Kabanata 30
DALAWANG oras bago ang live interview nina Astrid kasama ang isang sikat na talk show host, nagpasya siyang personal na kausapin si Cath at Crude. She wants to settle everything now, at kahit ano pang pakiusap ang gawin ni Crude, maninindigan na siyang ayaw na niya.
She enjoyed the liberty of being a top-grossing actress while her heart was broken. Ngayong buo na ito at ang sinisimulan pa lamang na buuing pamilya nila ni Croft ang nanganganib, handa niyang pakawalan ang lahat ng kasikatang tinatamasa kung sakali mang hindi siya tanggapin ng mga tao dahil sa katotohanang sasabihin niya mamaya sa harap ng telebisyon.
Humugot siya ng malalim na hininga bago tuluyang nag-door bell sa bahay ni Crude. Si Cath ang nagbukas
Kabanata 31NAGING maingay na balita ang break up ng tambalang ASTRUDE, ngunit masaya si Astrid na karamihan sa kanilang fans ay sinuportahan ang kani-kanilang mga desisyon. Some even made a fans club for her and Croft, telling Croft that he should do some cameos in Astrid's films if ever she'll agree to Tito Boy's offer to handle her. In-offer-an kasi siya nito na tutulong makawala siya sa agency ni Tita Pat, at dahil nagbabalak itong maging talent manager, sila ni Crude ang unang niligawan. Kampante naman sila rito dahil bukod sa marami rin itong naging karanasan sa mapagsamantalang managers sa tagal na sa industriya, matagal na rin nilang kaibigan ni Crude.Astrid and Croft got married via civil wedding since they didn't want to prolong it anymore. Pinangako naman ni Croft na pakakasalan siya sa simbahan kapag naiayos na ang kanilang
EpilogueHINDI maalis ni Astrid ang kanyang ngiti habang pinagmamasdan ang kanyang mag-anak sa dulo ng aisle. Ang magaling niyang asawa, ang sabi sa kanya ay ribbon cutting lamang para sa cruiseline na tinayo nito kasama ang mga kaibigan ang magaganap. Hindi naman siya natimbrehan na surprise wedding na pala ang magaganap sa rami ng involved! Pati ang kanilang anak na sina Alta at Astrea ay naging mga kasabwat ng magaling nilang ama para maitago sa kanya ang katotohanan.Nagpunas siya ng luha habang titig na titig na naiiyak niya nang asawa. Pangatlong kasal na nila ito. Una ay ang civil wedding, pangalawa ay ang kasal nila sa simbahan na labis na pinag-usapan sa buong bansa dahil sa pagkagarbo, at ngayon, sa unang cruise ship ng GAB Cruises, ang Dreamboat, bininyagan ng kanyang
ProloguePinunasan ni Astrid ng kanyang panyo ang namuong pawis sa kanyang noo nang makapwesto na siya loob ng jeep. Patuloy sa pagkarga ang barker ng mga pasahero at alam niyang ilang minuto lamang ay tuluyan na silang babyahe. That's what she wanted. Gusto na niyang umusad ang lumang jeep na sinasakyan nang makauwi na siya.Na-haggard na talaga ang itsura niya dahil sa pakikipagsiksikan kanina sa LRT pagkatapos ng shoot ng isang commercial kung saan siya umextra. Kahit paano ay kumita siya roon at may nadagdag sa perang iniipon niya.Kung tutuusin, sa laki ng kinita niya sa shoot at isa pang raket niya kanina, may pera sana siyang pambayad ng disenteng taxi para komportable siyang makauwi, ngunit may iba siyang pinaglalaanan ng pera. Hindi na siya ang dating Astrid na uunahin ang luho bago ang mas mahahalagang bagay. Sure, she still hates getting sweaty. Ayaw pa rin naman niya ang masyadong siksikang mga lugar at mauso
Kabanata 1"I TRUSTED you with all my heart pero anong ginawa mo? You clawed it with the kind of love that I didn't know will soon kill it." Astrid laughed as tears gushed down her cheeks. Pinunasan niya ito saka mahinang iniling ang kanyang ulo. "I'm sorry but I'm done playing the fool part. Deserve ko ang sumaya...kahit hindi ka kasama."Damang-dama niya ang bawat salitang binitiwan. The pain, the tears, it's all real.But nobody knows about it. Nobody knows where she's still coming from. And that painful past brought her to where she is now."Cut!" The director clapped along with the whole crew. "Good take, Astrid."Agad lumapit ang PA ni Astrid at binigyan siya ng tissue. Ngumiti naman siya sa direktor. "Thank you po, Direk.""Astrid." She felt Crude's hand on her elbow. Tinignan niya ito saka siya kumuha ng tissue para punasan din ang luha sa
