Share

CHAPTER 119.5: ANNOUNCEMENT

Bella’s POV

“Ano sa palagay mo?” walang gana na balik na tanong ko sa kanya.

“Sa palagay ko?” at natawa siya. Tawang nakakainis sa aking pandinig.

Nang tumigil siya sa pagtawa ay tinignan niya ako ng diretso sa aking mga mata. “Where is your respect, Black Butterfly?” seryosong sabi niya.

Napaunat ako sa aking kinauupuan at medyo lumapit sa kanya. “Black Butterfly is dead,” mahina kong sabi. Pagkatapos ay inilayo ko ang aking sarili sa kanya at seryosong tinignan ko siya. “Kaya mas mabuting huwag na nating pag usapan iyon.”

Ngumiti siya. Ngiting hindi maipaliwanag. “Nakalimutan ko na matagal na palang patay si Black Butterfly.”

Matapos niyang sabihin iyon ay may hinagis siyang maliit na shuriken sa aking direksiyon. Dahil sa bilis ng shuriken ay hindi ko ito naiwasan agad.

Naramdaman ko ng kaonting sakit na nadaplisan ako nito. Tinignan ko ang natamaan na braso ko. Napunit ang mangas ko at nalantad ang aking tattoo.

Hindi ko gusto ang ginawa niyang kapahangasan sa akin.

Sinu
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ic Dan
go black butterfly
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status