"Bakit ganyan ang hitsura mo? Ang payat mo. Pinapabayaan mo ang—" "Ano namang pakialam mo sa kung anong hitsura mayroon ako?" Napasuklay na ng buhok si Geoff upang supilin ang awang nadarama. Medyo guilty siya na baka dahil iyon sa annulment nila. "Kailangan kong makialam sa'yo Alyson dahil hindi ka pwedeng mamatay hangga't hindi pa tayo annul. Narinig mo? Ayokong gagamitin mo hanggang kamatayan ang apelyido ko!" "Huwag kang mag-alala, hindi pa ako mamamatay. Ayoko rin namang gamitin ang apelyido mo at ilagay sa magiging lapida ko." Matapos ng tatlong taong pagiging martir at pagkakakulong sa sagradong kasal ni Alyson Samonte kay Geoffrey Carreon ay tuluyan na itong sumuko sa asawa. Sa kabila ng pagtulong ni Don Gonzalo Carreon na pigilan 'yun ay nangyari pa rin. Muntik na sanang magtagumpay ang Don, kaya lang isang pangyayari ang naganap. Nalagay sa alanganin ang buhay ni Alyson at ng mga batang nasa sinapupunan. Iyon ang naging daan upang tuluyang talikdan ni Alyson si Geoff na akala niya ay pipiliin na siya. Lumabas siya ng bansa. Nangarap at nagsikap. Sa tulong ng ibang lalake, sa pag-aakalang kaya niyang kalimutan ang asawa sa paglipas ng maraming taon. Sa pagbabalik niya ng Pilipinas bilang matagumpay na CEO ng sarili niyang kumpanya, muli kayang magsanga ang landas nila ng dati niyang asawa, ngayong nasa iisang industriya na sila? Ano ang kapana-panabik na mangyayari sa muli nilang pagkikita lalo pa kapag nalaman ni Geoff na nagkaroon sila ng kambal na anak ng dati niyang asawa?
View MoreHINAWAKAN NA NI Manang Sylvia ang seradura at akmang bubuksan na nang mapabitaw siya dito sa ilang malakas na mga kalabog na narinig nila mula sa loob. Ilang sandali pa ay naulinigan nila ang buo at malakas na sigaw ng isang lalake. Lihim na nagdiwang si Sylvia, panigurado na nagsimula na itong angkinin ang katawan ni Alyson at nagpupumiglas ito ang babae. “Sila ba ‘yun?!” “O-Opo, Sir…” “Tabi! At ako ang magbubukas!” Siguradong-sigurado si Sylvia na oras na makita ni Geoff ang hitsura sa loob ni Alyson ay hindi na nito magagawa pang ipagtanggol ang sarili. Iyon ang ebidensya. Wala na itong takas. Si Geoff iyon kaya imposible na kunsintihin niya si Alyson kahit pa may kasalanan din siya para masira ang kasal nila. Malamang, palalayasin niya si Alyson at korona ng pagiging asawa ay maagang mapupunta sa magiging bagong Mrs. Carreon. “Alyson! Buksan mo ang pintuan!” malakas na palo na doon ni Geoff nang subukan na buksan ito at hindi gumana, malamang dahil naka-lock. “S-Sir,
BINALOT NG PAGTATAKA si Geoff nang magpaalam kay Loraine na uuwi na at hindi siya nito pigilan. Dati-rati kulang na lang ay lumuhod ang babae sa harap niya para lang pagbigyan niyang sipingan ito at doon siya magpalibas ng gabi. Subalit kakaiba ang gabing iyon, na alam ni Loraine na magpapabago ng lahat oras na makita ni Geoff ang mga nangyayari sa bahay nila ngayon. Umarko pa ang gilid ng labi ni Loraine nang yumakap sa lalake. "Mag-iingat ka Babe, mag-chat ka sa akin kapag nasa bahay ka na. Huwag mong kalimutan ‘yun ha?"Tumango lang si Geoff. Naninibago pa rin sa kinikilos ni Loraine. Isang lingon pa ang ginawa niya sa babae at lumulan na ng kanyang sasakyan. Isang busina ang kanyang iniwan at tuluyan nang nilisan ang tapat ng harap ng apartment ni Loraine. Pumasok na rin ng apartment si Loraine, kinuha ang bag para umuwi na rin sa kalapit ng bahay nina Geoff. Gusto niyang makibalita sa exciting na mangyayari sa kanila. Habang lulan ng taxi ay kinuha niya ang cellphone upang sabih
