tumingin sa dalaga.Malamig man sa loob ng bus dulot ng aircon, parehas namang dinaanan ng init ang kanilang mga pisngi. Tama, unang beses nilang maghawak ng kamay sa isang ordinaryong sitwasyon. At ang makita pa ang tipid na ngiti ng dalaga habang nakatingin sa kaniya ay sapat na.Meriah felt so safe just by feeling the warmth of his hand. But she felt the butterflies in her tummy when James intertwined their hands. How can she feel safe and giddy at the same time?! Gosh, this man is really driving her crazy!But thanks to him. That way, she forgot how anxious she was."Ate Meriah!"
"Aw!" nasambit ng batang si Meriah nang mamatay bigla ang gamit nitong phone.Naroon siyang mag-isa sa loob ng kanilang sasakyan dahil ayaw niyang bumaba at sumama sa kaniyang mga magulang. Mula sa pagkakaupo ay lumuhod ito sa upuan at lumingon sa likuran ng sasakyan upang tanawin ang mga magulang na nakikipag-usap sa kung sinong hindi niya kilala roon sa bukid.Ito ang kauna-unahang pagpunta ni Meriah sa probinsya. Ang alam niya lamang ay may bukid sila rito at taniman ng gulay at prutas. At sa mga oras na iyon, sinisisi niya ang mga iyon kung bakit sila naroon ngayon.Nag-uumpisa nang makaramdam ng pagkainis ang batang babae dahil hindi niya akalaing sa ganitong klase pala ng lugar pupunta ang kaniyang mga magulang. Nang magpaiwan naman upang maglaro gamit ang sariling phone, naubusan naman ito ng karga. Ngayon ay wala siyang magawa sa loob ng sasakyan. Sana ay hindi na lamang pala siya nagpumilit na sumama.&nb
Habang inililibot ang mata sa field at sa kung saan-saan pa, nahagip ng aking mata si Meriah na mukhang kapapasok lang muli dahil sa gate ito nanggaling. Marahil ay doon siya kumain ng tanghalian sa labas. Nakasuot na naman ito ng earphones. Nakakapanibago ang lakad nito dahil may kabagalan ngunit 'di nawawala ang magandang tindig, diretsong tingin, at pagkakataas-noo sa bawat hakbang. Hindi tulad noong mga nakaraan na akala mo ay laging nagmamadali. Siguro ay alas tres y medya pa ang sunod nitong klase.Wala naman akong ibang mapagkakaabalahan kaya naman sinadya ko pa siyang obserbahan. Hindi siya tumitingin sa kahit na sino sa nadadaanan samantalang ang mga nakakasalubong at nakakasabay niya ay napapatitig sa kaniya. Tila wala itong pakialam sa paligid niya.Hindi mayabang ang kaniyang dating ngunit mapapansin mong nagmula siya sa may class na pamilya - sa mayamang pamilya. Sa gamit, tindig, galaw at itsura ay masasabi mong mayaman talaga sila.
"Excited na akong pumunta sa CMU! Siguro'y gwapo't magaganda talaga ang mga naroon!" ani Andeng."Ano pa ba'ng gwapo't maganda ang gusto mo? Lingon-lingon din kasi sa paligid! Heto lang kami ni James oh!" kunwari'y paghihisterya ni Nat na padarag pang binagsak ang magkabilang palad sa sementong mesa na nasa harap."Wow, ha, Tasha! Nasaan ang maganda sa pagmumukhang 'yan?" ani Andeng sabay hinawakan nang marahas ang panga ni Nat gamit ang isang kamay, patawa-tawa."Walang Tasha rito! Nat, please!" ani Nat at tinanggal ang kamay ni Andeng. "And yes, here oh, look closely and you'll see the beauty in me!" tapos nito sa sinasabi bago tumayo at nagligpit ng gamit."Baka naman?" Inirapan na lang siya ni Nat. "Ang tahimik mo ah?" Napausod naman ako sa gilid nang sundutin ni Andeng ang tagiliran ko. "Anong iniisip mo r'yan?""Naku, hindi pa rin kasi sang-ayon 'yang si James sa pagsu-survey natin
