Share

Kabanata 1

Saglit pa akong natulala bago nagbuntong hininga. I nodded and bowed my head down. I don't know what to do but to trust this woman who I think took care of me while I'm unconscious. Naramdaman ko ang pagtayo niya at umalis sa gilid ko. Umangat ako ng tingin at sinundan ang ginawa nya.

"Gilya," biglang sinabi niya habang may kung anong ginagawa.

Hindi ko nakuha ang huling sinabi niya kaya hindi ako umimik.

"Ang pangalan ko, Gilya. Pero tawagin mo akong Ahyem. It's how we address elders." sumulyap siya sa'kin.

Ako naman ay hindi alam kung anong sasabihin. Marahan lang akong tumango at yumuko pagkatapos.

"Uh..." Nahirapan ako maghanap ng salita lalo na't hindi ko alam kung anong pangalan ang babanggitin ko. Umangat ako ng tingin nang natagalan magsalita at nakitang abala siya sa gawain at mukhang hindi naman naghihintay sa sasabihin ko.

I sighed.

"Paniguradong gutom ka na dahil limang araw ka ng walang malay."

My eyes widened. Limang araw?! Gan'on katagal?!

Kumalam ang aking sikmura nang maamoy ang nakakatakam na pagkain. Nakita ko siyang nag aayos na ng mga pinggan sa isang maliit na lamesang gawa sa kahoy. I moved slowly and come closer to her. Nakita ko ang mga baso sa gilid kaya kumuha ako ng dalawa at inilagay sa lamesa nang nakitang 'yon na lang ang kulang.

"Maupo ka na. Lalabas lang ako saglit para tawagin si Jiro." utos niya.

Lumabas na siya at hindi na ako naka-imik pa. I look at the four-sitter wooden table at my side for a few seconds before I pulled and took one of those chairs while waiting for... Ahyem and Jiro.

Ilang minuto siguro akong nakatulala habang naghihintay sa kanila bago ko narinig ko na ang mga yapak nila kaya tumuwid ako sa pagkaka-upo at inabangan ang kanilang pagpasok.

"Ahyem,"

Hindi ko pa nakikita ay napag-alaman ko ng sa bata 'yon nagmula dahil sa marahan at maliit na boses.

"Nakita ko 'yong mga galing sa Sevenas kanina sa bayan. Ano ho kaya ang dahilan ng pagbisita nila dito?"

Alam kong malapit na sila dahil mas malinaw at mas malakas ko ng naririnig ang boses.

"Siguro manggugulo nanaman sila. Akala naman nil--"

A cute little boy with small round eyes wearing a russet felt outfit entered the room. Naputol ang sinasabi ng nakita akong nakaupo sa tapat ng lamesa. Nalipat ang tingin namin pareho nang pumasok na rin si... Ahyem.

"Ahyem! Gising na siya!" nasasabik niyang ibinalita.

Hinaplos ni Ahyem ang buhok ng bata at tumango. Kaagad naman itong lumapit sa'kin.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sayo?" Sunod sunod na tanong niya.

Namula ang pisngi ko dahil sa inasal ng bata. I can't help but notice his cuteness.

"Jiro!" pagsasaway ni Ahyem.

Bigla naman itong umatras at halatang nahiya. Tumango ako at ngumiti ng tipid sa kaniya.

"A-Ayos na."

Ngumiti rin siya sakin pero hindi na lumapit. He's swaying his body while his hands are on his back. Hindi pa nawawala ang hiya sa naunang inasal.

Ahyem chuckled and patted his head. "Ikaw talaga. Maupo ka na dun, hijo nang makapagsimula na tayong kumain."

Agad naman itong sinunod ni Jiro at naupo sa upuan sa harap ko samantalang naupo na rin si Ahyem sa gilid ko.

Kumuha na siya ng ulam at nilagyan ang aking pinggan, ganun din kay Jiro bago sa kanya.

"T-Thanks." nauutal kong sinabi dahil hindi pa rin naaalis sa akin ang hiya.

Ngumiti lang siya. Nanatiling tahimik ang hapag at tanging tunog lang ng mga kubyertos ang naririnig nang binasag ni Jiro ang katahimikan.

"Saka nga pala! Ahyem, usap-usapan ho sa bayan na mas maaga ang pagbabalik ng mga magenos. Ibig sabihin po ba ay uuwi na rin si Ayo Ravus?" bakas ang tuwa at galak sa maliit na boses ni Jiro.

Natigilan ako dahil sa narinig. Ngumiti at tumango si Ahyem saka sumulyap sa'kin, mukhang sinusuri ang reaksyon ko pagkatapos marinig ang pangalan na nabanggit ni Jiro.

Ravus?

Natapos ang hapunan nang si Jiro ang madalas na nagsasalita. Tahimik lang ako buong oras hanggang sa nagdesisyon kaming magpahinga na. The night ended and I wasn't really able to sleep because I can't stop thinking about many things. Kinabukasan ay mas pinili kong mag-ayos bago lumabas ng silid. 

