Isang malaking bangungot ang pagdating ng isang marriage contract kay Luis na babago sa kanyang buhay. Matatali siya sa babaeng kinaiinisan niya ng sobra at kailanman hindi niya hiniling na maging asawa. At para makuha ang inaasam nitong mana, nakiusap siya sa babae na magkunwari silang masayang mag-asawa. Kasabay ng pagpapanggap nila ay kanila ring inaasikaso ang pagsasawalang bisa ng kanilang kasal. Pero sa kasamaang palad, unti-unting mahuhulog ang loob nila sa isa't isa. Alin kaya ang matutuloy, ang kanila kayang annulment o ang pag-iibigan nilang dalawa.
View More"Fuck! Talagang sinasagad nila ang pasensya ko." Napatalon ang puso ni Mahana sa gulat matapos marinig ang di inaasahang pagsuntok ni Luis sa pader ng kanilang likod bahay. Kinabahan siya ng sobra noong makita ang kabuuan ng lalaki na nag-aalburuto ito sa galit."Luis, kumalma ka." Kinakabahan na usal ni Mahana. Sinusubukan niyang pakalmahin si Luis dahil natatakot siya sa pwede nitong gawin.Hinarap siya ng lalaki, nasindak siya sa binigay na titig ni Luis. "Tangina! Iniipit nila tayo, Hana. Ginagawa nila lahat para hindi matuloy yong annulment natin.""E, hi-hindi naman tayo sigurado kung sila yong may kapakanan sa pagkamatay ni Jade e. Ayon naman kay Kenneth, under investigation pa, wala pang suspek." Depensa ni Mahana, nanginginig ang bawat sulok ng kanyang labi habang nagsasalita. Hinihimas nito ang kanyang mga palad at ramdam na ramdam niya ang panlalamig ng mga iyon dala ng kaba."Tsk! Sino pa ba ang aasahan natin na gagawa non kay Jade? Hana, alam ni Jade kung sino ang may ka
"Luisa Adriana Arevalo, 23 years old, Baresbes!"Napahilamos ng mukha si Mahana matapos marinig ang pagpapraktis ni Luis sa kanyang pagpapakilala mamaya sa stage. Abala si Megan na inaayusan ito, naglalagay ito ng konting makeup sa pagmumukha ni Luis. Inayos din nito ang wig na isinuot ni Luis para talagang magmukha itong babae. "Ang pangit, sobrang cringe pakinggan, promise." Itinaas ni Mahana ang kanyang kanan na kamay habang iyong isa ay napahilot sa kanyang sentido. "E anong magagawa ko, mababa nga talaga 'tong boses ko." Alyansa ni Luis, napakamot pa siya ng bahagya sa kanyang braso dahil ramdam na ang pangangati doon dulot ng suot na gown. "Ipitin mo pa ng konti." Suhestiyon ni Mahana.At sinubukan nga ni Luis na ipitin pa ng konti ang kanyang malalim na boses. Nagpaulit-ulit siya hanggang sa makuha niya ang gusto ni Mahana. Sumasakit na ang kanyang lalamunan kakaipit sa kanyang boses. Hindi pa man nagsisimula ang pageant ay ramdam na niya ang pagod. Gusto nyang tumakbo paali
"Alam ba ng nag-aantay sa'yo na ikinasal ka sa'kin?"Halos mapatalon si Mahana sa gulat nang lumitaw sa kanyang likuran ang boses na iyon ni Luis. Abala na nagkakape sa kusina si Mahana dahil hindi siya madalaw-dalaw ng antok. Lumabas din si Luis ng kwarto upang magpahangin sana sa labas pero nakita niya si Mahana sa kusina kaya nilapitan niya ito."Luis naman, uso mangalabit o pumeke ng ubo hindi 'yong nanggugulat ka." Iritableng tugon ni Mahana saka mahinang hinampas ang braso ni Luis noong dumaan ito sa side niya. "Fine! Sorry." Hinila ni Luis ang upuan na nakatapat kay Mahana. Gusto niya itong makausap dahil ang babae naman ang dahilan kung bakit hindi siya nakakaramdam ng antok. Naupo na siya at pinagkrus ang mga braso sa dibdib nito habang diretsong nakatitig sa babae."Anong sadya mo dito? Bakit gising ka pa? Akala ko ba pagod ka?" Tanong ni Mahana, pagkatapos ay sumimsim sa tasa ng kape."Hindi ako makatulog." Sagot ni Luis."Gusto mo ba ipagtimpla kita ng kape?" Prisinta n
