Patungo na si Lara sa kanilang tahanan nag enjoy naman siya kausap si Kate lalo na at doon lang siya nakakapag labas ng sama ng loob.
Narating niya ng maayos ang kanilang tirahan at agad na pumasok.
Nakita niya ang kanyang kasintahan na nakaupo sa sofa habang nanood ng television.
"Oh bakit ang tagal mo? Kanina pa kita hinihintay." Sigaw sa kanya ng kanyang kasintahan.
"Nasa apartment lang naman ako ni Kate." giit ni Lara kay Lemuel.
"Halika dito hilutin mo ang balikat ko nangangawit ang daming ginawa kanina." pautos na sabi ni Lemuel.
Lumapit naman agad si Lara pagkatapos niya ayusin ang sarili niya. Kung tutuusin matipuno naman talaga ang katawan ni Lemuel, malapag ang balikat, may katangkaran, maputi, mabango at may maamong mukha.
Hindi rin naman nagtataka si Lara at may nagpapapansin parin sa kanyang kasintahan dahil nga sa matipuno naman ito.
Pumwesto na si Lara sa likuran ni Lemuel at nagsimula ng hilutin ito. Maraming bumabagabag sa isipan niya gusto niya magtanong ng kung ano ano sa kanyang boyfriend.
"Saan ka nga pala galing kanina?" biglang sambit ni Lara na sa isipan niya lang sana.
"Pumunta lang ako sa kaibigan ko may pinag usapan lang kami." tugon ni Lemuel.
"Ganon ba bakit napapadalas ata ang pag alis mo hindi ko man lang alam kung saan ka pumupunta." dagdag pa ni Lara.
"Alam mo hindi ko naman kailangan sabihin lahat ng bagay sayo." pagalit na sagot ni Lemuel.
"Pero girlfriend mo ako dapat alam ko rin kung anong mga nangyayari sayo." mahinhin na sagot ni Lara.
"Girlfriend? Eh hindi mo nga maibigay ang gusto ko, sa tinagal tagal nating magkasama hindi mo parin ako pinagbibigyan." padabog na sabi ni Lemuel at ibinato ang newspaper na hawak niya.
"H-H-Hindi ko pa kasi kaya ibigay. Masyadong sagrado sakin ang lahat mahalaga sakin ang ikasal muna." nauutal na sagot ni Lara dahil hindi niya alam ang gagawin palagi na lang siya kinukulit ng kasintahan niya.
"Ano ka si Maria Clara? Bago na ang henerasyon dapat hindi ka na nananatili sa ganyang mindset. Kung hindi lang magkaibigan ang magulang natin matagal na kitang iniwan." padabog na tumayo si Lemuel at pumunta sa kinalalagyan ni Lara.
Lumapit ito kay Lara at biglang hinawakan ang bewang nito. Halatang naiilang si Lara dahil nagpipiglas ito pero masyadong malakas si Lemuel kaya hindi niya rin kayang kumawala sa mga hawak nito.
"Alam mo ang ganda mo Lara sayang at isa kang Maria Clara." bulong ni Lemuel kay Lara at inamoy ang buhok ng kasintahan sabay biglang hinalikan ang leeg nito.
Nagulat naman si Lara sa ginawa ng kanyang kasintahan kaya't nasampal niya ito agad. Naiilang siya sa ginawa ni Lemuel kaya napagbuhatan niya ito ng kamay. Kita naman kay Lemuel ang gulat.
"Diyan ka na nga! In my opinion, you are totally worthless." sigaw ni Lemuel sabay umakyat sa kanilang kwarto.
Naiwang mag isa si Lara na nakatayo at parang nandidiri sa sarili niya. Bigla na lang siya napaupo dahil sa kawalang hiyang ginawa sa kanya ng kasintahan niya.
Nasaktan siya sa ginawa ni Lemuel pati na rin sa mga sinabi nito. Pero pinilit niya na lang intindihin tinakpan niya na lang ang kanyang bibig para hindi marinig ang hagulgol nito.
"Mahal na mahal parin kita pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko matitiis ang pangsasawalang bahala mo sakin." sambit ni Lara sa kawalan.
Patuloy ang kanyang pag iyak sa sofa at hindi niya namalayan na nakatulog na siya dito.
