Tristan Gideon
"Paano ba yan hindi ka rin maliligtas ng prince charming mo?" halos nanggagalaiti na ako sa galit dahil pati si Kate idadamay niya pa.
"Fck! Who the fck are you!" bigla akong nagtaka dahil bigla siyang napasigaw, halos matumba pa siya sa pag atras niya.
Tinapunan niya ako ng tingin baka sa mata niya ang pagkatakot.
"D-diba si K-Kate 'to? Tama ako d-diba?" bakit siya nagtatanong kung si Kate yun? Wala naman ng ibang tao kundi kami kami lang.
Hindi ko alam kung anong nakita ni Lemuel pero parang takot na takot siya kaya sinamantala ko na lang ang pagkakataon.
"Bakit? Minumulto ka na ba ng nakaraan?" I gave him a smirk.
"SHUT UP!" buong lakas siyang sumigaw, nagulat ako dahil biglang namatay lahat ng ilaw.
"KATEEEE! HOLD ON!" sumisigaw na ako para lang malaman ni Kate na nandito pa ako.
Hindi ko alam kung anong nangyayari.
"What happened? Pinatay niyo ba ang mga ilaw? Sobrang d
Lara Yves CassidyMinulat ko ang mga mata ko sumasakit ang ulo ko. Nilibot ko ang tingin ko pero puro puti na lang ang nakikita ko.Hindi ko alam ang nangyari pero natatandaan ko lahat ng mga sinabi ni Lemuel, naaalala ko na lahat siya ang pumatay sa mag asawa maging kay Miguel.FLASHBACKSMay naririnig akong tinig na umaawit, dahan dahan kong minulat ang mata ko. Bumungad sa'kin ang napakaliwang na ilaw."ANAK! GISING KA NA LARA ANAK!" halos patakbong pumunta sa kinahihigaan ko si mama.Siya lang ang nakita ko."Teka tatawag lang ako ng nurse." pagkabanggit niya bigla ko siyang hinawakan."Ma, 'wag muna. Nasaan si Lemuel?" hindi niya parin ba ako dinadalaw sana kahit ngayon man lang dalawin niya ako."H-hindi na rin nakakausap
Lara Yves Cassidy "Parang kailan lang ang bilis ng panahon ikaw naman ang ikakasal ah!" pang aasar ko kay Kate. "Syempre ayoko ng pakawalan si Tristan kaya grab the opportunity na!" nasa wedding gown shop kami at kasalukuyang nagsusukat na ng gown si Kate. Almost 3 months na rin ang lumipas ng magising ako at makarecover sa comma, parang ang bilis lang ng araw. Marami akong mga nalaktawan na mga kaganapan sa buhay nila dahil nakaratay lang ako sa hospital ng matagal. "Lara! Tignan mo saktong sakto lang sa'kin!" nagsisisigaw si Kate at halos mabingi na ako. "Oo na ikaw na maganda!" inaayos ko ang mga lace sa paligid ng gown niya. Pinagmasdan ko lang siya at kitang kita sa kanyang mata kung gaano siya kasaya. "Ay naalala ko may ikukwento pala ako mamaya pagtapos natin dito punta tayo coffee shop." biglang singit niya habang inaayos ang buhok niya at nakaharap sa salamin. "Sure thing!" parang binigyan ako ng second
"Are you ready Lara? Bukas na ang kasal mo kailangan mo na magpahinga." Banggit ng mama ni Lara habang inaayos ang ibang kagamitan na gagamitin sa kasal bukas."Sa wakas ikakasal ka na rin anak ito ang matagal naming hinihintay ng mama mo!" Sambit ng ama ni Lara na para bang mangiyak ngiyak pa habang tinatapik ang balikat ni Lara.Ang kasal ang pinaka hinihintay ng mga kababaihan sa talang buhay nila. Ito ang pinaka mahalaga at masayang okasyon na mangyayari sa buong buhay nila, kaya't ganoon na lang ang paghahanda sa kasal dahil isa itong magandang alaala."Ma, Pa magpapahinga na po ako maaga pa ang magaganap na kasal bukas ingat po kayo sa pag uwi." Sabi ni Lara habang ginagabayan palabas ang kanyang magulang, masyado na ring gabi at uuwi pa sila kaya't pinauwi na ni Lara ang magulang niya.Mahahalata mo sa maamong mukha ni Lara na pagod na pagod siya dahil sa preparations na naganap sa kanilang kasal.Pagkaalis ng magulang niya dal
"Bilisan mo na diyan at mahuhuli na tayo sa company!" sigaw ng kasintahan ni Lara."Oo patapos na ako dito." sambit ni Lara habang nagbibihisSi Lara Yves Cassidy at Lemuel Torres ay matagal ng magkasintahan humigit 11 years na rin. Ang kanilang pamilya ay magkaibigan kaya't simula pagkabata pa lamang ay naisipan na nilang fix marriage na lang ang dalawa. Magkagtuwang sila na nagtataguyod sa Company ng mga sasakyan sa kanila lang din umiikot ang pera.Simula pagkabata nila lagi na silang magkasama sa hirap at ginhawa. Maayos naman ang samahan nila si Lemuel ay laging niyang hinahatid sundo si Lara sa eskwelahan maging sa pag uwi gawa ng magkalapit lang naman sila ng tirahan.Marami na rin silang napagdaanan at lubos na magkalapit na rin ang loob nila kasalukuyang nasa edad 25 na si Lara at si Lemuel naman ay 27. Nasa tamang edad na sila upang magpakasal ngunit hindi pa nila ito inaatupag may kailangan pa silang ayusin sa