"Tangina! 'Di pa sinabi kung sino e. Papatayin pa 'ko sa pag-iisip."Nag-uusok na reklamo ni Luis matapos mabasa iyong sulat na kanyang natanggap mula may Jade. Padabog niyang ibinaba sa center table iyong papel at napasandal sa kanyang kinauupuan. Sa labis na inis ay nakaramdam siya bahagya ng kirot sa ulo kaya napahilot sya sa kanyang sentido."Bakit, anong sabi?" Kuryosidad na tugon ni Mahana. Hindi nya nabasa iyong nilalaman ng sulat kanina dahil nakaharang ang ulo ni Luis. Wala siyang natanggap na sagot mula sa lalaki kaya naman kinuha ni Mahana iyong papel at kanyang binasa ang nilalaman nito.Mag-ingat ka sa mga nakapaligid sa'yo dahil hindi lahat sayo ay totoo. -jade"Ke laki-laki ng papel tapos yan lang sinulat niya?" Iritableng tugon ni Mahana. Sinilip niya pa sa likod ng papel, nagbabakasakali siyang may nakasulat pa doon pero wala na talaga. Tanging sa harap nito na ang may sulat, kakarampot pa."Argh! Sino ba kasi ang mga potanginang tinutukoy
"Why did you stole my wallet? Alam mo bang pwede kitang kasuhan dyan sa ginawa mo for stealing someone's property?" Nag-uusok ang ilong ni Luis na kinompronta si Mahana pagkarating nila sa bahay.Walang pakialam na naupo si Mahana sa may sala ng kanilang bahay. Napasandal siya roon saka bahagyang napapikit habang si Luis ay nasa harapan nito, nakatayo at nag-aalburuto sa galit."Hindi ko naman ninakaw e." Simpleng sagot ni Mahana, dumilat pa siya ng bahagya upang tignan si Luis.Napakunot-noo si Luis sa sinabi ng babae. Hindi siya kumbinsido sa sagot nito dahil wala siyang makitang ibang rason kung bakit na kay Mahana iyong wallet niya kundi sa paraang ninakaw niya ito."E bakit nasa 'yo?""Napulot ko nga lang, hindi ko naman alam na sa'yo pala yon e." Depensa nito, umayos ng upo si Mahana saka pinagkrus ang mga braso sa may dibdib nito.Napailing-iling si Luis. "So, sa akin man 'yon o hindi, wala ka talagang balak ibalik 'yon? Ang malala pa don, winaldas mo pa 'yong pera."Napangiwi
"Magtitinda ba ko o rarampa? Kung ano-ano pa kasi pinapasuot mo." Hindi maipinta ang mukha ni Luis habang nagrereklamo dahil sa ipinasuot ni Hana sa kanya at nagmumukha syang jejemon.Nakasuot ito ng sando at kitang-kita ang kalakihan ng kanyang mga biceps. Naglagay din si Hana sa kanyang ulo ng bandana na animoy isa syang manggagamot. Nakasuot sya ng half pants na maong at kitang-kita rin ang kaputihan ng kanyang mga binti. Hindi siya komportable sa kanyang suot dahil pakiramdam nya nagmumukha syang katawa-tawa."Huwag mong alisin, ang angas mo kayang tignan. Tiyak maraming bibili sa'tin ngayon." Inayos-ayos niya pa ang bahagyang nagulo na buhok ni Luis. "Basta 'yong napraktis natin kanina sa bahay ah? Ganon dapat ang gawin mo para maengganyo ang mga tao na bumili sa'tin, okay?" "Oo na sige na." Pagsuko ni Luis at napakamot sa kanyang ulo. Pumaroon na sya sa pwesto kung saan itinuro ni Hana. Pumwesto na rin si Hana sa kanilang paninda, bahagya niyang inayos ang mga gulay na nakalat
