Sumagi sa aking isipan ang sinabi ng may piring na mata. Ang bawat kabutihang maibibigay ng kahit na sino'y may kapalit at hindi dapat pagkatiwalaan.
Kinakabahan man ay pagkatitiwalaa ko si Dicky. Babalikan ako nito. Kung hindi niya man ako babalikan ay hindi na ako magtitiwala.
"Mamili ka ng nais mong kasuotan, binibini."
Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na iyon. Kumabog ang aking dibdib dahil sa kaisipaang na rito ito upang gabayan ako.
"Nagkita tayong muli, binibi" ani niya na may ngiti sa labi. May pula pa rin itong piring sa mata.
Hindi ko nagawang magsalita dahil sa mga ngiting nakapaskil sa kaniyang mga labi. Sabayan pa ng malakas na kabog sa aking dibdib. Ang mga ngiti nitong kawangis ng ngiti ni Pawn Cyptus.
"Mr. Crushio ang nais kong isuot ng dilag na ito ay kawangis ng perlas na kasuotan," turan niya at tumalikod na. Dumaan ito sa may bintana. Bago ito tuluyang maka-alis ay sa wakas nagawa ko nang magsalita.
Nagsimulang tumugtog ang orchestra. Napakabanayad ng musika, habang ako'y na natili lamang na nakatayo sa gitna ng mga nagsasayawan. Naaaliw na tinitigan ko ang bawat galaw nila. Pakiramdam ko ay sumasayaw na rin ang aking katawan sa pamamagitan lamang nang pagtitig ko sa kanilang masayang mukha. Huminga ako ng malalim at pinihit ang katawan sa kabilang direksyon. Ginagap ng aking mata kung na saan ang aking mga kasama. Ngunit bigla na lamang namatay ang ilaw. Huminto ang tugtog gayoon din ang paggalaw ng mga tao. Nangyari na ito, bulong ng aking isipan. Nanigas ako sa gitna ng madilim na kapaligiran. Habang malamig na umiihip ang hangin sa aking gawi'y nakararamdam ako ng kakaibang saya. Dinadala ng hangin ang isang pamilyar na amoy na nunuot sa aking ilong. Alam ko kung kanino ito nang gagaling. Nagsipagtayo ang aking balahibo ng makaramdam ng mainit na bagay na lumapat sa aking leeh. "Hindi kita nagawang isayaw, binibini" bulong nito sa aking
Habang na sa himpapawid kami'y hindi ko maiwasang mapasulyap at ilabas ang aking kamay sa may bintana upang hawakan ang mapuputing usok na tinatawag nilang ulap."Pillow, huwag mong inilalabas ang iyong kamay. Baka makita at maamoy ng hungry fish ang iyong aroma at salakayin tayo," saway ni Death sa akin."Hungry Fish?" tanong ko at ipinasok ang aking kamay sa isang maliit na lampara. Nilalamig ako dahil sa dulot na kakaibang enerhiya ng mga ulap sa aking balat."Hungry Fish, sila ang mga isinumpang sirena sa karagatan. Pinarusahan sila at ginawang taga bantay at taga linis ng kalangitan. Sila ang pumapawi sa mga bagyo't sama ng panahon. Ngunit ang iilan sa mga hungry fish ay matitigas ang mga ulo.""Sila pa mismo ang nagpapalakas ng buhawi't mga masasamang klima sa mundo ng mga tao," saad ni Dicky na kasalukuyang umiinom ng tsa-a."Kung gaanoon sila ang dapat sisihin sa mga buhay na nawawala dahil sa paghugupit ng masamang
Nang sandaling ilapat ko ang aking likuran sa kama ay agad akong nakatulog. Nagising ako nang may humila sa aking kumot. Nahulog ako sa kama dahil sa lakas nang pagkakahila nito.Napadaing ako sa sakit at inangat ang aking tingin sa nagmamay-ari ng dalawang pares na mga mahahabng binti. Madilim ang mga mata nitong tumingin sa akin ngunit agad din na tumalikod. Inihagis nito sa akin ang kumot at mabilis na naglakad palabas ng aking ssilid."Bilisan mo't magtungo ka na sa paliguan," turan ni Pawn Cyptus at malakas na isinara ang pinto.Napangiwi na lamang ako habang sinisubukang itayo ang aking sarili. Ngayon ko lang na napagtantong hindi pa rin ako nakapagpapalit ng damit. Napatingin ako sa aking dibdib at bigla napatili. Kaya pa la ito lumabas ay dahil bahagyang nakalabas ang aking panloob na kasuotan.Mabilis kong iniligpit ang kumot at isinalansan ito sa kama. Nagbihis na rin ako upang magtungo sa paliguan. Ito ang unang beses kong makapupun
