Share

Chapter 3

Mariing napapikit si Nicoline nang makita ang isang pamilyar na lalaki na balot na balot ng itim na jacket at nakasuot ng itim na cap. She took a deep breath and glanced away.

"Gago talaga," she mumbled indistinctly.

"I heard you." Narinig niya ang tawa sa kabilang linya.

"Storm," malamig ang tono ng kanyang boses. Hindi niya napigilang muling sumilip sa labas at naroroon pa rin ang binata na naghihintay sa kanya.

Matagal na panahon na simula nang makita niya si Storm sa labas ng kanilang bahay. Laging pumupunta si Storm sa kanila noon para dalawin siya, at walang alam ang kanyang ina't mga kapatid. Ganoon naman talaga ang nagagawa ng pag-ibig, susubukan ang lahat para lumigaya.

"Magagawa mo ba akong tiisin?"

Lihim na napamura si Nicoline sa isip dahil sa sinabi nito sa kanya. She hates this, she really hates this side of him.

"Huwag mo akong daanin sa mga ganyan mo, Storm. I've already learned my mistakes."

"Nikky, I miss you. Ako ba ay hindi mo man lang na-mimiss?"

"Putang ina, Storm! Ilang taon na ang lumipas pero ngayon ka lang ulit nagparamdam? Tapos bigla kang magpaparamdam ng ganito? Bakit? Patahimikin ako sa mga ginagawa ko?" Punong-puno ng hinanakit ang boses ni Nicoline. Gusto niyang sumbatan ang binata pero alam niyang mapapagod lamang siya.

"I won't leave..." Iyon lamang ang isinagot sa kanya ng binata.

"Fine!" sagot niya at agad na ibinaba ang tawag. Muli siyang bumalik sa pagkakahiga at pinilit na matulog.

Kung iyon ang gusto niya, wala na siyang pakealam pa sa kanya. Alam naman niyang hindi makakatiis si Storm at aalis din iyon. Isa pa, delikado kung mayroong makakita sa kanya at makilala siya.

Muling tumunog ang kanyang telepono pero hindi na niya iyon sinagot pa. Hinayaan niya lamang iyon dahil desidido siya sa kanyang desisyon na huwag babain ang binata.

Halos isang oras na ang lumipas pero hindi pa rin makatulog si Nicoline. Hindi na rin tumutunog ang kanyang telepono hudyat na hindi na tumatawag pa si Storm sa kanya. Muli siyang bumangon para silipin si Nikolas sa labas at laking gulat niya na hanggang ngayon ay naroroon pa rin si Storm.

"Siraulo talaga," inis niyang bulong sa sarili. Ilang minuto siyang nag-isip bago niya napagdesisyunan na bumaba at pagbiyan si Storm.

Dumaan muna siya sa kwarto ng kanyang dalawang kapatid at ina para siguraduhin na tulog na tulog na nga ang mga ito. Malaking iskandalo kasi ang pwedeng mangyari kapag nakita ng kanyang pamilya na may Montgomery sa kanilang bahay. Minsan ay nakukunsensya siya pero mas mabuti nang walang alam ang kanyang pamilya sa kanila ni Storm. Alam niya rin kasing magagalit sa kanya ang ina lalo na't malaki ang naging epekto ng pagkawala ng kanyang ama sa kanilang buhay.

Dahan-dahan niyang binuksan ang kanilang gate at agad namang napatayo si Storm nang makita siya. Tinanggal ng binata ang suot nitong cap kaya kumunot ang noo ni Nicoline.

"Baka may makakita sa'yo, isuot mo ulit 'yan,"ani Nicoline kahit na iritang-irita kay Storm. Ibinalik naman agad nito ang suot na cap.

"You miss me, do you?" Nakita niyang ngumiti si Storm at hindi niya mapigilang umiwas ng tingin.

Asshole!

"Huwag makapal ang mukha ha," aniya at umirap. Pinapasok ni Nicoline ang binata sa loob at hinihiling na sana ay huwag magising ang kanyang ina o ang kanyang mga kapatid.

Kailan ba ang huling beses na ginawa nila ito?

"Huwag kang maingay, baka magising ang mga kapatid ko at si Mama," mahina niyang sabi kay Storm.

