INESTIMA niya nga si Zane nang dumating ito. And she was utterly surprised to discover that she enjoyed talking with him. Zane was prepared to meet her halfway.
"Puwede ba kitang ma-imbitang lumabas?"
The question was unexpected. "Bakit? May okasyon ba?"
"I want to celebrate something," dugtong ng lalaki nang makita ang pag-aalinlangan niya. "Itong pagkukuwentuhan natin nang hindi tayo nagtatalo ay isa nang okasyon para sa akin, Avery."
"Oh." She was suddenly shy.
"Payag ka ba?"
"Uhm, k-kailan--?" patianod niya.
"Tomorrow night? It's a Saturday. We can stay out till late," he suggested with naked eagerness.
Avery hesitated. "Hindi ba puwedeng dito na lang sa bahay mag-celebrate?"
"It was one of my fantasies to be able to share a romantic candlelight dinner with you," he stated simply.
That evening was a success. Avery found herself reluctant to destroy the budding friendship between them. "O-okey."
"Seven o'clock?"
"Seven o'clock," she repeated with some misgivings.
Ang talagang problema niya ay ang isusuot. Matagal-tagal nang dormant ang social life niya.
Pasalamat naman siya nang makakita ng appropriate evening dress nang maghalungkat siya ng mga built-in closets sa kanyang kuwarto. Tinernuhan niya ng tatlong pirasong jewelries para hindi naman magmukhang ulila ang white satin Sabrina dress. Limang taon na sa kanya ang bestidang iyon. Isa sa mga regalo ni Papa Justo sa kanya noon...
Nangilid ang luha sa mga mata ni Mama Nena nang inspeksiyunin siya nito. "Napakaganda mo, iha. Sana ay mag-enjoy kayong dalawa ni Zane."
"Salamat po, Mama." Ginawaran niya ng halik ang matanda sa pisngi. "Hindi po ba halatang medyo luma na ang suot ko?" Avery was tensed with worry. Ayaw niyang mabigyan ng kahihiyan si Zane sa harap ng mga kakilala't kaibigan nito.
"Ah, Avery, stop talking rubbish. You look elegant and chic--as always. Ikaw lang ang babaeng nakilala ko na walang vanity. And I love you more for being like that. I am proud to be your mother."
She became even more troubled. Hindi alam ni Zane na ampon lamang siya ng mga Cruz. Paano kung--?
Ipinilig ni Avery ang kanyang ulo. Hindi na siya dapat nababahala sa mga bagay na hindi importante.
Wala naman siyang ilusyon na magkakatutoo ang isang magandang ending sa kanilang dalawa ni Zane kaya hindi na niya dapat isipin kung siya ba ay puwedeng matanggap ng lalaki kapag lumabas na ang tutoo sa kanyang pagkatao.
"Maraming salamat, Mama Nena. Palagi n'yo akong nabibigyan ng linaw ng isipan at lakas ng loob. Sige po. Magpahinga na kayo. Bukas ko na lang kayo kukuwentuhan kung saan kami nagpunta."
Inihatid siya ng tanaw ng matanda, maluha-luha sa kaligayahan.
En punto nang dumating ang lalaki. Ibang modelo naman ng kotse ang dala nito. Isang BMW na kulay maroon. At ang sakay ay isang makisig na Zane Dela Cuesta.
His clean-cut, jet-black hair glistened under the street lights but his arrogant features remained a mystery to her searching gaze.
Gusto niyang makita ang reaksiyon ng lalaki sa kanyang kabuuan. Avery felt small and ordinary beside this handsome man.
"You're beautiful, Avery. You have surpassed my expectation," papuri ng lalaki sa kanya.
She smiled gratefully at his flattery. She needed his confidence. "Thank you."
"Nagpaalam na ako sa iyong Mama. I called her from the office so I don't have to come inside. Shall we go? Medyo malayu-layo ang biyahe natin."
Tumango si Avery. Abut-abot ang kaba ng dibdib niya. Nanginginig siya na hindi niya mawari. Lalo na nang hawakan siya ni Zane sa isang siko upang alalayan sa pagsakay.
His light touch made her quiver inside.
"Itinatanong ni Mrs. Cruz kung saang restaurant kita dadalhin," umpisa ni Zane nang nasa daan na sila. "I told her that it's a surprise."
Sumulyap si Avery sa gawi ng lalaki. She was looking out the window, trying to control her excitement. "Gusto lang niya marahil mag-recommend ng restaurant sa iyo," aniya nang makitang bahagyang nakangiti ang kasama.
