Davidson is known as a cold as Ice CEO of Montevella Corp. Everyone in Montevella Corp can't get close to him, unless they are executive members or family-related. At age of thirty, he didn't expect na kailangan niya ng magpakasal kahit wala sa plano niya. He needs to make a marriage arrangement with the daughter of Benavidez Company. Pero bago pa mangyari ang kasalang pinaplano ay biglang dumating ang isang babae sa buhay ni Davidson. She's Keirah Gustavo, a twenty-years old childish employee of Montevella Corp. Akala ni Davidson ay normal lang ang lahat, ngunit hindi niya alam na ito na pala ang umpisa na magulo ang nananahimik niyang mundo. Ang kaibahan ni Keirah ay nagpabago sa malamig na binata. Dahil unti-unti lang naman nitong pinapainit ang ulo niya. But Keirah is always approaching him even tho tinataboy niya ito. He can’t accept the fact na napapasaya siya ng dalaga sa mga simpleng bagay na ginagawa nito. Kung kailan naman ay masaya na si Davidson sa presensya ng dalaga ay saka naman ito naglahong parang bula. And for the second time doubting himself, he couldn’t accept the fact na namimiss niya ang dalaga. Nahuhulog na ba siya dito o nadadala lang siya sa mainit na pakikisama nito sa kanya? At isang tanong ang bumabagabag kay Davidson… Paano niya ba sasabihin sa dalaga na ikakasal na siya? Paano niya ba sasabihin dito na nakatali na siya sa isang kasunduan?
View More“Yaya, yung mga balloons, ihilera na po sa garden. Manong Ruben, yung mga lightings at fireworks naihanda na ba?” aligagang-aligaga si Keirah sa pag-hahanda ng surpresa para sa Daddy niya. Kailangan na nilang umuwi, tatlong oras na lang ang natitira at pauwi na ang Daddy niya. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng garden. Kumpleto naman na. Maagang dumating ang cater na inupahan niya. Kaya naman maagang nai-handa ang lahat ng pagkain. Walang kaalam-alam ang Daddy niya. Surprise nga eh ‘di ba. Sana magustuhan ito ng Daddy niya. Nag-effort kaya siya. Hindi yan lahat cater. Mayroon din siyang sariling dish. Tulad na lang ng paborito rin nitong Buttered Sugpo at Special Coffee Jelly for desserts. Hays, napaka-simple lang ng gusto ng kanyang ama. Tiningnan niya ang oras sa suot na relong pam-bisig. Quarter to seven na ng gabi. Malamang ay pauwi na ito. At hindi nga siya nagkamali. Narinig niya na ang busina ng kotse ng kanyang ama mula sa garahe. Nae-excite na pinatahi
Ilang linggo na rin ang lumilipas sa buhay ni Davidson. Sa hindi niya malamang dahilan, nabo-bored siya sa buhay niya. Walang ganap. Araw-araw naman siyang abala sa trabaho, pero kulang pa rin ang mga araw niya. At ngayon nga naisipan niyang hindi mag-punta sa Montevella. Naibilin niya na lahat kay Sandra ang mga dapat gawin. Thanks God din at wala rin naman siyang appointment, kaya hinayaan na lang siya ng sekretarya. Uuwi na lang siya ng Bulacan para doon mag-pahinga. Kailangan niya yata ng refreshment. Papalabas pa lang siya sa sala nang makita niya si Alexander sa sala niya. Nag-lalaro na naman ito sa PS5 niya. Wala ba itong ginagawa sa buhay? “Alexander? Anong ginagawa mo dito sa unit ko?” matabang na tanong niya sa kapatid. “Parang hindi ka na nasanay na palagi akong nandito,” sagot nito habang abala pa rin sa pag-lalaro. Umikot na lang ang mga mata ni Davidson. Sa pagkaka-alam niya, Director ito ng Shen Group. Pero bakit hindi ito bumabalik ng China at