Alas tres ng umaga nagising na lang si Lara dahil may naramdaman siyang gumalaw at sumagi sa kanyang balat sa pagkakaalam niya ay tela.Hindi niya maaninag kung sino ang nasa harapan niya pero may telang bumalot sa katawan niya, ramdam niya ang lamig at nainitan siya sa telang bumabalot sa kanya. Hinapis niya ang kumot na idinantay sa katawan niya alam niya na ang kasintahan niya ito kaya natulog na lang siya muli."Salamat." banggit ni Lara sabay pumikit muli.Makalipas ng ilang oras nagising si Lara sa araw na tumatama sa kanyang mukha. Pagkabangon niya nagulat siya dahil may nakahain na mga pagkain sa lamesa. Agad siya na tumayo upang tignan kung ano ang mga pagkain at tamang tama kumakalam na ang kanyang sikmura."Oh gising ka na pala maupo ka." nakangiting banggit ni Lemuel.Malaki ang pagtataka ni Lara dahil minsan lang maganda ang trato sa kanya ni Lemuel kaya agad agad siya na umupo sa hapag kainan at kumuha ng makakain.
Habang patungo sila sa parke may batang lalaki na lumapit sa kanila."Daddy, Daddy bili mo ako ice cream." banggit ng bata habang hinahatak ang kamay ni Lemuel.Nagtaka si Lara dahil may batang lumapit dito hindi niya rin naman kilala ang batang ito. Inisip niya na lang na baka naligaw lang ang bata."H-h-hindi mo ako Daddy baka naligaw ka lang." biglang inagaw ni Lemuel ang kamay niya sa bata.Dali daling may lumapit na babae sa kanilang kinatatayuan. Kung pagmamasdan ito maganda,mahaba ang buhok at mestisa."I'm sorry about my son; he's been really mischievous, just ignore him. Let's go Ulrich." bago hilain ng babae ang bata tumingin muna ito kay Lemuel at saka umalis.Hinigit ni Lemuel si Lara at naglakad ng mabilis, nagtataka si Lara bakit ganon na lamang ang reaksyon ng kanyang kasintahan."Teka Lemuel sino yung batang yun at bakit galit na galit ka? Baka naligaw lang naman bakit uminit agad ang dugo mo." tanong ni
Lara Yves's POV"Jusko naman akala ko kung sino!" bulalas ko at halos muntik na ako mahulog sa kinauupuan."Nandito ka rin pala! Alam ko hindi ka papahuli sa magandang palabas na The Excogitate Escape." sigaw ni Kate na tumatalon talon pa na parang bata.Kung ikukumpara para bang nakakita ako ng multo akala ko naman kasi kung sino ang kumakalabit sa akin si Kate lang pala. Hindi ko rin naman inaasahan na nandito rin si Kate sabagay laging updated si Kate sa mga magagandang pelikula katulad na lang ng the Excogitate Escape."Kasama ko si Lemuel wala pa siya kanina ko pa iniintay." sagot ko habang tumitingin tingin sa paligid nagbabakasaling makita ko si Lemuel."Ay nako magsisimula na ang palabas nasaan na ba yun at bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" tanong bigla ni Kate."Wala ayos lang ako. May kinausap daw siya saglit kaya nag paalam." pagpapaliwanag ko."About saan naman? Company ba? Hindi pa ba naaayos ang problema niyo sa kum
Lemuel's POVNandito na kami sa mall bibili na rin kami ng mga kailangan namin.I walked immediately when I recognized a suit boutique.Then I saw a set of peak lapels and I grabbed one."Sa tingin mo bagay sa akin 'to?" I asked her habang hawak ko ang set ng peak lapel at ipinakita ko ito kay Lara."Oo naman lahat naman bagay sa'yo sige isukat mo tignan natin." suhestiyon ni Lara at sabay itinuro sakin ang fitting room.Yan ang gusto ko kay Lara lagi niya akong nakikita as a diamond. I admire her when she compliments me that much.Habang sinusukat ko ang suit na napili ko naisipan kong ipaayos ang suit sa bandang likuran ko. Even in the fitting room, I would really like to look presentable.Kaya lumabas ako para ipakita ko kay Lara ang suit na naisukat ko."Am I look handsome babe?" tanong ko then I gave her a smirk."Bagay na bagay sayo!" papuri ni Lara sa suit na suot ko habang inaayos ito.Hindi k
