Hindi naging maganda ang karanasan ni Shaina sa mga naunang karelasyon. Ang huling lalaking pinagkatiwalaan at minahal ay nagpaakit sa kaniyang pinsan. Ang malala pa ay nabaliktad ang sitwasyon at siya ang lumalabas na manloloko. Naisumpa niya sa sarili na hindi na muling magmahal at pagbayarin ang dalawang nagwasak sa kaniyang puso. Ngunit nagbago ang kaniyang isip nang mabuo ang isang gabing pagkakamali. At hindi lang isa ang kaniyang iniluwal kundi dalawang cute na mga bata. Bigla siyang natakot sa isiping hindi lang guwapo ang hindi nakilalang ama ng kambal, kundi genius dahil tiyak dito nagmana ang mga anak. "Mommy, don't worry, we can help you to find our father." A five-year-old named, Adrian, said. Pakiramdam ni Shaina ay atakehin siya sa puso sa naging sagot ng bibong anak na lalaki. Sa halip na ma-disappoint dahil hindi niya kilala ang ama ng mga ito, mukhang lalong na-excite ang mga anak na hanapin ang lalaki. Sa kaniyang pagbabalik kasama ang mga anak ay maraming katanungang kailangang masagot. Pero saan siya magsisimula kung maging ang mukha ng nakabuntis sa kaniya ay hindi niya alam?
View MoreNaging emosyonal si Clara nang mag-positive ang result ng PT niya. Masaya siya na malungkot. Ewan ba niya pero kapag naiisip niyang hindi siya ang magpapalaki sa bata pagkalabas nito ay nasasaktan siya. "Hindi mo anak ang nasa tiyan mo. Surrogate mother ka lamang ni Beatrix upang hindi masira ang katawan niya. Wala kahit isang patak ng dugo mo ang nanalaytay sa ugat ng batang nabuo sa iyong tiyan." Naalala ni Clara na turan ni Lita sa kaniya kanina.Napabuntong hininga si Clara. Kahit hindi siya ang ina ng bata ay nalulungkot pa rin siya. Siyam na buwan niya ring dadalhin sa sinapupunan ang bata kaya parang anak na rin niya ito kahit hindi niya dugo.Kung ano ang set up nila noong una ay ganoon pa rin sa tuwing kailangan ni Beatrix magpa check up. May katulong pa siyang kasama na umaalalay sa kaniya upang masiguro na maayos ang pagbubuntis niya. ...Napatingin si Aldrin sa larawang pinadala ng ina. Walong buwan mahigit na rin ang nakalipas at malaki na ang tiyan ni Beatrix. Ayaw ma
Halos pabagsak na umupo si Clara sa loob ng kotse nang makapasok na. Nanghihina siya dahil sa kaba. Natakot siya na baka matuklasang iba tao siya plus ang ginawa sa kaniya kanina ay talagang nakapanginig ng kalamnan."Nakahanda na ang bahay na titirhan mo at doon ka namin ihatid ngayon. Huwag ka munang magkikilos upang masigurong mabuo ang nasa tiyan mo. Sa mga follow up check up ay ganoon pa rin ang set up natin." Bilin ni Lita kay Clara."Paano po si Nanay? Kailangan po niya ng bantay doon." Nag aalalang tanong ni Clara."May binayaran na akong tao upang magbantay sa nanay mo kaya huwag mo na siyang alalahanin. Kapag stable na ang bata sa sinapupunan mo ay saka na kita payagang mabisita ang ina mo sa hospital.""Maraming salamat po!" Kahit malungkot at hindi personal maalagaan ang ina ay panatag na ang loob niya. Iniisip na mapabuti na ang kalusugan ng ina."Magtago ka muna." Mabilis na utos ni Lita kay Clara.Hindi na nagtanong pa si Clara at agad yumuko at halos mamaluktot na siy
