Mesmerizing Eyes - Chapter 19
SINIKRETO ni Arizona ang katulong na si Chedeng, bago siya nagtungo sa kumedor. Hinanap niya ang lumang maleta niya na kinalalagyan ng mga tunay na damit.
"Dadalhin ko ang mga iyon, Chedeng. Pakisigurado mong naikarga iyon sa sasakyan ng Sir Tyler mo, bago kami umalis, ha?" Ginaya niya ang tono ni Terry kapag nag-uutos sa mga katulong. Magiliw na may kaunting tigas.
"Opo, Ma'am Arizona," ang magalang na tugon naman ng kausap.
Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya rito bilang pasalamat.
Naghihintay na ang magkapatid sa hapagkainan nang makarating siya sa kumedor.
"Nandito na pala si Ate. Puwede na tayong mag-umpisa," pahayag ni Terry.
"Sorry I'm late," wika ni Arizona habang nauupo sa silyang hinila ni Tyler para sa kanya.
"It's alright. You look very lovely tonight," papuri ng baritonong tinig ni Tyler. "I like your dress, darling," dugtong
Mesmerizing Eyes - Chapter20"AT last, Mrs. Romulo!" bulalas ng butihing duktor ni Arizona, si Dr. Pierrie. "You shall be able to see how handsome I look!" dugtong pa, pabiro.Excited di si Arizona ngunit ayaw niyang bumigay agad.Paano kung hindi naman pala tagumpay ang operasyon?She killed the ugly thought right away.Hindi dapat mabigo ang lahat ng mga pinaghirapan ni Tyler.Oh, Tyler...! daing ng puso niya. Bakit hindi ka dumating ngayon?She had a series of short but delicate eye operation by laser technology, in the past few weeks.The last one was major. And her husband had remained beside her even though she was unconscious with drugs.Ngunit nang matiyak na wala siya sa peligro, nagpaalam ito na 'sasaglit' lang sa farm para kumustahin si Terry.Ang 'saglit' na iyon ay halos isang linggo na.Nagpadala na raw ng email si Dr. Aguilar. At tumaw
In Love with the BossSYNOPSISHow painful was it to hide the love that bursts in your heart? Did the agony of unrequited love become a part of life with time? Would the pain become as normal as breathing? Responsibility lies heavy on Avery’s shoulders but her love for the only family she has provides the energy to go on fighting. When love knocked on her door, would she open it?* * *In Love with the Boss - Chapter 1Madilim-dilim pa nang bumangon si Avery. She tried to be silent as she prepared breakfast. Ngunit..."Avery, iha? Ikaw ba iyan?""Opo, Mama," tugon niya. Malamyos at medyo paos ang kanyang boses. It was a natural huskiness na sexy sa pandinig, but she didn't know it. "Magpahinga pa po kayo habang ipinagtitimpla ko kayo ng gatas."Tumalima naman ang matandang babaeng nakaratay sa kamang nasa isang panig ng salas. Tila pagud na pagod ba. Parang hindi nakapagpahi
"Clock-watching, Miss Cruz?" panunuya ni Zane sa kanya. "Hindi ko alam na may ganyang bisyo ka rin, katulad ng ibang mga empleyada ng kumpanyang ito."Nag-init ang mukha ni Avery dahil sa matinding pagkapahiya. "S-sorry, sir," aniya, mababa ang boses. Wala siyang balak na ipaliwanag ang tutoo. Kaytagal niyang itinayo ang makapal na pader na iniharang niya sa sarili.Hindi na kumibo ang lalaki, after staring at her searchingly. Saka lang uli siya nakahinga nang maayos nang lumipat na sa folder ang atensiyon nito."Tumawag ba si Gary sa iyo?"The question was from out-of-the-blue. Hindi inaasahan ni Avery ngunit maliksi siyang napailing. Kung maaari lang, ayaw na niyang marinig ang pangalang 'Gary'. Parang iyon kasi ang naging susi na mabuksan ang bilangguan ng forbidden attraction niya kay Zane."Good," wika naman ng lalaki, pa-kaswal pa rin. "Gusto kong tapusin ang business proposal para dito sa Romano Incorporated. Maaari ka bang mag-overtime?"
