Isang masayahin at palakaibigan na dalaga si Bella. Matalik niyang kaibigan na lalaki si Vin simula pagkabata. Magkapitbahay lamang sila at madalas na magkasundo sa lahat ng bagay. Naging magkaklase sila ni Vin simula elementarya hanggang high school. Sobrang close nila sa isa't isa kaya madalas silang magkasama. Ngunit pagdating ng college ay kinailangang umalis ni Vin upang mag-aral sa ibang bansa. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Bella na nagmula si Vin sa mayamang pamilya kaya hindi na sya nagtaka nung kinailangang umalis ni Vin upang mag-aral sa ibang bansa. Lumipas pa ang mga taon ay bumalik na si Vin sa Pilipinas at nalaman eto ni Bella. Nang magkrus ang kanilang landas ay nagtaka si Bella kung bakit parang iba ang pakikitungo ni Vin sa kanya at madalas ay iniiwasan pa nga siya. Doon na nalaman ni Bella na may nararamdaman na pala si Vin sa kanya. Higit pa sa matalik na magkaibigan. Sobra ang tuwang nadama ni Bella dahil napagtanto nyang mahal na rin nya ang binata. Ngunit isang araw ay napalitan ng lungkot ang saya na nadarama ni Bella nang makita nya si Vin na may kasamang ibang babae, si Nicole, at napag-alaman nyang ikakasal na ang mga eto. Labis na nasaktan si Bella. Akala nya kasi ay si Vin na ang nakalaan para sa kanya pero may ibang plano pala ang tadhana para sa kanila. Magagawa pa kayang ipaglaban ni Bella ang pagmamahal nya kay Vin? O hahayaan na lamang nya etong magpakasal sa ibang babae.
View MoreCHAPTER 121BELLA POVPinag isipan ko ng mabuti ang naging desisyon ko na umuwi na lamang muna ako ng probinsya. Mas mabuti na siguro eto kesa naman makikita ko ang taong mahal ko na kapiling na ng iba. Masakit man pero kailngan ko na lamang talaga etong tanggapin. Kailangan ko ng tanggapin na hindi talaga kami ni Vin ang para sa isa't isa. Kaya pipilitin kong kayanin na mamuhay na lamang ng mag isa rito sa aming probinsya.Nandito na ako ngayon sa aming probinsya. Ilang oras rin ang aking byinahe para makarating rito. Napabuntong hininga na lamang ako pagkababa ko ng dyip na aking sinakyan. Andito na ako ngayon sa tapat ng aming bahay. Bigla akong nalungkot dahil naalala ko na naman sila nanay at tatay. Hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng aking luha sa isipin na mag isa na naman ako rito idagdag pa na naalala ko na namn si Vin."Bella? Hija ikaw ba yan?" rinig kong tanong sa akin mula sa aking likuran. Dali dali ko naman pinunasan ang aking mga luha at humarap sa nagsalita napan
CHAPTER 120"Pa ano po ang nangyare?" tanong ni Vince sa kanyang ama matapos nyang makalapit sa kinaroroonan neto. Malapit na sila kanina sa simbahan ng bigla syang tawagan ni Jerry at pinapabalik sila dahil nakabangga raw sila kaya dali dali na syang bumalik para puntahan ang mga eto."Buhatin na muna natin si Vin. Nawalan sya ng malay. Kanina ay para syang namimilipit sa sakit ng ulo at hindi nagsasalita tapos ay bigla na lamang syang nawalan ng malay. Bilisan na natin at dalhin na natin sya sa ospital baka kung mapano pa ang kapatid mo," sagot ni Leonard. Natataranta na kasi talaga sya lalo na ng mawalan na ng malay si Vin kaya hindi na nya alam ang gagawin nya. Dali dali naman nilang binuhat ni Vince si Vin at inilipat sa sasakyan niya para madala na kaagad eto sa ospital.Pagdating sa ospital ay dali dali naman na inasikaso si Vin at agad na pinatawag ang kanyang doktor na sumusuri talaga sa kanya.*********"Miss ayos ka lang ba?" rinig ni Sarah na tanong sa kanya ng isang lalak