PARANG WALANG narinig at hanging dumaan lang na sininop ni Alyson ang mga basura ng pinagkainan nila na nasa table. Tumayo siya at itinapon iyon sa malapit na basurahan. Iiling-iling na sinundan siya ng tingin ni Rowan. Batid niya na kahit anong gawin niya, parang hindi ito tatalab sa kaibigan na mukhang sarado ang utak at nalason na ang isipan ng asawa nito. Manhid na rin sa mga naranasan dahil wala ng pakialam."Halika Alyson, hindi pwede ito!" payapay ng kamay ni Rowan dito.“Saan tayo pupunta, Rowan?”"Saan pa? Syempre sa bahay niyo." nakapameywang na sagot nito. "Ipamukha mo sa mga katulong na ‘yun na nagkamali sila ng binangga. Huwag ka ngang magpaapi lang ng ganyan. Nakakagigil ka! Sa panahon ngayon ay hindi na uso ang pa-martir, Girl. Kung hindi mo kaya na ipagtanggol ang sarili mo sa harapan nila at plano mong hayaan na lang at palagpasin lahat, pwes ako ang gagawa noon! Hindi pwede sa akin na gaganyanin ka lang nila!"Binalot ng takot at pangamba ang buong katawan ni Alyson
HINDI NAGTAGAL ay dumating sa location na sinabi ni Alyson si Rowan na humahangos sa pagmamadali. Alaalang-alala ang mukha nito upang abutan lang si Alyson na hindi naman pala doon nag-iisa at kawawa kagaya ng ini-imagine niya. "Alyson!" "Rowan!" Agad na nagyakap ang dalawa sa harapan ni Oliver na bigla na lang napatayo sa pagdating ng kaibigan ni Alyson. Naging mailap na ang mga mata nito."Anong nangyari? Bakit ka nasa labas ng ganitong oras? At sa ganyang hitsura mo?" Pabebeng ngumuso si Alyson. Para na siyang kapatid ni Rowan kung ituring kaya naman hindi mawala sa kanya na umaktong parang isang batang paslit sa harapan nito. "Alyson, paano? Aalis na ako. May makakasama ka na dito."Hindi pa man nagtatagal si Rowan ay tumalikod na si Oliver para umalis. Wala itong planong makipag-socialize o makipagkilala kay Rowan."Ah sige, salamat ha!" Humakbang na ito palayo. Ni hindi tinapunan ng tingin si Rowan na humarap sa lalake."OMG! Sino 'yun Alyson?" "Ah, kakilala—" "Girl, ika
"Kumain ka na ba Alyson?" Napalingon na ang mga mata ni Alyson kay Oliver. "Nakakatawa 'no? Palagi na lang kitang tinatanong kung kumain ka na ba tuwing magkikita tayo." "Oo nga," sang-ayon ni Alyson na natawa na rin sa lalake. "Mukha ba akong palaging gutom sa paningin mo?" "Hindi naman sa ganun, Alyson. Gusto ko lang siguraduhing busog ka. I mean, pagkain ang siyang unang pangangailangan ng tao." "Uy joke lang 'to Oliver ha, masyado ka namang seryoso." Pagak na tumawa si Oliver. Nasa kalsada pa rin ang mga mata. Nais niya sanang ayain si Alyson na kumain tutal hindi pa rin naman siya kumakain ng hapunan, kaya lang baka tanggihan siya nito. "Saan kita ihahatid?" "Ibaba mo na lang ako sa convenience store na madadaanan natin, tapos pahiramin mo ako ng phone." lahad ni Alyson ng palad sa harapan niya. Kinapalan na ni Alyson ang mukha niya. Sa iilang encounter nila ni Oliver na puro kahihiyan lang naman, mahihiya pa ba siya rito? Hindi. "Babayaran na lang kita sa next meetin
HALOS MAPUNIT ang mga ngiting nakasukbit sa labi ni Manang Sylvia habang pababa ng hagdan. Nakasunod ang mga kasama na kulang na lang ay himatayin sa labis na kaba at pag-aalala na baka mahuli sila sa kasalanang ginawa nila. Feeling Mayordoma na kinuha ni Sylvia sa bulsa ng suot niyang uniform ang cellphone upang tumawag sa number ni Loraine. Ipapaalam niya lang dito na nagawa na niya ang part niya; na nasa iisang kwarto na si Alyson at si Bernard. "The plan is already done, soon to be Mrs. Carreon. Wala ka ng dapat na ipag-alala pa." wika ni Manang Sylvia na patuloy lang ang hakbang at ang pagpanaog ng hagdan. "Nandiyan na ba ngayon ang soon to be your husband, bagong Mrs. Carreon?" tanong pa nitong animo'y panalo. Gumuhit ang kakaibang ngisi sa labi ni Loraine. Nasa pinto siya ng apartment at hinihintay na dumating si Geoff. Feel na feel ang pagtawag sa kanya ni Manang Sylvia na kadikit ang apelyido ni Geoff. Ang gaan nito sa kanyang pakiramdam. "Parating pa lang." "Sabihan
