Share

BOOK 2- MYSTERIOUS

Mga lagasgas ng tubig na nagmumula sa loob ng banyo at malakas na tibok ng puso niya ang tanging ang naririnig ni Samarra. Taas-baba ang dibdib niya habang pilit na kinakalma ang sistema. Hanggang ngayon nanginginig pa rin ang mga hita’t binti niya dahil sa ginawa nila kanina. Buti na lang nawala ang panlalagkit ng pakiramdam niya sa gitnang bahagi niya nang linisan iyon ni Zachary bago ito maligo. Inaya pa siya ng asawa na maligo para sabay na sila pero mariin ang ginawa niyang pagtanggi. Hindi naman porque na parang may nangyari na sa kanila ay aasta na sila na katulad ng mga “real couple” na magsasabay na maligo. Kahit papaano ay nahihiya pa rin siya sa asawa. Parang hindi niya kayang ibuyangyang ang hubad niyang katawan dito.

Nakahiga lang siya sa kama habang ninanamnam pa niya ang masarap na nagdaang minuto. Hindi man tuluyang hinubad ni Zachary ang suot niyang bathrobe pero dahil nakabukas iyon at hindi pa niya naisusuot nang maayos. Ang kumot ang nakatakip sa katawan niya haban
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status