"Ah, ganoon ba?" He was suddenly thoughtful. "Dati sigurong gourmand ang iyong Mama. Tiyak na magkakasundo sila ni Pierre."
Maraming hindi sinabi si Zane na nabasa naman ni Avery. The air was stilted around them. Maraming gustong itanong ang lalaki ngunit nagdalawang-isip ito. Iniiwasan marahil na ma-offend siya.
Everything's just a beautiful dream, Avery, bulong niya sa kanyang sarili habang pinapanood niya ang mga sasakyang nalalampasan nila sa EDSA. To be with Zane was one of her wildest fantasies!
Hindi sila sa isang exclusive restaurant pumunta, katulad ng inaasahan ni Avery. Sa mismong bahay ni Zane sila maghahapunan.
"B-bakit dito--?" Alanganin siyang umibis ng sasakyan nang pumarada na sa harap ng magarang mansiyon.
"I like privacy when I am with a beautiful woman," he told her gently. "But if you don't like it here, we could still go somewhere."
She felt trapped. "You should have told me," sambit niya.
"You've been here many times before, Avery. Akala ko'y mas magiging comfortable ka dito."
Tutoo ang sinabi ni Zane ngunit ang mga naunang pagkakataon ay pulos trabaho lamang.
"Wala kang dapat na ikatakot, Avery. Marami kang chaperon dito. Nandiyan si Pierre at ang mga katulong," he added in order to allay her fears.
She decided to be reckless for once in her life. Umibis siya ng kotse nang walang assistance. Para bang nagmamadali siya upang hindi na magbago pa ang kanyang isipan. "Sorry for my being silly," she said with embarrssment. "N-nagulat lang ako."
Muli siyang hinawakan ng lalaki sa siko habang papasok sila sa maluwang na pinto. "It's okey, Avery," anito habang nakangiti nang masuyo. "I understand."
Lumitaw si Pierre mula sa kung saan nang nasa foyer na sila. Bahagyang nanlaki ang mga mata nito nang makita siya. "Miss Cruz," sambit nito. Tila hindi siya ang inaasahaan nitong kasama ni Zane. "Good evening. Nakahanda na ang mesa, sir."
"Good." Hinila siya ni Zane nang manatili siyang nakatulos sa kanyang kinatatayuan. "Shall we, Avery?"
Tumango siya, bago ikinikilos ang mga paa.
Malinaw ang nabasa niyang discrimination sa mga mata ni Pierre. Hindi na kailangang sabihin kay Avery ng sinuman na hindi siya bagay kay Zane!
Tamilmil siya habang naghahapunan.
"Have you lost your appetite on the way here, Avery?"
"H-hindi, busog pa kasi ako. Sinaluhan ko sa meryenda ang kambal kanina. Naparami yata ang nakain kong cake," pagdadahilan niya.
"I was wishing that we could repeat last night, Avery. Masarap kang kakuwentuhan kapag hindi ka tense na ganyan," he sighed wistfully.
"Na-surprised kasi ako," dagdag niya.
Nagsalin ng alak sa kopitang bakante si Zane. Tumanggi na siya kanina sa white wine na ka-partner ng main course ngunit sinalungat ng lalaki ang pagtutol niya.
"Kaunting pampa-relax lamang ito, Avery. Taste it, you'll find it sweet and harmless."
Dumating si Pierre para magligpit. He had a disapproving air. Kaya lalong nailang ang dalaga. Sa katarantahan, napalagok siya ng puting alak. Nagulat pa siya nang makitang halos maubos niya ang isang punong kopita.
"Hey, slowly, Avery. You must smell it first and admire its clearness against the light before sipping small amounts to awake your sleeping palate."
Sinunod niya ang itinuro ng lalaki. Pamaya-maya pa, tumatalab na ang epekto ng alak.
Dinampot niya uli ang kopita at sumimsim even though she was feeling tipsy already. The urge to be reckless continued.
"Do you want to get drunk?" Zane chided her as he poured her another full glass of the sparkling white wine.
She shook her head and then immediately regretted it when she felt nauseous.
Zane stood up to attend to her when she reeled in her seat. "C'mon. I'll take you to the guestroom."
Susuray-suray si Avery habang humahakbang. Nangangapal ang balat ng mukha niya at parang lumalaki ang kanyang ulo. Kinapa ng isang kamay niya ang kanyang buhok but her fingers were clumsy kaya nakalas ang pagkakapusod niyon.
"Nahihilo ako," daing niya nang di na mapigil ang pag-ikot ng paningin.