CHAPTER 119Nagmamadali naman na pinaharurot ni Sarah ang kanyang sasakyan pagkaalis nya ng bahay nila Bella. Sa pinakamalapit na terminal ng bus sya pupunta. Napakunot naman ang noo nya ng makita nya na biglang nagka traffic."Ano ba naman yan? Bakit naman ngayon pa?" inis na sabi ni Sarah dahil may nagbanggaan at naipit na sya s trapik. Inis na lamang nyang nahampas ang manibela ng kanyang kotse. May napansin naman syang lalake na nakaupo sa tabing kalsada."Kuya magtatanong lamang po. Nagmamadali po kasi ako may iba pa po bang way na pwedeng daanan papunta sa terminal?" tanong ni Sarah sa lalaking nakaupo lamang sa tabing kalsada."Terminal ho ng bus? Dito ho. Lumiko lamang ho kayo diyan tapos ay kakaliwa ho kayo. May makikita ho kayong vulcanizing doon ay kakanan naman ho kayo. Malapit na ho iyon sa terminal ng bus," sagot naman ng lalake. Tila nabuhayan naman ng loob si Sarah dahil may iba pa pala na daan na pwede nyang madaanan papunta sa terminal."Maraming salamat po," sabi ni
CHAPTER 118Tahimik lamang naman sa byahe ang mag amang Vin at Leonard. Halos kalahating oras rin kasi ang maging byahe nila papuntang simbahan. Magkakasunod lamang din naman ang mga sasakyan nila at nasa hulihan nga ang sinasakyan nila Vin."Sorry anak kung nararanasan mo eto," pambabasag ni Leonard sa katahimikan nila ni Vin. Napalingon naman si Vin sa kanyang ama at hinintay pa nya ang kasunod netong sasabihin."Pasensya ka na anak dahil alam ko naman na ako ang dahilan kung bakit nangyayari sa iyo ang lahat ng eto ngayon. Sorry anak," hinging tawad ni Leonard sa kanyang anak na si Vin. Simula kasi ng maaksidente si Vin ay binabagabag na sya ng kanyang kunsensya dahil sa naging padalos dalos ang kanyang desisyon na pumayag sa gustong mangyare ni Mr. Sanchez. Hindi nya rin magawang magalit sa kanyang asawa dahil tama naman lahat ng sinasabi neto na kasalanan nya kung bakit eto nangyayare kay Vin. Napabuntong hininga naman si Vin bago nagsalita. "Wala na rin naman po tayong magagawa
CHAPTER 117Sa bahay naman nila Vin ay parang wlang kagana ganang kumilos ang pamilya nya. Tahimik lamang silang lahat at nagpapakiramdaman. Ang mga magulang ni Vin ay hindi rin nag iimikan dahil sinisisi pa rin ni Valerie ang kanyang asawa kaya eto nangyayare sa anak nilang si Vin. Ang mga kapatid nman ni Vin na sila Viela at Vanessa ay tahimik rin sa isang tabi. Ayaw rin kasi nilang makasal si Vin kay Nicole dahil si Bella ang gusto nila para sa kuya Vin nila. Si Vince naman ay kasama ang kanyang mag ina at tahimik rin sila dahil naaawa sya para kay Vin."Bakit ganyan ang mga mukha nyo? Burol ba ang pupuntahan natin?" sabi ni Vin nang pagkababa nya ng hagdan ay napansin nya na hindi maipinta ang mukha ng kanyang pamilya. Nakabihis na kasi ang mga eto pero mga malulungkot ang mga mukha."Mas mabuti pa nga siguro na burol na lang puntahan natin kesa sa kasal nyo ng Nicole na yan," seryosong sagot ni Valerie."Ma," saway ni Vin sa kanyang anak. Linapitan naman ni Valerie si Vin."Anak
CHAPTER 116Araw na nang kasal ngayon nila Vin at Nicole. Hapon pa naman ang kasalan pero maaga pa lamang ay naghahanda na sila.Abalang abala naman si Nicole sa kanyang sarili. Maaga syang naghanda at inayusan dahil kukuhanan pa sya ng mga larawan. Nakangiti naman na tinititigan ni Lyndon ang kanyang anak na si Nicole. Masayang masaya sya sa nakikita nya ngayon na maligaya ang kanyang anak."Are you happy?" tanong ni Lyndon kay Nicole ng malapitan nya eto. Matamis naman na nginitian ni Nicole ang kanyang ama."Super happy. Thank you dad," sabi ni Nicole at hinalikan pa nya sa pisngi ang kanyang ama."Anything for you my lovely daughter," nakangiting sagot ni Lyndon sa anak."Your the best dad. I love you," nakangiti pang sabi ni Nicole. Sobrang saya nya ngayon dahil sa wakas ay dumating na ang araw ng kasal nila ni Vin. Matagal na nyang pangarap na maikasal dito at ngayon na dumating na ang araw na eto ay walang pagsidlan ang saya na nadarama nya.Samantala naman sa silid ni Sarah ay
