"pwede ba kuya! hindi naman namin pinapalayas yang asawa mong magaling. Kusa siyang umalis dito sa bahay, sinampal niya pa si Celestine, isa pa nabalitaan ko sa mga friends ko na yung haliparot na yun ee dun na nakatira sa condo ni Oliver" sagot pa nito sakin habang si Celestine ay tahimik lang na nakatayo sa likod ni Cecille. "CECILLE! tigilan niyo na kakagawa ng kwento tungkol kay Natalie." napatiim bagang kong sagot dito "sige tawagan mo Sebastian ng magkaalaman kung sino nagsasabi ng totoo dito. i-loud speaker mo para marinig ng lahat ang katotohanan." sabi pa ni mommy sakin. "Hello Sebastian napatawag ka?" tanong nito sakin "Oliver may gusto akong malaman at gusto ko sabihin mo sakin ang katotohanan, lalaki sa lalaki sabihin mo sakin sayo na ba nakatira ang asawa ko?!" tanong ko dito "Sebastian, oo totoong sa condo ko nakatira si Natalie, pero hindi ganun ang ibig sabihin nun. Tinulungan ko lang siya ng minsan ay madisgrasya ang sasakyan na sinasakyan niya, nabangga ang kotse niya sa poste nung oras na umalis siya sa mansion niyo, nakiusap siya sakin na wala na sanang ibang makakaalam ng nangyari kaya pina block namin sa news ang nangyaring aksidenteng ! Kilala mo ako Sebastian, oo tarantado ako at mahilig sa babae, pero hindi ang klase ni Natalie ang babaeng papatol na lang sa ibang lalaki kung wala ang asawa niya. Sya ang klase ng babaeng irerespeto. Siguro kung wala ka sa buhay niya hindi ko palalampasin ang pagkakataon na ligawan ko siya. Kaya ingatan mo ang asawa mo Sebastian, one in a million lang ang ganyang babae, kasi kung aayaw na talaga siya sayo. Hinding hindi ko siya pakakawalan."sagot nito sakin
view moreKIM POV "Puny**a puro na lang ba kamalasan ang nangyayari sa kompanyang to?!" sigaw ko sa sekretarya ko "ipatawag mo nga ang head ng HR. Sabihin mo sa conference room 5" sabi ko pa dito "Okay po Mam" sagot naman nito sakin Nagtungo na ako sa conference room ng galit na galit. Dala ko ang files ng report ng listahan ng mga clients na nag-back out . Sa loob ng limang taon na ako na ang namamahala ng Sta. Barbara madami na sa mga clients namin ang bumitaw sa pagtitiwala sa amin. Nanggagaliiti ako sa galit ng mauna pa kong dumating sa conference room kesa sa HR Manager. "Ano ba naman yan Ms. Han, kanina pa ko dito , kaya walang nagiging usad ang kumpanyang ito kasi napakakakukupad ninyo. Pagpunta na lang sa conference room inaabot pa kayo ng siyam siyam?" pasinghal kong sabi dito "Sorry po Mam, may inayos lang po ako tungkol sa mga taong na lay-way natin." sagot nito sakin, naupo na din ito sa tapat ko "Okay tutal nabanggit mo na din naman yan, kailangan kong magbawas ka ulit
Balisang-balisa na ako, nagbayad na din ako sa Media upang malabas ng balita ng tungkol sa pagkawala ng aking asawa, pero puro bogus lang ang tumatawag sa akin. Wala ni isang makapagbigay ng totoong kinaruruonan ni Natalie. Naging mainitin na din ang ulo ko maski sa kompanya. "AHHHHRGGG" sigaw ko at hinagis ko lahat ng gamit na nasa ibabaw ng aking lamesa. Nakayuko akong nakakapit sa aking ulo ng pumasok si Adrian. Marahil sa takot ng aking sekretarya ay tinawagan nito si Adrian. "Bro ! mahahanap din natin si Natalie." wika nito , nasa likod naman niya ang aking sekretarya at dinampot nito ang mga gamit na hinagis ko, inayos niya ang mga gamit kong inihagis at lumabas na din kaagad. "Bro hindi ko na maintindihan , hanggang ngayon wala pa rin akong makuhang balita tungkol kay Natalie!, bakit naman ito magtatago sa pamilya niya, maiintindihan ko pa kung sa akin lang sya magtatago. Lahat naman ginagawa ko para lang mapahanap siya, ilang imbestigador at detectives na sa Amerika ang bi