PADARAG NA BINAGSAK ni Alyson ang kanyang hawak na kutsara at tinidor sa table. Napaigtad ang mga maid na malapit sa kanya at nakarinig, agad namang lumabas si Sylvia ng kusina bitbit ang lalagyan ng kanin. Aligagang inabot na iyon. "Mrs. Carreon, heto na po ang—" "Mamaya na ako ulit kakain pagdating ni Geoff, bigla kasi akong nabusog. Pakiligpit na lang muna o pakitakpan ng aking ulam." Tumayo na si Alyson matapos na damihan ang inom ng tubig. Pamartsang lumabas ng kusina at umakyat na ng kanyang silid. Medyo nahihilo siya, pero hindi naman iyon sobra. Mabuti na lang at dalawang kutsara lang ng sabaw ang nahigop niya. Kung naparami pa ay baka makasama na. "Ano bang madilim na plano nila? Hindi nila ako pwedeng lasunin. Tiyak na ikakapahamak nilang lahat 'yun. Okay fine, gusto niyong paglaruan ako? Sige, maglaro tayo. Tingnan natin sino ang talo." SA SANDALING narinig ng mga maid na sumara ang pinto ng silid ni Alyson ay nakahinga sila nang maluwag. Makahulugang nagkating
HINDI NA LUMABAS ng silid si Alyson matapos noon. Ibang maid din ang pinagdala ni Manang Sylvia ng ginger tea nito at pitsel ng tubig. Baka oras na makita nmsi Alyson ay hindi niya na mapigilan ang sariling makapagsalita dito nang kung ano. "Anong sabi? Hinahanap ako?" tanong ni Sylvia sa maid na inutusan niya pagbaba nito. "Wala naman. Hindi ka rin hinanap." Kinabukasan sinabayan lang ni Alyson na kumain si Geoff ng agahan at bumalik na rin agad sa silid. Inabala niya ang sarili sa pagre-repaso ng mga design na naudlot niyang tapusin dahil sa dinaramdam niyang sakit. Ngayong bumubuti na ang pakiramdam niya, kailangan niyang ayusin na ang iba rito habang may libreng oras pa. Bandang tanghali na nang bumaba siya. Kanina pa kasi siya tawag nang tawag sa intercom at walang sumasagot. Nalaman niya na nasa likod lahat ng maid at nag-uusap na only God knows kung tungkol saan ang nangyayaring pulong nila. Wiling-wili sila doong nakatambay. Walang pakialam sa paligid at hindi naririni
MABABAKAS MAN ANG pagkapikon at matinding pagtutol sa mukha ni Manang Sylvia ay pinili ng matanda na manahimik na lang at huwag ng salungatin ang mga sinasabi ng amo. Tikom ang bibig niya kahit na ang daming gustong sabihin. "Mauuna na akong umakyat at magpahinga," maya-maya ay paalam ni Alyson sabay tayo. "Tapos na na rin naman akong kumain." Bago pa makasagot si Geoff ay nakaalis na si Alyson sa harapan niya. Diretso itong lumakad palabas. Ni hindi lumingon man lang sa lamesa. "Manang Sylvia, pasensiya na sa ugali ni Alyson ha? Sinabihan ko na kayo noong una." Tumango lang ang maid. Sa loob niya pareho naman ang dalawa na masama ang ugali. Hindi niya rin gusto ang ugali ni Geoff, dangan lang at kailangan niya ng trabaho kaya nagtsa-tsaga. "A-Ayos lang po Sir, naiintindihan ko po ang ugali ng Mrs. Carreon." labas iyon sa ilong ng maid. Matapos kumain ay pinuntahan ni Geoff si Alyson sa silid. "Ano bang nagpapainit ng ulo mo? May dalaw ka ba? Pinagbubuntunan mo ng gal
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.