“Daddy,” mahinang kinatok ni Keirah ang pintuan ng master’s bedroom para puntahan ang Daddy niya. “May problema ba?” tanong nito pag-bungad sa kanya. “Sabay na po tayo kumain, Dad. Nagluto ako ng paborito mong bulalo,” nakangiting pag-yaya niya dito. “Tara?” Sumilay ang ngiti sa labi ng matanda. Bigla yatang maging sweet itong anak niya. May kailangan kaya ito? “May kailangan ka ‘no?” Kunwaring sinimangutan ni Keirah ang sinabi ng ama. “Wala, Dad. Namimiss lang kita kasabay kumain. Y’know hindi na nga tayo nagkikita eh,” bwelta niya. “Haha oo nga. O siya, tara na. Dapat masarap yan ha.” Nagpatiuna na itong mag-lakad. Pangiti-ngiti siya habang nakasunod dito. Ang totoo niyan nalalapit na ang birthday ng Daddy niya at gusto niya itong surpresahin. Pero wala siyang ideya kung paano magsisimula. “Ano Daddy, masarap ba?” tanong niya nang nasa hapag-kainan na sila. “Hmmm kuhang-kuha mo na ang luto ng Mommy mo ha,” nakangiting wika nito habang ninanamnam ang sabaw ng bu
“Sir, may bisita po kayo sa lobby,” binitiwan ni Davidson anv mga documents na pinipirmahan at hinarap si Sandra. “Urgent ba yan? May appointment?” “Wala po, pero gusto niya po kayong maka-usap.” Huminga ng malalim si Davidson. Weekends naman at walang masyadong trabaho. Pero marami siyang pendings na mga dokumento na kailangang trabahuhin. At wala naman pati siyang inaasahang bisita sa araw na ito. “Sir?” pukaw ni Sandra sa lumilipad niyang isipan. “Okay, sige. Bababa na ako,” aniyang napipilitan lang. “But Sir, I can re-sched it naman po-” “It’s okay Sandra. Baka importante naman ang sadya nun,” tumayo na si Davidson at nagpatiuna na ng mag-lakad kay Sandra. Wala ng nagawa ang sekretarya kundi sumunod sa kanya. —--- “Mr. Montevella, maraming-maraming salamat po sa inyo. Pasensya na kung natagalan ang pagpapasalamat ko sa inyo, ha. Magaling na po ang asawa ko, dahil yun sa tulong niyo po.” Namamangha si Davidson habang pinagmamasdan niya ang mag-asaw
DAVIDSON POV “Hello Leo?..Sige papunta na ako,” pagkasabi nun, sumulyap ako sa kinaroroonan lang nila Keirah, but unfortunately, wala na ang mga ito. Nakaalis na pala habang kausap ko si Leo sa phone. Nagpalinga-linga pa nga ako sa ibang sulok ng parking, pero wala na talaga sila. Napa-hugot na lang ako ng malalim na hininga. “Talagang iniiwasan mo ‘ko Keirah, huh?” kausap ko sa sarili ko na ako lang ang nakakarinig. Napapadalas naman yata ang pagkikita naming dalawa ngayon. Hays.—- “Where is she?” tanong ko kaagad kay Leo nang makapasok ako ng Bar nito. “Ayun siya, kanina pa yan naglalasing. May problema yata eh.” Sinundan ko ng tingin ang direksyong tinuturo ni Leo. And to my surprise, nakita ko si Cassidy na hawak ang isang bote ng Vodka at kumakanta-kanta pa. Namumula siya at halatang lasing na talaga. Mabilis akong lumapit sa kanya. Pinagtitinginan na rin siya ng ibang mga tao, ngunit iismiran lang nila si Cassidy. Mayayaman naman kasi ang mga nasa Bar
“WHAT THE HELL ARE YOU DOING?!” Inis kong itinulak si Davidson, pinigilan ko na siya sa ginawang pag-halik niya sakin bago pa tuluyang lumalim yun. Ako naman, umaahon na ang inis ko sa dibdib ko. “Anong akala mo, may karapatan ka pang gawin ang mga gusto mo?” inis kong singhal ngunit hindi ko maitago ang pamumula ng mga pisngi ko. “Hindi ako sidechick mo? Na hahalikan mo lang kung kailan mo gusto?!” “Huh, ikaw ang may sabi niyan ha, hindi ako haha,” at nagawa niya pa akong tawanan. Sa inis, at ayaw ko naman ng makipagtalo, tinalikuran ko na lang siya at nag-lakad na lang ako palayo. Nagpalinga-linga pa ako at nagbabaka-sakaling makikita ko si Melanie, pero wala ang bruha. ‘Saan kayang lupalop napadpad yun?’ “BESH!” Boses ni Melanie yun at agad kong hinanap. Nakita ko naman agad siya, palabas siya ng parking area. Parang galing yata ng restroom. “Saan ka ba galing?” agad kong tanong pagka-lapit niya. Pasimple ko ring tinanaw si Davidson. May kausap na it