Nagulat naman ako sa sinabi ni Kuya Timothy tungkol sa pagbubuntis ni Natalie. Sa dalawang buwan kong pag stay sa US ay napakadami ng nangyari sa buhay naming mag asawa ng hindi ko nalalaman. "Buntis si Natalie?!" gulat kong tanong kay Kuya Timothy. "oo 14 weeks na daw siyang buntis sabi niya sa amin. Hindi pa pala nasasabi sa iyo ni Natalie?" tanong nito sa akin "hindi pa kuya. simula kasi ng umalis ako para sa business venture ng company namin, naging roller coaster na ang pagsasama namin ni Natalie, inaamin ko ang naging pagkakamali ko kung bakit kami nagkaganito. Nalulungkot ako dahil sa pakikinig ko sa mga sinabi sa akin ay naapektuhan pati ang magandang pagsasama naming mag-asawa. Worst pa niyan hindi ko man lang nalamang buntis na pala si Natalie. Nakadagdag pa ako sa ikaka stress ng aking asawa. Simula ng hindi namin pagkakaintindihan ay hindi na kami nakapag-usap ulit. Nang dahil sa pagpapairal namin sa pride namin ay hindi namin napag usapan ang mga bagay tungkol sa amin.
"okay lang Sebastian! pinapatawad na kita!" sagot nito sa akin. Hinalikan niya ako, kaya naman niyakap ko din siya at ginantihan ng halik. Bumitiw ito ng halik sa akin sabay tumalikod papaalis Ulit. "Natalie, Hon! wag mo kong iwan please" paghahabol ko sa kanya, niyakap ko sya mula sa kanyang likuran at hinila ko siya papunta sa aming kama. Pumatong kami sa ibabaw ng kama, patuloy kaming naghalikan hanggang sa maging mapusok ang mga halik na ito, Habang parehas kaming nakaluhod sa kama ay unti-unti kaming naghubad ng aming damit, Matinding pangroromansa ang ginagagawa nito sa akin, kapit ko naman ang kanyang puw*t , maya-maya ay napahiga kami at bigla na lang akong nakatulog sa sobrang kalasingan, hindi ko na naituloy pa ang gusto naming gawin, ayun lang ang huli kong natatandaan bago ko masilyan ang pagsilip ng araw sa maliit na puwang mula sa aming life size window. Niyakap ko pa ito sa aking paggising sa pag-aakalang si Natalie ang aking kasama ng gabing iyon, ng biglang pumasok
Sinubukan kong kontakin si Natalie sa mga sandaling lumabas ako sa pintuan ng mansion pero cannot be reach pa rin ito. Tinatawagan ko din ang kaibigan niyang si Kim pero kinakansel niya ang mga calls ko. Kahit alam kong nasa Amerika siya ngayon at kasama ang mga parents niya ay hindi naman ako magkalakas ng loob na matawagan ang kapatid nitong si Timothy dahil napag-alaman kong dumiretso pala si Natalie sa parents niya matapos na makita niya akong kasama si Suzette sa kama nung huling uwi niya sa US. Sigurado akong nabanggit na niya sa kanyang Kuya at Manang ang nangyari tungkol sa amin. Alam kong kaya hindi niya sinasagot ang mga tawag at messages ko dahil masama ang loob niya sakin.Tinawagan ko muna ang mga kaibigan ko para magpatulong sa mga ito sa dapat kong gawin. Nagkita kami sa bar kung saan kami laging nagtatagpo. Hindi ako masyadong nag-inom. Naguguluhan ako kung ano ba ang dapat kong gawin. Kelangan kong makausap ang mga ito. Dumating naman ang mga kaibigan niyang sila Wesl
"MOMMY!! CECILLE!" malakas na sigaw ko habang pababa ako ng hagdan."Ano ba yun Sebastian?! ang aga aga mong nag-sisisigaw dyan. Kakadating mo lang hiyaw ka na kagad ng hiyaw?" naiinis na sagot sakin ni Mommy."nasan si Cecille? Bakit wala ang mga gamit ni Natalie sa kwarto namin?" nakasinghal kong sagot sa mommy ko. Nakatingin lang sila Manang at Aiza sa akin , pumasok agad ang mga ito sa kusina at nagbusy-busyhan. Alam kasi nila kapag ako na ang nagalit, halos lahat ng gamit sa bahay ay talagang hahagis. Habang naghihintay ako na lumabas si Cecille ay biglang lumabas din si Celestine sa dating kwarto nila ni Kuya Andrew. Nagulat pa ako ng makita ko siyang sa mansion na nakatira."Ano ba yun kuya?! ang lakas ng boses mo. sigaw ka ng sigaw!" tanong nito sakin "ewan ko ba dyan sa kuya mo nagwawala hinahanap ang asawa niya." sabi pa ni mommy"anong ginagawa dito ni Celestine? at bakit dito na naman siya nakatira"tanong ko sa kanila"aba Sebastian bahay ko to ako ang magdedesisyon kung
