Share

The Fusion of Two Worlds
The Fusion of Two Worlds
Author: Mathealogy

Simula

X

----

Forgotten

I groaned when I lost my balance and fell on a hard surface. Hindi ko na ininda ang sakit na dulot ng mga galos ko sa kamay at binti. Kaagad akong tumayo at inilibot ang paningin sa paligid kung saan ako napadpad. Ang mga matatayog na puno na unti-unting binabalot ng dilim ang aking nakita. Wala akong ibang maramdaman kundi ang takot at pangamba. Biglang nawala sa isipan ko kung ano ang dapat gawin. 

I suddenly heard footsteps coming closer.

"Sinabi ko nang dapat hindi na tayo tumuloy! Hindi na sana umabot pa sa ganito."

Labis na nanlamig ang aking katawan sa boses na narinig hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Nanginginig man ay pinilit kong tumakbo papalayo. Hindi ko na ininda ang sakit sa paa at sa tagiliran dahil sa maling pagkakabagsak kanina. Hindi ko magawang lumingon sa takot. Ni hindi na nakatutulong ang kaunting liwanag na dulot ng papalubog na araw upang makapag-isip kung aling daan ang tatahakin.

Paimpit akong napahiyaw nang ang sunod na hakbang ko ay hindi sa patag ng lupa. Bago ko pa mapigilan ay nadapa na ako ng tuluyan at gumulong pababa. Natigil lamang nang humampas ang likod ko sa isang malaki at matigas na bagay. 

Kinagat ko ang aking labi upang mapigilan ang pag-ungol dahil sa sakit na dulot nang nangyari. Napahawak ako sa aking ulo. Ang aking kamay ay may bahid ng dugo. Nararamdaman ko rin ang pag agos nito mula sa ulo ko papunta sa noo.

Nakarinig ako ng kaluskos sa malapit at alam kong papalapit na sila. Gustuhin ko man tumayo ay hindi ko magawa. Nanlalabo na ang aking paningin dahil sa sakit na nararamdaman.

No! This is not the right time and place to die!

"Sa kabilang dako ka, ako na bahala sa banda rito." Narinig kong utos nito sa kasamahan.

Naramdaman ko ang pagkabasa ng pisngi dahil sa pag-agos ng luha. Umiling ako at pilit na nilalabanan ang karamdaman. Ilang beses kong inulit- ulit sa isipan na marami pa akong kailangan gawin. Ginagawa ko man ang lahat ng aking makakaya ngunit parang kay hina ko. I can't even do a simple job just because I'm weak. Nagpadala sa emosyon at ngayon, ako pa ang napiling masangkot sa sitwasyon na 'to.

Pinilig ko ang ulo upang mabura ang mga iniisip. Kailan pa naging mahina ang loob ko? Maaaring maging mahina ako sa pisikal ngunit alam kong hindi ako kailanman naging mahina sa kalooban simula nang naging mag-isa.

Sumandal ako sa matigas na bagay na pinaghampasan kanina, dito kumukuha ng lakas upang maiangat ang sarili. Unti-unti kong nararamdaman ang presensya sa malapit. Saka ko lang naramdaman ang bali sa aking paa nang pinilit humakbang.

Malabo na ang aking paningin ngunit nakikita ko pa rin ang anino na papalapit hindi kalayuan. Mula sa mabagal hanggang sa bumilis ang kaniyang paghakbang papunta sa kinaroroonan ko hanggang sa may panibagong pigura akong nakita.

"The sun is almost down, we need to go." malalim na boses ang aking narinig.

"No! Kailangan natin iyon mahuli! Malalagot ta--"

"Malalagot talaga tayo kapag hindi pa tayo umalis ngayon. There are already Voreians nearby. We need to go."

Pumikit ako nang maramdamang ang matinding sakit. Halos hindi ko na marinig ng malinaw ang mga boses. Unti-unti na rin umiikot ang aking paningin ngunit pinipigilan kong tuluyan mawalan ng malay.

When I opened my eyes, I didn't see where the voices are coming from. I shut my eyes and sighed. Kahit papaano ay kumalma ako nang mapagtantong nilubayan ako ng mga humahabol sa akin. They're right. The sun is almost down. I leaned more and bowed, then shook my head to prevent myself from going unconscious.

"What bloodineans are you from?" a cold baritone made me jump into fears.

I can almost hear my heartbeat and my head is throbbing badly. Mabilis ang pag-angat ko ng tingin. Hindi ko makita ng lubos ang itsura ng kung sino man sa harap ko ngayon dahil sa matinding pag-iikot ng paningin. 

