Napakunot ang noo ko habang binabasa ang papel na hawak-hawak. Mayamaya pa'y kusang umawang ang labi ko noong mapagtanto ko kung ano iyon!
Seriously? Bakit may ganito?
"Mommy!"
Mabilis kong binuksan ang pinto ng opisina ni mommy at mabibigat ang mga hakbang palapit sa puwesto niyo. Namewang ako sa harapan nito at inilapag ang hawak-hawak na envelope.
"What's the meaning of this?" I asked her. Kita ko ang pagtaas ng isang kilay nito at binitawan ang binabasang libro. Dinampot niya ang inilapag kong envelope at ngumisi noong makita ang laman nito.
"Oh, this is an invitation, darling," she said then waved the envelope in front of me.
"Yes, an invitation, mommy. Obviously," I rolled my eyes. “At bakit may ganito?” Tumawa ito at tumayo mula sa kinauupuan. Naglakad ito papalapit sa akin at hinila ako patungo sa sofa ng opisina niya. Naupo kaming dalawa
Maingat akong naupo noong bahagya akong makaramdam nang paghilo. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at dahan-dahang tumayong muli. I need to move and prepare. Hindi ako maaring manatili lamang dito sa silid ko. Kailangang may gawin din ako ngayong araw! Mabilis akong nagtango sa banyo at nag-ayos ng sarili. Maingat ang bawat galaw ko dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayong umaga. Damn! What's happening to me? May nakain ba akong masama kaya naman ay naging ganito ang pakiramdam ko? Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa paglilinis ng sarili. Noong matapos na ako ay agad na lumabas ako sa silid ko. Tahimik akong naglalakad patungo sa silid ng aking ina na tiyak kong abala na rin sa paghahanda sa okasyon dito sa headquarters. Tipid ko namang nginingitian ang mga Lunar na nakakasalubong ko. Mukhang naglaan talaga sila ng oras nila para sa araw na ito!  
BREAKING THE CURSE "Lady Alexa, stop running!" "Lady Alexa, please, stop! Mapapagalitan ka na naman ng mommy mo kung ipagpapatuloy mo ito!" "Lady Alexa!" "Puwede ba!" Inis na sigaw ko sa dalawang taga-bantay ko. Tumigil ako sa pagtakbo at masamang tiningnan ang mga ito. "I know what I'm doing here. Huwag niyo na akong sundan pa. Go back to your headquarters and just do whatever you want to do! Leave me alone, please!" "We can't do that, Lady Alexa. Alam mo namang hindi ka namin maaring iwan na lang." seryosong sambit ng isa at umayos nang pagkakatayo sa harapan ko. Napairap ako at napatingin sa isa pang taga-bantay ko. "May sasabihin ka rin?" mataray na tanong ko dito at hinawi ang buhok sa balikat ko. "Alright, hahayaan ka namin ngayon, Lady Alexa, sa kung anong nais mong gawin-" "Div
Pigil hininga akong nagtatago ngayon sa loob ng isang kabinet dito sa silid ko. Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko sa labas na siyang lalong nagpakabog ng dibdib ko. Mahigpit kong napahawak sa mga tuhod ko at maingat na sinubsob ang mukha ko dito."Mommy," I cried silently as I called my mother. "Daddy... I'm... I'm scared." Muli kong sambit at nag-unahan na ang mga luha sa paglabas mula sa mga mata ko. I’m scared right now! I can't even think straight!Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko!But…no! Dapat ay hindi ako umiiyak ngayon dito! I need to be strong! Kailangang maging malakas ako lalo na sa sitwasyong kinahaharap ko ngayon! Kailangan kong maging malakas. Para sa sarili ko at para na rin sa mga magulang kong nakikipaglaban para sa kaligtasan
