Share

12

[Chapter 12]

tw: death

I opened my eyes, I feel heavy this time. Hindi ko maiangat ang ulo ko, at mahapdi rin ang mukha ko. Hindi ko na rin maiangat ang kaliwang kamay ko dahil sa pagkamanhid. I saw the stars shining in the dark sky.

My eyesight becomes blurry, the colors of red and blue is alternating, reflecting in the sky, I raise my head and tears started to form when I saw my one and only treasure.

Nakadagan kay Lia ang pinto ng kotse, at talagang nayupi ito, para lang maipit ang kaliwa kong paa at ang kamay kong nakayakap sa kaniya, I saw blood stains in my dress, nagkalat din ang mga bubog sa paligid. Wala akong nagawa kundi maiyak na lang dahil sa sinapit ng kapatid ko. Her head is already bleeding, dahil ang taas na part ng pinto at parang nakadikit na sa kaniya. 

I cried harder when I realize, that she wouldn’t survive her injuries, but I pray to God silently for her to recover, she’s too young, she didn’t deserve this. Parang nabaon si Lia sa mismong pinto ng kotse dahil sa lakas ng pagkabangga. 

I cry, and I cry, and I cry.

“Sir, we have one survivor here!” sigaw ng isang rescuer, at dahil sa pag-iyak ko ay hindi ko namalayan ang itsura niya.

“Ma’am, please... Stay for a moment, mas lalo pong lalala ang injuries niyo kapag gumalaw po kayo ng gumalaw,” paliwanag niya. “We will remove first your daughter—“

“P-please... S-save m-my sist-ter...” I cried at him. Parang may kung anong bumabara sa lalamunan ko dahil hindi ako makapagsalita ng maayos.

“Y-yes ma’am, we will save you both.” sagot niya sa akin sabay alalay sa ulo ko.

Lalong humahapdi ang sugat ko dahil sa mga luhang patuloy na dumadaloy sa pisngi ko, kahit hindi na ako, kahit siya na lang. Dapat si Lia na lang ang nabuhay.

“L-lia...” I whispered, napapikit na lang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko, hindi pisikal, kundi ang sakit para tanggapin ang kapatid ko na nawala na.

Nakaramdam ako bigla ng pagkahilo at pagkaantok. Wala akong nagawa kundi ipikit na lang ang mga mata kong pagod na dahil sa mga nasasaksihan ko.

“L-lia...” I whispered to myself when I saw her image, smiling at me. Idinilat ko ang mata ko at napansin ko kaagad ang kulang puting kisame.

I raised my hand, but I was too weak to point out something. I couldn’t move my head also, at parang hindi ko maramdaman ang kaliwa kong braso at paa. My vision is kind of blurry, pero nagulat ako ng biglang sumulpot si Daddy sa kabilang side ko, naiiyak siyang ngumiti sa akin.

“A-Alva...” he cried. Isinubsob na lang niya ang mukha niya sa higaan. I feel the pain in every cry that I heard from him. Hindi ko na rin maiwasang hindi maiyak.

“I thanked God, t-that... T-that you s-survived...” he said, he even caress my head, and wipe my tears.

“D-daddy...” I said in a low voice, parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko.

Hinawakan niya ang kamay ko na may nakakabit na swero, mugto na rin ang mata niya ng bahagya akong lumingon sa kaniya. 

“H-how long...” I said. “H-how—“

“It’s been three days...” sagot niya ng hindi tumitingin sa akin. “T-tatlong araw kang, t-tulog, hija...” dagdag pa niya.

“D-dad, w-where’s Lia?” bulong ko sa kaniya, tinitigan niya muna ako bago siya humagulgol sa pag-iyak habang nakahawak sa kamay ko. “W-where, is... She?” tanong ko pa dahil nagsisimula na rin akong maiyak.

Napaiyak siya lalo at napatakip na lang sa bibig niya, hindi ko alam na makikita ko ang ganitong side ni Daddy, it makes me cry. Napayuko na lang siya at umiiling sa akin.

“She’s... She’s g-gone.” he said, my heart sunk about the words he says. “L-lia’s... Already d-dead...” dagdag pa niya para mapaiyak ako ng mahina.

“D-daddy... B-bawiin mo ‘yong sinabi m-mo...” I cried. “H-hindi patay si Lia!” I shouted at him, nagpanic naman siya ng subukang kong tumayo sa pagkakahiga.

“Hija! Hindi ka pa magaling!” sabi niya sa akin habang hawak ang magkabilang braso ko. Wala akong nagawa kundi maiyak na lang sa sitwasyon ko, kahit sa huling pagkakataon ay hindi ko man lang siya naprotektahan.

“G-gusto ko siyang... Gusto ko siyang makita!” sigaw ko habang sinusubukan pa ring tumayo. “P-please Dad! Kahit sa huling pagkakataon! Gusto ko siyang makita!” 

