Share

Crumpled Heart (Tagalog)
Crumpled Heart (Tagalog)
Author: Tyche

SIMULA I

Hi there bestie! Thank you for reading my work! It means a lot to me. Enjoy reading!

SIMULA

I can't get it why people mostly like to be in a relationship when in the first place they know it will never last. Kaya hindi ko tinatanggap ang mga panliligaw sa akin dahil alam ko namang hindi ko sila sasagutin. Okay call me pakipot or whatsoever but my mother says to only enter into a relationship if you know this person is the one you will marry.

I agree with her. Because you're just wasting your time on something you can't really find fun. I'd rather spend my time on my studies, or some jobs to help my mother.

"Sige na, Maren. Tanggapin mo na. Don't you know him? Ang laki na ng nabingwit mo!" I shook my head and looked at her with disbelief in my eyes.

She's referring to the man from college department. The man asked me if he can court me and I said no but he will not give up “daw”. He have those looks and napag-alaman ko lang na kilala pala ito rito. He's popular and I don't even know him. Well, wala naman talaga akong pakialam sa mga ganitong bagay, masisisi niyo ba ako?

"I don't have time for that, Lhara."

"Hay naku! Iyan na lang ang laging sinasabi, sometimes you need to treat yourself hindi puro aral at trabaho." Umirap siya sa akin saka kinuha ang kanyang inumin.

Nasa cafeteria kami ngayon, sa Senior Department at break time namin, katabi lang nito ang College at Junior Department. We are on our first year as a Senior here in Palanan. Second semester na namin kaya mas marami na kaming oras dahil konti na lang ang mga subjects.

"By having a boyfriend? Baka isa pa 'yan sa dadagdag sa mga problema ko," saad ko.

Well, I kinda vibe that's true. I don't have time for those. Mahirap lang kami. Ang unang iisipin ko muna ay kung paano kami mabubuhay araw-araw. Namulat ako ng maaga, dahil na rin siguro ay nakikita ko ang hirap ni Mama sa pagtaguyod sa amin ng kapatid ko. My father left us with other girl and now he's dead. I hate him for leaving my mother that's why I don't trust men's. They're all the same. My mother works in a known hotel here in Palanan as a waiter. Bago lang iyong hotel at malapit ito sa dalampasigan kung saan iyong beach resort din.

When I don't have classes I work as a maid in the Eleazar mansion o hindi kaya ay sa bago nilang hotel ako nagwa-waitress naman kung saan din si Mama. Kapag bakasyon doon ako sa beach resort dahil mas malaki ang sweldo.

"What? You're just bitter, Maren. That's why you should try for you to see it," sabi niya.

Nagkibit-balikat na lamang ako at hindi na sumagot pa. I don't want to fight on something it isn't really important. Lhara is my friend since we're in Junior. She's my best friend. Our life are different but that didn't hinder our friendship. Mayaman sila, ang Papa niya ay may negosyo sa Maynila. Her other relatives are in abroad, dito siya lumaki dahil ang Mama niya ay laking Probinsya. Maraming mayayaman ang nag-aaral dito kahit na kaya naman nilang mag-aral sa Maynila. Maybe because this is their parents hometown and Palanan is just a definition of paradise.

Pagkatapos ng break time namin ay pumasok na kami sa susunod naming klase. We're classmates since pareho kami ng kinuhang strand. Pagpasok namin sa classroom ay hindi na ako nagulat ng agad kumalat ang nangyari kanina. Maraming tao kanina sa cafeteria at maraming nakakita, may mga kaklase rin kami roon. This is what I don't like. To be the center of attention. I hate it.

"Maren, nag-akyat ng ligaw sa'yo si Anton?" histeryang tanong ni Freya, kaklase ko.

Napapikit na lamang ako. Anton is the name of the man who asked me earlier. Isang taon ang agwat naming sa kanya. First year college na ito ngayon. May mga lupain sila rito pero sa Maynila nanirahan simula bata at ngayon, dito nagkolehiyo dahil sa mga lupain nila. Napag-alaman ko lang ito kay Lhara kanina. Hindi ko siya kilala pero karamihan dito ay kilala siya. Dahil sa mayaman sila at nagbabakasyon pala sila rito noon kaya nakilala siya ng mga tao. Siya pala iyong anak ni Don Fernan, isa sa mga maimpluwensyang pamilya din dito dahil sa kanilang azucarera.

Sinundan nila ako hanggang sa makaupo ako sa aking upuan. Naghihintay sila sa sasabihin ko. Gusto ko na lang sigawan sila na it's not really big deal!

"Ang swerte mo naman. Crush na crush ko 'yon, Maren!" si Freya.

"Don't worry, binasted ko siya." tipid kong sabi.

"Ano ba Maren, dapat tinanggap mo. Edi, meron ka nang sugar daddy!" Singit ni Jasmine sabay tawa pa ng grupo nila.

I gritted my teeth. Isa ito sa mga dahilan ko kung bakit hindi ko sila tinatanggap. Mayaman man o mahirap. Lagi nilang sinasabi na gagawin ko silang sugar daddy dahil mahirap ako. Jasmine is one of the bitches in my class. They're not really rich, they're in the middle class. I don't want to get involved in any immature fight so I just ignore whatever they say.

"Eh, kung ikaw na lang kaya, Jasmine? Hindi ba't mahilig ka naman sa mga ganoon?" sarkastikong tanong ni Lhara.

Sasagot pa sana si Jasmine pero nandoon na ang prof namin. Lunes ngayon at hindi ko inakala na ganito ang bubungad sa akin. Pagod pa ako kahapon sa pagtatrabaho sa resort. Natapos naman ng tahimik ang klase buong araw at nagpapasalamat ako dahil hindi ko na muli nakita si Anton sa araw na iyon. Tuwing uwian naman ay lagi akong nagco-commute pauwi. May mga tricycle naman dito sa labas ng school at minsan inaalok ako ni Lhara na sa kotse na nila ako sumakay na lagi kong tinatanggihan at minsan lamang pumapayag.

May nakakabata akong kapatid, nasa Junior pa. Hindi kami sabay umuuwi kahit na magkatabi lang naman ang department namin dahil nauuna silang umuwi kaysa sa mga Senior.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status