Chapter Sixteen
The Protagonist II
Nangingibabaw ang tunog ng pagkiskis ng ballpen sa papel sa tenga ni Lorraine. Maagang pumasok si Lorraine kaya naisipan niyang ituon na lang ang natitirang oras sa paggawa ng homework niya na sa susunod pa namang araw ang deadline. Bawat taong pumapasok sa classroom ay pasimple siyang dinadapuan ng nanghuhusgang tingin dahil sa nakikita nilang ginagawa ni Lorraine.
Aware si Lorraine sa mga kaklase niya pero hindi naman ito nagkaroon ng pakielam sa kanila dahil iisa lang ang pinapahalagahan niya. Ang pinangangalagaan niyang grade at ang consistent niyang pagiging top 1 sa klase.
"Busy na naman ang grade conscious nating classmate," nakangiwing bulong ng isang lalakin
Chapter SeventeenThe Fallen CupidMabigat man ang talukap ng mga mata ni Shawna. Pinilit niya pa rin itong minulat. Pero bago niya muna tuluyang nabuksan ang mga mata niya ay narinig niya muna ang malalakas na ingay ng mga sasakyan at naramdaman niya rin ang magaspang na kalsada sa kaniyang balat.Nang maimulat na niya ang mga mata niya ay saka niya napagtanto na nakadapa siya ngayon sa kalsada na kung saan ang tulay malapit sa isang mall. Napapikit ang isang mata niya ng maramdaman niya ang bahagyang pananakit ng katawan nang pinilit niya ang sarili niyang bumangon. Kaya, dahan-dahan na muna niyang inangat ang katawan niya sa kalsada atsaka niya pinagpag ang sarili niya.Rumehistro bigla ang pagtataka sa mukha niya. “Anong ginagawa ko dito?” Nagpalinga-linga siya sa paligid pero nilalampasan lamang siya ng mga tao. Kinapa-kapa niya naman ang katawan niya at laking pagtataka niya nang makitang nakasuot siya n
Chapter EighteenHer GiftSeryoso ang mukha ni Lorraine habang gumuguhit sa isang bondpaper. Walang klase kasi ngayon sa kanila kaya kung ano-ano lang ginagawa ng mga estudyante sa classroom. Kagaya ni Lorraine na naisipan na lang aliwin ang sarili sa pagguguhit ng damit sa isang blankong papel.Pagkasapit ng huling taon sa pagiging junior highschool, ay maswerteng naging magkaklase ulit sina Lorraine at Shawna. At dahil matagal na silang magkaibigan, ay sila pa rin ang madalas na magkasama nitong school year.Nang matapos na niya ang isang puting dress na iginuhit niya, hindi pa rin siya nakuntento. Kaya unti-unti siyang gumuhit ng iilang linya. Nang dumami ito ay nakabuo siya ng isang pares ng pakpak sa likod ng puting dress. Nang hindi na naman siya makuntento ay dinagdagan niya na rin ito ng mga accessories tulad ng pana na mayroong cute design at mga palaso na nakahugis puso.Maya’t maya ay napatigil siy
Dagsaan ang mga kabataang may kaniya-kaniyang mga hawak na mga libro. Kasalukuyan silang nasa isang venue upang mapirmahan ang mga librong hawak nila na ang title ayFourteen. Kaniya-kaniyang bulungan at ingay ang nangingibabaw sa buong lugar. Makikita rin ang pagkasabik sa mukha ng mga kabataang ito. Dahil sa wakas ay magwawakas na rin ang kuryosidad nila. Ngayong araw na kasi ipapakita ng author ang mukha niya sa kaniyang mga mambabasa.Maya't maya ay dumating na ang takdang oras. Lumabas na mula sa pintuan ang isang misteryosong lalaki dahilan para mag-ingay ang mga kabataang gustong gusto nang makita ang mukha ng kanilang iniidolong manunulat. Ang iba ay namangha, ang iba naman ay nagulat. Hindi kasi iyon ang inaasahan nilang mukha ng inaabangan nilang author.Prenteng umupo naman sa kanilang harapan ang kanilang autho
