Share

The fire

  Malalim na ang gabi subalit tila walang balak si Chelzea na pumikit.Luhaan siyang nakatingin sa salamin habang nandidiri sa nakikita niyang itsura .Maya-maya  pa ay bigla niyang sinuntok ang salamin dahilan para mabasag ito.

 "Sinusumpa kita! Magiging isang halimaw ka! Lalayuan ka at pagdidirihan!"paulit ulit na naglalaro sa isipan ni Chelzea na mula sa ina ni Fe na pinatay ng sarili niyang ama matagal ng panahon ang nakakaraan.

 "Hindi!Hindi totoo ang sumpa!"paulit-ulit niyang sinasabi.

Hindi makapaniwala si Chelzea na magkakatotoo iyon bigla nalang siyang nahintuan sa pag-isip noong may marinig siyang malakas na katok mula sa kanyang kwarto.

 "Chelzea buksan mo ito alam kong nandiyan ka.Kanina pa kita hinahanap sa nasunog ninyong school at kung saan saang hospital din kitang hinanap pero wala kaya alam kong andiyan ka, buksan mo ito!"nag-aalalang sigaw ni Lily mula sa labas ng kwarto ni Chelzea na kararating lamang.

 Hindi alam ni Chelzea ang gagawin bigla nalang siyang nagkumot noong marinig niyang sinisira ng Tita Lily niya ang padlock ng kwarto niya.Pagpasok ni Lily ay agad niyang inalis ang kumot nito pero sa takot niya noong makita ang anyo nito ay bigla siyang napa-upo.

 "Sino kang halimaw ka? Huwag kang lalapit? Paki-usap!"nanginginig na utos ni Lily.

 Sa nakita ni Chelzea na reaksiyon ng tita niya ay ramdam niyang wala na siyang dahilan pa para manatili dito.Alam niyang kakaiba siya para makisalamuha pa sa mga tao.Nahulog ang mga luha sa mga mata niya habang pahakbang na siyang lumayo sa bahay na iyon.Buti nalang at madilim kaya agad siyang nagtungo sa bundok na kung saan ay walang ibang taong makakkita sa kanya.Doon ay hinayaan na niya ang mga luha niya sa pagpatak na tila ba isang ulan at hinayaang mga hayop lang ang makakakita at tanging makakarinig sa mga luha niya.Sa pagod niya ay unti-unti siyang napapikit hanggang sa tuluyan ng natulog.

 Sa huni ng mga ibon sa paligid ay agad gumising si Chelzea.Ang una niyang napansin ay ang kanyang itsura.Hindi siya makapaniwala na bumalik siya sa dati at para makunteto siya ay agad siyang lumapit sa isang tubigan at doon nga niya nakita ang reflection niyabg bumalik na sa dati.Napaluha siya subalit buo na ang desisyon niyang lumayo sa lugar na iyon at mamuhay mag-isa dahil alam niyang muling babalik ang nakakadiring anyo na'yon.

  Agad niyang inayos ang sarili niya at bumaba sa bundok.Ang nasa isip niya ay bahala na ang importante ay makalayo na siya sa lugar na iyon.

   Sa sunog na iyon ay marami ang hindi nailigtas at dahil hindi nahanap noon ang bangkay ni Chelzea ay naideklara siyang missing.Naging isang masamang ala-ala para sa mga guro at estudyante ang pangyayaring iyon na hindi man lang nakita kung paano nagsimula ang sunog na iyon.At dahil sa nangyari ay kanya-kanya na ngang umalis ang mga estudyante sa paaralan na iyon kasama na sina Frans at Willdawn na lumipat na sa mas magandang school.

 "Sana buhay ka pa Chelzea dahil umaasa akong muli kitang makikita balang araw,"bulong noon ni Willdawn habang nakatitig sa sira-sira at itim na building ng paaralan dahil sa sunog.

 Nakatayo siya noon malapit sa building na ito na tila ba ayaw pang  umalis dito.

"Iho hindi na natin maibabalik pa ang mga nangyari. Ang kailangan nalang natin ngayon ay tanggapin ang lahat at magsimula ulit  kahit masakit. Masakit para sa akin na nawala sa aking paningin si Chelzea pero kailangan na nating kalimutan ang lahat para mabuhay,"wika ni Lily na kararating lang din sa sunog na buildin na noon din ay nakahawak  ng malaking bag na tila ba paalis na din sa mga oras na iyon.

 "Tita Lily?Aalis kayo?Paano na kung biglang babalik si Chelzea?"tanong ni Willdawn habang nakatingin sa bag nito.

 "Diyos na ang magsasabi kung magkikta pa kami pati na rin kayo,hayaan na nating Diyos ang gagawa ng paraan.Sa ngayon mag move on tayo at magsimula ulit,"huling nasabi nito tsaka na iniwan si Willdawn.

 Agad din namang dumating ang sundo ni Willdawn.

  "Anak, sakay na at aalis na tayo",utos ng ina nito.

 Sa pag-alis ni Willdawn ay nanatili pa rin sa utak nito ang itsura ng tila isang halimaw na nagligtas sa kanya.Nanatili siyang tahimik sa nakita niya sa mga oras na iyon lalo na't ni isa sa mga estudyante mula sa sunog ay walang nagsalita ukol doon.Subalit ang pangyayaring iyon ay hinding hindi niya malilimutan at kailanman ay hindi mabubura ang itsurang jyon na nagligtas sa buhay niya.At isa din sa mga dumurog sa puso niya ay ang tuluyang pagkawala ni Chelzea.

 At bago magtungo si Lily sa ibang lugar ay dumaan muna ito sa bilangguan.

 "Ba't ka nandito ? Hindi ba't sinabi ko nang kalimutan niyo na ako?Si Chelzea nasaan?"tanong ng ama ni Chelzea sa kapatid nitong si Lily pagkatapos niyang makitang siya ang bumisita sa kanya.

"Kuya may importanteng sasabihin ako at sana patawarin mo ako pero huwag ka nang umasang makikita mo pa si Chelzea.Ginawa ko naman ang lahat pero sadya ng tadhana ang gumawa ng paraan para mailayo siya sa akin.Nagkaroon ng sunog sa school nila at isa siya sa mga naideklarang missing.Hinanap ko siya kahit saan pero ni anino niya hindi ko makita,"maluha-luhang pagkwekwento ni Lily.

 Nagulat ang ama sa narinig.Maya-maya pa ay makikita mo na ang mga luhang nagsisipatak mula sa mga mata niya.

 "Kasalanan ko lahat ng ito!Nangyayari ang lahat ng ito dahil sa kasalanang nagawa ko.Diyos ko huwag naman sana sa anak ko.Ako nalang po ang parusahan niyo,"luhang nasabi ng ama ni Chelzea habang nakahawak sa kanyang mga mata na tila itinatago ang pagluha.

 "Tama na kuya ,huwag mo nang sisihin ang sarili mo.May dahilan ang lahat tsaka aalis na pala ako at baka matagal ulit bago kita mabisita.Ingatan mo ang sarili mo,"huling nawika ni Lily bago niya ito tuluyang iwan.

  Masakit sa ama ang ibinalita ni Lily.At sa loob ng kulungan ay panay ang dasal niya na sana buhay pa ang anak niya para may pagkakataon pa siyang makahingi ng kapatawaran.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status