"You're not accustomed to alcohol, dapat ay naghinay-hinay ka sa pag-inom," wika ng lalaki.
Napapikit siya nang magsimulang uminog ang kanyang paligid. "Gusto ko nang umuwi," hiling niya, halos pabulong. Parang hinihigop papalabas ng katawan niya ang kanyang lakas. "I don't feel well."
"Okey," tugon ng lalaki. May iba pang sinabi ito ngunit nilamon na ng karimlan ang kanyang diwa.
Nang mahimasmasan siya ay nakahiga na sa isang kama. Kasinlaki lang ng kuwarto niya sa Cruz Residence ang kinaroroonan ngunit may mas magara ang decor.
"How do you feel?" tanong ni Zane nang makitang nakamulat na siya. Nakaupo lang pala ito sa silyang nasa malapit sa kama. "Nawalan ka ng malay-tao kanina."
Nagkumahog siya sa pagbangon. "O-okey na ako. Nais ko nang umuwi," aniya habang hinahagilap ng mga paa ang sapatos sa lapag. "Baka nag-aalala na sina Mama--"
"Tumawag na ako sa inyo. Alam na nila kaya hindi sila mag-aalala," salo ni Zane. "I suggest, you rest for a while longer. Padadalhan kita ng mainit na tsaa kay Pierre." Tumindig ito upang humakbang patungo sa pintuan.
Nagdumali sa pagkilos si Avery. Zane Dela Cuesta was wearing an enigmatic expression kaya hindi niya mabasa ang iniisip nito sa kanyang foolishness.
Minasdan niya ang kanyang repleksiyon sa salamin ng dressing table matapos ayusin ang buhok. Her appearance had a semblance of normality. Wala na ang matinding pamumutla niya.
May kumatok sa pinto bago pinihit ang seradura. Si Pierre. May dala itong isang tray na may nakapatong na porcelain cup and saucer at teapot. "Inumin mo raw ito para umige pa lalo ang pakiramdam mo," anito habang papalapit sa kanya.
Nailang siya dito dahil halos walang kakurap-kurap ang pagkakatitig nito sa mukha niya.
"S-salamat."
Tumikhim ang lalaki habang tila naghahanap ng tiyempo sa gustong sabihin sa kanya. "Kilala mo si Miss Yvonne Barcelona, hindi ba?"
Tumango si Avery. Iyon ang latest girlfriend ni Zane ngunit may ilang buwan nang hindi nakikipagkita sa lalaki kaya inakala niyang wala na ito. In fact, last month ay inutusan siyang magpadala ng isang dosenang bulaklak na pula sa model na papasikat na.
"Mabuti naman," patuloy ng kausap. "Nakatakda na ang kasal nila nang magkaroon ng break si Miss Barcelona sa Paris. Iniwan niya si Sir Zane ngunit walang malinaw na usapan tungkol sa pagbe-break. So, officially, magnobyo pa rin sila, hindi ba?"
"Oo," tugon naman ni Avery. "Bakit mo sinasabi sa akin ito?" Hindi niya kinuha ang tsaang iniaabot sa kanya. Nakatitig lang siya sa mukha ng katiwala ni Zane.
Bumuntonghininga si Pierre na para bang nakikiramay sa kanya. "Para alam mo kung saan ka nakatayo, Miss Cruz. Bandang huli, masasaktan ka lamang kapag sinundan mo ang iyong ilusyon."
"M-maraming salamat sa iyong pag-aalala. Puwede ko bang malaman kung bakit ka concerned sa kapakanan ng relasyon ni Miss Yvonne at Sir Zane?" She was not sure why she had to ask but, deep inside her, there was an uncontrolled curiosity.
She could not feel triumph ngayong napatunayan niyang hindi tutoo ang ipinakikitang interes ni Zane sa kanya. She could not cry, either. Parang manhid lang siya.
"Si Miss Yvonne ang natitiyak kong makakapagpaligaya kay Sir Zane nang lubos. Her credentials are exceptional--a classy lady with money and intelligence. Near perfect, kung hindi pa nga perpekto talaga."
She took a slow, calming breath. "Pareho pala tayo ng opinyon, Pierre. Gusto ko rin si Miss Yvonne para kay Sir Zane. I'm relieved to know that," pagsisinungaling niya. "Gusto ko na sanang umuwi ngunit pinipigil pa ako ni sir; puwede mo ba akong tulungang makapuslit dito? Kaya ko naman ang sarili ko," hiling niya nang makitang nakukumbinsi na ang kaharap. "Don't worry, hindi ko sasabihin na ikaw ang tumulong sa akin," pangako pa niya.