"Kumusta na ang nanay mo?" tanong ni Lita kay Clara."Hindi pa po bumunuti at maraming kailangang bilhin na gamot." Naiiyak niyang sagot sa ginang at nanalangin na sana ay tulugan siya. Himala kasi at naalala nitong kumustahin ang nanay niya ngayon."Tutulungan kita sa pagpagamot sa iyong ina pero sa isang kundisyon."Maaliwas ang mukhang nag angat ng tingin si Clara. "Talaga po? Lahat po ay gagawin ko basta tulungan niyo lang ang nanay ko na gumaling!"Napangiti si Lita at nagustuhan ang naging sagot ng dalaga. Pagtingin niya sa anak ay nakangiti rin ito. Tumikhim siya bago nagsalita. "Alam mo naman ngayon na nagkaproblema din sa kompanya, 'di ba?"Tumango si Clara, magpinsan ang ina niya at asawa ni Lita pero hindi sila tinuturing na relatives ng mga ito. "May nag alok nang malaking halaga sa pamilya natin at makaalis na rin mula sa pagkabaon sa utang kapalit ng pagiging surrogate mother."Nagugulohang tumingin si Clara sa ginang at bakit sinasabi sa kaniya ang bagay na iyon. Bigla
Naaawang nilapitan ni Dean ang dalaga nang wala na itong kasama. Nag angat siya nang tingin nang maramdamang may ibang tao sa paligid. Nang makilala si Dean ay mapait na ngiti ang pumaskil sa kaniyang labi. "Sorry, hindi ko talaga sinasadya na magalit sa akin ang kaibigan mo."Napabuntong hininga si Dean, hindi na siya nagtanong at inalok na lang ng tulong ang dalaga. "Ihatid na kita sa inyo."Hindi na tumanggi pa si Clara sa alok ng binata. Hindi na rin niya kayang maglakad mag isa at nanghihina mga tuhod niya. Daig pa niya ang napilayan dahil wala na ang magandang trabaho sana. Isang lingo pa lang siya sa trabaho at malaki sana ang suweldo ngunit tanggal agad.Inalalayan ni Dean ang dalaga hanggang sa makasakay sa kotse niya. "Saan kita ihahatid?""Sa hospital." Halos pabulong lang na turan ni Clara. "Naka confine ang nanay ko sa hospital." Paliwanang niya sa nagtatanong tingin ng kaibigan.Tumango si Dean bago pinaandar na ang sasakyan. Naawa siya sa dalaga at ramdam niyang pasan
"Hindi ka ba sasayaw, bro?" tanong ni Dean sa kaibigan habang nakatanaw sa dance floor."Gusto mo bang isayaw kita?"Natigilan si Dean at nilingon ang kaibigang nakatayo lang din sa tabi niya. "Gago!" Humulma ang matipid na ngiti sa labi ni Aldrin at mukhang nandidiring lumayo sa kaniya ang kaibigan. "Diyan ka na nga at hahanapin ko si Clara, baka hindi na siya busy." Tinanguan lang ni Aldrin ang kaibigan. Nang may dumaang waitress ay kumuha siya ng wine glass. Tama lang na umiinum siya nang mahagip nang paningin ang babaeng hinahanap ng kaibigan. Nangunot ang noo niya nang makitang tinabig ng isang babae ang balikat nito kaya nilapitan niya.Nagulat si Clara sa biglang harang sa kaniya ng dalawang babae at halatang galit. Hindi niya kilala ang mga ito lalo na at halatang anak mayaman."Bitch, ano ang ginawa mo at naging malapit ka kina Dean?" tanong ng isang babae kay Clara. "Excuse me po, pero hindi ko alam kung bakit kayo galit sa akin? Simpleng staff lang po ako dito at ayaw
Pagkahatid ni Aldrin sa basket sa isang tabi ay umalis din siya agad at tumawag ang kaniyang ina. Napasunod ang tingin ni Clara sa lalaking tumalikod na at umalis na walang paalam. Guwapo ang lalaki ngunit mukhang may sariling mundo at hindi mahilig magsalita."Clara, ayos ka na ba dito?" tanong ni Dean sa kaibigan."Oo, maraming salamat ha. Pakisabi rin sa kaibigan mo na salamat!"Ngumiti si Dean sa dalaga, "kapag kailangan mo ng tulong ay tawagan mo lang ako." Ibinigay ni Dean ang numero sa dalaga.Muling nagpasalamat si Clara sa binata. Matandain siya lalo na sa numero kaya kahit hindi na niya e save ang numero nito sa phonebook ay tanda na niya iyon.....Nakangiting humarap si Natasha sa ina. Katulad niya ay naluluha rin ito habang pinagmamasdan siya. Ngayon ang araw ng kasal niya at alam niyang si Dark ay kanina pa naiinip sa simbahan. "Huwag na kayo mag iyakan pa at napapagod na ang make up artist ninyo." Saway ni Travis sa mag-ina niya.Natatawang niyakap na lang ni Natasha