“Hindi pwede Alva! Hindi ka pa magaling!” sigaw niya sa akin, wala akong nagawa kundi sumuko na lang at himagulgol dahil wala akong magawa.

I cried when I realized, I lost one of my treasures in life, ang batang minahal at pinahalagahan ko sa buong buhay ko ay nawala sa akin.

“D-daddy... Please... C-can I see her?” pagmamaktol ko pa sa kaniya, nag-iwas ng tingin si Daddy at pinahid ang luha na kumawala sa mata niya.

“You’re not well, anak... Kailangan mong magpagaling muna.” sabi niya sa akin sabay alis sa tabi ko.

“D-dad! Please!” pagmamakaawa ko. “G-gusto ko siyang makita!” iyak ko sa kaniya, lumingon siya at naawang tumingin sa akin, nakita kong tumango-tango naman siya bago lumabas ng kwarto ko.

After a minute, there are nurses who helped me get out of the bed, dahan-dahan din nilang inalalayan ang binti at braso ko. Dalawang nurse ang nasa gilid ko habang papunta kami sa morgue. Habang papalapit ng papalapit, hindi  maiwasan ng dibdib ko ang bumigat, napapaiyak na rin ako ng malaman kong makikita ko siya ulit, ngunit nasa piling na siya ng Panginoon.

The doctors get her body bag, at inilagay iyon sa isang lamesa. Nasa labas lang kami ng morgue habang nakatingin ako sa bangkay ng kapatid. Napahawak na lang ako sa salamin at ng makita ko ang mukha niya, her angelic face is gone. I cry harder when I saw her situation, walang-wala na talaga siyang pag-asang mabuhay pa simula pa lang dahil sa mga sugat niya sa mukha at ulo. Muntikan pa akong mahulog sa wheelchair dahil sa pag-iyak.

“L-lia! I-I’m sorry! Ate’s sorry!” sigaw ko habang nakahawak sa salamin. “I-I’m sorry! I couldn’t p-protect you!” sabi ko pa sabay iyak. 

Kaagad naman akong inalalayan ng mga nurse, hindi ako maawat sa pag-iyak, kaya napayakap na lang din si Daddy sa akin. Hindi ko inalintana ang dalawang nurse sa tabi ko, pati sila ay napansin kong nakayuko at malungkot din sa sinapit ng kapatid ko. Pati ang doctor sa loob ay nakayuko rin, umiwas pa siya ng tingin sa amin. 

“I’m sorry! I’m sorry!” paulit-ulit kong sinasabi sa kaniya, dahil totoo iyon. Humihingi ako ng tawad sa kaniya dahil hindi ko siya nagawang protektahan.

“Alva, anak, kumain ka na.” paalala sa akin ni Daddy, pero nakatulala lang ako sa puting kisame ng kwarto ng hospital. 

Dalawang araw na ang nakalipas ng makita ko ang bangkay ni Lia. Hindi pa rin ako maawat sa pag-iyak kahit wala na akong mailuluha pa.

“Wala po akong gana.” bulong ko ng hindi tumitingin sa kaniya.

Narinig kong bumuntong-hininga ang tatay ko, at narinig ko ring ibinaba niya ang pinggan na hawak niya, pati ang pagkalansing ng kutsara rito. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya at nakita kong napaupo siya sa sofa, he seems restless. He needs to sleep.

“D-dad, where is... Joaquin?” I asked him, nag-angat siya ng tingin sa akin at dismayado siyang yumuko.

“Joaquin never visits you... Kahit noong araw na dinala ka rito sa hospital pagkatapos ng aksidente, he was not there.” paliwanag niya sa akin sabay sandal sa upuan.

“H-he said that day... Na mauna na kami, dahil hinihintay daw niya si kuya niya Jazper...” sagot ko sa kaniya. “I t-thanked God, na hindi namin siya isinabay.” ngiti ko ng bahagya sa tatay ko, ngumiti rin naman siya sa akin.

Naaawa ako kay Daddy dahil wala man lang siyang kapalitan para tumingin sa akin, at ngayon ko lang ulit sasabihin ito sa kaniya.

“Where’s Mom? Did she even visited me?” tanong ko sa kaniya ulit. Umiling lang siya, and I get it. Kahit siguro ay mamamatay na lang kami, hindi niya pa rin kami aasikasuhin dahil inuuna niya ang mga projects at ang kaniyang popularity.

“Did he even contact you, Dad?” tanong ko sa kaniya, pero umiling lang siya. “M-maybe, m-may ginagawa siyang ibang bagay—“

“Did he even know?” tanong ni Daddy sa akin para mawala ang ngiti ko sa labi.

“M-maybe? I lost my phone.” iwas ko ng tingin. “A-and, he’s taking care of Manang Fe.” sagot ko pa sa kaniya.

