KABANATA 12: MABUTI NA LANG at nakatulog na si Kuya Gideon bago pa makapagsumbong si Lucio pero sigurado akong bukas na bukas din sa oras na magising ang tatlo ko pang mga kapatid, wala siyang palalampasing oras para isumbong ako. “Hindi ka ba pagagalitan? Wala naman talaga tayong ginawa…” ani Tres. Nagkibit-balikat ako. “Hayaan mo na iyon. Gano’n talaga si Lucio, palibhasa bunso at siya ang madalas pagdiskitahan. Gusto lang no’n na ako naman ang pag-trip-an ng mga kapatid namin.” Marahang tumango si Tres. “Hmm, okay. But if you need me, you can call me right away,” he replied. Marahan siyang humikab at kinusot ang mga mata. “Inaantok ka na…” sabi ko. “Ang tagal naman ng cab.” “Okay lang, you can go inside. Kaya ko nang maghintay rito.” “Hindi, hihintayin kong makasakay ka,” sagot ko. A teasing smile curved his lips. “Nag-aalala ka talaga sa akin.” “Ewan ko sa ‘yo!” reklamo ko. “Sige na nga papasok na ako sa loob!” Tatalikuran ko na sana siya pero hinawakan niya ang kamay
KABANATA 13:KANINA KO PA nararamdaman na tila ba may nakatingin sa akin. Tres kept on talking to Matias but he seemed irritated. At nang lingunin ko ang direksyon kung saan nakaupo ang ex-girlfriend niya, napatunayan kong siya ang tingin nang tingin sa amin. Inirapan ba naman ako nang makita niyang nilingon ko siya!“Don’t look at her, she’s annoying,” Tres whispered.“Hindi ako makapaniwala, pumatol ka sa ganyan?” bulong ko rin.Tinawanan niya lamang ako at saka nagtawag ng waiter na dumaan. May dala iyong red wine kaya naman kumuha kami. We tossed before we sipped on our glasses.Ilang saglit lang ay lumabas na rin ang engaged to be married. Magarbo at mamahalin maging ang mga suot nila. Sana lang ay hindi sila magpasyang maghiwalay pagkatapos nito. Ganoon pa naman madalas, kung sino pa ang mga magagarbo sa engagement at kasal ay iyon pang mabilis maghiwalay. Hindi naman sa bitter ako pero ganoon talaga madalas.“Thank you all for coming! Sana ay nagustuhan ninyo ang celebration na
KABANATA 14:HINDI KO NA natiis pa si Tres. Alam kong pwedeng hindi maganda ang kahinatnan ng desisyon ko na halikan siya pabalik pero wala na rin naman akong magagawa para bawiin pa iyon. Nangyari na ang nangyari at sigurado akong kung ano man ang nangyari kanina, magkakaroon ng malaking impact sa relasyon naming dalawa.Napahawak ako sa aking labi nang maalala kung paano niya ako halikan pabalik. The way he kissed me seems like he missed me so much, that he was craving it for a long time. Na-curious tuloy ako. Noong bigla akong umalis nang walang paalam, ano kaya ang naramdaman niya? Nainis kaya siya sa akin? Nasaktan ko kaya siya? I sighed then stopped reminiscing about everything. Imbes na tumunganga ay tumayo na ako mula sa sofa at nagpasyang dumiretso sa kwarto para magbihis ng damit at makapagpahinga na. Nang makapagbihis, inasahan kong i-te-text o tatawagan man lang ako ni Tres bago ako makatulog pero nagising na lang ako kinaumagahan, walang text o kahit missed call akong na
PROLOGUE:“YOU?” Hindi maipinta ang mukha ni Tres Eduard Ramirez nang makita ako. Even I, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon. Two years ago was so long that I couldn’t almost remember what we did back then. Pero hindi ko kailanman makakalimutan ang mukha niya…“I can’t believe you’re Navillera Sera Ibarra,” he chuckled. He even covered his mouth with too much surprise. I smiled. “Bakit hindi natin pag-usapan ang tungkol sa sadya natin dito? You said you want to talk about Shine Wine…” sagot ko.At ngayong kaharap ko na siya, hindi ko maiwasang maalala ang lahat ng nangyari. Kung ano ang mga ginawa namin sa loob ng iisang kwarto, at kung paano namin ibinahagi ang problema ng isa’t isa. Those moments that I cherished a lot, and I almost tell him my real identity– an heiress of a company.He scoffed. Inalis niya ang pagkakatakip sa kanyang bibig saka ako tinitigang maigi. Halata sa kanyang mukha na na-disappoint siya sa naging sagot ko. “Your Shine Wine is very popular now