"Sige, doon ka na lang sa back gate magdaan. Marami din namang nagdaraang taksi doon."
Zane was nowhere in sight nang patingkayad silang lumabas ng kuwarto. Naging madali ang pag-alis ni Avery sa marangyang bakuran na iyon.
Si Diding na lamang ang gising nang makarating siya sa kanila. "Ate, hinihintay ko talaga kayo dahil bilin ni Mama Nena."
"Salamat," aniya. "Matulog ka na, ako na lang ang bahala sa pagsasara dito."
Saka lang niya pinadaloy ang kanyang mga luha nang mapag-isa na siya. Iniyakan niya ang muling kamatayan ng kanyang puso.
Ano ang dapat niyang gawin ngayon? she asked herself as she laid on her bed, staring at the ceiling. Mali ang sitwasyon ngayon. Hindi nila kaanu-ano si Zane Dela Cuesta kaya hindi sila dapat tumatanggap ng tulong-pinansiyal mula dito. A, wala siyang magagawang solusyon sa ngayon--ni hindi siya puwedeng mag-resign...
KINABUKASAN, Linggo, Avery was in tenterhooks all day long. Although, alam niyang hindi naman siya ganoon ka-importante kay Zane, she was expecting him to come after her. "Iha, bakit ba parang hindi ka mapakali diyan?" usisa ni Mama Nena nang mapuna ang ilang ulit na paglabas-masok niya sa kusina at kumedor. "May hinihintay ka ba? Si Zane?" Napilitang tumango ang dalaga. "Hayaan mo't mamayang gabi lamang ay nandito na naman iyon," pang-aalo ng matanda. Hindi kumibo si Avery. Ayaw na niyang madagdagan ang mga kasinungalingang sinasabi niya dito. Kanina lamang ay lubog na siya nang mag-imbento siya ng isang successful evening nila ni Zane. Nataranta siya nang may mag-doorbell. "Roses for Miss Avery Cruz," anang delivery boy na binatilyo. "Kayo ba, miss? Paki-pirma lang di
MISTULANG housewife nga ang naging papel niya sa maghapong iyon. May pagka-demanding ang kanyang pasyente. Naiirita agad kapag nawawala siya sa tabi nito, gayong nag-aasikaso lamang siya ng mga abubot sa palibot. The shower weakened his reservoir of strength kaya maghapong naidlip si Zane; but it was a restless sleep. Maya't maya ay nagigising na para bang binabangungot. "God, it was worse!" bulalas nito nang maalimpungatan mula sa unang malalim na pagtulog, dakong takipsilim na. Dumalo agad si Avery. Dinampot niya ang tuwalyang nakahanda para pamunas ng pawis nito upang idampi sa basang noo at leeg. May kaunting temperature pa ang lalaki. "It's over, you could sleep again," pang-aalo niya sa malamyos na tono. "You're safe now." "I tried to save the babies but it's too late," patuloy ni Zane. Tila nangungumpisal ng isang pagkaka
GUSTO kong umiyak, ang sabi ni Avery sa sarili niya nang matapos ang umaalimpuyong unos ng mga emosyon. Ngunit nanatiling tuyo ang kanyang mga matang nakapikit lamang upang hindi niya makita ang mukha ng kanyang kasalanan, si Zane. "Avery?" His whisper was full of regret and something more powerful than anything on earth. Umungol siya nang hawakan siya ng mahahabang daliri sa magkabilang panga. Pinipilit siyang magmulat ng mga mata. "Sorry," bulong ng lalaki. "Nasaktan na naman kita." Hindi kumibo si Avery. Nananakit ang lalamunan niya dahil sa kasasambit ng pangalan ng lalaking nakaniig. Sa kalagitnaan ng nakahihibang na kasukdulan, hindi na niya alam kung ano pa ang mga katagang nasambit niya. "Marry me, Avery," wika ng paos na b
NAGPASIYANG lumiban sa pagpasok ang dalaga kinabukasan. Umalis siya ng bahay ngunit kay Casandra siya nagtungo. "O, Avery!" Nasorpresa ang kaibigan nang makita siya. "I thought you're in New Zealand? Hindi ka nakarating sa binyag, ha? Pero nauunawaan naman ni Eina, don't worry. Halika, upo. Ano'ng gusto mong inumin? Nagpapatimpla ako ng iced tea, gusto mo na ba 'yon?" Naiinggit si Avery sa kaibigan dahil wala itong kiyeme sa katawan. Casandra had always been good in body language and oral communication. Naalala niya ang love story nito, masalimuot din. "H-huwag ka nang mag-abala, Cassie. Nandito ako dahil gusto ko sanang kumustahin 'yong trabaho sa kumpanya ni Teon." "Sabi ko na nga ba, e. Mamaya na 'yon, ano? Balitaan mo muna ako ng tungkol sa aksidenteng nangyari sa New Zealand. Wala nang follow-up ang local news dito." Naupo
