May magandang mukha, makurbadang katawan, malaporselanang kutis, simple lang mag ayos, at higit sa lahat may busilak na puso ang dalagang lumaki sa malayong probinsya na si Berry Marasigan. Sa angking kagandahan ni Berry ay marami sa kanya ang nagkakagusto o nahuhumaling. Sa edad niyang bente dos ay simpleng inosente pa rin siya dahil hindi pa siya nakaranas magkaroon ng kasintahan. Nang maulila si Berry sa mga nag ampon sa kanya ay nangarap na siyang makarating ng Maynila upang hanapin ang kanyang tunay na ina, kaya mabilis na nahikayat si Berry ng bagong kakilala ng alukin siyang makapagtrabaho sa Maynila at agad niyang sinunggaban ang oportunidad na iyon ng hindi na nagdalawang isip pa. Pagkarating sa Maynila ay ibinenta naman siya ng recruiter niya sa may ari ng isang sikat na night club na ang mga costumer ay mga mayayaman. Sa angking kagandahan at kaseksihan ng dalaga ay maraming lalaki ang gusto siyang maangkin at isa na sa kanila si Jayden Curtis, ang binatang CEO ng GC Construction Company na pagmamay-ari ng pamilya nila. Na love at first sight ang binata sa dalaga kaya nais niyang tulungan si Berry na makaalis agad sa club. Ngunit hindi iyon naging madali para kay Jayden, dahil sa pinagkaguluhan ang kagandahan ng dalaga ay ipina-auction si Berry ng may ari ng club at na bid ang dalaga sa napakalaking halaga. 20 Million pesos ang naging last bid ng bidder mapasakanya lang ang kaakit-kaakit na si Berry Marasigan.
view morePagpasok nilang lahat sa loob ng van na sasakyan ay sa tabi ng driver pinaupo ni Don Alejandro si Jayden habang si Jade ay sa tabi ng Don. Sa likuran naman naupo sina Berry at ang kambal katabi si Lara. "I know na nagtataka kayong magkapatid sa nakikita ninyo." pagbasag ni Don Alejandro sa katahimikan sa loob ng sasakyan. Nadidinig ng matanda ang pagbuntong hininga ni Berry ng paulit-ulit dahil nasa tapat ito ng likuran niya. Nakikita naman ng matanda ang pagsulyap-sulyap ni Jayden sa anak niya. Kaya hindi na nakatiis ang matanda na hindi magsalita. "Alam po ninyo Don Alejandro tama kayo ng iniisip. Ang dami kong gustong malaman tungkol kay Berry. Anak po ba talaga ninyo si Berry o inampon mo lang?" sagot naman ni Jade sa matanda. Ngumiti si Don Alejandro. "Berry is my real daughter, my flesh and blood. Mahabang istorya pero science ang nagpatunay na kami ay talagang mag ama." "Nahanap din pala kayo ni Berry." saad na komento ni Jayden na sa likuran ng matanda nakatingin.
Bago sila tuluyan na makarating sa immigration ay nakatanggap ng tawag si Jade mula kay Arianne ipinaalala nito ang mga hand carry na maleta na dala nila ni Jayden. Sinabi ni Arianne na salubungin na lamang ni Jayden si Julius dahil itinakbo na nito ang mga gamit nilang magkapatid sa pagmamadali. Buti na lang at wala silang ibang luggage na dala bukod sa hand carry at laptop. Si Jayden ay agad na nakipagsalubungan kay Julius at hinintay naman siya nila Jade, Don Alejandro at Berry kahit na sa isip ni Berry ay gusto niyang takasan si Jayden pero hindi naman niya magagawa dahil nakabantay si Jade sa kanila lalo na sa kanya. Pagkalabas nila ng airport ay nakita agad ni Marco ang puting kartolina na hawak ng isang lalaki na ginawang poster na may nakasulat na Welcome back Don Alejandro at nakilala din agad ni Marco kung sino ang lalaking iyon. Iwinagayway ni Marco ang isa niyang braso sa lalaki at dun lang ibinaba ng lalaki ang hawak-hawak nitong poster. "Don Alejandro, si Randy po a
