Share

CHAPTER 3

Today is another day, As you can see nandito ako sa harap ng salamin namin at namimili kung anong susuotin. Ngayon kasi iyung mall tour ng 'Little Ring' band name nila. 

Since ayaw ko namang pag-usapan 'yung nangyari kahapon kaya naman ngayong sabado. Ay napag-isip-isipan ko na lang na ipahinga muna ang utak ko. Kailangan ko nang transferee I mean fresh air. 

"Alin ang mas maganda? Itong blue o itong purple?" Tanong ko kay Ellen na kanina pa naka-busangot ang mukha at ta-tamad-tamad na pinag-mamasdan ako. Eh hindi ko naman kasalan na ang aga niyang dumating dito. Mag kapit-bahay kasi kami.

"Yang dalawa suot mo mas babagay sa 'yo yan," puno nang sarkastiko ang boses niya. "Mag-te-12 na nga! Mga one iyon mag-sisimula. Kung gusto mo nang VIP, bilisan mo 'yang pag-gagalaw mo  at ako ang na-bubwisit sayo!" sunod-sunod na talak niya.

"Yes, mommy." 

"Wag mo kong ma-mommy mommy diyan, Mylene!" 

Paanong hindi eh kung maka-asta siya parang magulang ko? 

"You know, Ellen wala tayong matatapos sa pinanggagawa mo, stop being sarcastic. Just pick kung alin ang mas bagay sa akin." naiinip na ani ko. Kahit kasi ako hindi ko na alam kung anong susuotin ko. 

"Ang tanga mo naman kasi, bakit long gown?! eh hindi naman ikaw ka-kasalin sa suot mong 'yan! manonood tayo sa ma-taong lugar tapos ganyan ka!" sigaw niya sa akin. 

Long gown pala ito akala ko dress na abot paa lang?

"Malay mo pag nakita niya ako eh maisip niya na pakasalan ako agad," pag-i-iksplina ko sa kaniya habang binabalik ang 'long gown' sa walk in closet ko. 

Pinili ko na lang ay isang maong na pantalon at kulay puting damit. Simple na lang tuloy.

Naka-nguso akong tumingin sa kaniya para ipakita ang suot ko. Naka-ngiti siyang tumango-tango kaya wala na akong magawa kundi iyon na talaga ang susuotin ko. Pinaresan ko din ito ng white tennis shoes. I even put some light make-up on my face para naman mas tumingkad ang ganda ko. 

"Perfect." Nahihimigan ko ang pag-hanga sa mga mata niya at ang ngiti sa mga labi niya habang sinabi ang linyang iyon. 

"Enebe pereng keng sere," nahihiyang saad ko habang nilalagay ang natirang buhok sa likod ng tenga ko. 

"Tanga, ang ganda lang ng damit mo, pabebe mo." 

"Shuta ka! kinikilig na ako eh," habol ko sa kaniya dahil nauna na siyang nag lakad sa 'kin palabas ng kwarto ko. 

"Mommy! Una na po kami," sigaw ko sa kaniya. nandoon kasi siya sa kitchen nag-luluto na naman ng kung ano-ano kaya alam ko mamaya madami na naman akong makakain. Pero hindi naman ako tumataba, nasa tamang timbang lamang ako. Hindi naman ako masiyadong payat at saktong taba lang. 

"Yeah sure, ingat kayo. Mamaya pag uwi mo I'll prepared na lang this cookies!" sigaw niya din pabalik. 

Usually pag aalis ako I kissed her on her cheeks pero ngayon hindi dahil mag-sasabi na naman siya nang 'don't. I'm sweating,' kaya wala naman akong magagawa.

"Mauna na kami, Tita!" paalam naman ni Ellen na prenteng naka tayo sa pintuan namin. 

Hindi naman siya mukhang naiinip na, mga slight lang.

"Si Kuya Jon, yung hahatid na lang saatin," sabi niya at tinawag yung driver nila. Yung driver kasi namin nag out muna kasi may importante atang aasikasuhen. 