Nakapag check in na ako ng luggage ko. Hindi na muna ako pumasok sa lounge para maghintay ng boarding ko!, sa labas lang muna ako naglalakad lakad at pumasok ako sa loob ng starbucks coffee.Umorder muna ako ng maiinom bago ako bumyahe. Sa may bandang sulok ng coffee shop ako pumwesto, habang ako ay nagmumuni-muni na umiinom ng aking cold drinks at nakatingin sa labas ng bintana ay bigla na lang sumakit ng sobrang tindi ang aking tiyan!. Namimilipit na ako sa sobrang sakit nito. Nahihiya naman akong magsabi sa mga tao dun, hanggang sa hindi ko na talaga kaya napasigaw ako ng malakas. "AHHHHHHH!" kapit ko ang tiyan ko , tumagaktak naman ang malamig na pawis saking katawan at pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng malay, may nakita akong isang lalaki na lumapit sakin, hindi ko na masyadong nakita ang mukha nito pero alam kong parang ka-edad ko lang ito. Buti na lang nakapitan niya ako bago pa ako himatayin habang papalapit sa akin ang isa pang waitres, narinig ko na lang na nagkakagulo ang
Nagulat ako sa lahat ng sama ng loob na sinabi sakin ni Kim, sa pagkakaalam ko ay okay naman kami. Hindi naman siya nagsasabi sakin sa kanyang nararamdaman o problema man lang sa tuwing kausap ko siya sa office. Ilang beses ko siyang pinatawag sa office pero hindi niya inopen sakin ang nangyari tungkol sa kanyang ina. Hindi ko inakalang kaya niyang gawin sakin ang ganito katinding bagay."Kim, lugmok ako ngayon! Niloko ako ng asawa ko! pati ng pamilya ng asawa ko! Hindi totoong hindi kita tinuturing na kaibigan, at hindi kita binabaliwala (umiiyak kong sabi sa kanya) kelangan ko lang mapag-isa para makapag-isip ng maayos dahil sa naging problema namin ni Sebastian. Hindi ko akalaing aabot sa puntong magagawa mo sakin ang ganitong bagay. Huhuhu! " madamdamin kong sagot sa kanya!"ANG DAMI MONG DRAMA! sige na at kelangan ko pang umattend sa meeting namin. BYE NATALIE!" nang-aasar pa nitong sabi sakin, naririnig ko pa sa kabilang linya ang mga tawa nito bago niya tuluyang ibaba ang tawag
Napaisip ako sa lahat ng nalaman ko tungkol sa naging nakaraan ni mommy at daddy. Kasi kahit sinong tanungin ay mai-de-describe sila bilang may perfect relationship ni Daddy. Kahit ako saksi kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa . Ni hindi ko narinig si mommy na sinumbatan niya si daddy mula ng bata ako hanggang sa lumaki na ako tungkol sa naging kasalanan nito sa kanya. hindi mo mararamdaman sa kanila na nagkaroon din sila ng matinding problema noon. Pumasok na muna ko sa aking silid. Gusto kong magpahinga para makapag-isip ng maayos, ilang araw na din kasing hindi maayos tulog ko sa kakaisip sa problema namin ni Sebastian at ang nangyari kay Bella!. Pati ang kompanya ay napapabayaan ko na.Kinabukasan nang ako ay magising nakita kong kompleto ang pamily ko , kasama ni Kuya Timothy ang kanyang mga anak at si Ate Emily na masayang naglalaro sa may veranda area samantalang si Mommy at Daddy ay naghaharutan na akala mo ay mga bata. Siguro nga ay tama si mommy, kailangan kong makipag-us
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.