“He should know in the first place Alva, sinong boyfriend ang hindi mag-aalala sa girlfriend niya—“

My Dad was interrupted by the person who opened the door, and speaking of the woman, it’s my Mom.

“A-alva, hija!” sigaw niya sabay yakap sa akin, naririnig ko siyang umiiyak. “Oh, thank goodness you’re alive!” sigaw niya sabay halik sa pisngi ko. 

“Are you okay now? I’m worried about you!” she said, halata sa boses niya ang pagkapeke nito,

Tumango lang ako at umiwas kaagad ng tingin, bumuntong-hininga pa ako. Naririnig ko ang pagtama ng takong niya sa sahig ng kwarto ng hospital, alam kong lumapit siya kay Daddy.

“The bills are already settled, after this, I’m going to Hawaii. Doon ishoshoot ang isa kong commercial,” she said, nagsalubong ang kilay ko. Naririnig kong itinutuyo niya ang luha sa mata niya, and that’s it, isa lang itong palabas.

 “Take care of your daughter, I even hire some maids, para matutukan nila ang bahay.” dagdag pa niya, I scoffed in disbelief.

“Just inform me about Alva’s recovery, I’ll pay anything para gumaling siya, ipapacremate ko ang katawan ni Arcelia... and I already settled the money for it—“

Malakas kong inihagis ang basong lagayan ko ng tubig, pareho silang napalingon sa akin, hindi ako makatingin ng maayos sa kaniya, at napatulala na lang ako. Lumapit sila sa akin pareho, hahawakan sana ni Mommy ang buhok ko ng hawiin ko ang kamay niya.

“D-did you e-even... Hear yourself?” tanong ko sa kaniya, nanubig bigla ang mga mata ko. “H-hindi ka ba man lang... M-maiiyak dahil, namatay a-ang isa m-mong anak?” saad ko pa at biglang kumawala ang luha sa mata ko.

“Ganiyan ka na ba talaga kamanhid? Sa pagkamatay niya, kahit kailan, hindi mo pa rin ba siya naiisip?” saad ko sa kaniya. “Wala kang silbing ina!” sigaw ko sa kaniya at wala akong nagawa kundi umiyak na lang.

“Kahit kailan, hindi mo kami mapuntahan! Kahit kailan, hindi mo kami gustong makasama! Kahit kailan... Hindi mo kami minahal!”

Biglang nanubig din ang mga mata niya, nagsalubong ang kilay niya para lang malaman mo na nagagalit na rin siya.

“I gave roof above your heads! I gave you living and a home!” sigaw niya pabalik sa akin.

“Yet you made us feel homeless!” sagot ko sa kaniya, bigla naman akong kinalma ni Daddy pero hindi ako nagpaawat. “Simula pa lang noon, hindi na kita itinuring na ina ng dumating si Lia sa buhay ko! Palaging trabaho mo na lang ang inaatupag mo! Hindi mo ba kami malaanan ng oras? Napakahirap bang gawin n’on?!” dagdag ko pa, hindi na ako maawat sa pag-iyak.

“T-tapos, ganiyan ang sasabihin mo ngayon patay na si Lia? Hanggang sa pagkawala niya, wala ka pa rin sa tabi niya?! Napakawala mong puso!” sigaw ko. “I already had enough about your nonsense Mom! Get out of this room! At ‘wag na ‘wag ka ng magpakita sa’kin!” 

Biglang lumamlam ang mata niya, lalapitan pa niya ako ng bigla ko siyang itulak para lang mapaupo siya sa sahig.

“A-alva...” she cried, mabilis siyang inalalayan ni Daddy. 

“Alva... I’m sorry, dear—“

“Get out now!” sigaw ko pa at nanlilisik na ang mga mata ko sa kaniya.

Napahagulgol na rin siya ng tahimik, mabilis siyang tumayo at inayos ang sarili niya, pagkabukas pa niya ng pinto at lumingon siya sa akin, dahil alam niya sa sarili niyang pagkalabas niya sa pintong iyon ay hindi ko na talaga siya ituturing na ina, dahil sa mga pagkukulang niya sa aming magkapatid.

“A-alva... Darling—“ hindi na natapos ni Daddy ang sasabihin niya ng bigla akong sumigaw ng malakas at ipinaghahagis ang mga bagay na malapit sa akin.

“I hate you! I hate you!” sunod-sunod kong sigaw at sinabunutan ko ang sarili ko.

Kaagad naman akong nilapitan ni Daddy, at niyakap na lang niya ako para tumigil ako sa ginagawa ko. Hindi ko lubos maisip na may taong ganito, napaiyak na lang ako ng maalala ko ulit si Lia.

“I’m sorry...” bulong ko sa sarili ko ng mapakalma ako ni Daddy. “Ate couldn’t protect you.” 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status