Share

CHAPTER 14

"Ang bait ng Boss mo ah, akalain mong ang laki na nga mag pa sweldo tapos kaibigan pa ang turing sa'yo."

Nandito kami ngayon ni Bingo sa rooftop ng isang lumang gusali at nag ku-kwentuhan.

Na i-kwento ko sa kanya ang tungkol kay Abbi at heto siya, namamangha dahil sa ugaling meron si Abbi.

"Ede mas makaka ipon ka na ngayon dahil mas malaki na ang sahod mo. Ibig sabihin niyan mas madali ka ng makakahanap ng malilipatan at aalis ka na rito."

Pagak siyang natawa bago tumingin sa tanawing walang ibang makikita kung hindi mga kabli ng kuryente at bubong ng mga kabahayan na may naka ibabaw na gulong, kahoy, at iba pang pampabigat para hindi tangayin ang bubong nilang halatang malutong na dahil sa kalumaan.

"Ikaw Bingo?" 

"Anong ako?"

"Gusto mo ring umalis dito tama ba? Gusto mo bang hanapan kita ng trabaho?"

"Nako hindi na Grace nakakahiya naman sa Boss mo at saka kapag naka alis naman si Ate papunta sa Saudi sigurado akong maka

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status