Lara Yves's POVKasalukuyan akong nasa CCTV room para tignan ang footage noong nakaraang araw."Manong Celio pwede bang makihiram muna ako saglit may hahanapin lang ako." pakiusap ko kay Manong Celio ang in-charge sa CCTV room."Ah sige po maam ako'y aalis muna maghahapunan." paalam niya sa akin."Sige po." tugon ko.Agad akong umupo sa harap ng CCTV monitor para masimulan ko na ang aking gagawin.Pinipilit kong alalahanin ang date para makita ko kaagad, hinalungkat ko ang mga files at sa wakas nakita ko na rin."Akala ko papahirapan mo pa ako eh hays." buntong hininga ko at pinunasan ang pawis na namumuo sa aking noo.I rush through the video to see what the CCTV captured at the time.Binusisi ko ang video hanggang sa may part na pumasok na ako ng elevator nagulat ako sa nakita ko.May itim na anino akong nakita ngunit ng nag glitch na ang video nung namatay na ang video."Bakit huminto? Nakakainis naman t
Lara Yves's POVNagising ako sa alarm clock ko, so I decided to fix my bed and get dressed.Muntik ko na makalimutan it's our 11th anniversary. Anong oras kaya umuwi si Lemuel nakatulog na lang ako.Sa sobrang tagal na namin lahat ng bagay handa na akong harapin kasama siya. Lahat ng bagay gusto ko siya na ang makakasama ko hanggang sa ikasal kami."What a beautiful view."Nagulat ako dahil biglang may nagsalita, pagkatingin ko si Lemuel lang pala mula sa pintuan ng aking kwarto."Good morning babe, Did you slept so well?" biglang lumapit sa'kin si Lemuel at agad na hinapit ang bewang ko.Nararamdaman ko ang kanyang paghinga, pati ang kanyang mabango na aroma."Good morning, anong oras ka na pala nakauwi kagabi?" I face him and I take a glance over him."Almost 1 am, hindi na kita ginising kasi malalim na ang tulog mo." he answered softly while pinching my nose."Buti naman kumain ka na ba?" akmang aalis na sana a
Lemuel's POVHabang nagmamaneho ako patungo sa company, naisip ko yung mga nangyari kanina.Hindi kaya nabigla siya sa kinilos ko kanina? Hindi na kasi ako nakapag pigil.Ang ganda kasi talaga ng girlfriend ko saka anniversary naman namin hindi niya man lang ako pagbigyan tch."Lemuel mamaya pala mauna ka na umuwi may dadaanan lang ako." biglang nagsalita si Lara habang nakatingin lang sa bintana ng sasakyan."Sure thing, saan ka naman pupunta?" gusto ko lang malaman kung saan siya pupunta dahil gagabihin yata siya."Sa bahay lang nila mama." sagot niya at tumikhim ng saglit."Sige basta mag ingat ka." bilin ko sa kanya.Tumingin lang ako sa kalsada at tinuon ang atensyon ko sa pagmamaneho.Halos late na ako umuwi at inabot ako ng umaga dahil tumungo ako kay Marielle to settle things.Hindi ko naman alam na magbubunga ang lahat ng ginawa namin sa isang gabi lang. Yes! I admit it Marielle is kinda sexy and no one c
Lara Yve's POVPatapos na rin ang mga paper works ko sa office after this pupunta ako sa bahay ng parents ko para malaman ko kung sino ang pumunta sa kanila at ako pa yata ang hinahanap."Babe, after this mauuna na pala ako sa'yo dadalawin ko lang parents ko." pagpapaalam ko kay Lemuel.Mukhang busy din naman siya kaya hinayaan ko na lang siya sa mga gagawin niya."Sure, take care." bilin niya habang nakatuon ang atensyon niya sa mga screen sa harapan niya.Pinag patuloy ko lang ang ginagawa ko para matapos na rin agad."Babe we have a business trip pala soon sa France to settle things about partnership." biglang nagsalita si Lemuel at humarap sa'kin."Really? Namiss ko na rin sa France it's been a years din na hindi tayo bumabalik doon." I felt excited because of that news.Nakakamiss naman talaga sa France I love different places in that country especilly museums. I really love museums.It's almost afternoon so I decid