"Ang tagal naman lumabas ng dalawang yun." sambit ni Jayden na naiinip na sa paglabas ng kapatid at ni Arianne. Nasa labas lang siya malapit sa toilet room na pinasukan niya kanina. Nakita niyang naunang lumabas si Arianne at sinenyasan siya nitong lumapit siya. Nagtataka man ay lumapit na rin siya. "Bakit?" tanong ni Jayden ng makalapit sa girlfriend ng kaibigan. "Dito ka lang. Hintayin nating lumabas si Jade at ang kasabay niya." wika ni Arianne. "Huh?! bakit, anong nangyari?" "Nakikita mo itong batang ito, Jayden? Kamukha mo di ba? may kakambal din ito na lalaki." saad ni Arianne at napatingin nga siya sa bata. Ngumiti si Jayden sa batang tinutukoy ni Arianne. "Jayden po ang name mo? same po kayo ng name ng Daddy namin ni Jay-Dee." ang tanong ni Jay-Vee kay Jayden. "Sir, sorry po sa pagiging madaldal ng batang ito." wika ni Lara na parang nakukuha na niya ang nangyayari kaya inawat nito sa pagsasalita ang apo ni Don Alejandro. "JV, don't talk to stranger di ba, ang sabi
Ilang araw ang lumipas at nag flight na pabalik ng pinas sina Don Alejandro, Lara, Berry at ang kambal. Kasabay naman nila si Marco sa eroplano dahil nagkataon din na kailangang bumalik ng lalaki sa pinas ng araw ding iyon, kaya napakiusapan na rin ng kanyang kuya Lawrence ang kaibigan nito na alalayan sila Berry sa byahe. Masyadong maaga ang alis ng flight nila Berry sa New Zealand Airport dahil mahigit sampung oras din ang byahe nila pa-Manila kaya ang lapag ng eroplano nila sa Philippine Airport ay hapon na. Samantalang sina Jayden at Jade kasama si Julius at ang girlfriend na nitong si Arianne na naaya ni Jayden ay magkakasama na sa Philippine Airport. Magbabakasyon sila sa Sydney, Australia ng ilang araw. Si Jade ang pumili ng bansang pupuntahan nila dahil hindi pa raw ito nakakapunta roon. Pinagbigyan na ni Jayden ang trip ng kakambal dahil ito naman ang nagbayad ng flight ticket niya back and forth. 6:30 pa ng gabi ang flight nila pero alas tres pa lang ng hapon ay naroon na
"Magpakita ka na sa ama ng mga anak mo at sabihin mong may anak kayo. Sabihin mo ang lahat ng hinanakit mo sa kanya para gumaan na ang kalooban mo. Ang paghahanap niya sa iyo ng matagal na panahon at paghihintay na makita ka ay patunay lang na ikaw talaga ang mahal niya, Iha." payo ni Don Alejandro sa anak. "Gusto mong balikan ko si Jayden, Dad?! pero Dad, sabihin na nating ganun nga ang nangyari sa kanila ni Ishie, hindi pa rin ako naniniwala na mahal niya talaga ako. Gusto niya lang ako mahanap dahil gusto niya ako ulit na gawing parausan niya. Baka hanggang ngayon ay nanghihinayang siya sa ibinayad niya na twenty million sa auction kaya di pa siya tumitigil sa paghahanap sa akin." mapaklang wika ni Berry. "Ang mabuti pa ay komprontahin mo siya at pakinggan mo ang sasabihin niya sa iyo." muling payo ni Don Alejandro na ikinailing ng ulo niya. "Dad, hindi kita maintindihan kung bakit mo ipinipilit pa sa akin ang bagay na iyan. Nasabi ko na sa inyo ni Kuya Lawrence ang dahilan k
"Aaminin? bakit Dad, may inilihim kayo sa akin?!ano yung aaminin mo? kinakabahan ako sa sasabihin mo sa akin, Dad." "Gusto mo bang sabihin ko pa sa iyo o wag na lang?" tanong ni Don Alejandro sa kanya. "Sabihin mo na Dad na-curious na ako eh! ano po ba yun?" kinakabahan na sagot ni Berry. Nagbuntong hininga muna si Don Alejandro bago siya ulit nagsalita. "Alam namin ng kuya Lawrence mo na hanggang ngayon ay hinahanap ka pa rin ng ama ng mga anak mo." pagpapabatid ni Don Alejandro sa anak. Natigilan si Berry sa sinabi ng kanyang ama at hinintay ang susunod na sasabihin sa kanya. "Hindi siya tumigil sa paghahanap sa iyo, Berry. Gumagawa lang ng paraan ang kuya mo para hindi ka niya matagpuan magpasa-hanggang ngayon." ani pang saad ng Don. "Alam ko pong kayang gawin ni Kuya na maitago ako ng matagal kay Jayden. Hindi ko lang inaasahan na hanggang ngayon ay hinahanap pa rin niya 'ko." aning wika ni Berry sa ama. Itinango lang ni Don Alejandro ang ulo niya sa naging komento
