Share

Meeting Your lover

 Tila ba gumuho ang mundo noong biglang makasalubong ni Chelzea si Willdawn sa kanilang school na may kasamang isang magandang babae.Inaamin ni Chelzea na nasasaktan siya sa mga nakikita maslalo na't nakaholding hands pa ang mga ito.

Nagulat din si Willdawn nang makita ito.

"Ah! Si Frans pala, girlfriend ko?"pagpapakilala ni Willdawn.

Pilit na ngumiti si Chelzea ngunit hindi ito sumagot.

"Ah! Ikaw pala ang laging kinukwento sa akin ni Willdawn. Kumusta?"nakangiting wika ni Frans.

"Ayos lang, mauna na ako,"huling sagot ni Chelzea tsaka na umalis.

 Sa inis ni Chelzea matapos ipakilala ni Willdawn si Frans ay hindi na niya ito kina-usap pa.

"Chelzea,hindi mo na ako pinapansin ah. Nagseselos ka ba?"tanong ni Willdawn pagka-upo niya sa tabi ni Chelzea.

 Hindi umimik si Chelzea kundi tumingin ito sa malayo.

"Si Frans dati kong nobya noong highschool pa kami hanggang ngayon.Kumuha nga lang siya ng ibang kurso kaya hindi na kami magkaklase pero pareho namang school.Sana maging magkaibigan kayo para mas masaya,"nakangiting pagkwekwento ni Willdawn kay Chelzea.

 Pilit namang ngumiti si Chelzea kahit nasasaktan na.At para sa katahimikan ng lahat kahit masakit sa loob niya ay pilit siyang nakipagkaibigan kay Frans.

 "Chelzea,alam mo bang palagi kang kinukwento ni Willdawn sa akin at nasasaktan ako? Alam mo ba ang pakiramdam na binabalewala niya ako simula noong makilala ka niya? Ikaw na ang hinahatid ako hindi na. Nagseselos ako kaya pwede ba layuan mo na siya!"biglang nawika ni Frans noong makasalubong niya ito sa kanilang school.

 Hindi umimik si Chelzea. Yumuko lang ito habang humahakbang palayo kay Frans.

 At mula nga sa araw na iyon ay bumalik siya ulit sa dati.Ayaw magsalita at ayaw makihalubilo sa ibang tao.

 "Chelzea hintayin mo ako! Bakit mo ba ako iniiwasan!"sigaw ni Willdawn habang hinahabol si Chelzea.

 Hindi pa rin huminto si Chelzea sa pagtakbo hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan.

 "Teka lang! Gamitin mo 'tong payong ko," sabi ni Willdawn noong maabutan niya si Chelzea.

  Ayaw ni Chelzea na tanggapin ito pero ipinilit ni Willdawn na kunin niya ito na dahilan para mas lumalim pa ang pagtingin ni Chelzea kay Willdawn pero bago pa tanggapin ni Chelzea ang payong na iyon ay bigla nalang may humablot dito.

"Sa akin dapat 'to! Willdawn ako ang girlfriend mo pero bakit pakiramdam ko siya ang mas inaasikaso mo!" Maluha-luha na wika ni Frans na siyang kararating lamang.

Halos basang-basa na ang tatlo sa lakas ng ulan na tila ba ayaw huminto.

 "Frans nagkakamali ka! Mahal kita! Mahal na mahal!"sagot ni Willdawn na dahilan para mahulog ang mga luha sa mga mata ni Chelzea.

Galit siya sa sarili niya dahil nahulog siya sa isang taong hindi kailanman magiging sa kanya.

"Mahal mo ako pero sinasaktan mo ako! Ayaw ko ng ganito! Maghiwalay nalang tayo!"sigaw ni Frans.

 Sa mga naririnig ni Chelzea ay gusto na niyang umalis pero bago pa siya humakbang ay napahinto siya noong hawakan ni Willdawn ang mga kamay nito.

 "Frans bago mo ako hiwalayan pwede bang tumitig ka muna sa mga mata ni Chelzea,"utos ni Willdawn kay Frans.

Tumitig nga si Frans sa mga mata nito.

"Ngayon sabihin mo sa akin. Sa mga mata ba ni Frans ay naaalala mo ang mga mata ko noong una mo akong makilala? Nakikita mo ba ang sarili ko noon kay Chelzea. Frans katulad ako ni Chelzea noong una mo akong makilala. Isang malungkot na tao na tila ba wala ng ganang mabuhay pa sa mundong ito pero nagkakulay yon noong nakilala kita. At alam ko ang pakiramdam kaya patawarin mo ako kung nawalan na ako ng oras sa'yo pero mahal na mahal kita yan ang totoo,"sagot ni Willdawn sa mahinang boses.