Hindi siya nakakibo nang humawak ni Storm sa kanyang kamay habang papasok sila sa loob ng bahay.

"Aw!" Napalingon siya sa binata nang tumama ang hita nito sa may dulo ng sofa.

"Ang laki mo kasi."

"There's nothing small in me, Nikky," makahulugang sabi ni Storm sa kanya. Hindi niya napigilang mapairap na naman sa ere dahil sa sinabi nito.

"What? I'm just telling the truth. Wala naman talagang maliit sa akin at lahat ay malaki. You know about that," nakangisi nitong saad.

"Pwede bang huwag ka na lang maingay?" masungit niyang tugon sa binata.

Hindi na lamang kumibo si Storm at sumunod na lang kay Nicoline hanggang sa makarating sila sa kwarto nito.

"Your room has still the same scent," komento nito nang maisara niya ang pinto ng kwarto. Inilibot ni Storm ang kanyang mga mata sa loob ng kwarto ni Nicoline. "I miss your room."

"Why did you go here?" Hindi na napigilan pang itanong ni Nicoline iyon sa kanya.

Tumitig sa kanya si Storm at katulad dati, para pa rin siyang nilulunod sa titig ni Storm kaya hindi niya mapigilang mapaiwas ng tingin.

"I miss you a lot," bulong nito.

Tinatamaan ng liwanag na nagmumula sa labas ang mukha ni Storm at hindi mapigilang mapatitig ni Nicoline sa kanya.

She misses him too. Alam niya iyon sa sarili pero ayaw niya lang iyon aminin sa binata. They were together for almost two years and it wasn't a joke. They made a lot of memories together and she won't forget all of it until she dies.

"Hindi na natin pwedeng ibalik pa ang nakaraan, Storm. You are running for a Congressman and you are not supposed to do this. Hindi mo na ulit pwede pang gawin ang ganitong bagay. You will become important in our province and if they see us together, it would be a chaos," she reminded him.

"Who will stop me from doing this?" Tumayo si Storm at lumapit kay Nicoline na ngayon ay hindi na alam ang gagawin.

Hindi niya alam kung bakit lagi siyang nanghihina sa tuwing lalapit sa kanya ang binata. Hinubad nito ang suot na cap kaya mas nagkaroon siya ng pagkakataon na makita nang mas maayos ang gwapong mukha ni Storm.

"Make me stop, Nikky, make me..." he whispered while walking to her direction.

Bumaba ang tingin ni Storm sa kanyang labi at napalunok siya sa pagkakataong iyon.

"I—I shouldn't let you in here...."

"You miss me but you don't want to admit it, Yvanna. I know you still want me like what I feel right now." Tuluyan nang nakalapit sa kanya si Storm at nabablanko na ang kanyang isip kung paano lalayo sa kanya.

"Y-You're wrong. We should not be doing this because this is all wrong."

"Tell me and I'll stop myself." Hindi na napigilan pang mapapikit ni Nicoline nang maglapat ang labi nila ni Storm.

Unti-unting yumakap ang mga matitigas na braso ng binata sa kanyang bewang at hindi niya alam kung anong mahika mayroon ang labi nito at hindi niya napigilang sagutin ang halik ni Storm. Iniyakap niya ang kanyang braso sa leeg ng binata at sinagot ang halik nito nang mas mariin.

She has to stop herself now or it will only get worse.

"I miss you..." paulit-ulit na bulong ni Storm sa gitna ng mga halik na iginagawad nito sa kanya.

Stop it, Nicoline. A voice told her but she refused to give in.

Agad silang nag-hiwalay nang bigla nilang marinig ang boses ng ina ni Nicoline sa labas ng kwarto. Natatarantang pinanlakihan niya ng mga mata si Storm para magtago ito.

"Nikky?"

"Where?" Kahit ang binata ay hindi malaman kung saan susuot dahil sa kaba.

"Sa ilalim ng kama, dalian mo!" kinakabahan niyang bulong dito.

Nagmadali naman itong sumuot sa ilalim ng kama at kahit hindi magkasya, pinilit niyang itago ang sarili sa ilalim.

Si Nicoline naman ay bumalik sa kanyang higaan. "Bakit, Ma?"

"Wala, 'ma. May pinapanood lang akong interview para sa isusulat ko mamaya," pagdadahilan niya.