Matapos ang nakakapagod na araw sa opisina marami na ring mga empleyado ang umuuwi dahil lumalalim na rin ang gabi."Uhh babe may pupuntahan pa ako mauuna na ako sa'yo mag commute ka na lang may kailangan pa ako tapusin." paalam ni Lemuel sa kasintahan niyang si Lara."Sige babe ingat, dito muna ako I guess need ko mag over time para matapos ko na rin lahat ng paper works dito marami pang aasikasuhin para konti na lang gagawin ko bukas." tugon ni Lara habang busy sa pag aayos ng mga papel."Sige una na ako." hinalikan ni Lemuel ang kanyang nobya sa pisngi at saka umalis.Maraming beses na nag papaalam si Lemuel sa kanyang kasintahan sa hindi masabing dahilan, ngunit hinahayaan lamang ito ni Lara sa inaakala niyang mahalaga naman ang pinupuntahan nito.Nag paiwan si Lara sa opisina dahil napag isipan niya na tapusin ang mga natitirang paper works sa araw na ito. Bahagyang umunat siya ng may narinig siyang ingay sa gilid ng silid kung n
Habang nasa sasakyan si Lara malalim ang iniisip nito dahil sa nangyari kanina sa elevator. Kasalukuyan siyang papunta ngayon kay Kate.Nang makarating siya sa apartment ng kaibigan niya at nagpark agad ng kanyang sasakyan.Patungo na siya sa apartment ni Kate at akmang kakatok siya ng magbukas ang pinto."Oh nandiyan ka na pala lalabas sana ako para bumili ng pagkain." akmang lalabas na sana si Kate ng pinto pero bumungad si Lara sa harapan niya."Nako 'wag na may dala na akong pagkain para sa atin. Heto may dala akong graham cake na paborito mo." banggit ni Lara sabay na itinaas upang ipakita ang mga dala nitong pagkain."You know everything about me. You are the finest!" kita ang saya kay Kate dahil nagtatatalon ito sa tuwa."Hindi mo ba ako papapasukin?" taas kilay na tanong ni Lara sa kaibigan niya."Pasok mahal na reyna." umakto pa itong aalalayan si Lara sabay ngumisi.Pagkapasok agad na inayos ni
Patungo na si Lara sa kanilang tahanan nag enjoy naman siya kausap si Kate lalo na at doon lang siya nakakapag labas ng sama ng loob.Narating niya ng maayos ang kanilang tirahan at agad na pumasok.Nakita niya ang kanyang kasintahan na nakaupo sa sofa habang nanood ng television."Oh bakit ang tagal mo? Kanina pa kita hinihintay." Sigaw sa kanya ng kanyang kasintahan."Nasa apartment lang naman ako ni Kate." giit ni Lara kay Lemuel."Halika dito hilutin mo ang balikat ko nangangawit ang daming ginawa kanina." pautos na sabi ni Lemuel.Lumapit naman agad si Lara pagkatapos niya ayusin ang sarili niya. Kung tutuusin matipuno naman talaga ang katawan ni Lemuel, malapag ang balikat, may katangkaran, maputi, mabango at may maamong mukha.Hindi rin naman nagtataka si Lara at may nagpapapansin parin sa kanyang kasintahan dahil nga sa matipuno naman ito.Pumwesto na si Lara sa likuran ni Lemuel at nagsimula ng h
Alas tres ng umaga nagising na lang si Lara dahil may naramdaman siyang gumalaw at sumagi sa kanyang balat sa pagkakaalam niya ay tela.Hindi niya maaninag kung sino ang nasa harapan niya pero may telang bumalot sa katawan niya, ramdam niya ang lamig at nainitan siya sa telang bumabalot sa kanya. Hinapis niya ang kumot na idinantay sa katawan niya alam niya na ang kasintahan niya ito kaya natulog na lang siya muli."Salamat." banggit ni Lara sabay pumikit muli.Makalipas ng ilang oras nagising si Lara sa araw na tumatama sa kanyang mukha. Pagkabangon niya nagulat siya dahil may nakahain na mga pagkain sa lamesa. Agad siya na tumayo upang tignan kung ano ang mga pagkain at tamang tama kumakalam na ang kanyang sikmura."Oh gising ka na pala maupo ka." nakangiting banggit ni Lemuel.Malaki ang pagtataka ni Lara dahil minsan lang maganda ang trato sa kanya ni Lemuel kaya agad agad siya na umupo sa hapag kainan at kumuha ng makakain.