Nahihiyang umiwas ako nang tingin ngunit hinuli niya ang aking mukha at pilit na ihinaharap sa kaniya."Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang kagustuhan kong makasama ka. Handa kong itigil ang oras at pag galaw ng ng mundo para lamang makasama ka," saad niya at unti-unting inilapit ang kaniya mukha sa akin.Naipikit ko ang aking mata at bigla na lamang rumehistro ang ilan sa mga imaheng hindi ko gaanong mamukhaan. "Magkikita tayong muli sa ikatlong dimension ng buhay," rinig kong wika ng kung sino kung kaya't mabilis akong napamulat.Sobrang lapit ng aming mukha sa isa't isa. Hindi ko alam kung bakit may butil ng luha sa kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin."Ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya at bahagyang inilayo ang aking mukha.Tumango ito at nagtungo sa pinakamalapit na kabinete. Kumuha ito ng napalaking libro. Mugto pa rin ang kaniyang mata habang nakatitig sa akin."Ang kapalarang paulit-ulit mong babaguhin ay paulit-ulit
“Rolean Academy!” a man with black cloak shouted. “No boring classes to attend!” sigaw nito at pilit na nilalapitan ang mga taong pilit naman siyang iniwasan. Napakurap ako ng magawi ang kaniyang tingi sa akin at ang bughaw nitong mata ay diretsyong ang tingin sa aking mata. Naglakad ito patungo sa ’kin. Napalunok ako habang dahan-dahang umihip ang hangin sa gawing kanan ko. Sumabog sa ere ang kahel kong buhok habang tinatangay ng hsngin ang mga hibla nito sa magkabilang panig ng aking katawan. “Wanna come? You are from mortal realm? Aren't you?” tanong pa nito. Tumango lang ako bilang tugon dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. Inabot nito ang sa ‘kin ang isang gintong papel. “Here, your parents, guardian etc. They need to sign this if you are interested to enrolled.” Nakangiting wika nito at naglakad na palayo. Hindi ko man lang nagawang makapagsalita o naitanong man lang ang pangalan niya dahil bigla na lamang itong nagla
Umupo ito sa maliit na lamesa at inimuwestra ang nagbabagang lagusan sa lupa. May mga maliliit na butil ng baga ang sumasayaw sa hangin.Napaatras ako dahil sa samu’t saring pakiramdam na namumutawi sa’king kaloob-looban.“Way to hell ang tawag sa lagusang iyan. Kung magagawa mong makapasok sa loob ng hindi dumadaing ay papayagan kitang mag-aral sa paaralang iyon,” ani nito sa malamig na tinig.Napalunok ako sa kaisipang tumatakbo sa’king utak. Gaano laya ito kainit? Kung magagawa ko bang makapasok, makalalabas pa ba ako?Walang pag-aalinlangang hinakbang ko ang aking mga paa. Gusto kong humiyaw sa labis na init. Ngunit nilabanan na lamang ito dahil ayokong biguin ang kagustuhan kong makapasok sa paaralan.Sa bawat paghakbang ng aking paa ay bumibigat ito. Tila nakatali ang aking mga binti sa napakabigat na bato. At mas lalong dumiin ang aking pagkakapikit ng humaplit sa’king likuran ang isang boltahe ng ku
Ilang beses akong napalunok at hindi magawang iaalis ang paningin sa pagkain. Tiyak kong uunahin ay ang kulay gintong rolyo ng gulay. Binilang ko ang layo nito sa mula sa bawat pagitan ng bawat potaheng na sa plato.Ini-imagine ko ang bawat pagnguya ng aking ngipin sa bawat rolyo ng pagkain na sa lamesa.“Maupo ka at isaulo ang bawat posisyon ng pinggan. Memoryhahin mo ang nasa kaliwa’t kanang pagkain at ipasok mo sa iyong kokote ang mga pangala’t amoy ng mga ito.”Agad ko namang tinitigan ang mga ito.“Mula sa hugis, amoy, lasa at kung saan ito nakalagay ay memoryahin mo sa gitna ng madilim na espasyo ng lugar na ito,” tila isang hipnotismong ani ni tanda.Natutuwang pinasadahan ko nang tingin ang bawat plato. Sinunod ang sinaad ni tanda, minimeryo ang pwesto ng bawat isa. Sa panlasa ay sigurado naman akong agad ko itong malalaman.“Easy!” buong pagmamayabang kong wika.
Napatalon talon ako at parang may sariling buhay ang katawan kong sumasayaw ng mag-isa na walang musika. Hinawakan ko pa ang saya ng aking roba at nakangiting umikot ikot. Napawi ang ngiti sa'king labi ng mapagtanto na hindi na ako ang may kontrol sa katawan ko.“Munting binibini. Lapit, lumapit ka..” wika ng isang tinig sa may puno.Pilit kong pinipigil ang aking katawan ngunit ayaw nitong sumusunod sa'king kagustuhan. Natataranta na ako sa takot. Patuloy lang sa pag-ikot at pagsaliw sa hangin ang aking katawan. Hindi ko alam ang gagawin ko’t ang dapat kong isipin.“Konsentrasyon, Pillow..” mula sa kung saang tinig.Napawi ang aking takot ng mapag-sino ang boses na iyon. Agad akong pumikit at inisip kong anong gusto ko.“Gusto kong makaalis sa lugar na ito..”“Gusto kong makaalis sa lugar na ito..”“Gusto kong makaalis sa lugar na ito..” paulit ulit kong us