"May kasama ka ba sa loob? May naririnig akong kausap ka."

"Matulog ka na, anong oras na at maaga ka pa mamaya."

"Opo, 'ma," sagot niya.

Doon lamang siya nakahinga nang maluwag. Sinigurado muna niyang wala na sa labas ang kanyang ina bago niya palabasin si Storm mula sa ilalim ng kama.

"I can't believe I fit in there," ani ng binata habang pinapagpag ang suot nitong jacket.

"Ang laki mo kasing tao at kasalanan mo iyan dahil bigla ka na lang pumupunta rito nang walang pasabi." Tinaasan niya ng kilay si Storm.

Kahit siya, hindi makapaniwalang nagawa niyang papasukin si Storm sa kanyang kwarto at itago pa sa ilalim ng kama. What a reckless act!

"Can I sleep beside you?" Tila ba sa isang iglap ay nagiba ang mataas at matibay na pader na pilit na itinatayo ni Nicoline sa pagitan nila ni Storm.

Mariin niyang kinagat ang kanyang ibabang labi at umiwas ng tingin. Ayaw niya ng ganitong pakiramdam, iyong para bang pwedeng balikan na lang kahit na ginago siya ng lalaking nasa harap niya ngayon. Iyong kahit winasak na siya, parang handa pa rin niyang tanggapin ang binata sa kabila ng mga nangyari.

Nahihirapan siya ngayong huminga lalo na't nasa tabi niya lang ito. Ang lalaking minsan na niyang kinabaliwan at minahal nang sobra.

"Nikky..." Hindi na siya nakapagsalita pa nang pumulupot ang mga braso ng binata sa kanyang bewang. Naghumurentado ang puso niya ng maramdaman niya ang matigas na dibdib ng binata sa kanyang likuran at ang amoy nitong kahit siya'y nakapikit, makikilala niya pa rin kung sino ang may-ari.

Naramdaman niya ang labi ni Storm sa kanyang tainga at hindi niya mapigilang habulin ang kanyang paghinga. Kaunti na lamang at baka maubusan na siya ng hangin sa katawan dahil sa ginagawa sa kanya nito.

Wala ng nagawa pa si Nicoline kung hindi ang hayaan na lang si Storm. Nahiga sila pareho sa kama at hinayaan niya lamang na matulog ang binata sa tabi niya habang yakap siya nang mahigpit.

Pinagmamasdan niya lamang ang binata habang nilalaro ang buhok nito. Gustong-gusto ni Storm na nilalaro ang kanyang buhok hanggang sa makatulog ito.

"Hmmn..." Kumunot ang noo ni Storm nang subukan niyang itigil ang paglalaro ng buhok nito pero agad din iyong nawala nang muli niya iyong laruin.

Naramdaman niyang humigpit ang yakap sa kanya ni Storm at pilit na sumiksik sa kanya. Baka hindi na rin siya makatulog dahil kailangan niyang gisingin ang binata bago magising muli ang kanyang ina.

Ilang oras sila nasa ganoong posisyon bago niya gisingin si Stirm na halatang naistorbo sa pagtulog.

"Kailangan mo nang umuwi," ani Nicoline.

"Damn, bakit ang bilis?" reklamo nito sa kanya. Wala namang nagawa si Storm kung hindi ang mag-ayos. Limitado lang din kasi ang oras na mayroon siya at baka makarating pa sa kanyang ama na wala siya sa kanyang sariling bahay.

Hindi na kumibo pa si Nicoline hanggang sa ihatid niya sa labas ng bahay si Storm.

"I'll come back."

"Para saan?"

"Basta," mariin na sagot ni Storm at sumampa na sa kanyang itim na motorsiklo.

"Drive safe. Sa susunod ay huwag ka nang pupunta rito dahil hindi na kita papapasukin pa."

Sumilay naman ang ngisi sa mukha ni Storm. "Iyon ay kung matitiis mo ako."

Sunod-sunod ang naging paglunok ni Nicoline nang makaalis si Storm. Tulala siyang napatitig kung saan ito dumaan at maya-mayang inis na napasabunot sa sariling buhok.

"Hinayaan ko ba talaga siya na halikan ako?" tanong niya sa sarili na parang isang baliw at nagpapadyak ng mga paa. "Fuck! And I kissed him back?!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status