Share

Kabanata 31: Kaibigang Taksil

Matapos tulungan ni Leslie si Erik na magkatrabaho ay hinatid naman niya si Niknok sa bahay ni Gwen. Nagkataon naman na papasok pa lang si Gwen sa kanyang trabaho kaya nagkita sila ni Leslie habang pababa ng sasakyan si Niknok.

“Best, saan ka pupunta?” maikling tanong ni Leslie sa kaibigan.

“Papasok pa lang ako Best. Bakit pala sakay mo si Niknok nasaan si Erik?” tanong nang magtaka si Gwen na hindi kasama ni Niknok si Erik. “Nok, di ba sinabihan na kita na hindi mo dapat iniiwan si Kuya Erik mo!” pagalit na dugtong ni Gwen nang pakiramdam nito na hindi siya sinunod ni Niknok.

Agad na sumagot si Leslie nang makita nitong hindi makasagot si Niknok upang hindi tuluyang magalit si Gwen.

“Best, huwag mo nang pagalitan si Niknok, katunayan ako na ang nagsabi kay Niknok na huwag na niyang hintayin si Erik dahil kakilala ko naman ang may-ari ng pinapasukan niyang trabaho,” pagpapaliwanag ni Leslie sa kaibigan.

“Talaga Best, may trabaho na si Erik?” nagulat na tanong ni Gwen.

“Oo Best,
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status