Napabalikwas ako nang bangon noong mapanaginipan ko na naman ang nakakatakot na panaginip na iyon.Wala sa sarili akong napahawak sa dibdib ko at dinama ang malakas na tibok ng puso ko. Napapikit ako at pilit na ikinalma ang sarili. Iyong panaginip na iyon, iyong paulit-ulit na panaginip na iyon, ay tila totoong nangyari sa akin. Ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit, takot at galit ko sa panaginip na iyon.Napamulat ako ng mga mata at pilit na inalala ang nangyari sa panaginip ko.I was running away. Scared. At noong makakatakas na sana ako mula sa mga taong nais manakit at kumuha sa akin, someone aimed his gun and pulled the trigger towards me. Natamaan ako sa dibdib ko at iyon ang huling nangyari sa panaginip ko. Iyong takot na nararamdam ko tuwing nagigising ako mula sa p
Pagkapasok namin ni Nanay Celeste sa bahay ay agad nitong isinara ang pinto. Mabilis ang bawat galaw nito samantalang nakatayo lang ako habang hawak-hawak ko pa rin ang patalim na dinampot kanina. Isinunod niyang isinara ang mga bintanang malapit sa amin at noong matapos siya sa ginagawa, mabilis itong bumaling sa gawi ko."Ayos ka lang ba, Ice?" She asked me worriedly. Napatango na lang ako dito at inilapag sa mesa ang patalim na dinampot ko kanina. Kita kong natigilan si Nay Celeste at agad na nilapitan ako. Kinuha nito ang patalim sa mesa at matamang isinuri."Nay, what’s happening? Ba… bakit may nagtangka sa atin kanina?" Naguguluhang tanong ko dito habang matamang nakatingin sa kanya. Kita kong wala sa akin ang atensyon ni Nay Celeste kaya naman ay napatingin ako sa kung anong tinitingnan nito. It was the knife I bo
"Celeste, napadalaw ka?"Ito agad ang bumungad sa amin ni Nanay Celeste noong bumukas ang pinto ng malaking bahay at isang lalaki ang sumalubong sa aming dalawa. Nakangiti ito sa amin at magiliw na iginaya kami papasok sa mansyon niya. Sa tansya ko ay mas matanda lang ang edad nito ng isa o dalawang taon kay Nay Celeste at Tay Manuel. Matangkad ito at kagaya nang inaasahan ko, nakaramdam ako nang kakaiba sa lalaking nasa harapan."Dawnson, we need your help," ani Nay Celeste sa lalaki noong tuluyang nakapasok na kami sa mansiyon nito. "We've been chased by Bloods and Lunars earlier."Natigilan ang lalaking nagngangalang Dawnson sa pagkilos at nawala ang ngiti nito sa mga labi. Agad na pinitik nito ang mga kamay na siyang ikinapitlag ko at kusang nagsara ang pintuang pinasuka
Sunod-sunod na putok ang namayani sa tahimik na mansyon ni Dawnson.Napatayo ako mula sa kinauupuan at tinungo ang pinto ng silid. Sinigurado kong naka-locked ito bago umatras at lumayong muli dito. I sighed as I tried to calm myself. Sana maging maayos lang sila Nanay Celeste at Dawnson. Sana’y walang masamang mangyari sa kanilang dalawa.Bumalik ako sa kinauupuan ko at tahimik na pinapakiramdaman ang paligid. Mayamaya lang ay impit na napatili ako noong biglang may pwersang nais buksan ang pinto ng silid na kinaroroonan ko. Napatakip ako ng bibig ko at mabilis na inihanda ang sarili.Paanong nakarating na ang kalaban dito sa palapag na ito?Anong nangyari kay Nay Celeste at Dawnson? Are they okay? Damn! 
"My name is Mavi," anito noong tumigil ang sasakyan nito sa kung saan. Mayamaya pa'y may pinindot ito sa may dashboard sa harapan niya at humugot ng isang malalim na hininga. Tahimik at nakasunod lang ang tingin ko sa bawat galaw nito. Kaya naman noong makaramdam ako nang bahagyang pagyanig ng lupa ay naging alerto ako. Napahawak ako sa baril na nakasilid sa bag ko at napatingin sa unahan ng kotse nito. Napaawang ang labi ko habang pinagmamasdan ang pag-angat ng lupa sa harapan namin. Mayamaya pa'y muling pinausad ni Mavi ang sasakyan nito at dumaan sa isang lagusan mula sa nakaangat na lupa. "Where are we?" Wala sa sariling tanong ko dito at tumingin sa likuran nang sasakyan. Mangha akong nakatingin sa dinaraanan namin at noong mamataang nagkusang sumara ang lagusan na dinaanan namin kanina, napaangat ang gilid ng labi ko dahil sa pagkamangha. "This is my place, my house," ani Mavi at itinig