"Okay,"

Dahil mag-katabi naman ang bahay namin hindi naman matagal ang pag-hintay namin sa driver niya. Bakit kasi 2pm ang show? Hindi ba pwedeng mga 6pm? Saka matatapos daw ito nang mga 5pm.

"Ma'am, pasok po." Magalang na ani ni Kuya Jon at pinag-buksan pa kami nang pinto sa back seat. 

Hindi naman ganoon ka tanda na si Kuya Jon eh halos mga kasing edad sila ni Miss Agande yung adviser namin. Saka ang simple lang nang hanap buhay niya isa siya sa mga ideal man ko talaga na kahit anong puri mo hindi lumalaki ang ulo niya. Tsaka ang simple niya manamit kong anong meron siya iyon lang. Siya yung simpleng lalaki pero may kaya sa buhay. 

Ngayon nga naka suot siya nang puti din t-shirt at naka-maong na pantalon. Twinning kami. Tapos naka suot lang siya nang tsinelas pero yung house slippers lang. Hindi naman kasi siya madalas na umaalis dahil palagi naman kami ni Ellen na nasa bahay and minsan din yung driver ko ang sinasama namin. 

Pag sa school talaga minsan hindi kami sabay dahil may hinintay siyang naka-ba-batang kapatid. 

"Alam mo, ang time check ko kanina mga 1 para mauna tayo pero makakarating tayo 2!" 

"Eh sa 2 naman talaga ang umpisa ah?" confuse kong tanong.

"Oo nga, kaso madami nang tao doon eh kung gusto mong VIP eh sana binilisan mo!" paratang pa niya sa akin. 

Ako na nahihiya sa mga sinasabi niya eh. Napatingin naamn ako kay Kuya Jon na naka-ngising nakatingin saamin sa rear view mirror. 

Kuya Jon, wag kang ngumisi-ngisi diyan at malilintikan ka sa akin! Gustuhin ko mang sabihin iyon pero baka mapa-labas ako dito high-blood pa naman ang may ari.

"Kung hindi lang talaga kita kaibigan, kanina pa kita iniwan," halos hindi na matapos ang sasabihin niya kaya naman hindi na lang ako nag-salita hanggang sa may nag-pop sa isip ko na kalokohan.

Buti na lang at kaibigan kita.

"Asus! galit ka lang dahil malayo, hindi mo makikita nang malapitan yung vocalist!" sigaw ko sa kaniya at sinudot-sundot pa ang tagiliran niya. "Eric ba 'yon?" kunwaring tanong ko.

Nakita ko namang umiwas siya nang tingin pero nakita ko pa ang pamumula nang mukha niya.

Malandi din, parehas kami. 

"Kuya Jon! Yung alaga niyo oh! Lumalandi na!" Sumbong ko sa drayber at tinuro pa si Ellen na naka-ngisi na ngayon at parang iniisip na hindi ako makaka-sumbong. 

"Wala kang kakampi dito," nakangising sabi niya. Nang-aasar. 

"Ang umpeyr!" Agad na angal ko. Narinig ko naman ang tawanan nila kaya naki-sabay na lang ako. 

"Pasensya na Kuya Jon ah, ganyan talaga si Eve ang ingay niya parati na dadamay lang ako," 

Napa-irap na lang ako sa sinabi niya, na damay daw amputchi!

"Pasensya din Eve, baka masesante ako pag kinampihan kita," nakangisi pa ding saad ni Kuya Jon.

"May balak, Kuya?" naka-taas ang kilay na tanong ni Ellen sa driver.

Tumawa lang ito at hindi na sumagot.

Ganito talaga kami ni Ellen eh, mukha kaming mga isip bata at higit sa lahat mukha kaming tanga.

"We're here, ladies." Argh! Bakit ang ganda nang pag-kakasabi niya nito? 

Kuya Jon, add to hart! 

Shuta iners!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status