Playing Pretend with Mr. Billionaire Sa kagustuhang lumimot sa kataksilan ng kasintahan at sariling pinsan ay aksidenteng naibigay ni Jocelle ang virginty sa isang estranghero.
Nang magtagpong muli ang landas nila ay napag-alaman ni Jocelle na isa itong bilyonaryo at maimpluwensyang tao kaya nakapagtataka ang pinapakita nitong interes sa katulad niyang malapit nang lumagpas sa kalendaryo.
Nag-alok pa ito ng tulong upang tigilan na siya ng ex niyang matapos ikasal sa kanyang pinsan nagpapakita ulit ng interes sa kanya.
Paano nga ba niya matatanggihan si Rowain Michael gayong binubuhay ng bawat ngiti nito ang natutulog niyang katawang lupa?
A Bullet for LoveHe's her enemy but he possessed her first love's face.
Paano mo itututok sa kalaban ang hawak mong baril kung taglay nito ang mukhang nakaukit sa iyong puso't isipan?
Dalawang katauhan na may iisang mukha na kayang patibukin ang pusong minsan nang nawasak.
Maaari bang ipagpapatuloy ang naudlot na damdamin ng taong nagtataglay ng kaparehong mukha ng taong minsan ay kinuha sa iyo ng pagkakataon?
Ano ang pipiliin mo? Pamilya o pag-ibig?