KABANATA 1:“YOU’RE 27 NOW, still single?” tila nang-uuyam na tanong ng Kuya kong si Vito.I rolled my eyes and continued what I was doing, busy with my job.“Hindi ka naman na namin pipigilan kung gusto mong magkaroon ng boyfriend. You should accept suitors now, you’re fully grown up and your time is ticking. Ilang taon na lang kakalawangin ka na–” Pinigil ko si Kuya Gideon sa susunod niyang sasabihin.“Shut up!” I exclaimed. “Huwag n’yo akong pilitin kung ayaw ko.”“What about blind date, sis? Pwede kitang i-set up sa ilang kilala ko,” hirit pa ni Lucio.Imbes na sagutin siya’y umirap na lang ako. Galit na ako’t lahat, iyan pa rin ang sasabihin! Nakakainis sila. Na-pe-pressure din naman ako sa kalagayan kong ito. Kung alam lang nila ang sitwasyon, siguro’y malalaman nilang hindi madali. All my life, they are stopping me to do things that I want. Sila ang dahilan kung bakit single ako hanggang ngayon. Who would dare to date a woman like me? I am intimidating, my brothers are known to
KABANATA 2:“WHAT DO YOU want to drink?” Iyon kaagad ang bungad na tanong niya sa akin. Napatunganga tuloy ako sa harap ng bartender dahil wala akong maisip na inumin. Sa tagal kong hindi nakapasok sa bar at nakainom ng alak, sa tanda ko’y noong college pa yata, wala na akong alam tungkol dito.“Hmm, iyong hindi naman ako masyadong malalasing,” sagot ko.Ayaw ko namang malasing nang husto. I can’t believe na hindi ako nagdalawang-isip na pumasok dito kanina. Ngayon ay wala pala akong alam. Mabuti na lang at nandito itong lalaking nagpapasok sa akin kanina.“Just give her a lady’s drink, how about martini? And a whiskey for me,” he asked the bartender.“Coming up!” sagot nito.Humarap siya sa akin at sinenyasan akong maupo na sa barstool na naroon. Naupo rin naman ako at hinintay siya. Kung nasa Manila ako, malamang na hindi ko pahihintulutan ang sarili ko na makipag-usap sa isang stranger na kagaya niya. Pero ngayong gabi, dahil gusto ko na rin namang maging malaya, I will make my se
KABANATA 3:NAMILOG ANG MGA mata ko nang makitang papalapit na sa amin iyong dalawa. They are both naked! Tatakpan ko na sana ang mga mata ko nang ang malapad na palad na ni Tres ang sumalubong sa akin. Siya na ang nagtakip.“What the heck are you two doing?” sigaw ni Tres.“Oh shit!” malakas na mura ng lalaki. “Putangina mo, Tres! Nasaan ang mga damit namin?!”Kilala niya!“Ewan! Kayo ang naghubad, dapat alam n’yo rin kung saan ninyo inilapag!” Tres guided me to stand up. Hinawakan niya ang beywang ko. “Nakakahiya kayo, may kasama pa naman akong bagong salta rito!”“I know you’re behind this, Tres!” galit na sigaw nito.“Pati ako idadamay n’yo sa kalokohan n’yo? Nakakahiya ka, ang liit ng ti–” Hindi niya itinuloy ang sasabihin. Binitiwan niya ang pagkakatakip sa mga mata ko at hinatak ako patakbo, palayo roon!“Lagot ka sa akin kapag nalaman kong ikaw ang gumawa nito!” galit na sigaw ng lalaki.Humarap naman si Tres doon sa lalaki habang tumatakbo kami saka nag-middle finger. I laughe
KABANATA 4: NAMANGHA AKO NANG makapasok sa private resort ni Tres. Maliit lamang iyon, may swimming pool pagpasok ng gate, kasunod ang katamtamang laking bahay na kaharap ng pool. I was surprised that he own a private resort and he was alone here. “Ilang babae na ang nadala mo rito?” manghang tanong ko. Tres chuckled. “Kapapasok lang natin, iyan kaagad ang naisip mong itanong?” Napapailing na dumiretso ako sa pool side at naupo roon. Inilublob ko ang mga paa ko sa tubig bago ako nag-angat ng tingin sa kanya. This private resort is so refreshing! “Sana pala ganito na lang ang ni-rent ko instead of hotel room. Ang boring doon!” I exclaimed. Naupo siya sa tabi ko, gaya ng ginawa ko ay nilublob niya rin ang kanyang mga paa. My eyes wandered around the place. The modern structure of the house is beautiful. Nakakapagsisi talaga. “Na-bo-boring ako rito. Kaya nga palagi akong nasa Bar,” he replied. “Hindi rin ako nagdadala ng babae. I don’t want them to leave their smells in my house.”