Umupo ako sa upuang nasa hapag-kainan at ipinahinga ang sarili matapos hugasan ang aming pinagkainan. Katatapos lang kanina ng aming huling review para sa kumpetisyon bukas. Nakisuyo kami sa iba naming kaklase nitong mga nakaraang araw upang tulungan kami. Sila ang gumagawa ng tanong na siyang kasama sa tatalakayin sa bawat kategorya at sila rin ang nagtatanong sa amin, una-unahan naman kaming sumasagot. Kung sa solving naman ay gumagamit kami ng papel at unahan pa rin sa pagsagot. Sa paraang iyon ay natutulungan na namin ang sarili na pabilisin ang memorya at pati na rin ang pagsulat. Sa nagdaang buong araw naman ay mga professor ang sumubok sa mga inaral namin at lahat ng kategorya ay sinagot namin. May apat na kategorya ang Quiz Bee at magbubunutan bukas ang bawat grupo kung saan-saan malalagay na kategorya ang bawat isa, dahilan kung bakit mas magiging mahirap ang kumpetisyon. Kailangang aralin ang lahat ng subject na kasama sa kategorya. &nb
"Kuya!" Dinungaw ko ang aking kapatid mula rito sa terrace habang pababa siya ng hagdan. "Tapos na akong mag-ayos, tara na!" Dalawampung minuto na lang ay mag-uumpisa na ang misa, iyon siguro ang inaalala niya dahil kulang iyon kung gagamitin namin ang bisikleta papunta roon. Nang makarating ito sa kinaroroonan ko ay tinaasan ako nito ng isang kilay. Marahil ay nagtataka dahil sa hindi ko pagmamadali. Nakasuot siya ng bestida at sandals para sa paa habang ako naman ay nakasuot ng polo shirt, kupas na pantalon at sneakers na sapatos na nabili pa noong nakaraang dalawang taon. "Sasakay tayo ng tricycle," sabi ko at tumayo sa pagkakaupo sa pasimano. "Oh? Sasakay pala tayo ng tricycle, hindi mo sinabi agad!" "Kung sinabi ko, hindi ka magmamadali. Lagi tayong nauubusan ng mauupuan," tugon ko nang may mapaglarong ngisi sa labi habang naglalakad kami palabas sa munti naming ta
"Ayaw mo na ba talagang sumali ulit?" tanong ni Jef. "Kinukulit ako ni Dean tungkol sa'yo, e. Magpakita ka roon sa office para manahimik na," dagdag niya. Narito kami sa aming room, maaga sa nakatakdang oras ng susunod na subject. Punuan kasi sa dalawang canteen at mainit kaya nang matapos kumain ay nilisan na namin agad ang lugar. Sa room ay malamig naman kahit palitin na ang aircon. Nakaupo si Jef sa mesa ng professor. Ako naman ay prenteng nakaupo sa unang upuan sa ikalawang hanay nito, nakasandal at naka-unat ang mga binti habang magka-ekis ito. "Pokus muna ako sa mga major natin," pagpapahayag ko na tigil muna ako sa pagsali sa Quiz Bee. Umpisa pa lamang ng unang sem. Third year na kami at dumami pa ang mga major subjects namin kaya naman nagpagpasyahan kong h'wag na munang sumali sa mga kumpetisyon. Wala na akong balak sumali sa ganoon ngunit mapilit ang aming Dean sapagkat walang pumapasa sa kaniyang i
Pinatayo ng professor ang bagong estudyante. Marahan itong gumalaw at hindi nawala ang pagka-elegante kahit na nakasuot lamang ito ng uniporme na tama ang hapit sa kaniyang katawan. Inalis ko sa isipan ang ganda ng pigura nito at inalala ang kagaspangan ng kaniyang ugali nang magpakilala ito sa harapan. "For those who didn't know me yet, I am Meriah Buenavidez. 19 years old, turning 20 on November 15," taas-noo nitong pakilala. Hindi maipagkakaila na galing siya sa isang marangyang pamilya dahil sa kutis na tila hindi man lang naranasang mabilad sa araw at masugatan noong kabataan. "What else do you want to know about me?" Tuwid pa rin ang pagkakatayo nito at pinasadahan ng tingin ang tahimik na klase. Halatang sinadya ang hindi nito pagtingin sa akin. "Yabang," bulong ni Nat. "What elso do you want to know about me?" panggagaya niyang may halong panunuya. "Akala naman niya, lahat dito ay gustong malaman kung sino