Sinuri ko kung gaano kalalim ang mga sugat nang natapos na alisin ang huling bendahe sa ulo. I have many bruises in my arms and legs but they're slowly healing. 

Sinuri ko ang paliguan sa kaliwang bahagi ng kwartong inilaan sa akin. Mayroon kurtina ang tumatakip sa kabilang banda. Pinaghiwalay ko iyon sa magkabilang gilid at bumungad sa akin ang isang parisukat na batyang puno ng tubig na animo palanguyan. Many petals are floating in the water.

Nilibot ko ang tingin sa kabuuan. Para itong isa pang kwarto para lang sa paliguan ngunit hindi gaano kalaki. Pebbles and many colorful pots are surrounding the four corners. Pag-angat ko ng tingin, saka ko lang napagtanto na walang bubong ang bahaging ito. All I can see is the bluish sky with a tint of pink, almost purple. Bago ako sumulong sa tubig ay sinuri ko na muna ang aking repleksyon.

I brushed my chestnut hair flowing gracefully over my well-proportioned shoulders with my fingers, contradicting to my pale skin. It's like I'm seeing a woman who's staring at me with her innocent almond eyes and a long, thick eyelashes. She have a soft pointed nose, high cheekbones under a pair of arched charcoal eyebrows and full, finely curved lips is a complete complement to her perfect angled jawline.

I caressed my face with my fingers. How weird is it that I'm looking at my own reflection vividly? It seems like I'm a stranger to myself.

A deafening silence filled the corners. Hindi ko namamalayan ay unti-unti ng lumilipad ang isipan ko.

"What have you done? Ravus?! Nag-iisip ka ba?"

"I have no choice."

That cold baritone, I remember!

"Oh yes! You have! You could've just leave and mind your own business! Why do you have to--Damn it! Alam mo ba kung anong mangyayari kapag may nakaalam sa ginawa mo?"

I opened my eyes and sit straight as I remembered those voices. I know I heard it when I tried to wake up from unconsciousness but failed kaya hindi ko nakita ang kanilang mukha. This explains why it felt familiar when I heard the name Ravus.

Ayon kay Ahyem, Ravus ang pangalan ng nakahanap at nagdala sa akin dito. I wonder where he is and the girl he was talking to. It seems like they were fighting about something. Hindi ko na muna ulit sinubukan na mag isip sa nangyari nang nakaraan dahil sa takot na baka makaramdam ng pananakit ng ulo kahit na gustong-gustong ko maka-alala but now, I can't help but be confused to the words from Ahyem.

"Wala bang natira sa mga ala-ala mo?"

"I know this is hard for you pero makukuha mo rin pabalik ang mga ala-ala mo. We will help you."

Nagdagsaan ang mga tanong sa isip ko but I shook my head and decided to refrain from thinking too deep when I started to feel dizzy. Matapos kong maligo ay sinuot ko na ang mga damit na nakahanda sa aking kama.

I'm wearing a plain black v-neck top and a below the knee-length tartan asymmetrical bottom.

My eyes drifted to the door when I heard a knock. Jiro entered the room, may dala-dalang bakol. Nakita kong tinitigan niya ang mga sugat at galos ko bago niya inangat ang tingin at lumapit sa'kin.

"Uh... Ahyem Gilya told me to give this to you."

Ipinakita niya sa'kin ang panibagong mga bendahe at ang hindi pamilyar na halaman.

"Inutusan rin ako na tulungan kang gamutin ang mga sugat mo. Ahm..."

He's uneasy. Hindi mapirmi ang kanyang mga mata at hindi rin makatingin sa'kin habang nagsasalita. Mukhang may sasabihin pa sya so I waited.

"Dont worry!" sabay tingin sa'kin. "Marunong naman akong gumamot kahit bata pa." he said proudly. His eyes twinkled as he smiled and looked at me, convincingly.

I was left in dazed by his cuteness so I didn't say anything for a second. Nanatili lang akong nakatingin sakaniya habang siya ay naghihintay sa sasabihin ko. Namula ang pisngi niya at nahihiyang yumuko.

"Pero tatawagin ko na lang si Ahyem para sy-" I cut him off.

"It's fine if you do it. " sabay lahad ko ng brasong may mga sugat para pigilan siyang tuluyan umalis.

His eyes glittered and he smiled widely. Mabilis siyang lumapit sa'kin at ipinatong ang dalang bakol sa kama. Umupo ako para maging lebel siya at mas mapadali ang paggamot niya sa mga sugat ko.

Kumuha siya ng halaman at hinawakan ang nakalahad kong braso. Hinati niya sa dalawa ang isang halaman at piniga. Its juices dripped to my wounds and my face crumpled a bit when I felt a slight of pain.

"Does it hurt?" he asked when he notice my reaction.

"Slight."