CHAPTER 115Sa bahay naman nila Vin ay tahimik ang buong pamilya niya. Ang kanyang ama na si Leonard ay tahimik lamang din gumawa na rin namN eto ng paraan para hindi matuloy ang kasal dahil tila ba nakukunsensya na sya dahil sa nangyare kay Vin. Ang mga kapatid naman nyang sila Vince, Viela at Vanessa ay malungkot din para kay Vin. Si Valerie naman ay tahimik na pumasok sa kwarto ni Vin."Vin anak ayos ka lang ba?" tanong ni Valerie nang makapasok na siya sa loob ng kwarto ni Vin. Napalingon naman si Vin ng magsalita ang kanyamg ina."Opo Ma. Ayos lamang naman po ako," sagot ni Vin. Napabuntong hininga naman si Valerie dahil parang naiistress na sya dahil sa mga nangyayare."Anak hindi mo pa rin ba talaga maalala si Bella?" muling tanong ni Valerie kay Vin. Umiling naman si Vin sa kanyang ina."Wala pa rin po talaga Ma. Pinipilit ko naman po pero wala po talaga akong maalala tungkol kay Bella," sagot ni Vin. Napabuntong hininga naman muli si Valerie."Anak bukas na ang kasal nyo ni N
CHAPTER 114Nang maiwan naman sila Valerie at Nicole ay hinintay muna ni Valerie na makalayo si Vin bago nagsalita."Nicole hija sigurado ka na ba talaga na gusto mong mapangasawa ang anak ko?" tanong ni Valerie kay Nicole. Ngumiti naman si Nicole rito."Opo tita. Gusto ko pong maging asawa si Vin. Noon pa po ay hinahangaan ko na siya. Kaya po ng magkaroon ako ng pagkakataon na hilingin sya kay dad ay hiniling ko na po talaga eto," nakangiti pa na sagot ni Nicole."Hija nag aalala lamang ako sa magiging buhay nyo ni Vin dahil hindi naman talaga kayo nagmamahalan. Sagrado ang kasal Nicole. Hindi basta basta ang pag aasawa hindi yan isang pagkain na kapag ayaw mo na ay maaari mo ng iluwa. Please hija pag isipan mo na munang mabuti habang may ilang araw pa bago ang kasal ninyo ni Vin," mahabang paliwanag ni Valerie kay Nicole. Gusto nya kasing makumbinsi ang dalaga na wag munang ituloy ang kasal. Napabuntong hininga naman si Nicole dahil sa sinabi ni Valerie sa kanya."Tita pasensya na p
CHAPTER 113Sumama naman na muna si Vin kay Nicole dahil kailangan daw nilang pumunta sa simbahan. Hinarang pa sila ni Bella pero wala rin namang magawa si Bella dahil hindi talaga nagpapigil si Nicole dahil kailangan daw talaga nilang magpunta ni Vin sa simbaban hinayaan na lamang din nya ang mga eto kesa mag away na naman sila ni Nicole sa harapan ni Vin.Naiwan naman si Bella sa bahay nila Vin. Sakto naman na kaaalis lamang nila Vin ng dumating si Valerie."Hija kumusta si Vin?" agad na tanong ni Valerie ng makita nya si Bella sa kanilang sala."Tita dumating po si Nicole at isinama nya po si Vin. Kailangan daw po nilang pumunta sa simbahan. Hinarangan ko naman po sila kaso hindi po talaga nagpapigil si Nicole," sagot ni Bella. Iiling iling naman si Valerie."Ayaw talagang tumigil ng Nicole na yan hanggat hindi sila nakakasal ng anak ko. Sana talaga ay bumalik na ang alaala ni Vin dahil oras na makaalala na ulet ang anak ko ay eto na mismo ang kusang lalayo sa Nicole na yan. Wag ka
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.