Iginala ni Aldrin ang tingin sa paligid ng simbahan kung saan idadaos ang kasal ng tiyahin. Secured ang paligid at nagkalat ang tauhan nila pero instinct na niya ang ganoong gawain. Nasiguro naman nila na wala nang baliw na mga kriminal pero hindi pa rin dapat sila maging kampanti."Bro, hindi ba imbitado ang maging ina ng anak mo?" pabirong tanong ni Dean sa kaibigan."Hindi ko alam at ayaw ko siyang pinag uusapan." Malamig na tugon ni Aldrin sa kaibigan. Natawa lang si Dean sa reaction ng kaibigan. Ang alam niya ay mas matanda sa kanila ng isang taon ang babaeng maging ina ng anak nito."Tsk, bakit ba ang aga ay nandito na tayo?" reklamo ni Aldrin nang mapatingin sa suot na relo.Natawa si Dean, "itanong mo sa iyong buddy." Ininguso niya si Dark na hindi mapakali sa kinatayuan.Pumalatak si Aldrin, pati siya ay nadamay at kailangan niyang samahan ang maging asawa ng tiyahin. Siya kasi ang best man kaya no choice siya."Bro, sandali at lapitan ko lang ang isa sa kakilala ko. Naalal
"Bro, kilala mo na ba ang babaeng mapalad na maturukan ng sperm mo?" tanong ni Dean sa matalik na kaibigan.Tinungga muna ni Aldrin ang laman ng basong may lamang wine bago sinagot ang kaibigan. "Hindi na kailangan."Tinawanan siya ni Dean. Ngayong araw ang pormal na pagpakilala sa babaeng maging ina sa una niyang anak pero wala siyang balak sumama sa mga magulang. Pupunta ang mga ito sa bahay ng babaeng iyon upang pag usapan ang lahat ng detalye. Tulad sa napag usapan nila ng abuelo at ama, Artificial insemination ang gagawin upang mabuntis ang babae. Hindi sa wala siyang gana sa sex or hindi active, ayaw lang niya magkaroon ng body contact sa kung sinong babae na lang. Ayaw niya ring mag expect ang babae na maaring magkaroon nang higit pa sa pagiging ama at ina sa batang mabuo sa pagitan nilang dalawa. Ayaw niyang magkaroon ng obligasyon sa babae maliban sa maging anak nila. Bayad din ito at ang mga magulang nito na baon sa utang sa kaniyang pamilya."Pero ang ganda niya, wala ka b
"Malalim na ang gabi, ang silid na tutulugan mo Dark ay nakahanda na."Nagkatinginan sina Dark at Natasha matapos marinig ang sinabi ng ina.Natatawang pinagmasdan ni Tristan si Dark. Mukhang hindi nito inaasahan na paghiwalayin pa ang mga ito ng silid. Nakangising nilapitan niya ito at binulungan. "Puwede mo namang gapangin kapag tulog na ang lahat."Asar na sinamaan ng tingin ni Dark si Tristan. Kung wala lang ang mga magulang ni Natasha sa harapan nila ay nasapak na niya ito."Mauna na kami, mom, dad at bawal magpuyat ang buntis." Paalam ni Axel sa mga beyanan."Kami din po, tito, at bawal ako mapasmo." Paalam rin ni Tristan bago kumindat sa asawa.Kinurot ni Jade sa tagiliran ang asawa at kung ano na naman ang nalabas sa bibig nito. Ibang pasmo kasi ang tinutukoy nito at nahihiya siya sa mga naroon. Mabuti na lang at walang nagbigay ng ibang pakahulugan sa sinabi nito."Malalim na rin ang gabi kaya mabuti pa ay magpahinga na ang lahat." Tumayo na rin si Travis bago binalingan ang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.