Tumango siya at ginawa niya pa 'yon sa lahat ng sugat ko. The pain is bearable so pinigilan ko gumawa ng reaksyon.

"Ahyem did this to me too when I fell from the tree. Napakalaki kasi ng bunga ng prutas kaya hindi ko napigilan akyatin." he let out a cute chuckles at nagpatuloy sa pagkwento.

He seems comfortable now talking to me. Patuloy lang akong nakikinig at mas ginanahan ata siyang magkwento nang nakita akong interesado lalo na nang napalayo na ang topic sa nauna.

"Buti na lang dumating si Ayo Ravus kaya tumakbo kaagad sila. Ha! Mga takot naman pala." hindi makakatakas ang pagmamalaki sa tono niya.

Napukaw ang atensyon ko at hindi na napigilan magtanong.

"Ravus?" tanong ko at umaasang may makukuhang sagot sa mga katanungan ko mula sa bata.

"Ah! You still don't know Ayo Ravus?" then he smiled proudly before continued talking habang naglalagay naman ng mga bendahe ngayon.

"Ayo is one of the magenos assigned to uno de torre."

He looked at me and nodded like he's expecting me to be shocked by the news or something but it faded when he realized I didn't get anything of it.

He gasped and looked at me guiltily.

"I'm sorry Aya, I forgot you can't remember anything."

A-Aya? Is that my name? or it's how they address olders? I guess it is since he said Ayo before Ravus. Nadagdag sa isipan ko kung anong gagawin ko ngayon hindi ko nga rin pala maalala ang pangalan ko pero binura ko muna ito pansamantala at ngumiti sa kanya para ipakita na ayos lang 'yon but I hoped for him to continue.

"Ayos lang pero anong ibig sabihin mo sa magenos?"

Saglit siyang natahimik at mukhang naghahanap ng salita habang nakaupo sa sahig at paa ko naman ngayon ang nilalagyan niya ng bendahe.

"You probably don't remember if you have your magus or not. Magus is the expert capacity of an individual. It's an extra ordinary skill. You will be called a mageno once you have your magus but if not, you will be considered as an ordinary xena living here at lumphosa."

"Mageno... xena?"

Hindi ko pa rin lubusan maintindihan dahil hindi ko pa alam ang ibigsabihin ng ilang salita na ginagamit niya kaya nakatanong na ako bago ko pa mapigilan.

"Yes Aya. Hindi mo rin maalala ang mga iyan? " maingat niyang tanong.

Based on his tone, these words I'm asking were supposed to be a common knowledge.

Nairita ako sa kalagayan at nahiya dahil baka nahihirapan na siyang magpaliwanag sakin pero nagpatuloy pa rin. Tumayo na siya ng natapos lagyan ng mga bendahe ang lahat ng sugat ko. He sat beside me and bended his legs before facing me.

"Magenos are those the ones who have access to their magus. Xenas are ordinary individuals who doesn't." he sighed. "All the xenas are supposed to live here at lumphosa. I'm one of those. So... here I am, living at lumphosa."

Yumuko siya at mukhang nalungkot. I just looked at him and don't know how to cheer him up. I was about to say a word when his face lit up.

Umaliwalas ang kaniyang mukha at nakangiting nagsalita. My lips parted for a second, shocked at his sudden changed of mood.

"But Ayo is a mageno! Hindi lang 'yon. Isa siya sa pinaka magaling kaya naka destino siya sa uno de torre!" his eyes twinkled and I noticed how he's always excited when it comes to his Ayo.

I sighed again when I heard another unfamiliar word. Uno de torre? Having remembered nothing frustrates me. It's like I'm a new born baby with zero knowledge about the world.

Suminghap siya at tinakpan niya ang kanyang bibig.

"I'm talking too much. It's bad for you, Aya." he said sadly and pouted.

"No. It's fine." agap ko para panatagin siya pero mas naging malungkot ang itsura niya.

"Ahyem Gilya told me na sumasakit pa ang ulo mo and she said it's best to wait for you to heal completely."

Natahimik ako. Gusto ko sanang sabihin na hindi naman sumasakit ang ulo ko ngayon kahit na marami na siyang nakwento pero pinigilan ko. Baka pag sumakit nga ay mas maguilty lang siya.

"Don't worry, Aya! I know you will get your memories back." he said cheerfully.

I smiled and nodded.

He pouted.

"Ah... Magpahinga ka na, Aya. Tapos na ako sa paggamot, bukas naman ulit." aniya at nagmamadaling tumayo saka inilagay ang gamit na bendahe at halaman sa bakol.

"Rest well!" he said with his cute and tiny voice.

Mabilis ang maliliit na hakbang niya papalabas bitbit ang bakol kaya hindi na ako nakapagpasalamat. 

"Jiro," tawag ko bago pa siya tuluyan makalabas.

I sighed heavily as I registered our conversation. Saglit lang ang aming kwentuhan pero parang marami na ang nalaman ko kahit hindi naman.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status