Ang alam ko lang ay napakalapit nya sa akin kaya kusa akong umatras kahit na nakasandal sa matigas na bagay na inakala kong bato. Nadulas ang kaliwang paa ko nang sumubok ulit na humakbang palikod. Sinubukan kong humawak sa magkabilang gilid upang alalayan ang sarili ngunit maging ang mga braso ko ay bumigay dahil sa kakulangan ng lakas.

"Stop! You'll fall!" agap nya.

Ngunit tuluyan na akong nawalan ng balanse at nahulog sa balon na inakala kong malaking bato lamang. Sobrang bilis ng pangyayari. I felt the cold wind harsh against my skin as I continued falling and splashed into the water until I went unconscious.

"What have you done? Ravus?! Nag-iisip ka ba?" isang malakas na tinig ang nagpagising sa akin ngunit sa sama ng pakiramdam ay halos hindi ko maimulat ang aking mga mata. Pinilit kong igalaw ang katawan kahit na nanghihina.

"I have no choice." a cold voice filled my ears. It was from a man at nasisiguro ko na ang kausap nito ay babae dahil sa boses na narinig kanina.

"Oh yes! You have! You could've just leave and mind your own business! Why do you have to--Damn it! Alam mo ba kung anong mangyayari kapag may nakaalam sa ginawa mo?"

Anong nangyayari?

I moaned when I tried to move. I can now slightly open my eyes and with a blurred vision, I can see that I've got their attention.

I tried to move again but my body feels so heavy. Unti-unti rin parang bumibigat ang mga talukap ko. Pinilit kong huwag bumagsak ang mga mata upang makita kung anong nangyayari at kung kanino galing ang mga boses na naririnig ngunit hindi ko na nalabanan pa. Tuluyan ulit akong nawalan ng malay.

Nagising ako nang naramdaman ang lamig sa noo. Unti-unti kong binuksan ang mga mata. I blinked twice to adjust at nang nakakakita na ng maayos ay nakita ko na ng malinaw ang babae sa gilid ko. Siya ang may kapit ng basang puting tela na nasa noo ko.

Sinubukan kong bumangon pero mukhang wala pa rin akong sapat na lakas.

"Stay still. Mukhang hindi pa nakakabawi ang katawan mo. You need more time to rest." ani ng babae.

"W-Who are you?" napapaos kong tanong at napagtantong masakit rin ang aking lalamunan.

Naghintay ako ng sagot pero ngumiti lang siya at iginiya ulit ako sa paghiga.

"Magpahinga ka pa, hija." anito.

Nagpumiglas ako nung una dahil ayaw kong mawalan ng malay ulit pero bumigay din nang napagtantong hindi pa gaanong maayos ang pakiramdam. I laid down and closed my eyes until I went to sleep.

I hold his hand tightly, scared of letting go. Sa oras na bumitaw ako ay paniguradong mapapasama ako sa pagkakahulog. I don't want it to happen pero nakita kong kapag nagpatuloy ako sa pagkapit ay baka sya naman ang mahila ko at magkasama kaming mahuhulog. Umiling ako at tumingin sa kanya.

He shook his head, "Don't you give me that look! Don't loosen your grip! please." I felt fear in his voice. He looked at me with his dark and brooding eyes.

This is the only time I saw fear and regrets in those lovely brown eyes. I know he's telling me not to give up but no... this time, I'm letting go. I loosened my grip but he didn't. Mas lalo lang itong humigpit at walang bakas na bumitaw.

"No! I can't, please! I'm sorry. Don't do this," He begged.

Tears pooled in the side of my eyes as my hand slipped from his.

"No! Sef--"

Nagising ako at bumangon dahil sa paninikip ng dibdib. Beads of sweat formed in my forehead while I'm still catching my breath. Sinapo ko ang aking ulo nang nakaramdam ng kaunting hilo. Mas lalo lang lumala ang sama ng pakiramdam dahil sa gulat nang makitang may babae sa gilid ko.

"Hija, ayos ka lang ba?" tanong nito.

Isang babaeng namumuti ang mga buhok with wrinkles in the side of her eyes ang nasa gilid ko. Nanatili lang akong nakatitig na parang sinusuri ang hindi pa gaano katandang babae. She looked like in her mid- forties and is wearing a loose hooded long sleeve, yet fitted from the top to bottom, vintage cloak. Umangat ang aking tingin at biglang nahiya nang nakitang nahuli nya akong sinusuri siya.

My eyes drifted to the shiny metal in her left hand and gasped. Umatras ako kahit na naka-upo. Napansin niya ang ginawa ko kaya napatingin rin sya sa hawak na patalim saka ngumiti sa akin.

"Pasensya na, hija. Nagluluto kasi ako kaya may hawak akong ganito."

Ilang hakbang ang ginawa niya para lumapit sa lamesa at doon ibinaba ang hawak na kutsilyo.