Kabanata 2LALO lang yatang sumakit ang ulo ni Astrid dahil sa sobrang pagkawindang. Akalain ba naman kasi niyang pagkalipas ng pitong taong naglaho ang magaling niyang ex, kapitan na pala ito ng barko? At kung siniswerte siya, ng mismong barko pang gagamitin para sa Sailing With Destiny nilang pelikula!Napaypayan niya ang sarili habang pabalik-balik ang lakad. Naroon siya sa kanyang sariling silid kasama ang manager nila ni Crude. Sinamahan siya nito dahil mukhang alam nang magkakaganito siya ngayon dala ng pagkagulat."This is not happening." She breathed out loudly. "This is so not happening."Ang kanyang manager ay napailing saka nito nilapag ang tasa ng tsaa. Tita Pat is a bit strict when they're on the job but she is the closest to a mother Astrid had for years after losing her mom. Kabisado na siya nito kaya ito na mismo ang kumumbinsi kay Crude na sumama muna sa direktor at ibang staff nang
Kabanata 3KAHIT kailan, hindi naging mahirap para kay Astrid ang kabisaduhin ang mga linya niya. It is a skill directors admire the most about her, ngunit ngayon pakiramdam niya tinakasan siya ng kakayahan niyang iyon dahil pangatlong take na ngunit hindi pa rin niya nasasabi nang maayos ang linya.It's not like she forgets it. Gaano nga ba kasi kahirap sabihin ang mga salitang, "for the first time in my entire boring life, I finally decided to follow my heart"?Hindi mahirap. Walang mahirap sa linya. Ang mahirap ay ang magfocus. Dahil ang magaling niyang ex, naroon sa hindi kalayuan at nakatutok ang mga mata sa kanya!"Cut! Astrid, what's wrong? Pang apat na take na ito ano bang nangyayari sayo?" Sita ng direktor.Nakagat niya ang ibaba niyang labi at nahihiyang humingi ng pasensya sa mga kasama. Si Crude ay halatang nagtataka rin sa kanya kaya nang sabihing mag-break mun
Kabanata 4ENGAGED.Hindi bingi si Astrid at hindi siya bobo sa ingles para hindi maintindihan ang sinabi ni Croft. Engaged na ito. Malinaw pa sa tubig ang dagat ang pagkakarinig niya kaya gusto niyang tumawa. Wow. Should she walk towards them and congratulate him with a clap or a slap? Ayos ah? Kailan pa? Pagkatapos ba siyang indianin seven years ago?Gago ka, Guevarra.She sighed as she pressed her lips hardly together. Bakit ba affected siya? Wala na sila hindi ba at may boyfriend siya! May boyfriend siyang mahal na mahal siya at kahit kailan hindi gumawa ng katarantaduhan behind her back, hindi gaya ni Croft na umangat lang, nalimutan na siya.Pagkatapos ng lahat ng sakripisyo niya nagawa pa rin siyang gaguhin?Kumirot na naman ang puso niya kahit hindi naman dapat kaya bago pa madugtungan ni Croft ang sinasabi nito, tumayo na siya nilapitan ang dir
Kabanata 5GUSTONG magpapadyak ni Astrid sa inis nang wala na siyang abutang tricycle sa labas ng school. Inabot na sila ng alas sais sa practice ng drama club at karamihan sa mga kasama niya, walking distance lang ang layo ng bahay habang ang iba naman ay may mga sundo."Oh, Astrid, wala ka bang sundo?" tanong ng isa sa mga kasamahan niyang palabas ng gate na si Allison.Umiling siya habang yakap ang mga props na sa bahay na niya itutuloy ang paggawa. "Wala si Papa kaya magta-tricycle ako.""Naku baka mamaya matagalan pa bago ka makasakay niyan. Sabay ka na kaya sa amin?"Sinilip niya ang kuya nitong naghihintay na sa motor. She's never comfortable riding a single motorbike. Kaya kahit nais niya nang umuwi ay umiling na lamang siya saka matipid na ngumiti sa kasamahan. "Hindi na baka mamaya rin meron na ring trike. Anyway, thank you!""Ikaw ang bahala. Ingat