Sa kabilang dako naman ng mundo ay kasalukuyang magkakasama sina Don Alejandro, Berry at ang kambal sa sala. Nanonood sila ng cartoons sa tv habang masayang nilalantakan ang pasalubong na ibinigay ni Marco kanina kay Berry. "Nakausap ko kanina ang kuya Lawrence mo Berry, nakabili na raw ang secretary niya ng ticket nating lahat. Sa sabado na ang flight natin pauwi ng pinas." saad ni Don Alejandro. "Tumawag din siya sa akin kanina Dad." "Naasikaso mo na ba ang lahat ng mga papers ninyo ng apo ko? Ilang days na lang ang natitira kaya asikasuhin mo na kung hindi mo pa nagagawa." litanya ni Don Alejandro sa bunsong anak. "Nagawa ko na po Dad, kumpleto na lahat. Excited na nga ang kambal na makarating ng pinas. Di ba Jay-Dee, Jay-Vee, excited na rin kayong makauwi ng pinas at makita si Ninang Anne ninyo?" magiliw na tanong pa ni Berry sa kambal niyang anak. "Yes po mommy!" sabay na sagot ng dalawang bata. "Mommy, i like this food po, it's so delicious. Can i have some more please!" w
Samantala sa apat na taong nakalipas ay hindi pa rin tumigil sa pagpapahanap si Jayden kay Berry.Kahit na nawawalan na siya minsan ng pag asa na makita ang dalaga at pinanghihinaan na siya ng loob kapag sumasagi sa isipan niya ang sinabi sa kanya ng kaibigang si Cyrus noon na baka nakahanap na ng ibang lalaki si Berry ay para siyang sinusuntok sa dibdib. Idinadaan na lang niya sa dasal na sana ay hindi iyon mangyari.Hindi naman kase talaga malabong mangyari iyon dahil sa katangiang taglay nga ni Berry ay siguradong mayroon at magkakaroon ng manliligaw ang mahal niya. Kung siya nga na unang kita pa lang kay Berry noon ay naakit at na in love na agad, ang ibang lalaki pa kaya. Alam naman ni Jayden ang galit na nasa isip at puso ni Berry dahil sa nakita nitong eksena bago siya nito nilayasan at hindi niya mawawala iyon sa isip ng dalaga hangga't hindi niya ito nakakausap upang paliwanagan. Naiintindihan niya at nauunawaan rin si Berry kung bakit siya nito pinagtataguan, pero hindi ri
Makalipas ang apat na taon..."Good afternoon Miss Berry, " ang bati ng security guard ng salubungin ang pagpasok ni Berry sa entrance ng restaurant."Good afternoon." balik bati ni Berry at dumiretso sa loob ng restaurant na kilala sa bansang New Zealand dahil sa eat all you can nilang promo."Good afternoon Miss Berry," magkakasunod na bati rin sa kanya ng mga tauhan sa restaurant na nakaduty na ng ganoong oras para maglinis at maghanda na ng mga rekadong lulutuin para mamaya."Good afternoon," bati niya rin sa mga nakakasalubong niya hanggang sa makapasok siya sa kanyang opisina.Si Berry Marasigan na dating walang pinag-aralan at babaeng probinsyana noon ay kilala na ngayon bilang si Berry Fontanilla na isa ng branch manager sa isa sa mga restaurant na pagmamay-ari ng kanyang kuya Lawrence at ng kaibigan nitong si Marco Dawson na isang half filipino-half New Zealander.Ang plano noon nilang mag-aama na bakasyon lang sa bansang New Zealand ay naging pangmatagalan na dahil nagustuha
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.