"Kumusta ang pakiramdam mo? Nanghihina ka pa rin ba?" she asked with a soothing voice.

I stared at her not too old angelic face, malalalim na kung titingnan sa malayo ang kanyang mga mata but I can see that it screams pureness and gentleness. I can't hide the amusement plastered on my face. She stared at me too with those eyes full of concern which made me calm and the reason why my fears have vanished.

My eyes roamed around the four corners of the old fashioned room with enough wooden furnitures. The silk curtains are swaying as the wind blows. I scanned my body and realized I am wearing a plain sleeveless dress while my forehead and some parts of my arms and legs were covered with bandages.

"Marami kang natamong mga sugat pero ilang araw lang ay gagaling na yan ng tuluyan basta patuloy ang paggamot." ani niya ng napansin ang pagtataka ko.

S-Sugat? My lips trembled as I tried to say a word. I swallowed hard before pushing myself to speak.

"W-What happened?" tanong ko pero hindi sigurado kung para sa babae o para sa sarili.

She sighed and looked at me for a while. We were both silent for a moment when she finally began to speak.

"You met an accident." paliwanag niya.

W-What?!

I tried to recall what happened before pero wala akong maalalang kahit ano. Bumalik ang tingin ko sa babae at umiling. Lumapit na ito sakin at hinawakan ng marahan ang aking braso.

"Wala bang natira sa ala-ala mo?" Tanong nito na mas nagpagulo sa isipan ko.

Natira?

"W-What do you mean? Where am I? W-Who am I?" tumaas na ang boses ko at marami pang tanong ang dumagsa sa isipan. My body shivers as my hands are trembling.

Anong nangyayari? Bakit wala akong maalala?!

"Hija," hinaplos niya ang braso ko para pakalmahin pero lumilipad na ang isipan ko sa maraming bagay.

I panicked and tried harder to remember anything but there's nothing! I'm lost!

"W-Who are you?! Where did you find me?" I stared at her and demanded an answer.

"Hindi ako ang nakahanap sayo, hija."

My lips trembled a bit.

"Sino?"

"Si Ravus, one of the magenos. Huminahon ka, hija." hinaplos niya ang braso ko pero umiwas ako.

"R-Ravus? Mag-what? Where am I?!" tumaas na ang tono ko dahil sa takot.

In a split second, I groaned because of the sudden extreme pain in my head. Sinapo ko ang ulo habang naramdaman na ang paglapit ng babae sa akin at mabilis na iginiya ako pahiga.

"Wag mong pilitin kung wala kang maalala, hija! Calm your mind. It will only trigger your brain if you insist."

Sinunod ko ang sinabi niya dahil sa tingin ko mawawalan ulit ako ng malay sa sakit at ayaw kong mangyari 'yon. I closed my eyes and breathe deeply. Pinigilan ko ang mag-isip ng kahit na ano at mas dinamdam ang paglanghap ng hangin. Ilang sandali pa akong nanatiling tahimik at pinakiramdaman ang sarili.

Nang wala ng nararamdaman na sakit ay dumilat na ako. Ang babaeng may hawak na baso ang unang bumungad sakin.

"Uminom ka muna." inilahad nya sakin ang hawak.

Tinanggap ko ito at walang pasubaling na ininom. Ngayon ko lang naramdaman ang uhaw kaya bumalik ang tingin ko sa babae para humingi pa. Nakuha nya naman agad ang pinapahiwatig ko.

She chuckled and get the wooden glass from my hand for another. Nilibot ko ulit ang aking paningin sa hindi pamilyar na lugar. Hindi pa rin nawawala ang takot at pangamba sa sarili. Gusto kong mag-isip at alamin kung anong nangyayari pero natatakot naman ako na baka bumalik ang matinding pananakit ng ulo. Sa ngayon, ang gusto ko ay maging maayos ng tuluyan ang pakiramdam.

Nakakuha na sya ng panibago at ibinigay saakin. Kinuha ko naman ito at ininom sa isahang lagok. When I think I'm satisfied, ibinigay ko na ulit pabalik sa kanya ang baso na agad niya naman kinuha.

"Kapag ayos na ang pakiramdam mo, sasabihin ko ang nalalaman sa nangyari sayo pero sa ngayon..." umiling siya at tumingin ng malungkot sa'kin. "Sa tingin ko ay kailangan mo na muna ang magpahinga at 'wag ipilit na maka-alala."

Yumuko ako at hindi umimik.

"I know this is hard for you pero makukuha mo rin pabalik ang mga ala-ala mo. We will help you." anito at ngumiti ulit saakin para pagaanin ang loob pero nakikita ko ang lungkot sa mga mata nya na paniguradong para saakin.

Makukuha? Pabalik?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status