Gayon na lang ang pagkagulat niya nang si Zane ang tumambad sa harapan niya matapos mabuksan ang gate.Hindi niya napigil ang panghihilakbot at ang biglang pag-atras na para bang tatakbo nang palayo."Sandali lang, Avery. Huwag mo sana akong pagsarhan ng pinto," pigil ng lalaki. He looked earnest and humble."A-ano po ang kailangan n'yo?" tanong ni Avery. Hindi na siya dapat pang makipag-usap sa lalaki ngunit nangangamba siyang baka mangulit ito.Inilantad ni Zane ang isang pumpon ng mapuputing rosas na nakabalot sa plastik. "Gusto kong patawarin mo ako, Avery."Parang nangunti ang dalaga ngunit hindi niya alam kung bakit. She was suddenly shy dahil ngayon lang siya inalayan ng bulaklak ng isang lalaki.Kumuyom ang mga palad niya. Nagpipigil na kunin ang iniaabot. "N-nakalimutan ko na ang nangyari, sir."Bumuntonghininga si Zane. "Nagsisinungaling ka, Avery."Hindi kumibo ang dalaga. Tumingin lang siya sa lupa."Maaari b
"Bakit sinasabi mo ang mga iyan ngayon?" asik ni Avery. Bahagya na lang niyang makontrol ang galit na pagkapahiya.Humakbang palapit sa kanya si Zane. Hinawakan siya sa magkabilang balikat at bahagyang inalog. "Para magising ka sa katotohanan," ganting-asik nito. There was anger in his dark eyes. "All this time, inakala kong kaya hindi mo ako napapansin ay dahil sa mayroon ka ng pag-ibig. Binigyan kita ng katahimikan. Hinayaan kita habang patuloy ako sa pagiging hibang... God! Kung hindi pa dumating si Gary, wala pa ring nangyayari sa sitwasyon ko!""Hindi tutoo ang sinasabi mo," ungol ni Avery, kahit na gustung-gusto na niyang maniwala.Isang halik ang iginawad ni Zane sa noo ng dalaga. "I'm telling the truth," bulong nito. "You've been my obsession for so long."Ibinaling niya ang kanyang ulo upang hindi magkalapit ang kanilang mga labi. "Hindi! Naglalaro ka lang. Iniwan ka marahil ng isa sa mga girlfriends mo kaya nagkaroon ng bakante sa schedule mo."
It was a dangerous question kaya hindi siya tumugon. Lumabas agad siya sa silid na iyon.Maghapon, tahimik na tahimik si Zane. Nag-uutos ito kapag may kailangan ngunit mabibilang niya sa kanyang daliri ang pagkakataon na tinawag siya nito sa loob ng opisina.Dumating ang oras ng uwian kaya medyo nakahinga na nang maayos ang dalaga. Mistulang pugon ang office dahil parang init na init siyang hindi niya mawari."Avery? Can you come in here?" Muntik nang mapatalon sa pagkabigla nang bumuglaw sa adjoining door ang lalaking laman ng kanyang isipan sa maghapon. "I want to talk to you.""Yes, sir." Ikinubli niya ang pagkagulat."Sit down," anito nang makapasok na siya. Nanatili itong nakatayo sa pintuang isinara at sinandalan.Alumpihit si Avery. "A-ano po ba ang sasabihin ninyo?""I'm only thirty-six, for christ sake!" bulalas ni Zane, parang napipikon sa pamumupo niya. "Stop treating me like an old man!"Napapitlag si Avery. Namutla
Ang mga kaibigan niya ay bihira na niyang masipot sa kanilang tipanan. Nauunawaan naman siya ng mga ito ngunit alam niyang mayroon na ring paghihinampo kina Rosario, Casandra, at Helena. "Ate, si Sir Zane po," pahayag ni Diding. "Gusto raw po kayong makausap." "Sige na, iha, harapin mo na," pang-uulok ni Mama Nena. Nagpapawis ang mga kamay ni Avery dahil sa labis na nerbiyos. Ang pagkayamot na nadarama niya dahil sa pakikialam ng lalaki ay unti-unti nang pinalis ng mga nasaksihan niyang kasiyahan ng pamilya. Can I be selfish enough to end all the good things for Teo, Lea, and Mama Nena? ukilkil niya sa kanyang sarili, habang patungo sa kinaroroonan ni Zane. Ano ba talaga ang nakita ng lalaking ito sa akin? tanong pa niya. "Good evening, Avery," ang magalang na bat
INESTIMA niya nga si Zane nang dumating ito. And she was utterly surprised to discover that she enjoyed talking with him. Zane was prepared to meet her halfway. "Puwede ba kitang ma-imbitang lumabas?" The question was unexpected. "Bakit? May okasyon ba?" "I want to celebrate something," dugtong ng lalaki nang makita ang pag-aalinlangan niya. "Itong pagkukuwentuhan natin nang hindi tayo nagtatalo ay isa nang okasyon para sa akin, Avery." "Oh." She was suddenly shy. "Payag ka ba?" "Uhm, k-kailan--?" patianod niya. "Tomorrow night? It's a Saturday. We can stay out till late," he suggested with naked eagerness. Avery hesitated. "Hindi ba puwedeng dito na lang sa bahay mag-celebrate?"&n