Abala sa pagbabasa si Trixie. Hindi pa rin siya lumalabas sa kanyang kwarto mula ng maagang magising ngayong umaga. Hindi rin niya pinapansin ang mga katok sa kanyang pintuan, ni ang tawag ng kanilang katulong ay kibit-balikat lang siyang nagbibingi-bingihan. Ganito na ang nakagawian niya sa tuwing magbabasa, walang pakielam sa paligid.
Mabilisan niyang pinalipat-lipat ang mga pahina. Hindi niya nilalahat dahil maka-ilang beses niya na itong basahin, liban sa mga dayalogo na kanyang binibigyang pansin. Sandali pa'y dinapuan siya ng kawalang ganang magpatuloy.
Tumindig siya mula sa kanyang higaan. Kinuha ang lahat ng mga libro sa study table at isinalansang sa kama. Balewala kung nakakalat ang mga ito dahil ililigpit niya rin naman pagkatapos.
Nagbuklat siya ng isa at nagsimula. Subalit wala pa'ng isang kabanata ay tinapos niya na ito agad. Napabuntong hininga siya. Tila ba'y pinagsawaan ang libro. Bukod sa nagsawa na
Hey guys, how's your day? Me nothing changed. Nothing unusual here yet. Thank you for reading Light Begins. Hope you'd continue your patronage by unlocking the chapters. Your support is highly highly appreciated. God bless.
Isang sumpa at kapahamakan. Ganito kung ituring ni Hanson Guevarra ang pagbabagong naganap sa kanya at sa mga kaibigan niya. Nagsimula ang lahat sa isang yayaan. Isang yayaang nauwi sa malagim na trahedya. Isang trahedyang naging daan ng pagtatagpo. Isang tagpuang naging bunga ng kanilang pagbabago. Ngayon sila'y makikipagsapalaran upang mahanap ang katotohanan. Uungkatin ang nakaraan at tutuklasin ang mga lihim na matagal ng nakatago.
Sa kailaliman ng kakahuyan ay may mga paang nakayapak ang matulin na bumabaybay sa kagubatan. Ito ay ang tatlong babae na nagawang makatakas sa panganib. Maya't maya silang tumitingin sa likod, inaalam kung nandyan pa ba ‘siya.’  Habang tumatakbo palayo ay nakarinig sila ng tila kumakalampang na mga bakal mula sa kung saan. Mukhang malayo ang pinan-gagalingan ng mga tunog na yun pero para sa tatlo ay parang malapit lang 'to sa kanila. Agad namutla ang kanilang mga mukha, batid na sa sandaling maubotan sila ‘nito’ ay wala na silang takas pa. Sa gano'ng pag-iisip ay pinai
 Paupong napabangon ang isang binatilyo sa kanyang kama matapos magising mula sa isa na namang panaginip. Tagaktak ng pawis ang katawan, habol-habol ang malalim na hininga. Nihilamos niya ang kanyang mga kamay sa mukha at kinusot-kusot ang mata. Napahilod din siya sa magkabilang sentido at bumuntong ng mabigat, 'Na naman...' ani niya sa sarili. Tagos ang tingin niya nang tumama sa kumot at naramdaman ang kabigatang nagtatago sa kanyang balikat. Dahil ba ito sa bangungot? Malamang. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na managinip siya. Pilit siyang nagsawalang bahala sa pananginip na iyon at piniling kumilos. Sa pag-angat ng kanyang mukha ay tila may naaninagan siyang puting usok. Hindi siya sigurado kung ano i
  “Hey, what's up,” Agad napabalik sa reyalidad si Hanson nang basagin ng boses na 'yon ang kanyang pagmumuni. Napaangat siya ng tingin at nakita ang nag-aalalang mukha ni Mike, "are you alright?"dugtong nito. "Mukhang ang lalim ng iniisip mo pre' ah. Baka pwedeng i-share mo naman sa amin ang blessings." Biro ni Jacob. "Naku! 'Wag mo nang asahan 'yan cause he will say only one thing." Sarkastikong sabat ni Janine. "Ah-eh nothing, wala lang ito," sagot ni Hanson at umusap sa kanyang isipan, 'As if namang may maniniwala sa paliwanag ko.' "Oh 'di ba tama ang hula ko!"
  “So here's the plan,” anya ni Janine, not giving Hanson a chance to speak, “March 6, sa linggo magkita-kita tayo sa fountain sa Amusement park at exactly 7:30 am para pagdating ng 8 am ay pupunta na tayo doon. And syempre kasama din dapat si VD para happy.” “Wait guys, sa pagkakaalam ko 8:30 ang bukas ng Heritage House, 'eh bakit ang aga naman natin?” Punto ni Jacob. “E kasi nga linggo na ang festival at marami ang walang pasok kaya for sure mahaba ang pila sa entrace at maraming tao ang dadagsa doon.” Naghimas ng baba si Ja
Kinagabihan ng March 5, 2061 araw ng sabado; Naghihintay si Hanson ng dalaw ng antok. Kanina pa siyang nakamasid sa madilim na puting kisame, mula sa pagkagat ng gabi hanggang sa mga oras na ito.Tahimik.Wala siyang ibang naririnig kundi ang orasan na patuloy lang sa pagtunog. Nagmistula namang lumulutang sa ere ang kurtina dahil sa hangin na tumatangay dito. Tumingin ang binatilyo sa kanyang kaliwa at tiningnan ang orasang nakapatong sa study table, “Alas onse na pala.”Tinapunan niya rin ng tingin ang sahig at nakita ang mga nakasalansang papel, katabi si Mike na mahimbing ng natutulog. Malakas ang hilik na halos umalingawngaw na sa buong kwarto, ngunit
  Naglalakad na ang dalawa patungo sa Hover Van nang bumukas ang pangalawang pinto nito at dumungaw ang isang lalaki. Gaya ng dati'y naka-headband ito at may nakabinbin na headset sa leeg. Mukhang hindi na mawawala sa style ni Jacob 'yon. Pumalakpak ito ng tatlong beses, “Yun oh, Lodi! Bilisan ninyo! Hehehe.” nakangiwing sabi ni Jacob. Hanson and Mike speed up their pace as they saw Jacob and the others inside. At nang makapasok ay agad na isinara ni Jacob ang pinto ng Van, “Ang tagal niyo naman bro.” Anang nito. Pumwesto sa pang-apat na hanay sina Hanson, VD at Mike. Nasa pangalawang passenger seat naman si Jacob, malapit sa pint
  "Hanson..." Napatigil si Hanson at lumingon sa likuran. Naniningkit ang kanyang mga mata nang tumanaw sa malayo, hinahagilap kung sino ang tumawag sa kanya. Pabaling-baling. Pinagtuonan din niya ang mga taong nagkukumpulan na tumitingin sa mga painting. Doon din sa gitna ng grupong iyon ay may napansin siyang kakaiba. Isang kakatwang pigura. Isang taong nakatindig sa gitna ng mga ito. All white ang kasoutan na tila bathrobe. Puti ang buhok at bungo? The familiarity of that figure gives him chills. Nang m