“Besh, ano bang ginagawa natin sa lugar na ‘to?” “Wait lang, Anie,” saway ko sa pangungulit ni Melanie habang ginagala ang tingin ko sa maingay na paligid ng Bar. ‘Sigurado ka bang nandito siya?’ sabay send ko ng text message kay Leo. Never akong nagte-text sa kanya pero sa pagkakataong ito, no choice ako. ‘Yup. Nakainom na din yun, ikaw na bahala sa kanya’ reply niya. Hindi ko na lang siya nireplayan ulit, sa halip, hinanap ng mga mata ko kung nasaan banda si Davidson. At last, I saw him, drinking..…with a woman…sitting on his lap? “Hays, ba’t pa ‘ko nag-abala pumunta rito eh may kalandian naman pala siya,” naka-pamewang kong sabi at matatalim ang tinging ipinukol ko sa kanila. Sumimangot ako at inis na tinext ulit si Leo. ‘Bakit mo pa siya sakin pinapuntahan? May kaharutan naman siya dito, makaka-istorbo lang ako’ ‘What do you mean?’ Tch, maang-maangan. No wonder, mag-bestfriend sila. Pareho silang playboy. Naningkit lalo ang mga mata k
KEIRAH POV Parang binalak ng pagkakataon, binigay ng panahon, kahit hindi ko hinihingi na makita ulit si Davidson. Ang lalakeng hindi ko inaasahan na labis palang mananakit sa akin. But I’m a grown up now and I can face him na professionally. Pero aaminin ko, sobrang kinakabahan ako sa mga oras na ‘to. Feeling ko may mga nag-liliparan na paru-paro sa sikmura ko. Hindi ako makapag-salita na tila ba umurong ang dila ko. Tila ba ayaw mag-sync in sa utak ko na kaharap ko siya ngayon. “Nice meeting you again, Keirah.” Ang baritono niyang boses na hindi ko inaasahang maririnig ko ulit. Akala ko kaya ko na siyang harapin, hindi pala. Sa halip na sagutin ko siya, mabilis akong tumalikod at lumabas ng flower shop. Naramdaman ko pa na hinabol niya ‘ko. “Keirah wait!” tawag niya sakin mula sa likuran. Wish ko na lang marating ko agad ang kotse ko. Pero bigo ako dahil nahawakan niya ang braso ko. I know I looked pathetic nang nakangiti akong humara
DAVIDSON POV Just an ordinary day, pumasok ako sa office bilang isa ng Chairman of the Board. Yeah, nakamit ko na ang pwesto ng namayapa kong ama. Malungkot na masaya. Nalulungkot ako dahil ito ang posisyon na hindi na kailanman matatayuan ni Daddy. Masaya dahil sa kabila ng lahat ng pinaghirapan ko, heto na at nandito na ako. From young CEO to Chairman. “Mr. Montevella, the guests are waiting, we have to go now,” ani Sandra. Ang sekretarya kong loyal sa akin. “Really? O sige, tara na.” Naglalakad ako sa hallway habang nakasunod sila sa akin kasama ang mga bodyguards ko na pinamumunuan ni Capt. Hero. “Good morning, sir,” bati sa akin ng bawat makakasalubong namin na empleyado. Binabati ko naman sila pabalik at alam kong nabibigla sila kapag nginingitian ko sila. I admit it, nagbago na nga siguro talaga ako. I learned to socialize. I learned to smile. Siguro ang mga pagbabago ko ay dahil sa kanya. Thanks to her. Hindi na ako ang Davidson na may mataas na bakod. She
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.