Chapter OneThe Case of Missing Laptop"Jessie, you know I always tell the truth," seryosong saad ni Dylan sa kaharap niyang babae.Dahan dahang tumunghay si Jessie sa lalaking nasa harapan niya habang bakas ang gulat sa kaniyang mukha."I'm not just protecting you because of my guilt or because I dragged you into this. I'm protecting you because I have feelings towards you." Seryoso ang mukha ni Dylan habang binibitawan ang mga salitang iyon kay Jessie.Mahinang tumawa si Jessie. "You're just confused.""I am not," mariing tugon ni Dylan. "Kilalang kilala ko ang sarili ko, Jessie." Diretso siyang t
Chapter TwoGhost Writer"MAMA! MAY MAGNANAKAW!"Dahil sa isinigaw ni Eros ay nataranta ang babaeng pangahas na pumasok sa kuwarto niya. Nanlaki ang mga mata nito habang kukurap kurap na tinuturo niya ang sarili niya."Ha? Teka? Nakikita mo ko?" reaksyon nito pero hindi nito pinansin ni Eros hanggang sa dumating na nga ang ina nito sa tabi niya."Oh? Nasaan ang magnanakaw?" kaagad na lumabas sa bibig ng ina niya. Bitbit-bitbit na nito ang sandata niyang walis tambo na handang handa na niyang ihampas sa mga kampon ng kadiliman.Kaagad tinuro ni Eros ang babaeng may pakpak. "Ayan Ma! Nasa harapan lang
Chapter ThreeYes or YesSa dami ng nabasa ni Eros, dumating rin sa punto na nagsawa na siya sa kakabasa. Hindi dahil sa hindi na niya nagugustuhan ang mga nababasa niya kundi dahil hindi na siya nakukuntento na hanggang sa pagbabasa na lang ang ginagawa niya. Doon pumasok sa isip niya na magkaroon ng panibagong libangan bukod sa pagbabasa ng mga mystery novels.Inumpisahan niya sa papel. Kahit maraming grammatical errors ay tinuloy niya pa rin ang pagsusulat dahil wala pa siyang masyadong ideya sa kaniyang ginagawa. Ang alam niya lang ay nag-e-enjoy siya sa sariling mundo na inilikha niya na nagmula sa isang inspirasyon na nakuha mula sa iba't ibang nobelang nabasa niya.Mula sa papel ay lumipat siya
Chapter Four Fourteen Mahirap para kay Eros na i-imagine ang sarili niyang palaging may taong nasa tabi niya o kahit may isang tao man lang na nakakasama niya nang matagal. Kung hindi niya nga nakikita ang sarili niya na magka-bestfriend paano pa kaya ang magka-jowa? Hindi alam ni Eros kung ano ang nangingibabaw na emosyon niya ngayon. Naramdaman niya ang pagtaas ng kaniyang mga balahibo sa batok. May tatlong klase kasi ng cringe. May cringe na ang epekto ay inis or galit. May isa pang uri ng cringe na parang nahihiya ka. At ang huli ay natatawa ka kasi nga cringe. Ngayon, sabay sabay niyang nararamdaman iyon. Naiinis siya na medyo natatawa. Pero bago pa man lumabas ang sarkastikong tawa sa bibig
Chapter FiveThe Encounter of Two LoversPaano nga ba uumpisahan ang isang lovestory? Kung sabagay, obvious naman ang sagot. Malamang nag-uumpisa lang naman ang lovelife ng isang tao kapag nagkita na silang dalawa ng kaniyang magiging ka-couple niya sa future. Pero ang tanong? Sa anong paraan pagkikitain ang dalawa?Ito ang problemang kinakaharap nina Shawna at Eros kaya hindi pa nila nauumpisahan ang nobela nilang dalawa. Dahil panay reklamo ang isa na ang cheesy o ang corny daw at kung ano-ano pang mga ibang term na palaging ginagamit ni Eros pang-insulto sa mga romantic scenes na palagi niyang pinandidirihan.Ngayon ay sumapit na ang fourteen, ang araw kung saan gaganapin na ang activity nila sa Cr