"Hindi ka pa pwedeng mamatay, hindi pa ako nakakaganti sa'yo." Natawa na lamang si Mahana sa narinig niyang usal ni Luis noong kinukulit siya nitong sabihin ang kanyang sakit dahil sa walang humpay na katanungan kung para saan ang gamot na iniinom nito. "Psh! Akala ko pa naman concern ka sa health ko. Hmp." Nagkunwaring nagtatampo na tugon ni Mahana, kanyang ipinagpatuloy ang pagtutupi na kanyang ginagawa sa mga damit na nilabhan ni Luis kaninang umaga.Hindi siya tinantanan ng lalaki hangga't hindi nakukuha ang kasagutan na hinihingi niya. Parang may sili ang pwet ni Luis dahil hindi siya makapirmi sa kinauupuan. Nakailang kalabit at panunuyo na siya kay Mahana para lang pagbigyan siya nito."So, para saan nga 'yon? Doctor's prescribed ba 'yon? Nakakahawa ba yang sakit mo? Nakakamatay? Ilang years ka pa daw mabubuhay?" Sunod-sunod na tanong ni Luis.Nakakunot-noo si Mahana sa pagiging overacting ni Luis."Ang OA ah." Inirapan niya ang lalaki."Para saan nga kasi? Kanina pa 'ko nagt
"Hoy! Gisinggg! Pasunog na ang dagat, 'di ka pa bumangon!"Kasabay ng nakakabinging sigaw ni Mahana ay ang paghampas nito sa hawak ng takip ng kaserola at sandok sa kabila nitong kamay. Kaagad na napabalikwas ng bangon si Luis dahil sa gulat."What the? Itigil mo nga 'yan, ang sakit sa teinga." Singhal nito sa babae, hindi niya napigilan ang inis na nadarama kaya kinuha niya ang yakap-yakap nitong unan kanina ay kanya itong ibinato kay Mahana pero kaagad naman itong nakaiwas."Bumangon ka na kasi dyan. May nag-aantay sa'yo."Nagising ang diwa ni Luis sa sinabing iyon ni Mahana na may naghihintay sa kanya. At sa labis na excitement, napabalikwas siya ng bangon sa pagkakahiga. Mas mabilis pa sa takbo ng kabayo ang ginawa niyang paglabas sa kwarto ni Mahana, doon siya pinatulog ng babae kagabi dahil ayaw niya itong katabi."Excited ah." Natatawang sambit ni Mahana. Sinundan niya si Luis palabas ng kwarto. Natawa nalang siya sa naging reaksyon ng lalaki.Hindi na niya pinansin si Mahana,
"Mamang!"Napunta ang tingin ni Luis sa matandang babae na bagong dating lamang. Nakasuot ito ng pangbukid, at saktong nagtama ang kanilang tingin. Mukhang kilala rin siya ng ginang dahil pigil ang ngiti nito na inilahad ang kamay upang magmano si Mahana."May kasama ka pala, nak." Ani ng ginang, tinutukoy si Luis na noon ay napaiwas na ng tingin.Sinundan ng tingin ni Mahana iyong titig ni Cynthia, ang kanyang mamang. "Ah, Luis, si Mamang ko pala, Mamang si...si Luis po." Kagat-labi na pagpapakilala ni Mahana sa kanyang bisita.Tumayo si Luis, ay walang kahirap-hirap na inilahad ang kamay nito upang makipagshakehands. Tinanggap iyon ni Cynthia na may ngiti sa kanyang mga labi. Matapos makipagkamay ay bahagya siyang napabulong kay Mahana. "Saan ka nakabili ng gayuma at kasama mo itong si Luis ha?""Mang! Tumahimik ka." Suway nito."Ah Luis, huwag kang mahihiya ah? Feel at home lang." Usal ng ginang."Sige po.""Naku! Pasensya na, madumi ako, galing ako ng bukid e. Teka at magpapalit
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.