Noon ay tuluyan ng umiyak si Chelzea pati na rin si Frans.

 Maya-maya ay bigla nalang may huminto na kotse sa tabi nila.

 "Hoy! Kayong tatlo diyan gusto niyo bang maging artista! Sumakay na nga kayo diyan ! Uwian na ah! sigaw  ni Eggwardo  na instructor nila sa math subject na siyang may-ari sa kotse na huminto.

 Sa kagustuhan ni Chelzea na umalis ay bigla siyang pumasok sa kotse.Hinintay muna ni Eggwardo ang dalawa kung papasok pero nagyakapan ang dalawang ito dahilan para umandar na ito.

 "Okay ka lang iha?"mahinang tanong ng instructor habang nagmamaneho.

Hindi alam ni Chelzea kung bakit sa mga oras na iyon ay tuluyan na siyang umiyak habang nakatingin sa kanya ang instructor na iyon na tila ba matagal na niya itong kilala kahit hindi.

"Iha, kung nahihirapan ka na, umiyak ka lang hanggang sa  gagaan ang iyong pakiramdam pero pagkatapos ng pag-iyak mo ituloy mo ulit na tumakbo huwag kang hihinto,"payo ng instructor kay Chelzea na tila ba matagal din niyang kilala ang batang ito dahil napakagaan ng pakiramdam niya kay Chelzea.

 Hindi man sumagot si Chelzea sa instructor ay tumatak pa rin sa isipan niya ang mga sinabi nito.

"Iha basang-basa ka na ang mabuti pa ihatid nalang kita sa inyo.Saan ka ba umuuwi?"tanong ng instructor.

 Itinuro naman ni Chelzea ang kalsada papunta sa kanila hanggang sa nakarating na sila na sakto namang pagtigil ng ulan.Pagbaba ni Chelzea sa kotse ay bumaba din ang instructor tsaka lumapit kay Chelzea.

 "Iha ito oh kunin mo, inumin mo ito pagkatapos mong kumain para hindi ka magkasakit matapos mong mabasa sa ulan,"wika ng instructor habang iniaabot ang hawak nitong gamot.

Pinunasan ni Chelzea ang mga luha niya tsaka kinuha ang gamot na tila ba kahit ngayon lang niya makasalamuha ang medyo matandang instructor na ito ay magaan pa rin ang pakiramdam niya.

 "Chelzea sabi ko na nga bang ikaw yan eh! Kanina pa kita hinihintay,"sigaw ni Lily sa pamangkin habang tumatakbo palapit kina Chelzea para salubungin ito.

 Noong nakalapit na siya kina Chelzea ay saka nalang niya napansin ang kasama nito.

"Ikaw! Hayop ka! Lumayo ka sa paningin ko baka mapatay kita!"biglang naisigaw ni Lily pagkakita kay Eggwardo.

 Nagulat din si Eggwardo dahil hindi niya lubos akalaing muli niyang makikita ang minsang nagpatibok sa puso niya habang si Chelzea ay gulat din sa mga nakikita niya.

"Lily ko! gulat na nawika ni Eggwardo.

Kapwa sila matatanda na subalit kung tignan silang dalawa ay tila mga bata pang nag-aaway.Bigla nalang inalis ni Lily ang kanyang tsinelas saka niya ito ipinalo sa likod ni Eggwardo.

 "Anong Lily ko ka diyan! Layas!"sigaw ni Lily habang pinapalo ito ng tsinelas dahilan para tumakbo ito papasok sa kotse niya.

 At bago pa niya ito pinaandar ay ngumiti pa ito na tila ba nasisiyahan na muling makita si Lily.

 "Pasok na tayo iha doon na tayo mag-usap matapos mong magpalit,"utos ni Lily sa pamangkin.

Matapos magpalit si Chelzea ay agad siyang lumabas noong tawagin siya ni Lily.

 "Iha ba't nga pala malungkot kang umuwi?"tanong nito.

 "Wala 'to tita. Nga pala si Sir Eggwardo kilala po  ninyo?"tanong ni Chelzea para maiwasan niyang sagutin ang tanong nito.

"Oo ang totoo niyan matagal na kaming magkakilala noong mga dalaga at mga binata pa kami.Naging magkasintahan kami subalit nagloko siya na dahilan para magkahiwalay kami at hanggang ngayon galit pa rin ako sa kanya,"pagkwekwento ni Lily habang pansin ang kalungkutan sa kanyang mukha.

 "Siya ba ang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi ka pa nag-asawa Tita Lily?"tanong ulit ni Chelzea.

 Hindi nakasagot si Lily sa ta

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status