DAHIL pinaandar na naman ni Zane ang kapangyarihan ng salapi, naging madali ang mga preparasyon sa kanilang kasal. Avery was becoming depressed even though a small corner of her foolish heart was rejoicing. "Smile, Avery," Zane growled at her once while they were shopping for her wedding dress and trousseau. "You look dying," he added chidingly. "I'm sorry," bulong niya habang yumuyuko. Parang gusto na naman niyang maiyak. "Dammit, Avery! Don't cry here," he rebuked her in a low voice. "Baka isipin nila dito pinagbabantaan kita para magpakasal sa akin!" "I--I'm sorry," ulit niya, garalgal na ang boses. "Pero tutoo naman, hindi ba?" Tumindig ang lalaki upang alalayan siya palabas ng exclusive boutique. Nagpaalam ito sa sales manager. "Excuse us, ma'am, my fiancee's not f
Sleep with the Boss SYNOPSIS: Indeed… Love comes from the most unexpected places. Gasgas na ang linyang ito pero nagkakatutoo pa rin. Maingat at masinop na babae si Mina, isang sumisikat na interior designer. Sagad sa buto ang kahirapang natakasan niya gamit ang sipag at tiyaga. When she found a gorgeous man sleeping on her bed, lahat ng pinagpaguran ni Mina ay puwedeng maglaho na parang bula. Should she take the chance to gamble for love? But what if the love is just one-sided? Nakakatakot sumugal sa pag-ibig… But Lyon excites her so very much. He makes her feel alive and beautiful. But he feels only desire for her… Ano ang dapat piliin ni Mina? Love or security? * * * Sleep with the Boss - Chapter 1 Mina pushed back the long sleeve of her business suit to look at her gold wristwatch with the briskness of a busy person. "Late na ang eroplano, a?" puna niya
"Ma'am, would you like something to drink?" tanong ng magandang stewardess sa kanya. Tumango si Mina habang ngumingiti nang matipid. "A bottle of cold mineral water, please," tugon niya. "What about snack? We're still two hours away to our destination." Isinulat ng babae ang kanyang order at ang seat number sa dalang notepad. "No snack, thank you." Ipinahinga niya ang kanyang mga mata nang umalis na ang kausap. Nanghahapdi ang mga iyon dahil madaling-araw na siyang nakatulog kagabi. Halos magdamag siyang nag-sketch ng iba't ibang anggulo ng isang living room. Nabalitaan niyang mayroong bidding sa reconstruction ng isang salas sa isang pamosong mansiyon sa Forbes Park. Magpapadala siya ng kanyang presyo at ng kanyang ideas. Baka-sakaling manalo siya. She had the advantage of being a small company and, therefore, having a cheaper price. Katanghaliang tapat nang lumapag ang eroplano sa Cebu Airport. "Huu! Napakainit naman!" reklam
Bumuntong-hininga si Mina habang inilalabas ang kanyang wallet, pati ang sobreng kinalalagyan ng kontrata nila ng mayamang donya. Binasa ng lalaki ang harap at likod ng postal I.D. niya. "Mina Alvarez, twenty seven, single." Bumaling ito kay Sam matapos ibalik sa dalaga ang mga papel niya. "Boyfriend ka ba ni Mina?" Umiling ang binata. "Kapatid niya ako." Tumangu-tango ang lalaki na para bang may ina-aproba-han. "Okey. Puwede na kayong tumuloy." "Teka," pigil ni Mina nang tatalikod na ito para magpauna sa pagpasok. "Ano'ng pangalan mo?" Saka lang niya napagtanto ang panganib na papasukin nila nang maikumpara niya ang patpating katawan ni Sam sa matikas na hubog ng di-nakikilalang katiwala ng malaki at lumang bahay-Kastila. "Ako si Lyon," ang matipid na wika nito. "Ibinilin nga kayo ni Mang Waldo sa akin. Inaasahan nila ang inyong pagdating dito," patuloy nito habang isinasara ang tarangkahan. Inihatid sila ni Lyon sa itaas. "Marami sa